Chapter 45

1226 Words
‘Time is more valuable than money. You can get more money, but you cannot get more time.’ – Jim Rohn Imbes na matakot ay nilakasan ko na lang ang loob ko para naman makalaban sa kanya. May advantage pa rin ako dahil lasing na siya. Kaya lang ay kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa rin ako makawala sa pagkakahawak niya. Ang higpit pa ng yakap niya sa akin kaya naman hindi ako makaalis. Hanggang sa naisip ko ang isang bagay na kailan man ay hindi ko naisip na gagawin ko. At dahil nakatalikod ako sa kanya ay nagpumilit naman ako na humarap sa kanya. Akala niya siguro ay sumasabay na ako sa balak niya kaya naman mas lumawak pa ang ngiti niya. Ngumiti rin naman ako hindi dahil nagugustuhan ko ang ginagawa niya kung hindi dahil sa naiisip kong gawin sa kanya. Sayang, maitsura pa naman siya at mukhang edukado, kaya lang ay bastos at manyak kaya ekis siya sa akin. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ‘yong mga lalaking nambabastos ng babae. Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na ginawa ang plano ko. Binuhos ko ang buong lakas ko para lang tuhurin siya sa p*********i niya kaya lang ay naunahan na niya ako. Bago pa man tumama ang tuhod ko sa kanya ay naunahan na niya akong pigilan ‘to. Nasalag niya tuloy ang tuhod ko. Bigla namang nawala ang pagkakangiti ko dahil sa ginawa niya. Nawala rin naman ang mga ngiti sa mukha niya at bigla siyang sumeryoso kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kaba. This time ay hindi ko na alam ang gagawin ko dahil parang biglang na-blangko ang isip ko. “You wanna play with me, huh,” nakangising sabi niya pa at walang ano-ano na itinulak ako palayo sa kanya. Napapikit na lang ako dahil akala ko ay babangga ako sa pintuan kaya lang ay hindi nangyari ‘yon dahil naramdaman ko na may dalawang kamay ang pumigil sa akin at nakahawak ngayon sa braso ko. Kung hindi niya siguro ako nasalo ay baka sa pintuan na ako bumangga. Kaagad naman akong nag-angat ng tingin at gano’n na lang ang pagkawala ng bahala ko ng makilala ko ang lalaki na nasa likuran ko. Tinutulungan naman niya akong umayos ng pagkakatayo at itinago sa likuran niya. At dahil mas malaki siya sa akin ay halos hindi ko na rin makita ‘yong lalaki kanina. “Bro, she’s my toy. Humanap ka ng sa’yo,” narinig ko pang sabi no’ng lalaki na bumastos sa akin kaya naman hindi ko mapigilan na makaramdam ng pagkainis. Susugod na sana ako para lang gantihan siya sa sinabi niya kaya lang ay pinigilan na ako ni Andrew. “Then sorry to say, she is my girl, and not just your toy,” narinig kong sabi niya kaya naman natigilan ako at agad na napatingin sa kanya. Pero mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil seryoso siyang nakatingin do’n sa lalaki. Pakiramdam ko tuloy ay parang may kung ano sa tiningin nila dahil wala talagang nag-iiwas ng tingin. Napatingin lang ako do’n sa lalaki no’ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya, tingin ko tuloy ay nababaliw na talaga siya, mukhang masyado nang marami ang nainom niya at dumiretso sa utak niya. “Then prove me,” mayabang na sabi pa nito at agad na ininom ang alak na dala-dala niya kanina. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mukhang nasisiraan na talaga ng ulo ang isang ‘to dahil kung ano-ano na ang lumalabas na salita sa marumi niyang bibig. Pero mas nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni Andrew. Dahil imbes na sagutin niya ‘yong lalaki ay naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko at iniharap sa kanya. At mas nabigla pa ako sa ginawa niya dahil inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaya naman kapag gumalaw ako ay paniguradong mahahalikan ko na siya. Hindi ako makapagsalita kaagad dahil sa gulat kaya naman nanlalaking nakatingin lang sa kanya ang mata ko. Nakatingin lang din siya sa akin kaya naman bigla akong nailang, lalayo sana ako kaya lang ay mas inilapit niya pa ang mukha niya. Dahil sa ginawa niya ay sobrang liit na lang ng distansya ng mga mukha namin, pakiramdam ko tuloy ay naduduling ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon, pero hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko na may tutulong na sa akin. “Just go with the flow,” wika niya pa at tuluyan na akong na-estatwa sa ginawa niya. Hindi kaagad ako makapag-react dahil pakiramdam ko ay sobrang bilis ng mga pangyayari. Hinalikan niya lang naman ako kaya naman hindi ko talaga magawang makapag-react kaagad. Akala ko ay pagdampi lang ng mga labi namin ang mangyayari pero maya-maya lang ay naramdaman ko na gumalaw siya at hinahalikan na niya talaga ako kaya naman mahigpit akong napahawak sa braso niya habang ang isang kamay ko ay tumatapik sa dibdib niya para patigilin siya. Saglit naman siyang huminto at seryosong tumingin sa akin. “Kung gusto mong makaalis dito, kiss me back,” sabi niya pa at muli ulit akong hinalikan. Nang mga oras na ‘yon ay hindi ko alam ang gagawin dahil hindi naman ako marunong humalik. First kiss ko lang naman ang kinuha sa akin ni Andrew kaya naman kahit sinong babae ata ang manakawan ng halik ay hindi kaagad makakapag-react. Ilang segundo pa ay saka lang din pumasok sa isip ko ang sinabi niya. At dahil wala naman akong ibang choice ay sumunod na lang ako sa kanya. Dahil masyado siyang matangkad para sa akin ay kailangan ko pang tumingkayad at humawak sa mga braso niya. Hindi ako marunong humalik kaya naman sinundan ko na lang ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa gano’ng posisyon hanggang sa siya na rin ang unang humiwalay kaya naman umatras na rin ako at naghabol ng hininga. Napansin ko naman na muli siyang humarap do’n sa lalaki, haharap din sana ako kaya lang ay nanatili siyang nakayakap sa bewang ko kaya naman nakaharap lang ako sa kanya. Akala ko ay may sasabihin pa siya kaya lang ay hinawakan na niya ako sa kamay at umalis na kami ro’n. Hindi naman na ako umangal at sumunod na lang sa kanya. Hinatak niya lang ako hanggang sa makababa kami at makalabas ng bar. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kamay namin na magkahawak. Alam ko naman na walang malisya ‘yon sa kanya kaya lang ay hindi ko maiwasan na isipin ang bagay na ‘yon. ‘Yong mga first time ko kasi ay nakuha na niya, ‘yong unang halik at unang holding hands. May naka-holding hands na rin naman na ako pero sila Hazel at Luna lang kaya naman hindi ko maiwasang ma-conscious sa pagkakahawak ng kamay naming dalawa. Nang makarating kami sa parking lot ay hindi naman siya nagsasalita kaya hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sasabihin ko sana na dala ko ang sasakyan ko kaya lang ay may kinuha siya sa bulsa niya at narinig ko na tumunog ‘yong isa sa mga SUV. Mukhang may dala rin pala siyang sasakyan. Kaya naman nang makalapit kami ro’n ay hindi na ako umangal pa at sumakay na lang din sa loob ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD