KABANATA XXVI: ANG PAGSASANAY

3005 Words
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa maraming kumpulan na tao. Tumakbo pa si Makmak upang makiusyo, ngunit nang marinig ang malakas na hiyawan ng mga batang nag babato-bato pick ay mukhang alam na nila ang ginagawa ng mga ito. Mayroong matinding pagsasanay sa may plaza. Tuwang-tuwa si Makmak na pinapanuod ang mga batang seryosong naglalaro. At ang natatalo ay pupukpukin ng bote sa ulo. "Bato bato pick!" Sigaw ng dalawang kuponan at nang matalo ang bata sa kanan ay mabilis siyang pinukpok ng bote sa ulo. Nagsigawan naman ang iba pang bata. Si Marvin ay hindi mapigilan ang sarili. Parang gusto niyang sumali doon, ngunit pinipigilan lang siya nina Patricia at Ara. Ilang minuto rin silang nanuod ng laban. Masasabing nagsasanay talaga ng maige ang mga batang iyon, at base sa kanilang mukha ay hindi sila magpapatalo, kahit sanay lang ito. Wala silang sinasayang na oras, lahat sila ay seryoso, dahil alam naman nilang lahat na kapag natalo sila rito ay buhay nila ang magiging kapalit. Habang naging abala ang iba sa panunuod, dumako naman ang tingin ni Patricia sa isnag kumpol na kalalakihan. Kakaunti pa lang ang tao rito at hindi pa aabot ng singkwenta,kaya kitang-kita rin ang kanilang ginagawa. Naglakad si Patricia patungo doon at saka sumunod naman sina Ara at Makmak. "Aba ayos ha!May pambata at may pang matanda na rin," bulong ni Makmak na mukhang nasisiyahang panuorin ang mga nagsasanay. "Mukhang kailangan na rin yata natin 'yan," ani Ara. Sa kanilang panunuod, ramdam na nila ang umuusbong na tensyon sa pagitan ng dalawang magkalaban. Mukhang parehong malakas ang dalawang lalaki na manlalaro, ngunit malalaman lamang ito kapag may nanalo na. Masasabi ng tatlo na kahit pagsasanay lang ito ay mukhang tinototohanan na nila, dahil isang matalim na tingin ang pinagpapalitan ng dalawang manlalaro ngayon. "Isang bagsakan lang bawat kalaro. Limang bilang, bago matapos ang laro," wika ng mukhang tagahatol sa kanila. Nang ibinaba na nito ang kanyang kamay, isang malakas na bagsak ng kamao ng dalawang lalaki ang kanilang ginawa. Ramdam ng lahat ng tao na naroon ang tensyon, kaya pati sina Patricia ay naghihintay ng resulta. Sa unang bagsak ay nanalo ang lalaking nasa kanan na may bimpo sa boo. Isang puntos dahil gunting ang ginamit nito sa papel namang pinanlaban ng lalaki. Manghang-mangha si Patricia na pinapanuod ang dalawa. Dati lamang kasi ay simpleng laro lamang iyon sa kanilang baryo, ngunit ngayon.. Isa na iyong seryosong laro kapalit ng buhay. Tatlong puntos na ang kanan at isa naman sa kaliwa. Sumisigaw na ang mga tao habang ang lalaki sa kaliwa ay pinagpapawisan na. Habang nanunuod si Patricia, paunti-unti niyang nakikita ang nakatagong sikreto ng lalaki. May halo iyong pandaraya. Pagkalapag ng nasa kaliwa ng kanyang palad ay binabasa kaagad ng nasa kanan kung ano ang ilalabas nito, saka lamang tumitira. Hindi naman iyong napapansin ng karamihan dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Sa tingin niya ay siya lamang ang nakakapansin no'n, ngunit hindi niya alam kung paano. "Panalo, Kanan!" Itinaas ng tagahatol ang kamay ng lalaking nasa kanan. Binigyan naman niya ang natalo ng isang ngiti. Ngiting pandaraya. Pagkatapos ng larpng iyon ay marami na ang sumubok, ngunit wala pa ring nkakatalo sa lalaki. Nalaman din na ang pangalan ng lalaki ay Dust. Isa si Dust sa pinaka maliksi, ngunit mandarayang manlalaro sa baryong ito. Nakalimang laro na siya at lahat ng iyon ay natalo nito. Ang mga natalo naman nito ay nanlulumo na. Pinanghihinaan ng loob kaya napaupo na lang sa isang tabi. Ang iba ay natatakot na,dahil baka bukas ay si Dust ang kanilang makaharap. Hindi naman imposible iyon, lalo na nasa isangdaan na lang silang aplikante sa laro. Nagsimula nang magdatingan ang iba pang manlalaro. Masasabing nasa otsenta na silang lahat na naroon. Nakaramdam ng lungkot si Patricia habang pinagmamasdan ang kabuoan ng plaza. Parang kailan lamang kasi ay siksikan pa sila dito, dahil sa sobrang dami nila, ngayon, pakiramdam niya ay napakaluwag na ng baryong ito para sa kanila. "Mga hamal! Wala kayong kwentang kalaro!" sigaw ni Dust nang matalo na niya ang karamihan sa sumubok. Tumawa naman ng impit si Makmak at sakto na sanang itataas ang kamay. Nanlaki ang mata ni Patricia dahil pakiramdam niya ay baka hindi pa handa ang kaibigan sa larong iyon. Isa pa si Ara na mabilis tinabig ang kamay ni Makmak. "Bakit?" bulong ni Maakmak. "Hindi pa ito ang tamang oras sa kayabangan,Mak. Maghintay muna tayo ng isa pa," anito kaya napapayag nito si Makmak. Nagtagal sila ng ilang minuto doon, ngunit wala pa ring dumarating. Naiinip na rin ang mga tao, at si Makmak ay hindi na makapaghintay. Kanina pa kasi nangingislap ang mata niya at gusto rin niyang masubukan kung kaya niya bang talunin si Dust. "Ako naman!" sigaw ni Makmak,kaya napalingon ang mga tao sa pwesto namin. "Ako naman ang susubok," masayang sabi ni Makmak. Wala nang nagawa si Ara nang dire-diretsong naglakad si Makmak sa tabi ng kalaban. "Ang kulit talaga," bulong ni Ara. "Hayaan mo na. Malay mo 'diba? Manalo siya diyan," wika naman ni Patricia. Lumapit ng pwesto si Patricia at Ara. Sinigurado nilang walang daya na mangyayari sa dalawa. Kinakabahan sila para sa kanilang kaibigan, dahil masyadong padalos-dalos ito. "Matapang ka ha? Tingnan natin, hanggang saan ang tapang mo," prenteng sabi ni Dust. Ngumiti lamang si Makmak saka nilihis ang kanyang suot na longsleeve at taimtim na nag-isip. Tumawa tuloy ng malakas si Dust, dahilan para sumabay pa ang iba. Hindi nila alam kung bakit nakapikit si Makmak habang nakalapag ang kamay niya. Nang iminulat niya ang kanyang mata, napahawak siya sa kanyang sentido. "A..ayos na ako," pautal-utal nitong sabi, kaya medyo nababahala na sina Ara at Patricia kung ano ang nangyayari kay Makmak. Sa unang bagsak ng kanilang kamao, kabadong-kabado ang iilan. Ang mga nasa kampo naman ni Dust ay nakangiti lang na animoy alam na nila ang mangyayari sa hili. "Bato..bato pick!" sigaw ng dalawa. Napapikit na lamang sina Ara at Patricia. Hindi nila maiwasang hindi kabahan, ngunit nang maghiyawan na ang parte ni Dust ay alam na nilang talo ang kaibigan nila. "Mukhang mapapadali ang buhay ng mga ito, pare," pagyayabang ni Dust. Nanalo si Dust sa isang bato, habang si Makmak naman ay isang gunting. Pilit binabantayan ni Patricia ang galaw ni Dust, ngunit sa mga oras na ito ay wala naman siyang ginagawang pandaraya. Masyado pa ngang mabilis gumalaw si Makmak sa kanya at nakakapagtaka lang. Sa ikalawang laban, nanalo si Makmak, hanggang sa ikaapat. Nagngingitngit na ang ngipin ni Dust at namumula na siya. Nakatingin na ang mga alipores niya. Mukhang nadiskubre na rin ni Makmak ang teknik ni Dust kaya gano'n. Isang puntos na lang ay mapapalitan na si Dust ni Makmak. Hindi maipaliwanag ang bilis na ginagawa ni Makmak. Parang hindi siya iyong ordinaryong tao na kanilang kaibigan. Ngayon ay may hula na si Patricia kung ano ang abilidad ni Makmak base sa nakikita niya ngayon sa binata. Pinagmamasdan niya ang bawat tingin, galaw, padyak, isip ni Makmak kaya sigurado siya na lumalabas na ang abilidad ng kaibigan.Sa huling laban ay natalo si Dust dahil gamit niya ang papel at nanalo si Makmak na ang gamit naman ay gunting. Tuwan-tuwa ang tatlo pati na ang iba pa, dahil nabuhayan na sila ng loob. Bigla namang uminit ang tensyon sa pagitan nila at nag-init ng husto si Dust. Mukhang hindi yata nito tanggap ang pagkatalo. Lumayo ng kaunti ang tatlong magkakaibigan nang umamba na ng suntok si Dust. Sa braso pa lang kasi nito ay alam na ni Makmak na wala siyang mapapala kundi bugbog lamang. "Dinaya ninyo ako 'no!" paghahamon ni Dust habang nanlalaki ang mata. "H..hindi. Mabilis lang akong..mag-isip," uutal-utal na sabi ni Makmak. "Hindi ako tanga. Sa dami ng manlalaro dito, natalo ko silang lahat. Pagkatapos ay ikaw lang ang makakatalo sa akin?!" Biglang inilabas ni dust ang hawak nitong kutsilyo. Mukhang hindi na ito nagdadalawang isip pa. Kahit alam niya ang kahihinatnan ng kanyang gagawin. "Hindi namin alam," nanginginig na sabi ni Patricia. "Baka naman.." hindi na mapigilan ni Ara na magsalita. "Ayaw mo lang tanggapin na may mas magaling pa pala sayo, hamal?" sarkastiko nitong sabi, sabay tumakbo silang tatlo. Alam na nila ang susunod na mangyayari,kaya pinanguhan na nila ito. Kinakabahang tumatakabo si Patricia, kaya hinawakan ni Ara ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala. Kung mag-isa lang 'yan, baka dinurog ko pa 'yan. Kaso ang magagawa lang natin ngayon ay tumakbo," anito. Tumango naman si Patricia. "Huy!" namumulang tawag ni Makmak na mukhang kinakabahan na. Hinahabol kasi sila ngayon ng limang alipores ni Dust. May mga dala-dala ang mga ito na kutsilyo at hindi magdadalawang isip na saksakin ang kanilang makakalaban. "Hindi..naman ako nandaya diba? B-bakit hindi iyon matanggap ng panget na 'yun!" wika ni Makmak. Sa mukha nito ay hindi rin niya maipaliwag kung anong nangyari kanina. Bigla na lamang lumabas sa pangitain niya ang susuonod na ititira ng kalaban,kaya siya nanalo. Tuwang-tuwa si Makmak nang madiskubre iyon, ngunit kinikimkim muna niya, dahil ayaw niyang magpahuli sa mga isa sa alipores ni Dust. "Kaliwa!" seryosong sabi ni Ara kaya dumiretso sila sa isang makipot na eskinita. Hindi naman tumitigil sa kahahabol ang mga kalaban nila. "Tumigil kayo! Kundi ibabato ko na ito sa inyo!" sigaw ng isa kaya napalingon si Patricia. "Sige ibato mo!" alok ni Patricia. "Kapag tinamaan mo ako niyan, mamamatay ka kasama ng kasamahan mo," aniya. Tumigil naman ang mga humahabol sa kanila. Mukhanng natauhan na ang mga ito, kaya pati sina Patricia, Makmak at Ara ay tumigil na rin. "Ano? Natauhan na kayo, ano? Sinasabi ko naman sa inyong-" Hindi na natuloy ni Makmak ang sasabihin nang biglang hinaggis ng isang lalaki ang kanyanng kutsilyo sa mukha ni Makmak. Mabuti na lamang at nakailag pa siya, kung hindi ay magkakabangas pa siya dahil doon. "Takbo!" sigaw ni Makmak, nang makita na seryoso na ang mga naghahabol sa kanila. Wala namang magamit na armas sina Ara, dahil nakalimutan nila sa bahay ni Patricia ang kutsilyo na lagi nilang binabaon tuwing sila ay umaalis. Nakahanap ng lungga si Makmak nang nagtago sila sa masikip na daan. Naalala niya ang daan na iyon kaya nagtuloy-tuloy sila, hanggang makalabas sila sa isang pamilyar na lugar. Bahay nina Deth ang sumalubong sa kanila. Saglit lamang iyon tinitigan ni Makmak at nagpatuloy na sila sa pagtakbo. Wala na silang inaksayang oras, hanggang sa makarating sila sa bukid. Humahangos sila pare-pareho. Si Makmak naman ay hindi pa rin makapaniwala at naguguluhan sa kanyang nasaksihan kanina sa sarili. "Nakita..niyo ba..kanina 'yon?" hinihingal pa ring sabi ni Makmak. Tumingin naman si Ara. "Oo," anito. Tumango rin si Patricia. "Ngayon..alam na natin..ang abilidad mo." Hinampas ni Patricia ang balikat ni Makmak at sabay-sabay silang napangiti. Nang makapag pahinga na sila, sinimula ni Makmak ang pagbubukas ng usapan. "Hindi talaga ako makapaniwala kanina. Akala ko namamalikmata lang ako, o namamaligno. Nakikita ko kasi ang iniisip niya at susunod niyang gawin," anito. "T-totoo?" namamanghang sabi ni Patricia. "Kaya pala gano'n kabilis gumalaw ang kamay mo! Ang astig talaga!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Patricia. "Ngayong nalaman na natin ang abilidad mo, malaking tulong iyan, para sa susunod nating laro," seryosong sabi ni Ara. Napaisip sila ng malalim. Oo nga, may kapasidad na si Makmak upang manalo sa larong iyon. Siguradong maisasalba na rin nito ang kanyang buhay. Pero paano na lamang kapag nagtaka ang mga makakalaban niya at baka akusahan na naman siyang nandaraya? Hindi niya kayang takasan ang mga guwardiya, dahil panigurado nakabantay sa kanila iyon. Tumingin si Makmak kay Patricia. Parang may kakaiba sa dalaga, kaya napakunot ang noo ni Makmak. Mayroon siyang naririnig na boses mula sa isipan ni Patricia. "Patchot? Nalulungkot ka?" tanong ni Makmak, kaya pati si Ara ay nabigla din. "H-ha? Ako malungkot? Hindi naman," umiling siya. "Masaya ako dahil natuklasan mo na ang abilidad mo," iba ang sinasabi ni Patricia sa pinapakita ng kanyang mata. Mabilis itong nabasa ni Makmak,kaya lahit nagdahilan na si Patricia ay natawa ng bahagya ang binata. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam ko, masaya ka para sa akin, ang tinatanong ko ay ano ang problema?" pangungulit ni Makmak. "K..kas," nahihiyang sabi ni Patricia saka siya yumuko. "Gusto ko na rin kasing lumabas kung anomang abilidad ang nagtatago sa sarili ko. Nahihirapan na rin kasi akong makipagsabayan sa inyo," sagot niya. "Hinawakan ni Ara ang kamay ni Patricia, upang lumakas ang loob ng kaibigan. "Huwag kang magmadali, Patricia. Matagal din bago namin ito natuklasan. Marami na kaming napagdaang pagsubok. Siguro ikaw, sinasanay ka pa nila, kaya naman wala kapa nito," ani Ara. "Tsaka hindi rin namin alam kung ano ang kapalit nitong abilidad na ito, Patchot. Masaya nga ako dahil nahuhuluaan ko kung ano ang mga nasa isip ng tao, pero iniisip ko pa rin kung ano ang magiging kapalit nito sa huli," wika naman ni Makmak. Nakumbinsi ng dalawa si Patricia. Nagpasya rin sila na magpahinga muna sa bukid at hintaying magtakip silim bago sila umalis at bumalik ng bahay. Si Makmak ay hindi mapalagay, dshil tuwang-tuwa pa rin siya sa kanyang abilidad. Inaalala niya pa rin ang laro nito kanina. Habang si Ara naman at Patricia ay natutulog. Sa sarap ng kanilang tulog ay hindi nila namamalayan na magdadapit hapon na. Hindi pa sila nakapag-ensayo. "Bakit kayong mga babae, palagi na lamang kayong tulog nang tulog?" tanong ni Makmak sa mukha nina Ara at Patricia. "Sabagay, si Deth nga noon ay ganiyan din. Kaya nga madalas ko siyang binabantayan no'n e, kasi kapag natutulog siya, wala na siyang pakialam kung tuklawin pa siya ng ahas," tatawa-tawang sabi ni Makmak. Bigla namang gumalaw si Ara at tumagilid kay Patricia. Tinakpan naman ni Makmak ang kanyang bibig, dahil mukhang nagising si Ara sa kaingayan niya. Iniisip ni Makmak na sa kabilang banda ay maswerte pa rin siya. Hindi man siya pinalad kay Deth ay mayroon naman siyang matalik na kaibigan. Nadagdagan pa ni Patricia na isa ring mabait at matulungin. Hidni tuloy maiwasan ni Makmak na humanga sa dalaga, dahil bukod sa maganda na si Pat ay mabait pa ito at matulungin. Nang maramdaman ni Makmak ang antok ay sinabayan na rin nito si Ara at Patricia. Tumabi siya kay Patricia dahil nasa gitna ang dalaga, at nasa kanan naman si Ara. "Gigisingin ko na lang kayo mamaya," bulong nito sabay pinatong ang kanyang braso sa mata, dahil nagsisimula nang sumilip ang araw sa kanilang pwesto. "Mak?" tawag ni Ara. "Makmak?" pag-uulit naman ni Patricia. "Makmak!" sigaw nilang dalawa, kaya napabalikwas ng bangon si Makmak. "Mukhang ang sarap ng tulog mo ah?" ngingiti-ngiting sabi ni Patricia na parang may ginawa silang kalokohan sa kaibigan. Pupungay-pungay naman ang mata ni Makmak habang kinukondisyon pa rin ang sarili. Nang mapagtanto ni Makmak na mag gagabi na ay mabilis siyang tumayo habang nanlalaki pa rin ang mata. "Bakit hindi ninyo ako ginising!?" sigaw nito na hindi magkanda-ugaga sa kanyang sarili. "Anong hindi? Kanina ka pa namin ginigising! Kiniliti na nga namin pati ang talampakan mo e," inis na sabi ni Ara. "Gano'n ba? Sige, halina kayo." Naglakad naman sila palabas ng bukid. Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Makmak na mapasulyap sa bahay nina Deth. Umaasang makikita ang dalaga kahit saglit lamang. Ngunit nawala ang pag-asang iyon nang mapagtanto nito na wala ni isang ilaw ang nakabukas sa kanilang bahay. Nalungkot naman si Makmak dahil doon. Napatingin naman si Ara sa kanya. "Hanggang ngayon,umaasa ka pa rin sa babaeng 'yon?" Iba na ang tono ng pananalita ni Ara. Hindi masabi ni Makmak kung bakit gano'n na lamang ang inis ni Ara kay Deth, gayong naging magkaibigan naman sila sa tagal ng panahon. "Huwag ka ng umasa doon. Hindi ka nga kayang ipagtanggol e," isang makahulugang salita ang binitawan muli ni Ara. Magsasalita pa sana si Makmak,ngunit naramdaman na ni Patricia ang tensyon sa pagitan nila. "Gusto niyo bang kumain muna, bago dumiretso sa bahay?" masayang tanong ni Patricia. "Hindi." Ani Ara. "Uuwi muna kami sa bahay namin, bukas ay pupuntahan ka ulit namin para sabay-sabay tayo," anito. Tumango na lang si Patricia. Nang makarating na sila sa bungad, wala pa ring kibo ang dalawa. Nahihiya nang magsalita si Patricia dahil sa mukha ni Ara ay iritable na ito. Isa pa, alam ni Patricia kung bakit nagkakagano'n si Ara kay Makmak. Hindi ba niya alam kay Makmak,kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapansin na may gusto ang kababata nito sa kanya. "Dito na ako," paalam ni Ara nang makarating sila sa ikalawang bahay. Tumango naman si Patricia. Nagpaiwan naman si Makmak, habang sinusubaybayan nilang dalawa ang likuran ni Ara. "Pasensya ka na ha?" pag-umpisa ni Makmak. Tumaas naman ang kilay ni Patricia. "Para saan?" "Sa..inasta ni Ara. Alam ko kasi na inilalayo niya lang ako sa sakit, kaya ganiyan siya sa akin. Pero pasensya ka na ha? Kapag kasi nagagalit ang baboy na iyon, lahat ng tao na nasa paligid niya, damay e," nahihiyang sabi ni Makmak. "Hayaan mo, mamaya pagkauwi namin, yayakapin ko 'yon at hahalikan. Magiging mabait na ulit siya," anito. Napangiti naman si Patricia. "Sinabi mo 'yan ha? Dapat bukas maayos na kayo. Pagluluto ko pa kayong dalawa,"ani Patricia. Pagkatapos magpaalam ni Makmak ay mabilis na siyang tumakbo upang habulin si Ara. napangiti na lamang si Patricia dahil doon. Parang mga bata sina Ara at Makmak. Medyo naawa lang siya kay Ara dahil sa gano'ng paraan nito naipaparating ang pagkagusto nito kay Makmak. Hindi rin niya masisisi ang dalaga, dahil siguro iniisip rin nito na kapag umamin siya ay baka masira ang pagkakaibigan na matagal nilang iniingatan. Malayo-layo pa ang lalakarin ni Patricia papunta sa kanyang bahay. Dadaan pa siya sa isang masikip na eskinita at ilan pang bahay. Medyo panatag naman ang loob ni Patchot dahil ang ilaw sa poste ang nagsisilbing gabay niya, upang hindi siya maligaw. Sa kanyang paglalakad-lakad, napatigil siya sa isang madilim at masikip na eskinita. May bumabagabag sa kanya na dumiretso pa doon. Hindi niya mapagtanto kung ano. Nang hahakbang na siya, para sana alamin kung ano iyon, narinig niya ang isang boses. Animoy humihikbi ang mga iyon. Isang impit na hikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD