‘I believe we are here on the planet Earth to live, grow up and do what we can to make this world a better place for all people to enjoy freedom.’ – Rosa Parks “Nang pumunta ako rito kanina, nakita ko yong sasakyan na ginagamit mo kapag papatayin mo ako, kaya naman nakita ko rin ‘yong baril at kutsilyo.” Nang masiguro ko naman na hindi na niya ako masasaktan pa ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero may distansya pa rin. “Hindi naman ako kasing sama at kasing lupit mo pero nararapat lang sa’yo ang bagay na ‘to,” seryosong sabi ko sa kanya at muli akong nag-spray direkta sa paahan niya. Pakiramdam ko naman ay mabibingi ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Hindi ko na dinamihan ang pag-spray ko sa kanya, sapat lang para hindi siya makatayo kaagad, alam ko naman na kahit kaunti lang ang

