Nag-anunsyo na ang babae sa likod ng mikropono na dalawang oras na lamang ang gugugulin nila sa kanilang laro. Nag-aalala na si Makmak at Ara sa kalagayan ni Patricia dahil isang oras nang walang malay ang dalaga. Nakapagphinga na rin ng maayos ang iba pa, pagkatapos ng kaganapang nangyari. Napansin ni Makmak na paulit-ulit humihikab si Ara at pinipigilang pumikit ang mata. Halata na rin sa mukha nito ang antok at pagod, kaya napagdesisyonan ni Makmak na ipahinga si Ara.
"Sigurado ka ba? Kaya mo na?" tanong ni Ara, nang humiga na siya katabi ni Patricia na wala pa ring malay.
"Oo. Huwag kang mag-alala. Babantayan ko kayo," anito. Sa sobrang kaantukan, hindi na mapigilan ni Ara na makatulog.
Pinagmamasdan lamang sila ng binata. Napangiti ng impit si Makmak nang makita ang maamong mukha ng kaibigan. Tiningnan niya rin ang mahimbing na natutulog na si Patricia. Napansin ng binata ang mapula-pulang labi ng dalaga. Ang matangos na ilong at makapal na pilikmata.
"Ngayon ko lang napansin na maganda ka rin pala," bulong niya sa sarili. Habang ine-examine ni Maakmak ang mukha ni Patricia, dumako naman ang tingin niya sa braso ng dalaga. May tuka ito ng uwak at may kaunting dugo. Sa palagay niya, hindi naman gano'n kalalim ang sugat,kaya bakit biglang nawalan ng malay si Patricia.
"Grabe, sayang ang buhay mo rito. Kung sanang hinayaan mo na lang ang pera na 'yon. Di sana, wala sa bingit ng kamatayan ang buhay mo ngayon," anito. "Pero, sa kabilang banda naiintindihan naman kita e. Sa hirap ng buhay ngayon, lahat gagawin mo. Ako nga noon, nakuha pang magnakaw, pero pinagsisihan ko naman," kahit alam ni Makmak na hindi siya naririnig ng dalaga, patuloy pa rin siyang naglalabas ng saloobin.
Bigla namang humangin ng malakas, dahilan para mapahawak na naman si Makmak sa gilid ng pader. Baka kasi kung ano na namang mangyari. Mas maigi nang maging handa. Pagkatapos humangin ng malakas, biglang nagulo ang buhok ni Ara, kaya humarang ito sa kanyang mukha. Sakto pa naman at nakanganga si Ara, kaya nakain niya ang ilan sa mga ito. Natawa na lang si Makmak dahil doon.
"Kung hindi ka lang cute kapag natutulog," anito sabay hinawi ang buhok ng kaibigan sa mukha.
Nang maramdamab na ni Makmak ang pagod, humiga na rin siya katabi ni Patricia sabay ginawang unan ang kanyang braso at humarap sa tahimik na kalangitan.
"Ilang oras na lang ang hihintayin." Tumingin si Makmak sa braso niya na may dalawang daang puntos.Inalala niya ang ginawang kabutihan kanina ni Patricia, kaya imbis na tumingin siya sa langit ay tumigilid siya, dahilan para makaharap niya si Patricia. Mabigat ang bawat nilalabas na hangin ng dalaga. Halata sa hilik nito ang pagod at puyat na nararanasan niya. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nakakaramdam ng gano'n kay Patricia.
Nakakaramdam siya ng awa at inis.
Inis, dahil nararanasan niya ang ganitong bagay,kahit pwede naman noong una pa lang ay hindi na siya tumuloy. Awa, dahil sa ginawa ni Mang Eddie sa kanya na pagtulong, ay hindi siya nasuklian ng sapat na pakikitungo. Naawa siya sa dalaga at iba pang mga nahuli, dahil sa kadamutan ni Mang Eddie. Pero, sabagay, hindi rin niya masisisi iyon at hindi rin niya alam ang rason bakit nagagawa ni Mang Eddie ang ganong bagay.
Biglang umungol si Patricia, dahilan para umayos ng higa si Marvin. Nanlalaki ang mata niyang humarap sa buwan at inayos ang kanyang sarili.
"A-anong nangyari? Anong nangyari sa akin?" takang tanong ni Patricia.
Inayos muna ni Makmaak ang kanyang boses dahil pakiramdam niya ngayon ay malat siya.
"Tinuka ka ng uwak, tapos nagkaganyan ka na. Bigla ka ng nawalan ng malay," sagot ni Makmak.
Napaupo naman si Patricia habang umiinat at humihikab pa. Bilingon niya rin sa kaliwa niya si Ara na mahimbing natutulog. Pagkatapos non, napalingon siya sa kanyang braso dahil mukhang ngayon pa lang niya nararamdaman ang hapdi.
"Buti na lang at wala ng dugo 'tong sugat ko,"aniya.
"Ginamot na namin kanina ni Ara 'yan, kaya wala na talaga." Umupo naman si Makmak at hinarap si Patricia. "Bakit ka nga pala nawalan ng malay kanina?" tanong nito.
"Kasi.." nahihiya pang sagutin ni Patricia ang tanong ng binata. "Akala ko kakainin na ako ng uwak e, malay ko ba." Biglang namula ang pisnge ni Patricia, kaya natawa si Makmak sa naging reaksyon niya.
"Akala ko pa naman kung ano na. Oh siya, gagaling din 'yan, maghintay ka lang ng tatlong araw," ani Makmak, kaya nakahinga ng maluwag si Patricia.
Napatingin ang dalawa sa itim na kalangitan. Naalala na naman ni Patricia anng kanyang ina. Siguro sa mga oras na ito ay mahimbing nang natutulog iyon.
"Pwede ba akong magtanong?" tanong ni Patricia sa kawalan. Hindi naman nagsalita si makmak at hinihintay na lamang ang susunod na sasabihin ni Patricia.
"Naguguluhan pa rin kasi ako hanggang ngayon sa patakaran sa lugar na ito e, tsaka 'yung mga Quadro. Tao ba talaga sila? 'Yung mga guwardiya? Paano sila nabubuhay? Dahil din ba sa pagnanakaw ng mga puntos ng manlalaro? Paano sila naging sunod-sunuran sa baryong ito?" sunod-sunod na tanong ni Patricia.
Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ni Makmak.
"Pwedeng isa-isa lang?" ngingiti-ngiting sabi ni Makmak. "Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula e."
Humugot ng malalim na hininga si Makmak at ang kaninang bagsak niyang balikat ay muling tumindig at lumingon siya sa mga bituin.
"Anim na taon na rin kaming nagtityaga sa bulok na patakaran ng baryong ito."
"Anim na taon?" Gulat na sabi ni Patricia kaya nanlalaki ang mata niya. "Ilang taon ka na ba?"
"Beinte sais," tipid nitong sagot.
Biglang tinapik ng malakas ni Patricia ang balikat ni Makmak,kaya napalingon siya rito.
"Magkasing edad lang pala tayo!" masayang sabi niya.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Makmak, kaya natahimik muli si Patricia.
"May mga nagtangkang umalis na. May nagsumbong sa mga pulis, gobyerno, at kung kanino pa sa ginagawa nila sa amin rito. Pero wala kaming natatanggap mula sa kanila. Ang tanging sinasabi lamang nila sa amin, isang pribadong paymamay-ari na raw ito kaya hindi na nila saklaw ang lugar," malungkot na pahayag ni Makmak.
"Pero syempre, hindi pa rin kami tumigil. Kahit marami na ang nagtangkang magsumbong, kahit marami na ang nagtangkang tumakas, walang naging magandang resulta iyon. Naging sobrang higpit din sa aming baryo. Ang mga bata ay hindi na makalabas. Hindi na rin makapagtanim ang mga magsasaka, nawalan ng kabuhayan ang lahat simula nang binili ito ng hindi kilalang tao."
"Hanggang ngayon ba, hindi pa rin ninyo kilala kung sino ang bumili sa baryong ito?" tanong ni Patricia.
Umiling lamang si Makmak. "Dumating kami sa puntong pagod na ang lahat sa amin. Pero kaming dalawa ni Ara, patuloy pa ring naghahanap ng paraan para makaalis na kami sa baryong ito."
"Anong ginawa ninyo? Buti hindi kayo nahuli?"
"Anong hindi?" Tumingin si Makmak sa kanya at natawa. "Muntik pa nga kaming patayin, dahil doon. Pero nakatakas lang kami. Anim na taon na nilang ginagawa ito. Anim na taong pinaglalaruan ang mga tao. Noong una, akala namin ay biro lamang, kaya hindi namin sineryoso. Pero noong nakita na namin na isa-isang pinapatay ng mga Quadro ang mga mahal namin sa buhay, sumidhi ang aming damdamin at inumpisahan na naming maghinganti.
"Ibat-iba ang ginagawa nilang laro. Noong unang tatlong taon, medyo madali pa, dahil kaunti lamang ang namamatay. Ngunit pagkatapos ng tatlong taon na iyon, hanggang ngayon ay nakakapanlumo. Isa sa patakarang ginawa nila ay ito. "Tinuro ni Makmak ang bar na nakadikit sa braso nila.
"Bigla na lamang itong lumitaw sa katawan namin, pati sa iba pang nabiktima. Kung tatanungin mo man ako kung paano nangyari 'yon? Hindi ko rin alam. Basta ang alam lang namin ay dito nakasalalay ang lahat. Pagkain, buhay at kamatayan. Mahirap, ngunit mas pinili naming kayanin. Syempre, sino ba naman ang gustong mamatay hindi ba?"
Tumango si Patricia. Kitang-kita na ni Patricia ang galit at poot sa mata ni Makmak habang nagkukwento ito.
"Kada araw ay nagpapalit sila ng laro. Ang larong iyon ay hindi pinapaalam sa amin. Basta kung ano ang nandiyan, kailangan mong gawin. Maswerte nga tayo ngayon, dahil may paalala na sila sa atin. Dati wala. Kada laro ay may kaakibat na parusa at surpresa."
"Parusa?"
"Iba-iba kasi ang oras ng laro. Pero iisang oras lamang lumalabas ang mga Quadro. Tueing alas syete ng gabi. Kapag nasa laro ka na, at nahuli ka ng isa sa mga guwardiya, wala ka nanng magagawa doon. Para mo nang kakaaharapin si kamatayan. Makakalaban mo ang isa sa mga Quadro. Kung nanalo ka, gamit ang armas mo, maswerte ka dahil may may dagdag kang puntos. Kung hindi naman, direktang mawawala ka na sa laro at mamamatay sa totoong buhay. Ang lahat ng puntos mo ay mapupunta sa guwardiya na nakahuli sa iyo. Pero kung halimbawa naman ay nadaplisan ka ng Quadro,pero nakaligtas ka pa rin, bawas sa puntos lamang iyon. Kaya kung maaari, huwag kang papatama sa Quadro o kung sino mang guwardiya 'yan, dahil sila ang mag-uubos ng puntos mo,hanggang sa mamatay ka na.
Napaisip saglit si Patricia at naalala ang sugat sa tagiliran. Kinapa niya iyon, at laking gulat niya na magaling na agad ang sugat.
"Edi ibig sabihin, tayo ang bumubuhay sa mga guwardiya? Ginagawa lamang nila ay manghuli at magnakaw ng puntos sa atin?" tanong ni Patricia.
"Oo. Parang ganito lang 'yan e. Ang namamahala, ang nasa itaas. Ang mga guwardiya ang pangalawa, pangatlo ang mga Quadro na walang ibang alam gawin kung hindi ang pumatay. Nakakalungkot mang isipin, ngunit tayo ang nasa laylayan," anito.
"Ano namang ibig mong sabihin sa Surpresa? Mukhang wala namang surpresa na nagaganap sa atin e?" naguguluhang tanong ni Patricia.
"Kung hindi mo napapansin, hinihintay natin ang alas tres upang masabi na ligtas na talaga tayo. Pagtuntong ng alas tres, kahit hindi ka lumaban sa mga Quadro, basta ligtas ka at walang tinamong sugat, magkakaroon ka ng dagdag na isaandaang puntos."
Tumaas ang kilay ni Patricia nang dumako ang tingin niya sa kanyang braso.
"Huwag kang mag-alala. Hindi naman gano'n kalalim ang sugat mo e. May dagdag puntos ka pa rin ngayon," pagpapalakas ng loob ni Makmak.
"Siya nga pala. Bukas ay magpahinga ka muna sa inyo. Dadalawin ka na lang namin ni Ara sa bahay na tinutuluyan mo, para naman mabisita ka namin."
Tumango naman si Patricia.
"Pwede ba ulit magtanong?"
"Ano 'yon? May bayad na ito ha?" pagbibiro ni Makmak.
"Anong mangyayari kapag nahuli ka ng mga guwardiya na na pumatay ng kapwa mo manlalaro? Tsaka nabalitaan mo ba ang nangyari kay Marvin? Nami-miss ko na ang baklang 'yon," malungkot na sabi ni Patricia.
"Naririnig ko lang 'to ha? Hindi ko alam kung tunay 'tong nasagap ko," pagkumpirma ng binata.
"Ang sabi, papunta raw sa lagusan si Marvin. Balak yata na tumakas. Pero hindi pa siya nakakarating doon, nang harangin na siya ng grupo ni Liriko. Sinisisi si Marvin sa pagkamatay ng kanilang lider, kaya ayun. Pinagtulungan nila. E, malas nila dahil kahit walang guwardiya ang nakakita, maraming cctv ang nakapaligid sa atin. Mino-monitor nila ang lahat ng galaw natin. Isa pa, mahigpit nilang pinagbabawal na walang sinoman ang may karapatan na manguha ng buhay, kung hindi sila lamang. Kaya ayun, nahuli ang dalawang tanga."
Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Patricia nang malaman na nagkaroon din ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang kaibigan. Iniisip na lang niya ngayon kung paano niya iyon ipapaliwag kay mayor at sa ina ni Marvin na wala na ang kanilang anak.
"Ikaw, Makmak? Nasaan ang magulang mo?" tanong ni Patricia.
"Wala na ang ina ko. Ang ama ko naman ay hindi pa nahahanap hanggang ngayon. Tanging si Ara lamang ang kasama ko sa buhay. Malungkot, pero kinakaya naming magkasama," wika nito.
Humiga naman si Makmak nang maramdaman na ng tuluyan ang antok.
"Paano? Matulog muna kaya tayo?" suhestiyon niya, habang pahikab-hikab pa.
"Pero teka. May itatanong lang ako," dagdag pa nito.
Hihiga na rin sana si Patricia sa gitna nila nang magtama ang mata nila ni Makmak. Mabilis naman niyang iniwas iyon.
"Ano yun?"
"Medyo mahaba kasi ang pangalan mo. Pwedeng malaman kung ano ang palayaw mo, para iyon na lang ang itawag namin sa'yo.
"Pachot," tipid na sabi ni Patricia at tumalikod na sa kanya. "Pachot na lang ang itawag mo sa akin."
Kinabukasan...
Mabilis na napabangon ang bagong magkakaibigan nang tumunog ang trumpeta, kasabay ng araw na pasikat na, kaya masakit itong tumatama sa kanilang balat. Paglingon nila sa paligid, kitang-kita nila ang mga sayang namumutawi sa mga batang nakaligtas. Tuwang-tuwa rin ang matatanda habang tinitingnan ang kanilang braso.
Napangiti naman ng tipid si Patricia pagkatapos niyang humikab. Tumingin din siya sa kanyang braso upang tingnan ang nadagdag na puntos. Naging tatlong daan ulit iyon. Gayundin sina Ara at Makmak. Tuwang tuwa sila dahil buo na muli ang kanilang puntos.
"Grabe, mukhang napasarap ang tulog ko...Ayyy!" Pag-inat ni Makmak saka tumayo. Ginaya naman siya ni Ara at Patricia.
"Sawakas, nakaligtas na naman tayo," ani Ara.
"Magandang umaga sa inyong lahat.." biglang nagtigilan sila sa pag-uusap. Naging tahimik din ang buong paligid. Animoy hinihintay ang sunod na sasabihin ng babae.
"Dahil tapos na kayo sa inyong ikatlong antas ng pagsusulit, binabati ko ang mga natira sa inyo," anito. Wala namang pumapalakpak pagkasabi no'n. Imbis nalungkot ang iba, dahil nabawasan na naman sila ng kasapi.
"Nais na ng ating mahal na tagapamahala na ibaba na kayo sa inyong kinalalagyan. Maaari lamang po na humawak kayo ng maigi, dahil hindi natin alam kung anong oras babagsak ang kinatatayuan ninyo. Maraming salamat." Pagkapatay ng mikropono, naghanda na ang iba sa kanilang pagbaba. Sumunod na rin sina Makmak, Patricia at Ara. Sinisiguro nila na ligtas sila, dala ang ngiti sa kanilang labi.
Ilang minutong naghintay ang mga manlalaro at nagsimulanang umugong ang pader. Pagkatapos umugong niyon ay bigla-bigla na lamang bumulusok pababa ang kanilang kinatatayuan, kaya nagsigawan na ang mga tao. Hindi rin mawala sa labi ni Patricia ang ngiti, dshil hindi pa rin siya makapaniwala na nakaligtas siya sa bangungot na iyon.
"Halina kayo!" sigaw ni Ara nang nangunguna na siya sa paglalakad. Ang mga bata naman ay nagsitakbuhan na. Parang walang nangyari sa kanila kagabi, dahil napaka liksi na nila ulit ngayon. Ngayon pa lang napagtanto ni Patricia na bawat ngiti ng mga batang iyon ay may katumbas ding paghihirap.
Habang taimtim silang naglalakad na tatlo, biglang napatigil si Ara nang bumungad sa harapan nila sina Deth at Mang Eddie. Hindi maiwasan ni Deth na mapangiti nang makita sina Ara at Makmak, kahit salubong ang kilay ni Ara ay binigyan pa rin niya ito ng tipid na ngiti.
"Himala at nabuhay pa pala ang mga demonyong ito," singhal ni Mang Eddie. Narinig naman iyon ni Ara, kaya tiim bagang siyang humarap kay Deth.
"Sino kaya ang mas demonyo? Iyong mga nakaligtas dahil sa inuna nilang tumulong, o yung nakaligtas dahil sa pangugulang?" pagpaparinig niya.
Hinawakan naman ni Makmak ang braso ni Ara. Mukhang hindi na kasi maganda ang tono ng pananalita niya. Nakaamba na ang suntok ni Mang Eddie nang sumabat si Patricia.
"Siya nga pala, salamat kagabi ha? Sa pagtulong mo sa akin. Hayaan mo, sa susunod tutulungan din kita," ani Patricia, ngunit bahid sa mukha ni Deth ang hiya.
Tinapik na lang ni Patricia ang balikat ni Deth, tsaka naunang naglakad. "Mag-ingat kayo," aniya. Tumango naman ang dalaga.
Nang makarating na sila sa ikatlong mga bahay, hinabol ni Makmak si Ara na nagmamadaling maglakad. Si Patricia naman ay malapit na ang kanyang bahay, kaya naman hindi na siya nag-aksaya ng oras para tumakbo pa. Nang nasa tapat na siya ng bahay, napatigil din sa paglalakad sina Makmak at Ara. Humarap sila kay Patricia.
"Diyan ka na ba?" tanong nila.
Tumango naman ang dalaga, sabay napahikab pa siya.
"Oh siya sige, bibisitahin ka na lang namin mamaya ha? Dito lang din kami. Mga limang bahay pa, bago makarating sa bahay namin. Magpahinga ka muna, mamaya puntahan ka namin diyan," wika ni Makmak.
"Oo. Pasensya na rin ha? Ang sakit na rin kasi ng likod ko. Gusto ko na rin makahiga sa maayos na higaan," ani Ara sabay hinawakan ang kanyang likuran.
"Ayos lang 'yun. Naintindihan ko naman. Sige na, humayo na kayo," ani Patricia.
Bigla namang naalala ni Patricia si Mang Eddie, kaya muli ay tinawag niya sina Makmak.
"Sorry ha?" paumanhin niya.
"Sorry saan?" nakakunot noong tanong ni Ara.
"Dahil kasi sa akin..napaaway pa kayo," aniya.
Isang sarkastikong tawa lamang ang binigay ni Ara bilang tugon. " Wala 'yon. Sanay na kami sa ugali ng matandang 'yon. Ugaling squatter. Hindi nga namin alam, saan nagmana si Deth ng kabaitan e," wika nito.
Pagkatapos ng usapang iyon, nagpaalam na ang magkaibigan, at nang hindi na niya masilayan ang mga ito ay saka naman siya pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso si Patricia sa kusina. Pakiramdam kasi niya ay tuyot na ang lalamunan niya dahil kagabi pa siya hindi umiinom. Pagkalagok ng isang basong tubig, umupo muna siya sa monoblock at sinubukang mag-isip-isip. ilang minuto rin siyang nakatanga sa pader, ngunit wala pa ring pumapasok sa isip niya kahit isa.
Inalala na lamang niya iyong ma tao kanina. Pakonti na sila nang pakonti. Hindi niya alam kung hanggang kailan pa siya aabot rito. Hindi niya alam kung hanggang saan pa niya kakayananin ang pasakit sa kanila. Pero ngayon, medyo gumaan na ang pakiramdam niya nang maalala na mayroon na siyang makakasama ulit. May makakatulong na siya sa lahat ng misyon. Pero hindi mawaglit sa isipan ng dalaga ang pagkabahala. Palagi na lamang kasing nawawala o namamatay ang mga taong malapit sa kanya. Ayaw naman niyang mangyari 'yon sa bago niyang kaibigan, lalo na nakikita niya na mababait sina Makmak at Ara. Isa pa, marami ng alam ang dalawa tungkol sa pakikipaglaban, kaya panatag na kahit papaano ang kanyang kalooban doon.
Inilatag ni Patricia ang banig sa simento, sabay kumuha siya ng makapal na damit ni Marvin upang gawin niya itong unan. Habang nagmumuni-muni,iniisip niya kung paano hindi siya nakaligtas doon? Ano ang magiging reakyon ng kanyang ina?
"Hay, Marvin. Kasi naman, bakit mo pa ako iniwan dito.." Bumuga ng mabigat na hininga si Patricia at tumagilid. Ngayon pa lamang niya nararamdaman ang totoong pagod.