KABANATA XXIV: DETH

3038 Words
NAGKAKAGULO na ang lahat. Laking pasasalamat ni Deth na sa loob ng limang minuto ay mabilis silang nakaakyat sa limampung talampakan na pader, kahit napadulas niyon. Kahit tutol ang kanyang ama sa ginagawang pagtulong ng dalaga, hindi pa rin siya mapigilan nito dahil patuloy pa rin niyang inaakyat ang mga bata na nakikita niya. Bawat batang nakakaakyat, isang malaking ngiti sa labi at pasasalamat ang iginagawad sa kanya. Sapat na iyon at tuwang-tuwa na ang kanyang puso. Ngunit kung ano ang ikinasaya niya ay siya naman kunot ng noo ng kanyang ama. Kahit hindi kasi sabihin ng ama ay alam niyang gusto ni Mang Eddie na silang mag ama lamang ang gustong makaligtas sa lugar na iyon. "Tama na 'yan!" suway sa kanya ng ama habang hirap niyang hinihila ang isang matanda. Hindi siya tinutulungan ng ama at nakaupo lamang iyon. "Kaunti na lang po. Humawak lang kayo," wika ni Deth sa matanda, at nang matunton na nito ang tuktok ay nakahinga na silang dalawa. "Salamat ineng ha? Utang ko sa'yo ang buhay ko," anito. "Walang anuman ho," magalang na sabi ni Deth, ngunit pagtingin niya sa ama ay isang matalim na tingin ang natanggap niya. "Sus, dapat nga may bayad 'yan e," bulong ni Mang Eddie. Napatingin na lamang sa kanya ang matanda at yumuko. Tinapik na lang ni Deth ang balikat ng matandang babae at itinayo. "Ihahatid ko na po kayo sa pamilya ninyo," ani Deth. Tinuro naman ng matanda ang pamilya nito, at mabilis nilang tinunton iyon. Pagbalik ni Deth sa pwesto nila ay nakita naman niya ang dalagang si Patricia na tumutulong sa mga bata at matatanda na umakyat sa pader. Kitang-kita niya sa mukha ni Patricia na pagod na ito, dahil sa tagaktak ng pawis, pero itinutuloy pa rin nito. Nakaramdam ng ginhawa si Deth. Kahit papaano kasi ay malaking tulong ang ginagawa ng dalaga. Pinagmamasdan niya iyon, kapag naman nasa kalahati na ang mga bata ay hihilatin ito ni Deth,kaya napapabilis ang kanilang trabaho. Sa tansya niya ay nasa nasa limang oras na rin silang tumutulong. Nahihirapan lamang sila sa matatanda. Hirap na kasing umakyat iyon, kaya ang mga lalaki na ang tumutulong sa matatanda. Napasulyap naman si Deth sa pwesto nina Ara at Makmak. Nasa sampung metro din ang layo nila sa isat-isa. Napangiti ang dalaga nang makita na tumutulong din ang mga dati niyang kaibigan. Iniisip niya na hindi pa rin talaga nagbabago ang mga 'yon. Sa paghila niya ng tali habang nakangiti, biglang napaigtad si Deth nang tinabig ng kanyang ama ang kamay niya. Kanina pa pala nakatingin ng matalim ang ama sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ipit na tanong ng ama. Hindi maipagkakaila ang inis sa mukha nito, dahil nangngingitngit ang kanyang ngipin. "Ah, wala ho pa. Napatingin lang po ako doon," palusot ni Deth, ngunit sa mukha ng ama ay mukhang hindi ito nakumbinsi. "Huwag mo akong niloloko-loko, Deth. Subukan mo lang na lumapit ka sa dalawang 'yan at malilintikan ka," anito. Nang makaramdam ng pagod ang ama, nagpasya si Deth na paupuin muna iyon sa likuran niya at magpahinga. Mabuti na lamang at marami-rami ang baon niyang tubig at may dala pa siyang tinapay para sa kanila. Kinuha niya iyon sa dalang bag at binigay sa ama. Nakakita naman siya ng bata na takam sa dala nilang pagkain, nginitian naman niya iyon at saka nagtabi naman siya ng isang supot ng tinapay. Mamaya niya iyon ibibigay,kapag nakaiglip ang kanyang ama. Nag-anunsyo na ang babae na isang oras at kalahati na lamang ang palugit nila upang makaakyat. Naging aligaga na rin ang mga natira sa ibaba, kaya ginawa na ni Deth ang nararapat. "Dito!" sigaw niya, kaya nagsitakbuhan ang iba pang tao sa gawi nila. Sumabay na rin si Patricia, kaya nang makita niya ito ay kaagad niyang inalok ng lubid. "Anong ginagawa mo?!Sisirain mo ba ang lubid natin?!" galit na sabi ng kanyang ama. Wala na siyang pakialam sa iba pang sinabi nito, ngunit nang si Patricia na ang aakyat sa lubid ay ang ama na niya ang humawak doon. "Hayaan mo na lang mamatay ang mga 'yan!" bulong ng ama, sabay tinanggal ang bato na nakaharang sa pader, upang dumikit ang lubid. Naging dahilan iyon nang pagbagsak ng lubid sa mukha ni Patricia. Nakita iyon ng mga nasa itaas, kaya kunot noo silang tumingin sa kanyang ama. Walang nagawa si Deth kung hindi bigyan ng isang nakakaawang tingin si Patricia. Isang ngiti naman ang iginawad sa kanya. Isang ngiti na animoy sinasaksak siya ng paulit-ulit. "Ayan. Para hindi ka na mahirapan sa pagtulong. Mamamatay din naman kasi, bakit kailangan mo pang iligtas," wika ng ama sabay tumayo. Tumingin naman ng matalim si Deth. Sa totoo lang ay ngayon pa lamang niya ginawa iyon sa kanyang ama. Sa oras na ito, mas ninanais na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan, kaysa makasama ang ama. "Mas masarap sa pakiramdam ang magligtas, kaysa maging isang demonyo," bulong ni Deth, ngunit sapat na iyon para marinig ng kanyang ama na prenteng nakatayo at natutuwa sa nakikita sa ibaba. "Anong sinabi mo?" pag-ulit ng kanyang ama. "Baka gusto mong makatikim na sa akin ngayon?!" inis na sabi nito, kaya tumayo na rin si Deth at tiningnan ang kanyang ama. Isang tingin na maaaring ikamatay ng sinomang tamaan nito. Nagpahangin muna panandalian si Deth.Malayo sa kanyang ama. Sinusundan ang dalagang si Patricia sa ibaba kung saan man ito pumunta. "Limang minuto,"pag-uulit nila kaya mas minadali pa ng iba na umakyat. Ang iba ay ginawa na nilang dala-dalawa ang nasa isang lubid upang mapadali. Nakikita na niya sa itsura ng dalaga na takot na rin ito at balisa. Sa huling tatlong minuto, napansin niya si Makmak. Walang tao sa lubid nila, kaya tinatawag niya si Patricia. Inabangan niya kung paano ang pagtulong na gagawin ng magkaibigan sa dalaga, na kaya naman niyang gawin sana kanina pa. Nang ligtas nilang maiakyat si Patricia, nakahinga ng maluwag si Deth, ngunit hindi pa rin nawawala ang bigat sa kanyang dibdib. Dumidilim na ang paligid. Lumalamig ang hangin. Iba ang pakiramdam ni Deth ngayon. Parang may mangyayaring maganda, ngunit hindi niya matukoy kung ano 'yon. Sa kanyang paglalakad-lakad pabalik kung nasaan ang ama, mayroon siyang narinig sa kanang tainga. Isang ingay ng ibon na napakasakit sa tainga. Rinig na rinig niya iyon kahit napakalayo pa. Hindi niya alam, ngunit lumitaw lamang ang abilidad niya sa pakiramdam noong bata pa lamang siya. Kahit kaluskos ay rinig niya pa rin. Ngunit kapalit no'n ang lumalabo niyang mata. Madalas ay pandinig lamang ang ginagamit niya, dahil hindi niya maasahan ang kanyang mata sa malayuan. "Deth!" tawag ng ama, kaya napalingon siya rito. Pinagsawalang bahala na lamang niya ang nairnig at sinaluhan ang ama sa pagkain. Nawala na rin ang inis niya rito. Sa buong buhay niyang kasama ang ama ay nasasanay na siya sa ginagawa nitong panlalamang. "Saan ka nagpunta kanina? Pinuntahan mo na naman ba ang mga magnanakaw mong kaibigan?" tanong ng ama habang sumubo pa siya ng kanin. Umiling naman si Patricia. "Bakit ko sila kakausapin? Para saan pa? Hindi ba't galit ka sa kanila, kaya dapat magalit na rin ako?" sarkastikong tanong ni Patricia. Natigilan sa pagkain ang ama at tumingin sa kanya. "Mukhang hindi ko na gusto ang tabas ng bunganga mo ngayon, Deth? Kakasama mo ba 'yan sa bago mong kaibigan? Mabuti na lang pala at hindi ko 'yun tinulungan makaakyat. Mas maganda nang lapain siya ng mga Quadro doon," anito. Napangiti ng tipid si Deth. Hindi pa siguro alam ng ama na nakaligtas si Patricia kanina. Mas maige na rin sigurong hindi niya iyon sabihin, dahil wala namang karapatan ang ama na kwestiyonin pa 'yon. Pagkatapos nilang kumain, hihiga na sana sila ng ama sa pinatong na damit sa simento ay bigla namang humangin ng malakas, kasabay nito ang mga paparating na mga uwak. Nagkagulo ang lahat, kaya ang kanyang ama ay maige siyang hinawakan. Mabuti na lang din at may dala siyang kutsilyo, dahil bawat lumalapit na uwak sa kanya ay sinasaksak niya o di kaya ay nadadaplisan naman niya. "Anak!" sigaw ng ama na muntik nang mahulog. Nakakapit na lang ito sa gilid ng pader. Halos manlaki ang mata ni Deth nang makita ang ama na malapit nang mahulog. Hindi niya iyon matulungan dahil nakasagabal sa harapan niya ang tatlong uwak na balak siyang tuklawin. Biglang hinila ng ama niya ang kanyang paa, kaya naman biglang napaupo si Deth at dumausdos. Mabuti nalamang at nakahawak siya sa kabilang pader, kundi pareho na silang nahulog. Pagkaalis ng uwak, mabilis namang tinulungan ni Deth ang ama na muling makaakyat. Pawis na pawis ang mga ito, lalo na ang kanyang ama na sobra ang nerbiyos. "Salamat, anak. Pasensya ka na at hinila ko pa ang paa mo," anito sabay napahiga. Humingalaang ng malalim si Deth, kasabay ng pagiging normal ng lahat. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagpahinga na ang lahat. Ang ama ni Deth ay nagpahinga na rin katabi siya. Si Deth naman ay naupo lamang sa gilid habang nakatingin sa bilog at maliwanag na buwan. Sa tuwing nakakakita kasi siya ng buwan ay naalala niya ang kanyang ina. Napahawak si Deth sa pendant ng kanyang kwintas. Hugis buwan iyon na bigay pa sa kanya ng ina bago pumanaw. Bata pa lamang si Deth noon at wala pang kamuwang-muwang. Ang sabi ng kanyang ama ay nasa apat o limang taon pa lamang siya noon, kaya ang alam lang na sakit ng kanyang ina ay pagtatae. Natunghayan pa niya ang pagtigil ng hininga ng ina. Tinitigan lamang niya iyon, hanggang sa dumating ang ama galing sa sakahan at umiyak nang makita na wala ng buhay ang ina. Malapit ang loob ni Deth sa ina, kaysa sa kanyang ama. Masyado kasing mahigpit ito, kaya kahit gustuhin mang maglaro ni Deth ay hindi maaari. Kailangan pa niyang tumakas sa tanghali, o hindi kaya kapag natutulog ang kanyang ama, upang makasama lang sina Ara at Makmak. Kahit papaano naman ay napunan ang kanyang pagkabata. Palagi rin siyang sinasabihan ng ama na huwag lalapit basta-basta sa mga tao at huwag magtitiwala. Ngunit lumaking mabait si Deth. Lahat ng mga katabing bahay nila ay kanyang nakakakwentuhan. Pati na ang matatandang dumaraan sa bakuran nila ay kanyang binabati, kaya naiinis ang kanyang ama. Ito rin ang dahil bakit lumipat sila ng bahay. Gusto ng ama na siya lamang ang kakausapin ng kanyang anak. Ayaw niya raw kasing mawala ang nag-iisa pa niyang kayamanan. Hindi nga maintindihan ni Deth ang ama e. Nagbago na ito simula nang mawala ang kanyang ina. Pati ang pakikitungo sa tao ay iba na rin. Pero kahit bali-baliktarin pa rin ang lahat, pati na ang mundo, ama pa rin ni Deth, ang kinaiinisan ng lahat. "Sana nandito ka pa, ma. Hindi ko na kasi maintindihan ang ugali ni papa. Sumusobra na siya," aniya sa kawalan. Nang sumampal sa mukha ni Deth ang malamig at malamyos na hangin, napapikit na lamang siya. Pakiramdam niya ang kanyang ina iyon. Kinakausap siya, sa pamamagitan ng hangin. "Hay sige na nga. Nako, kung hindi lang dahil sa inyo e, baka iniwan ko na 'yun si papa," aniya sa sarili. Umusog ng kaunti si Patricia sa pader. Kitang-kita na niya ngayon anglalim ng kanyang babagsakan. Iniisip niya kung maaari lamang sanang bumaba doon, at doon na rin mangpahinga. Kaso iniisip niya, baka may naghihintay sa kanyang patibong doon. Sa totoo lang ay kaya naman ni Deth na babain muli 'yon. Kaso, naninigurado lamang siya hanggat wala pang alas tres y media. Nang maramdaman na sawakas ni Deth ang pagod ay bumalik na muli siya sa tabi ng ama. maagap niyang inihiga ang kanyang katawan at pinikit ang mata. Kinabukasan Pagka-anunsyo ng babae sa likod ng mikropono na tapos na ang kanilang laro, masayang napatalon ang mga bata na kasamahan nila. Hindi rin maitanggi ni Deth ang tuwa sa kanyang labi. Lalo na napapansin niyang marami-rami pa rin sila, kahit mayroong nahuli kagabi na iilan. Pagkababa nila sa pader ay mabilis silang naglakad pauwi, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasalubong sila nina Mark, Ara at Patricia. Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Ara sa kanila. Isang masaya naman para kay Makmak at isang maaliwalas na ngiti ang binigay ni Patricia. Napangiti rin si Deth nang makita ang dating kaibigan. Hindi niya naipagkaila 'yon, kahit na naroon at katabi niya ang ama. "Himala at nabuhay pa ang mga demonyong ito." Biglang sumulpot sa harapan ang ama ni Deth, sabay sinabi iyon. Nagpintig naman ang tainga ni Ara kaya hindi na niya mapigilang magsalita na rin. "Sino kaya ang mas demonyo?" anito. Nakita rin ni Deth ang pagpisil ni Makmak sa braso ni Ara upang awatin siya. Ngunit sa ganitong sitwasyon ay alam na nilang lahat na walang makakaawat kay Ara. Mabuti na lamang at pumagitna na ang bagong nilang kaibigan na si Patricia at inaya na ang kabilang panig na umalis. Pakiramdam na rin kasi niya sa ama ay hindi na makapagpigil, kaya tiim bagang na lamang siyang tumingin kina Makmak. Pagkaalis nila Makmak, hinawakan naman siya ng napakahigpit sa braso ng kanyang ama, dahilan para siya ay mapangiwi sa sakit. Napatingkayad pa siya upang mabawasan lamang ang pagkadiin ng kuko ng ama. "A-ray ko papa..nasasaktan po ako," saad ni Deth nang hindi na niya mapigilan ang sakit. "Tumahimik ka. Bilisan mong umuwi sa bahay at magtutuos tayo," bulong nito, dahilan para magtindig ang balahibo ni Deth. Pagkauwi nila sa bahay, sinarado kaagad ng ama ang kanilang pinto at hinarap si Deth. "Ano, ganyan ba ang kaibigan na gusto mong makasama?!" sigaw ng ama. Nanginginig naman sa takot si Deth. "Pa..hindi naman po sa..gano'n," aniya. "Eh ano ang gusto nilang iparating?! Na demonyo ako?Na masama akong ama?" Biglang nagbago ang emosyong pinapakita ni Deth. "Bakit pa, hindi ba?" sarkastiko siyang tumawa. "Sa pagnanakaw mo pa lang ng gamit ng iba. 'Yung ginawa mong paghulog ng lubid noong umaakyat na 'yung babae kanina. Hindi ba matatawag na kademonyohan 'yon?" Biglang namula ang mukha ng kanyang ama at aambahan na siya ng suntok. "Ano? Sasaktan mo na naman ako kapag may hindi ka nagustuhan? Alam mo, kanina sa ginawa mo gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nga kanina hindi kita ama e," tinapunan ng tingin ni Deth ang ama upang matapos na ang kanilang usapan. Hindi naman nakapagsalita si Mang Eddie doon at iniwan siya ng anak na tulala. Lumabas ng bahay si Deth imbis na magpapahinga na lamang siya. Ngayon na lang ulit siya nagalit ng gano'n sa ama sa loob ng ilang taon. Pakiramdam niya kasi ay palala nang palala ang ama niya at hindi na niya ito nakikilala. Gustihin man niyang tanungin kung bakit nagkagano'n ang kanyang ama ay hindi niya magawa. Hindi niya alam bakit sa tuwing binabalak niyang itanong 'yon ay nawawalan siya ng lakas ng loob para kausapin ng masinsinan ang ama. "Ma? Kumusta ka na diyan? Sana nandito ka, para ikaw ang kumausap kay papa sa mga ginagawa niya. H-hindi ko na po kasi...kaya," bigla na lamang tumulo nang dire-diretso ang luhang matagal nang kinikimkim ni Deth. Sa tagal nang panahon ay ngayon na lamanng niya nailabas lahat ng ito. Lahat ng sakit, sama ng loob, tampo at galit na naipon sa kanya. "B..binigay ko na naman ang gusto niya. N-nagiging alila niya ako..at hindi anak. Pero ma..bakit kulang pa rin? Bakit parang hindi niya 'yon nakikita?" Umaasa siya na sa paglalabas niyang iyon ng sama ng loob ay magpaparamdam ang ina at ipapaintindi sa kanya ang lahat ng bagay, ngunit tulad ng dati. Isang malakas na hangin lamang ang sumampal sa mukha niya, kasabay ng huni ng mga ibon. Pinunasan ni Deth ang kanyang luha, pagkatapos niyang ilabas ito. Tumingin naman siya sa bukirin na nasa likod lamang ng kanilang bahay. Nagpasya siya na magtungo muna doon at doon magpahinga hanggang mamaya. Pagkarating doon, mayroon siyang nakita na isang pwesto. Malilim ito at maaaring higaan nino man. Malinis din ang pwestong iyon dahil tinabunan ng tuyong dahon ng acacia ang tuyong lupa. Nang maiayos na ni Deth ang kanyang sarili at akmang magpapahinga, mayroon siyang narinig na kakaiba, kaya mabilis siyang napaupo at pinakiramdaman kung saan banda ang boses na iyon. Mayroon siyang naririnig na dalawang boses na nag-uusap. Mahina lamang ang ginagawa nila at tansya ni Deth ay sampung metro ang layo nila sa isat-isa. Hindi niya marinig ng klaro ang sinasabi ng lalaki, kaya nagsimula na siyang tumayo at hanapin iyon. Sa kanyang paglalakad-lakad, mas naririnig na niya ang boses ng dalawang batang lalaki. Sa rinig niya, may paghahatian ang dalawa at kailangan daw ay walang lamangan doon. Napahintp si Deth sa isang malaking puno ng mangga. Sa likod no'n, naroon ang mga bata na may ginagawa ng kung ano. Wala ng inaksayang pagkakataon si Patricia at hinarap ang dalawang batang iyon, kaya nabigla sila nang makita nila si Deth. Tingin ni Deth ay nasa anim hanggang pitong taong gulang pa lamang ang mga ito. Dalawang lalaki na may dalang supot, habang hinahati ang kanilang pagkain sa tatlo. "S..sino po kayo?" gulat na sabing pareho ng bata. Umupo naman si Deth sa tabi nila at ngumiti. "Ako si Bernadette. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo guguluhin," aniya. Pagkatapos no'n ay nagpatuloy ang mga bata sa kanilang ginagawa. Ang kakarampot na kanin ay hinati-hati nila sa tatlo pati ang ulam na hindi nila alam kung ano ay hinati rin nila. Pantay-pantay at walang lamangan. "Para saan 'yan?" tanong ni Patricia. "Para po sa kaibigan naming isa," wika ng batang lalaki na may kaitiman. "Naaawa po kasi kami sa kanya, may sakit po siya at hindi makalabas, kaya kami na lang ang bumili ng pagkain, para sa kanya. Maghahati-hati na lang po kami rito," wika naman ng isa na bilugan ang mata ang maputi. Napangiti naman si Deth sa inasal ng mga bata. Sa kabilang banda, naaalala niya ang sarili sa mga batang iyon, kasama sina Makmak at Ara. "Ang babait niyo naman," ani Deth. "Oh bilisan mo! Walang kasama si Amari sa bahay, baka mapano pa 'yun," saad ng maputing bata kaya pagkatapos nila ay tumayo na sila. Sumabay na rin si Deth sa pagtayo. "Ate? Aalis na po kami ha? Hinihintay na kami ng kaibigan namin e. Salamat po!"paalam nila at binigyan ng isang maaliwalas na ngiti si Deth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD