‘Time is too slow for those who wait, too swift for those who fear, too long for those who grieve, too short for those who rejoice, but for those who love, time is eternity.’ Lahat naman kami ay napatigil ng marinig namin na parang may tumawag kay Andrew. Agad naman na lumingon si Andrew do’n sa babae, at dahil nakasabit pa rin ako sa balikat niya ay nauntog pa ako sa side mirror ng katabing sasakyan. “Aray!” sabi ko pa ng maramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa salamin. Agad naman niya akong binaba kaya naman napaupo ako sa sakit. Nakakainis, ang dami nang masakita sa akin ngayon, mula ulo hanggang paa. Nang mabitawan naman ako ni Andrew ay pa-simple ko pa siyang sinipa pero nakaiwas naman siya kaagad. Mabilis din namang lumapit sa akin sina Hazel at Luna at inalalayan nila akong tuma

