KABANATA XXV: MENSAHERO

3062 Words
NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Patricia dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Umupo muna si Patrici at saktong uunaat nang marinig niyang tumatawag ang pamilyar na boses sa kanyang pangalan. "Pachot?" tawag muli nito. Papungay-pungay na naglakad si Patricia patungo sa tapat ng pinto,at nang binuksan niya ito ay bumungad sa kanya ang masayang mukha nina Makmak at Ara. Nagulat pa siya nang makita na may dalang basket si Makmak na naglalaman ng pagkain. "Buti naman at nakapagpahinga ka na, bago kami magpunta rito," ani Ara at saka sinisilip ang loob ng bahay. "Oo nga e, halikayo. Pumasok muna kayo rito, at magliligpit lamang ako ng higaan." Pinatuloy ni Patricia ang bago niyang kaibigan at pinaupo sa monoblock. Siya naman ay nagtupi muna ng higaan at nag-ayos ng sarili. "Ito ba ang bahay dati ni Marvin? Ang ganda ha? May banyo na at may lababo pa!" manghang sabi ni Makmak. "Alam mo, kapag ganito ang loob ng bahay, ibig sabihin mayaman ang nagmamay-ari nito. Kadalasan kasi sa mga bahay na nandito simple lang," dagdag pa niya. Nang matapos na si Patricia, hinarap na niya ang kanyang kaibigan. "Naikwento lang niya sa akin na pinamana raw sa kanya itong bahay. Pagkatapos, nang nang mawala ang may-ari, siya na lang ang nagpaganda at dinagdagan niya ng kaunting gamit," sagot ni Patricia. Napadako naman ang tingin niya sa basket na hawak pa rin hanggang ngayon ni Makmak. Ngumiti si Makmak. "Pasensya na. Ito pala oh, namili na kami ng kakainin natin. Balak kasi naming makitulog muna ni Ara ngayon dito. Nakakainip kasi sa bahay, kaming dalawa lang," anito. "Oo nga, isa pa, nagsasawa na ako sa mukha ni Makmak. Araw-araw ko ba naman nakikita," nakasimangot na sabi ni Ara kaya napatawa si Patricia at masama ang tingin ni Makmak. "Grabe ka ha? Akala ko ba nagu-guwapuhan ka sa akin? Sabi mo bestfriend mo ako!" saad nito na parang batang nagmamaktol. "Oo nga bestfriend kita. Pero minsan sawang-sawa na rin ako sa pagmumukha mo," pang-aasar pa ni Ara. Napuno ng tawanan ang loob ng bahay. Habang nagluluto si Patircia ng kakainin ay sina Makmak naman at Ara ang naglapag ng mga prutas sa mesa. Inayos na rin nila ang mga plato at kubyertos. "Siya nga pala, may dala kaming baraha!" masayang sabi ni Makmak. "Baraha? Aanhin natin 'yan?" Lumingon si Patricia habang hawak niya ang sandok. "Aanhin pa, edi paglalaruin natin para naman mawala ang boring sa bahay," anito. "Hindi ba pinag babawal 'yan dito?" tanong ni Patricia. Umiling naman si Ara. "Basta ang bawal lang sa lugar na ito ay pumatay ng kapwa manlalaro. Kaya kahit anong gawin natin, maaari. Pero syempre, kahit iyon lang ang bawal, isipin pa rin natin ang ibang masamang bagay na maaaring makaapekto sa tao." Pinagpatuloy lamang nila ang kanilang ginagawa. Natapos na rin sa pagluluto ng sinabawang buto si Patricia, kaya nilagay niya iyon sa mangkok at hinain sa mesa. Habang kumakain, hindi mapigilang mapangiti ni Patricia habang hinihipan anng mainit na sabaw sa kutsara. "Bakit?" takang tanong ni Ara. Napatigil din sa paghigop si Makmak at napatingin kay Patricia. "Wala lang. Ngayon ko na lang ulit naranasan na may kasabay kumain e. Ang sarap sa pakiramdam," ani Patricia. Napangiti naman ang dalawa. "Hayaan mo, palagi kaming magpupunta rito. Tutal ang sarap ng luto mo e, siguradong mabubusog mo kami," ani Ara. "Oo nga! Grabe, ngayon na lang ulit ako nakatikim ng bulalo. Ang sarap!" wika naman ni Makmak na nangingislap pa ang mata habang sinisipsip ang buto. "Syempre naman. Namana ko ang masarap na luto sa inay ko," pagmamalaki ni Patricia. "Siya nga pala. Kapag nakaalis na tayo rito, isasama ko kayo sa amin para patikimin ng especialty ni nanay!" "Especialty?" pag-uulit ni Ara. Tumango naman si Pat. "Oo. Mabenta ang kakanin ni Nanay sa baryo. Kaya nga hanggang dito nakapunta ako e," pagbibiro niya, saka sila nagtawanan. Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga muna sina Ara at Makmak. Si Patricia naman ay naghugas ng plato. Habang inaayos nina Ara at Makmak ang kanilang pwesto para sa paglalaro ng baraha, si Makmak naman ay kumuha ng mansanas, sabay kinagat niya iyon. "Grabe 'no? Ang bilis ng araw. Mag gagabi na ulit,tapos bukas sasabak na naman tayo sa gyera. Ano na naman kayang iniisip nilang pakulo?" anito. Medyo napaisip si Patricia. Oo nga, nawala sa isip niya na sasabak na naman sila sa laro bukas. Parang kanina lang ay nagbuwis sila ng buhay paakyat, pagkatapos ay ito na naman. "Kailan kaya sila mauubusan ng laro?" inis na sabi ni Ara habang binabalasa ang baraha. Tumingin ng nakakaloko si Makmak. "Mauubos lang 'yon, kapag ubos na rin ang taba mo sa katawan!" anito, kaya mabilis na dumapo ang kamay ni Ara sa balikat ni Makmak. "Pambasag ka talaga ano?" inis na sabi niya, kaya sa huli ay nagtawanan silang tatlo. "Alam niyo, ang sasaya ninyong kasama. Sayang lang ano? Lumayo sa inyo si Deth," ani Patricia habang pinupunas ang basang kamay sa laylayan ng damit. "Hayaan mo na 'yun! Huwag mo siyang masyadong banggitin! Baka marinig ka," seryosong sabi ni Ara. Natawa naman ng bahagya si Patricia. "Marinig? E ang layo ng bahay 'non!" "Nakakarinig siya kahit nasa malayong lugar pa 'yan, Patchot. Iyon na rin siguro ang abilidad niya kaya nakakaangat siya sa mga manlalaro," seryosong sabi naman ni Makmak. Namangha naman si Patricia sa nalaman. "Paano niyo nalaman 'yan? Nasubukan niyo na ba? Tsaka kayo?Anong abilidad ninyo?" sunod-sunod niyang tanong. "Bata pa lamang kami no'n, napansin na namin ni Ara na may kakaiba kay Deth. Noon kasi, may naganap na sunog malapit sa bahay namin. Sumisigaw na ang mga tao, nanghihingi ng tulong. Kami noon nina Ara at Deth ay nasa bukirin. Isipin mo gaano kalayo iyon," ani Makmak. "Pagkatapos biglang napatigil si Deth sa pagtakbo at may tinitingnan kung saan. Syempre, dahil bata kami hindi namin alam kung ano ang ginagawa niya. Bigla na lamang niyang sinabi sa amin na may naririnig daw siyang nag sisigawan. May sunog daw. Pagkatapos, pagtingin namin sa di kalayuan, may nakita kaming malaking apoy. Hindi namin maintindihan bakit hindi iyon makita ni Deth, kahit naman matalas ang pandinig niya. Tumakbo kami noon papunta sa nasusunog at buti na lamang, naapula na agad iyon, dahil kung hindi kasama ang bahay namin sa mga natupok. "Kaunti lang ang nakakaalam nito Patricia," sabat naman ni Ara. "Halos kaming tatlo lang ang nakakaalam ng abilidad niya. Kaya kapag may naririnig siyang kakaiba o patungkol sa kanya, mag ingat ka. Mabait si Deth, pero iba siya magalit," pagbabanta pa nito. Tumango na lang si Patricia. "Si Ara may abilidad ding tinatago, pero hindi lamang niya pinapakita," ani Makmak. "Ano naman?" tanong ni Patricia. "Mabilis akong tumakbo," sagot ni Ara. "Napansin ko lang ito noong nakaraang laro pa namin. Habulan ang ginawa sa amin. Hindi ko na matandaan ang buong detalye e, pero napapansin ko na lang na parang isang hangin lamang akong dumaraan sa harapan ng mga guwardiya. Hindi nila ako mahuli-huli. Kahit nitong mga nakaraang araw. Iyon ang napapansin ko. Kaya kapag may oras pa ako, inuuna kong iligtas ang mga bata. Ang kahinaan ko lang, hindi ako masyadong makaaninag sa dilim. Halos wala nanga akong makita e, kaya palagi akong nagpapasama kay Makmak. Natatakot din kasi ako," anito. "Ako naman hindi ko pa alam e," malungkot na pahayag ni Makmak. "Basta,kung ano ang binigay ng maykapal sa akin,tatanggapin ko 'yon ng buong puso at gagamitin ko sa tama."Tumindig naman siya ng mala Adan, kaya hinampas ni Ara ang kanyang tiyan. "Hinahawakan mo na naman ang mga pandesal ko Ara ha? Masyado ka ng abusado!" anito, kaya nagtawanan sila. Nilapag na ni Ara ang baraha at handa na silang maglaro. Habang naglalaro, naging magkakampi sina Makmak at Patricia. Nagpapalitan sila ng baraha, kaya laging natatalo si Ara. "Aray ko! Dahan-dahan lang, aba!" reklamo ni Ara nang pitikin ni Makmak ang tainga niya bilang parusa. "Bakit kasi palagi kang talo?" pagpapanggap nito. "Ewan ko! Bakit ako lagi ang talo, e ako naman ang nagbabalasa!" reklamo nito. Natawa na lang si Pachot at Makmak, habang patuloy pa rin nilang dinadaya si Ara. Nang nakaramdam si Ara. Tiningnan muna niya ang kilos ng dalawa. Pasimpleng kinukuha ni Pachot ang baraha sa kanyang likuran at pinapalitan iyon ng kanyang baraha. Nahuli iyon ni Ara at nang sakto na silang magpapalit, biglang sumigaw si Ara. "Aha! Ayan pala ang ginagawa ninyo ha??" anito, sabay nagtakbuhan silang tatlo sa maliit na espasyo ng bahay. Nang mapagod ang tatlo sa laro ay humiga sila sa banig na nilatag ni Ara. Kung titingnan ay para silang mga batang nasa edad siyete sa kanilang pagmumukha na hindi mawari. "Ang saya 'no? Sana ganito na lang palagi," ani Makmak habang nakatingin sa kisame. "Sana kamo makaligtas tayong tatlo na buhay," ani Ara. Unti-unti na nilang naramdaman ang bigat ng kanilang talukap. Hinayaan na lamang nila ang kanilang katawan sa gano'ng posisyon. Wala rin silang ideya kung anong oras na sila dinapuan ng antok. Napangiti pa ng bahagya si Patricia. Hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman, dahil may bago na naman siyang kaibigan. Medyo natatakot lang siya. Natatakot na baka mawala na naman ang mga ito, at mag-isa na naman siya. Pero pinilit niyang kalimutan iyon at ipaubaya ang kanyang katawan sa banig. Ilang minuto pa lamang silang nakakatulog ay biglang may kumatok sa pinto. Unang nagising si Makmak, at nang sunod-sunod na ang katok ay nagising na silang lahat. Hirap na hirap pa silang imulat ang mata dahil nabitin sila sa antok. "Puntahan mo na!" ani Ara na humihikab pa. Papungay-pungay naman ang mata ni Makmak na tumayo at naglakad papunta sa tapat ng pinto. Sina Ara at Patricia ay naghihintay naman kung sino ang gumambala sa kanilang pagtulog. Pagbukas ng pinto, nanlaki ang mata nilang tatlo nang dumating na naman ang batang lalaki na may dalang maliit na bag sa likuran at may bitbit na papel. "Magandang gabi. Para sa inyo po," magalang na sabi ng bata, saka iniabot ang papel kay Makmak. Nag-aalangan pa nitong kinuha ang papel. Wala nang tanung-tanong ay nagpaalam na ring umalis ang bata. Kinabahang humarap si Makmak kay Ara at Patchot, sabay pinakita ang papel na kanyang hawak. Nawala ang kanilang mga antok. Si Makmak ay umupo sa monoblock at dahan-dahan nitong binuksan ang papel. "Isang maligayang pagbati, mula sa isangdaang manlalaro," panimula nito kaya mas lalong nanlaki ang mata nilang tatlo. "I..isang daan?! Paano nangyari 'yon? Ibig sabihin apatnaput siyam ang namatay kagabi?!" gulat na sabi ni Ara. Napatango na lang si Makmak at humarap muli sa binabasang papel. "Nasiyahan ang may-ari na si Don Hernandez sa ipinakita ninyong gilas at dedikasyon. Natutuwa siyang panuorin kayo na nagtutulungan at nahihirapan. At dahil natuwa sa inyo ang ating nakakataas ay binigyan niya kayo ng surpresa," pagpapatuloy ni Makmak. "Surpresa? Hindi kaya baka palayain na tayo? Tsaka Don Hernandez? Iyan ang may-ari ng walang kwentang baryo na ito?!" wika ni Patricia. Tumango naman si Makmak. "Nito lang din namin nalaman ang pangalan niya. Kumakalat sa buong baryo, kaya siguro nagpakilala na rin siya." "Ituloy mo na 'yan!" sabat ni Ara na hinihintay kung ano nga ba ang surpresa na naghihintay sa kanila. "Bukas ay hindi matutuloy ang inyong laro. Bagkus kayo ay bibigyan namin ng tiyansa upang magsanay. Ang larong bato bato pick ang inyong sunod na pagsubok. Hindi namin masasabing madali ito, dahil nakahanda na ang lahat. Ang kailangan niyo na lang ay magsanay. Sana ay natuwa kayo sa inanunsyo naming ito. Mabuhay kayo at sana umabot kayo sa pinakadulong bahagi. Maraming salamat!" Tumayo naman si Ara sabay kinuha ang papel. "Anong klaseng surpresa ito? Napaka walang kwenta!" anito sabay nilamukos ang papel. Sa sobrang inis nito ay napainom pa siya ng tubig na nasa mesa. "Teka."Tumayo rin si Patricia. "Ibig sabihin,bukas ay wala tayong ibang gagawin kundi magsanay? Sa susunod pang araw iyong ikaapat na antas?" pag-uulit niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Tumango lamang si Makmak. "Ayos lang 'yun, sigurado namang mananalo tayo sa bato bato pick. Medyo magaling tayo sa hulaan e," ani Makmak. "Hindi," galit na tumingin si Ara sa kanya. "Hindi natin alam kung anong klaseng pagdaraya ang gagawin nila, kaya nila tayo sinasanay.Kailangan pa rin nating maging maingat. Marami nang nahulog sa patibong nila.Huwag na tayong dumagdag pa." Sumang-ayon na lang si Makmak, ngunit si Patricia at mukhang malalim ang kanyang iniisip. "Pero teka nga. Hindi ba peke 'yan? Inaalarma lang nila tayo? Tsaka sino ba 'yung bata na 'yon? Siya rin ang nagpadala sa akin ng sulat noong nakaraan 'e," takang tanong niya. "Siya si Jericho," sagot ni Makmak. "Siya ang mensahero sa baryong ito, kaya siguradong totoo lahat ng ibinibigay nitong sulat sa atin. Isa pa, huwag mo siyang basta-basta tawaging bata," anito. "Bakit?Totoo naman ah? Mukhang anim o pitong taong gulang pa lamang 'yun e," dipensa ni Patricia. "Nagkakamali ka, Patricia," ani Ara. "Mas matanda pa siya sa atin. Kung nandito ka man noong may tao siyang pinaslang, katakot-takot ang ginawa niya sa lalaking iyon." Medyo nakaramdam ng kaba si Patricia dahil naaalala niya noong unang beses niyang nakadaupang palad ang batang si Jericho ay nakakunot pa ang noo niya. "B-bakit? Anong ginawa niya? Tsaka ilang taon na ba...talaga 'yon?" tanong muli ni Patricia. Siguro nasa sisenta na," sagot ni Makmak kaya nanlaki ang mata ni Patchot. "Hindi namin alam kung anong mahika ang ginamit kaya napabata siya ng gano'n. Basta ang alam lang namin ay malakas siya at makapangyarihan. Katakot-takot ang ginawa niya sa lalaki noon, dahil lamang sa sinigawan siya." "A-anong nangyari?"tanong ni Patricia. "Balita sa amin noon, mahimbing na ang tulog ng lalaking iyon, dahil pagod galing sa labanan. Kumatok si Jericho, dahil may iniaabot na sulat. Siguro sa sobrang inis ng lalaking iyon, sinigawan niya si Jericho at binatukan pa. Kaya ayon, kinaumagahan, ang katawan ng lalaki ay nagkalat sa daan. Ang lamang loob niya ay nakahiwalay na sa katawan. Ang kamay ay hindi mahanap ang kapares. Ang paa naman ay ganun din. Nakakatakot ang ginawa ni Jericho, kaya simula noon ay wala nang nagtangka na kalabanin pa siya," paliwanag ni Makmak. "Isa pa, ayaw na ayaw ni Jericho na tawagin siyang bata," sumabat si Ara. Nang maliwanagan na si Patricia sa lahat, naging tahimik ang paligid. Nag-iisip na rin sina Ara at Makmak kung ano ang gagawing hakbang bukas. Bigla namang humikab si Makmak kaya tiningnan siya ng dalawa. "Pasensya na. Nabitin sa tulog e," anito. "Siguro magpahinga muna tayo ngayon," seryosong sabi ni Ara at tumayo. "Magpahinga muna tayo, para makapag-isip tayo bukas ng taktika natin." Humiga na muli siya sa pinakadulo. Sinundan naman siya ni Patricia dahil hindi maipagkakailang ramdam na rin niya ang antok. Kinabukasan... Maagang nagising ang tatlo dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Rinig na naman nila ang mga ibang bata na nagtatakbuhan, kaya kahit hirap nilang imulat ang mata ay pinilit na lamang nila. Si Patricia ay naghanda na rin ng kanilang kakainin, habang sina Makmak at Ara ay nagliligpit. Gusto nila, magsasanay silang tatlo mamaya at hahanap sila ng kanilang makakalaban. Pagtapos nilang kumain ay kaagad din silang lumabas. Nakasalubong na nila ang ilang mga bata na seryoso ng naglalaro ng bato bato pick. Ang iba ay naglalaro muna. Kahit mga matatanda ay naging seryoso na rin sa gano'ng laro. Hindi maiwasan ni Patricia na malungkot. Pakonti na sila nang pakonti sa baryo. Sa bawat gabing dumadaan sa kanila ay nababawasan sila ng mga kasapi. Habang naglalakad-lakad, napukaw ng atensyon ni Patricia ang isang mag-ina na umiiyak ang kanyang anak habang pinapadede niya iyon. Iyak nang iyak ang bata kaya pati sina Makmak at Ara ay naalarma. Pinuntahan nila iyon.Pati ang ina ay nangingilid na rin ang luha, habang pinapatahan ang kanyang anak. "Ano po ang nangyari?" tanong ni Ara nang umupo siya sa bato katabi ang babae. "Wala na po kasi akong gatas. Hindi rin po ako makapagpalabas dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumakain," anito. Nakaramdam naman ng awa si Patricia at lalo siyang nanlumo noong makita na isangdaan na lamang ang bar sa braso ng dalaga. "Teka lang ho," ani Patricia. Walang anu-ano ay tumakbo si Patricia papunta sa bungad, kung saan ay may nagbebenta nang mga pagkain. Hindi pa niya nagagamit ang isangdaang puntos kaya marami-rami siyang mabibili. Bumili si Patricia nang lugaw na may itlog. Tansya naman niya ay nasa dalawang taong gulang na ang anak ng babaeng iyon ay kaya na ring lumunok ng sabaw. Bumili din siya ng iilang mga prutas. Pagkarating niya doon ay naghihintay naman sina Ara at Makmak. "Pasensya na po ha? Ito lang ang nabili ko. Sa ngayon, kumain muna kayo." Iniabot ni Patricia ang pinamili, kaya hindi mapigilan ng babae na maluha. "Maraming salamat sa inyo. Maraming maraming salamat," anito. Ngumiti naman ang tatlo. Nagpresinta si Ara na siya muna ang mag-alaga ng anak ng babae habang kumakain ito. Nilalaro naman ni Makmak ang batang babae,kaya kahit papaano ay nalilibang siya at hindi nakakaramdam ng gutom. Si Patricia naman ay binantayan ang gutom na gutom na babae. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nito habang mabilis na sinusubo ang laman ng lugaw. Napangiti naman si Patricia dahil doon. "Siya nga pala, ano ho ang pangalan ninyo?" tanong ni Patricia. "Noemi," tipid nitong sagot. "Noemi ang pangalan ko," anito. Tumango naman si Patricia. "Eh ikaw? Anong pangalan mo? Ninyo?" tanong nito pabalik. "Ako ho si Patricia," aniya. "Iyon si Ara at Makmak." Pinagmamasdan ni Patricia ang mukha ng babae. Tansya niya ay nasa edad treinta pa lamang ito, ngunit dahil sa pagod at puyat ay dumoble ang kulot sa kanyang mukha. "Maraming salamat ha? Akala ko mamamatay na kami sa gutom ng anak ko," anito. "Huwag ho kayong mag-alala. Bago ho kami umalis, magbibigay pa rin ho kami ng makakain niyo," sabat ni Ara. Nagtulong-tulong ang tatlo na bumili ng pagkain ng mag-ina gamit ang kani-kanilang mga puntos. Si Patricia ay namili ng pagkaing luto, si Ara naman ay mga iluluto pa lang at si Makmak naman ay mga prutas. Sinigurado rin nila na bago sila umalis ay ayos na ang mag-ina. Tagumpay naman ang kanilang ginawa para sa mag-ina dahil ang kaninang lubog na mata ng babae dahil sa gutom ay naging maayos na ngayon. May lumalabas na ring gatas mula sa babae, kaya napadede na niya ang kanyang anak. Masaya silang nagpaalam sa mag-ina at sinabi pa ni Makmak na sana ay magkita sila hanggang dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD