Chapter 46

1073 Words
‘The shorter way to do many things is to only do one thing at a time.’ – Wolfgang Amadeus Mozart Ilang minuto na ang lumipas simula nang makasakay ako sa kotse niya pero hindi pa rin siya pumapasok. Nang tignan ko tuloy kung anong ginagawa niya ay naninigarilyo pala siya labas. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatingin sa kanya pero agad ko ring binaling sa iba ang paningin ko. Baka mamaya ay mapansin at maramdaman niya pa na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Hindi na lang din naman na ako nagsalita pa at hinintay na lang siyang matapos na manigarilyo. Sa simula pa lang, isa sa mga ayaw ko sa lalaki ay ang naninigarilyo. Alam ko naman na mahirap tigilan ang gano’ng bisyo, pero ayaw ko lang talaga. Kaya nga kapag may nakikita akong naninigarilyo sa kalsada ay umiiwas kaagad ako. Hindi ko alam kung ako lang ba pero ang sakit kasi sa ilong no’ng amoy kaya naman kapag nakakaamoy talaga ako ng usok ay grabe ang pag-ubo ko. Pero ewan ko ba, ngayong nakita kong naninigarilyo si Andrew, imbes na mainis sa ginagawa niya ay pakiramdam ko parang astig niya pang tignan. Para bang ang cool kapag sa kanya ko nakikita ‘yong paglabas ng usok sa bibig niya. Hindi ko tuloy napansin na nakatingin na naman ako sa kanya kaya naman nang humarap siya sa pwesto ko ay nakita niya na nakatingin ako sa kanya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil parang bigla akong nahiya kahit wala naman akong ginagawa. Napansin ko naman na tinapos na niya ang ginagawa niya at sumakay na rin sa sasakyan. Pagpasok niya ay naamoy ko naman kaagad na parang amoy strawberry siya. Napakunot tuloy ang noo ko sa kanya at mukhang napansin naman niya ‘yon. Nagulat pa ako ng alukin niya ako no’ng sigarilyo niya. “Vape?” tanong niya kaya naman umiling ako. Kung gano’n ay vape pala ang tawag do’n. Mukhang late na pala ako sa balita na nag-level up na pala ang sigarilyo. Napansin ko naman na ibinalik na niya sa bulsa niya ‘yong vape at nagsimula nang paandarin ang sasakyan. “Naninigarilyo ka pala?” wala sa sariling tanong ko sa kanya. Pa-simple naman akong napakurot sa kamay ko. Kahit kailan talaga Tracy ‘yong mga tanong mo, pang-shunga, obvious naman na dahil nakita mo na nga siya kanina. Saglit naman siyang tumingin sa akin kaya naman hindi ko maiwasang mailang. “Yeah, bihira lang din naman,” sagot naman niya at hindi na ako nagsalita pa. Wala rin naman na siyang sinabi kaya naman ang tahimik na sa sasakyan. Ang awkward tuloy dahil sobrang tahimik. Bigla ko na naman tuloy naalala ‘yong nangyari kanina kaya naman napahawak ako sa pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula ako. Pa-simple naman akong sumilip sa pwesto niya at napansin ko na ang seryoso niya lang habang nagmamaneho. Pakiramdam ko tuloy ay parang wala lang sa kanya ‘yong nangyari. Balak ko sanang itanong kanina kung bakit niya ginawa ang bagay na ‘yon kung pwede naman na umalis na lang kami kaagad. Pero hindi na rin naman na ako nagkaro’n pa ng pagkakataon na magtanong dahil nga nag-vape siya kanina. Hindi ko rin naman maitanong ngayon dahil nahihiya ako. Hindi ko tuloy alam kung kakalimutan ko na lang ba ‘yong nangyari o ano. Hindi ko naman kasi alam kung paano magre-react sa ganitong bagay. Buti sana kung kasama ko si Hazel at makakapagtanong ako sa kanya kung ano ba ang dapat kong gawin. Kaya lang ay wala naman siya kaya hindi ko rin alam ang gagawin ko kanina. “First kiss mo ba ‘yong kanina?” biglang tanong niya kaya naman nasamid ako kahit wala akong iniinom. Agad tuloy akong napahampas sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko. Saglit naman niyang inihinto ang sasakyan at kaagad akong inabutan ng tubig. Nang makainom ako ay umayos naman na ang pakiramdam ko at feeling ko ay nakakahinga na ulit ako ng maayos. Ilang segundo niya pa akong tinignan habang naiiling na nagmaneho ulit. Hindi ko tuloy alam kung maiinsulto ba ako sa ginawa niya o hindi pero wala naman na siyang ibang ginawa. Hindi ko naman na nasagot ang tanong niya dahil nahihiya na rin ako. “First kiss mo nga,” natatawang sabi niya pa kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. “Excuse me?” inis na tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako. Pero nang tumingin siya sa akin ay ngumiti lang naman siya at saka ibinalik ang tingin sa kalsada. “Hindi ka kasi marunong humalik,” sabi niya pa kaya naman tuluyan na akong humarap sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay ano mang oras ay mahahampas ko sa kanya ang bote ng tubig na hawak ko. “Iniinsulto mo ba ako?” hindi ko na mapigilang tanong sa kanya dahil naiinis na ako. Hindi ko na kasi alam kung inaasar niya lang ba ako o nang-iinsulto na siya. “Bakit na-iinsulto ka ba?” balik na tanong niya at nginisian ako. Hindi tuloy ako makapaniwala sa ginawa niya. magpapasalamat na sana ako sa kanya dahil tinulungan niya ako pero parang ayaw ko nang gawin ‘yon dahil iniinsulto niya nga ako. Ano naman kung hindi ako marunong humalik? Understandable naman siguro ‘yon dahil first kiss ko ‘yong kinuha niya kanina. Pero syempre hindi ko sasabihin ‘yon dahil may pride pa rin naman ako. Hindi ako papayag na maliitin niya lang ako dahil lang sa hindi pa ako marunong humalik. “Excuse me? Hindi ako na-iinsulto,” mayabang na sabi ko pa sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. “And for your information, marunong kaya akong humalik,” pagtataray ko pa. Hindi naman talaga ako marunong pero hindi ko sinabi. Naramdaman ko naman na bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya saglit akong napatingin sa harapan at sa saka sa kanya. Pero gano’n na lang ang pagkabigla ko nang bigla-bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin kaya naman napaatras ako. Mauuntog pa sana ako sa bintana dahil sa pag-atras na ginawa ko pero mabuti na lang at nahawakan niya kaagad ang ulo ko kaya naman hindi natuloy. ‘Yon nga lang ay hinatak niya ako papalapit sa kanya kaya naman sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t isa. “Kung marunong ka, gusto mo subukan natin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD