Chapter 43

1222 Words
‘Time is the wisest of all things that are, for it brings everything to light.’ – Thales Pagkatapos kong maligo ay binilisan ko na ang pag-aayos dahil mukhang patapos na rin naman nang magluto si Luna. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ako makakapunta sa event ko mamaya kaya lang ay parang biglang umurong ang dila ko. Kaya naman imbes na magsabi pa sa kanya ay hinyaan ko na lang. Nang matapos akong makapili ng damit na susuotin ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Sakto naman na katatapos niya lang din maghanda ng pagkain kaya naman naupo na rin kaagad ako. “Mamaya, bago ka umalis, tumawag ka na lang ng maglilinis ng mga gamit mo,” sabi niya pa kaya naman tumango na lang ako sa kanya. “Kahit hindi na linisin ‘yan, kusa rin namang maayos ‘yang mga kalat bukas.” “Huh? Anong sinasabi mo?” tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Napailing na lang ako sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya masyadong narinig ‘yong sinabi ko kanina. Hindi ko naman namalayan na nasabi ko pala ang bagay na ‘yon na dapat ay sa isip ko lang. Minsan talaga hindi ko mapigilan na mainis sa sarili ko, may mga oras kasi talaga na parang nawawala ako sa sarili. Kaya naman kapag nangyari ‘yon ay kung ano-ano na ang nasasabi o nagagawa ko tapos pagsisisihan ko rin naman pagkatapos, kapag nasa tamang pag-iisip na ulit ako. Mabuti na lang at hindi na rin masyadong nagtanong pa si Luna kaya naman nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay wala talagang nagsasalita sa amin kahit isa kaya naman hindi rin ako masyadong mapakali sa pagkakaupo ko. Pakiramdam ko kasi ay galit si Luna pero ayaw niya lang ipakita sa akin. Kaya naman hindi rin ako makakain ng maayos dahil ang awkward. Hanggang sa matapos kaming kumain na dalawa ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Iniligpit ko na lang din sa lababo ang mga pinagkainan para naman hindi masyadong awkward. Napansin ko naman na inilagay niya na lang sa ref ang cake na dala-dala niya kanina. “Ipasabay mo na lang din ‘yang mga hugasin sa maglilinis mamaya dahil may pupuntahan ka pa. Hihintayin ka na lang din namin ni Hazel na magsabi mamaya,” seryosong sabi niya sa akin kaya naman humarap ako sa kanya. “Thank you,” mahinang sabi ko at ngumiti naman siya sa akin. Kahit na wala na siyang sinabi pa ay ayos na sa akin ‘yon dahil alam ko na hindi siya galit sa akin. Kilalang-kilala ko naman na sila kaya alam ko na kaagad kung galit ba sila o hindi. “I need to go. May mga kailangan pa muna kasi akong asikasuhin sa shop,” paalam niya at inayos na ang gamit niya. “See you later,” she said at saka lumabas na. Inihatid ko naman siya hanggang sa elevator at nang magsara ‘yon ay parang nakahinga naman ako ng maluwag. Kaagad naman akong bumalik sa unit ko at bumungad ulit sa akin ang makalat kong sala at kwarto. Ngayon ko lang napansin na grabe rin pala ‘yong kalat na nagawa ko. Kaya rin siguro akala ni Luna kanina na may magnanakaw na nakapasok, kasi parang hinalughog talaga ang lahat ng gamit ko. Hindi ko na lang ‘to pinansin pa at kaagad na kinuha ang gamit na kailangan ko. Kailangan ko rin namang makaalis kaagad dahil kailangan ko pang hanapin si Andrew. Sobrang kailangan na talaga naming mag-usap, isang araw na ang nasayang namin kaya naman mas mabuti kung makakakilos kaagad kami para hindi na umabot pa ng sobrang tagal ang time loop na ‘to. Dahil seryoso, sobrang nagsasawa na rin ako sa sitwasyon na mayro’n ako. Pakiramdam ko ay nakakulong ako at pwede ko lang gawin ay ‘yong mga bagay na nagawa ko na rati. Na kapag hindi ko ‘yon ginawa at sinunod ay mapaparusahan ako, at ‘yon ‘yong pagpatay sa akin. Nang makababa ako ay dumiretso kaagad ako sa sasakyan ko at sinimulan na ang pagmamaneho. Habang nasa kalsada ay bigla tuloy akong napaisip kung saan nga ba ako pupunta. Saka ko lang din naalala na hindi ko nga pala alam kung saan pupuntahan si Andrew. Hanggang ngayon naman ay sinusubukan ko na alalahanin ang number ni Andrew, pero pagdating talaga sa kalagitnaan ay nahihinto ako dahil hindi ko maalala ang karugtong. Halos pitong numero lang ata ang nakabisado ko. Hindi ko naman pwedeng hulaan ‘yong huling apat na number dahil masyadong marami. Buti sana kung isa o dalawa lang ang kulang dahil pwede kong subukang tumawag nang tumawag. Hindi ko tuloy alam kung saan ako didiretso ngayon. Kanina pa ako paikot-ikot sa daan pero hindi ko naman alam kung saan ako didiretso. Hanggang sa mapansin ko na lang na mauubos na pala ang gas ko. Mabuti na lang at may malapit na gas station kaya naman nakapagpa-gas kaagad ako. Ilang beses pa akong umikot-ikot sa pagba-baka sakali na makita ko siya sa daan. Hindi ko rin naman maiwasan na kabahan dahil anong oras na rin, sana lang ay wala pang nangyayaring masama sa kanya. Hanggang sa mapagod na rin ako sa pagmamaneho dahil ilang oras na rin talaga akong paikot-ikot. Idagdag mo pa na kahit naka-aircon ako ay ramdam ko pa rin ang init sa labas mula rito sa sasakyan ko. Kung normal na araw lang ‘to ay baka nasa unit ako at nagsusulat o hindi kaya ay nanonood ng Korean drama. Nakakatamad naman kasing lumabas kapag ganito, kaya nga minsan hindi ko maintindihan ‘yong mga tao na excited gumala kahit na tirik na tirik ‘yong araw. Mas okay din kasi na mag-stay lang talaga sa bahay at magkulong sa kwarto lang. Huminto naman ako sandali sa gilid ng isang fast food chain, mabuti na lang at may bakanteng space kaya naman hindi ako nakaharang sa daan. Parang nangalay din kasi ‘yong kamay ko kaya naman ipapahinga ko muna ‘to kahit ilang minuto lang. Kaysa naman magpaikot-ikot ulit ako lalo na at hindi ko alam saan ako pupunta. Kaya naman mas okay na dito na lang muna ako habang nag-iisip ng lugar kung saan pwedeng pumunta si Andrew. Sa aming dalawa ay siya ang may photographic memory, kaya naman sana ay hinahanap niya rin ako. Pero kung gano’n ay baka magkasalisi kami dahil parehas din pala kaming naghahanapan. Ay, bahala na nga, kapag nagkita kami ay dapat ibigay ko kaagad sa kanya ang number ko para maalala niya. Ang hirap naman kasing maging makakalimutin, nakaka-frustrate. Ang init na nga ng panahon ay ang init pa ng ulo ko. Kaya naman imbes na mas mainis ay nagpasya ako na bumili na lang muna ng inumin. Mas mahihirapan kasi akong mag-isip kung wala akong iniinom o kinakain. Ewan ko ba, feeling ko lang mas productive ang utak ko kapag nabubusog ang tiyan ko. Nag-drive-thru na lang din ako dahil ayaw ko ng pumili pa at bumaba ng sasakyan dahil sobrang init. At habang naghihintay ng inumin ay saka may biglang pumasok sa isip ko. Mukhang alam ko na kung saan ako dapat pumunta. Sana nga lang ay tama angt hinala ko para naman hindi masayang ang pagpunta ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD