Chapter 44

1253 Words
‘It's not enough to be busy, so are the ants. The question is, what are we busy about?’ – Henry David Thoreau Nang makuha ko ang order ko na inumin ay kaagad din akong umalis at dumiretso sa bar kung saan kami nagkita rati ni Andrew. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na nando’n siya ngayon. Sana lang talaga ay tama ang hinala ko dahil kung hindi, hindi ko na rin alam kung saan ko pa siya hahanapin. At dahil ilang metro na lang din naman na ang layo ko sa bar ay binilisan ko na ang pagmamaneho. At dahil alam ko na traffic pa rin ay naghanap na ako ng ibang daan kaya naman ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa bar. Pagbaba ko ng sasakyan ay napansin ko na ang dami na rin palang customer. Pagpasok ko sa loob ay agad kong napansin ang mga tao na nag-iinumin. Kahit na hapon pa lang pala ay marami na rin talaga ang nag-iinuman dito. Goodluck na lang talaga sa mga atay nila. Hindi ko naman na sila pinansin pa at dumiretso sa table kung saan kami naka-pwesto rati. Habang papalapit ako ay napansin ko na may lalaking nakaupo ro’n pero nakatalikod sa akin kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Napangiti na lang tuloy ako habang papalapit sa pwesto niya. Sabi na at tama ang hinala ko na rito ko siya makikita, bakit ba kasi ngayon ko lang naalala. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay agad ko siyang tinawag, excited pa ako dahil sa wakas ay nahanap ko na rin siya. Kaya lang ay nawala ang lahat nang ‘yon ng humarap sa akin ‘yong lalaki. Bigla tuloy akong napaatras at nag-sorry na lang sa pang-aabala ko sa kanya. Agad naman akong umalis sa pwesto niya dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Dahil hindi si Andrew ‘yong lalaki na naka-pwesto ro’n. Para tuloy akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa nangyari, hindi ko na tuloy alam kung saan siya hahanapin pa. Pero imbes na umalis kaagad ay nagpasya ako na libutin muna ang buong bar dahil baka mamaya ay sa iba lang pala siya naka-pwesto. Medyo malawak din ang bar kaya naman kailangan ko pang isa-isahin na puntahan ang bawat table. Kaya nga pa-simple na lang akong dumadaan para naman hindi nakakahiya. At kagaya ng sabi ko kanina, kahit na hapon pa lang ay marami na kaagad ang nag-iinumin, kailangan ko pa tuloy tignan ang bawat table na may lalaking naka-pwesto dahil baka mamaya ay si Andrew na ‘yon. Natignan ko na ang lahat ng table rito sa baba pero hindi ko siya nakita kaya naman dumiretso ako sa taas. May second floor kasi ang bar na ‘to at may VIP room pa. Sa ibaba kasi ay do’n talaga pume-pwesto ‘yong mga taong gusto talagang mag-party habang ‘yong mga nandito naman sa taas ay gusto lang tumambay, maging mapag-isa, o uminom lang talaga. Ilang tao pa tuloy ang napagkamalan ko na si Andrew dahil puro sila solo-solo sa table. Mabuti na lang din talaga at naka-sandals lang ako kaya naman hindi nakakapagod at hindi masakit sa paa. Ang dami ko nang natignan na table pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kaya nga habang pakunti nang pakunti ang titignan ko ay parang pinaghihinaan na talaga ako. Kasi kung hindi ko siya makikita at mahahanap dito ay hindi ko na talaga alam kung saan pa ako pwedeng pumunta para lang hanapin siya. Maya-maya lang ay may kumalabit sa akin kaya naman agad akong napatingin sa likuran ko. Do’n ko lang napansin ‘yong lalaki na napagkamalan kong si Andrew kanina. Magtatanong pa lang sana ako kung anong kailangan niya ng bigla niya akong alukin ng alak. Okay, isang malanding nilalang na naman ang nakaharap ko ngayon. Nakakapagtaka lang na hindi naman pang-bar ang suot ko ngayon pero nagawa niya pa ring lapitan ako, samantalang ang dami-dami namang babae rito na halos kakapiranggot na lang ang telang suot. “What do you need?” mataray na tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi pwede sa kanila ang maayos na pakiusapan kaya kailangan pang tarayan para lang tantanan ka. Kaya ayoko rin talagang pumupunta sa mga bar dahil sa mga lalaking kagaya niya. “Want to have a drink with me?” sabi niya at kinindatan pa ako. Parang nagtaasan tuloy ang balahibo ko dahil sa ginawa niya. At imbes na sumagot sa kanya ay tumalikod na lang ako dahil ayoko nang sayangin pa ang oras ko sa kagaya niya. Kaya lang ay mukhang hindi siya marunong makaintindi dahil imbes na tigilan ako ay bigla niya akong hinatak. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis sa pagkakahawak niya. Kaya lang ay masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Hanggang sa mapansin ko na lang na nasa hallway kami papuntang CR. CR? Ano namang gagawin namin dito, ano isasama niya ako sa pagpunta niya sa banyo? “Ano ba, bitawan mo nga ako,” inis na wika ko sa kanya at muling hinatak ang braso ko pero hindi talaga niya ako binibitawan. Pasalamat na lang talaga siya at naka-flats ako dahil kung hindi ay baka naihampas ko na sa ulo niya ang heels ko. Pero para naman siyang bingi dahil hindi niya pa rin ako binibitawan, mas hinigpitan niya pa nga ang pagkakahawak sa akin kaya naman nararamdaman ko na rin ang sakit. Feeling ko tuloy ay babaon na sa braso ko ang mga daliri niya kapag diniinan niya pa. Kung hindi lang talaga siya matangkad ay baka kanina ko pa siya nabatukan. Kanina pa ako nagpupumiglas pero wala man lang tumutulong sa akin kahit na may iilan nang nakakita sa amin. Peste, mga walang malasakit sa kapwa sana ay karmahin kayo, inis na wika ko sa sarili ko. Hanggang sa tuluyan niya akong madala sa CR, at ang loko ay sa CR pa talaga ng mga lalaki. Mabuti na lang at walang ibang umiihi dahil baka mamaya kung ano na ang nakita ko. Kaya lang mukhang malas talaga ako ngayon dahil wala rin pala akong mahihingan ng tulong. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan dahil nakangiti pa siya habang nilalapag niya sa lababo ang baso ng alak na kanina niya pa hawak. Napaatras na lang tuloy ako dahil pakiramdam ko ay may hindi siya magandang gagawin. Bakit ba kasi hindi ko naisipan na magdala ng kahit anong pang-self-defense. Wala tuloy akong panlaban sa kanya. At dahil napansin ko na mukhang lasing naman na siya ay kailangan ko na lang makatakbo papunta sa pintuan, mabuti na lang at hindi niya naisipan na i-lock ‘yon kaya naman hindi ako mahihirapang tumakas. Nagbilang naman ako ssa utak ko para handang tumakbo at nang matapos akong magbilang ay agad akong tumakbo at sumingit sa gilid niya papunta sa pinto. Kaya lang ay agad din niyang nahatak ang buhok ko kaya naman napasandal ako sa dibdib niya. Kainis! Bakit ba naman kasi ang haba ng buhok ko, sa susunod talaga ay magpapagupit na ako. Naramdaman ko naman ang braso niya na yumakap sa bewang ko habang inaamoy niya ang buhok ko. Ang tanga-tanga ko talaga at mukhang manyak pa ‘tong nakaharap ko. Kung alam ko lang talaga na aabot ako sa ganito ay sana nagdala na ako ng kahit anong bagay sa bahay ba pwede kong magamit for self-defense.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD