KABANATA XVIII: KASUOTAN

3037 Words
Biglang kumalam ang sikmura ni Patricia nang makita ang kumpol kumpol na mansanas. Hindi niya maintindihan pero nang makita niya 'yon sa isang tindahan ay parang natakam siya. Agad siyang pumaroon ay tumayo naman ang tindera. "Mamili ka lang diyan, ineng." Abot nito ng supot, habang namimili si Patricia, napadungaw naman ang tindera sa mga nag-uusap sa labas. "Kaya nag, dapat mag-ingat ka. Hindi lang guwardiya ang kalaban dito, pati ang kapwa tao mo," anas ng isang ginang sa kanyang kasama. "Hindi pa rin kayo tapos diyan?" sigaw naman ng tindera kaya napalingon si Patricia sa kanya habang nakakunot ang noo. "Ah, eto na po." Nang makapamili na ako, inabot ni Patricia sa tindera ang bayad, kaya napabaling ang atensyon niya kay Patricia. Habang tinitimbang niya 'yon, kumukha ng bwelo at lakas ng loob ang dalaga upang magtanong. "A..ah, ale?" mahinang sabi ni Patricia, ngunit mukhang abala ang tindera sa pagdagdag-bawas sa supot. "Ale?" Sa pangalawang pagkakataon ay hinarap na siya ng ginang. "Ano 'yun?" tanong nito. "Ahm. Kanina ko pa po kasi naririnig 'yung mga usap-usapan na may nahuli. Sino po ba 'yun? Kaya po ba hindi natuloy ang laro ngayon?" tanong ni Patricia. "Oo ineng." Inabot naman ng tindera ang supot sa harapan ni Patricia. "May nakita raw na tumatakas. Dumadaan sa pader,pero imbis na ang guwardiya ang makahuli, kapwa kasamahan pa natin dito. Pinatay nila 'yung lalaki, kaya pinatawag ang mga 'yun. Panigurado patay na rin sila," sabi ng ginang. Napaisip naman panandalian si Patricia. "Ano po ang gagawin sa mga nahuling 'yon?" Prenteng tumayo ang ginang at tumingin sa mata ni Patricia. "Nasa kasunduan kasi 'yon dito. Bawal pumatay ng kapwa manlalaro. Ang mga Quadro lang ang may karapatang pumatay sa atin. Ngayon iniimbestigahan na nila ang nangyari, kaya pinagpaliban muna nila. Sigurado bukas gaganapin na ang panibagong laro," saad ng babae. Napatango na lang si Patricia, sabay naalala ang kanyang babayaran. "Magkano po ulit?" tanong niya sa tindera habang tumitipa sa screen. "Sampung puntos," anito sabay pinindot ni Patricia ang success at kinuha ang pinamiling mansanas. Habang naglalakad si Patricia hawak sa kabilang kamay ang supot at sa kabila naman ang pusa at hindi pa rin tumitigil sa pag-uusap ang mga tao sa paligid niya.Tuloy, nagkaroon na rin siya ng kuryosidad sa lalaking pinatay na 'yon. Pagdating sa bahay, nilapag niya sa mesa ang supot at ang pusa. Balak niya sanang hanapin si Marvin, ngunit balak din muna niyang kumain. Habang hinihiwa ang mansanas, biglang nadulas ang kamay ng dalaga sa kutsilyo, dahilan para madaplisan ito. Mabuti na lang at medyo wala nang talim ito, kung hindi dala-dalawang sugat ang iindahan niya. Naalala niya ang tinapal na sugat ng lalaki sa tagiliran. Tiningnan niya 'yon ay pag-angat ng kanyang laylayan ay nanlaki ang mata niya. "Ang galing,"mangha niyang sabi habang sinisipat kung saan banda siya nasugatan no'n dahil ngayon ay wala nang kabakas-bakas ito. "Sigurado, matutuwa si Marvin kapag pinaalam kong wala na ang sugat ko. Bakla kasi na 'yon, hindi man lang ako sinama. Tuloy, ako na naman mag-isa rito," pagkausap niya sa sarili at niyapos-yapos ang likod ng pusa. "Mabuti na lang at nandito si Marvin 2.0, hindi ako gaanong nangungulila sa'yo," anas niya. Nagkatinginan pa ang dalawa sa kaya namangha si Patricia nang magkulay abo ang mata ng pusa. "Sabi nila, malas daw ang itim na pusa? Hindi naman siguro ano?" tanong niya roon ngunit kahit ilang beses niyang sagutin ang pusa ay puro ungol lang naman ang sinasagot. Ilang minuto rin nagpahinga si Patricia. Balak niyang puntahan sa sa mga lugar na pinuntahan nila kahapon ni Marvin. Iniisip niya na baka nagpapahingin lang 'yon doon o hindi kaya may nahulog kahapon saka nito hinahanap. Hindi tuloy mapakali si Patricia. Iniwan na lang din niya sa loob ng bahay si Marvin, dahil sabi niya ay magbantay muna ang pusa. Mabuti na labg at mabait iyon dahil hindi man lang nagpumilit na sumama. Nagsisimula nang tumirik ang araw, masakit na rin ito sa balat. Mabuti na lang at kumportable na si Patricia sa hiniram niyang damit kay marvin na loose t-shirt at pantalon. Dito ay mas makakagalaw pa siya ng maayos, kaysa doon sa dress na muntik nang lumabas ang kaluluwa niya. Sa paglalakad-lakad niya sa parke, hindi niya alam kung bakit nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba. Parang kinikilabutan siya sa hindi malamang dahilan. Nagsisimula nang magsialisan ang mga tao at siya na lang ang naglalakad doon. Iniisip na lang niya na paminsan-minsan, kailangan din niyang matutong mag-isa dahil hindi lagi nandoon si Marvin sa tabi niya. Sa paglalakad-lakad, hindi na niya napapansin kung saan pinupunta ng mga paa niya. Basta ang alam lang niya ay sumasabay siya kung ano ang naiisip niya. Ilang minutong paglalakad hanggang sa hindi niya namalayan na naroon siya sa tapat ng plaza. Mayroon kung anong nagtutulak sa kanya para lumapit nang lumapit doon. Nang nasa tapat na siya ng estado, palinga-linga pa siya dahil baka may makakita sa kanya. Hindi niya alam kung bawal ba doon o hindi, dahil nangayon nagsisimula nang mapako ang paa niya sa kinatatayuan niya. Nakatitig lamang si Patricia sa bakal na gate sa may stage, nang biglang may sumigaw. "Tulong!" sigaw ng isang naghihinagpis na lalaki. Hinanap niya iyon sa gilid-gilid ngunit wala siyang nakita. Nagsalita pa muli ang lalaki, ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla niya sa kanyang nakita. Mayroong isang lalaki ang duguan habang nakahawak sa bakal na gate. Umiiyak ito at kitang-kita sa mukha ang pagkatakot. Dagdag pa na nakahubad ang lalaki at kitang-kita ang latay sa kanyang katawan. Hindi maigalaw ni Patricia ang kanyang paa at tuluyang napako ang paningin sa lalaki. Nakailang lunok pa siya bago tuluyang pumasok sa isip niya ang nangyayari ngayon. "T-tulong.." anito ngunit bigla siyang hinila ng isang kamay sa madilim na parte. Kahit gustuhin mang sumigaw ni Patricia at humingi ng saklolo, nanginginig pa rin ang bibig niya sa takot. Nang maramdaman niyang wala nang nagmamasid sa kanya, aakto na sana siyang aalis, ngunit mas lalo pang nangilabot ang dalaga sa sunod na narinig. "Maaari nang magsipunta ang mga manlalaro sa harapan ng plaza," Isang malamig na tono ng boses ng babaeng palaging nagsasalita tuwing magsisimula na ang laro. Naninibago si Patricia dahil kapag ganito ay isang matinis na boses ang kanyang naririnig, ngunit ngayon, seryosong-seryoso ang babae sa likod ng mikropono. Unti-unting nagsisidatingan ang mga tao. Ang iba ay mukhang alam na kung bakit sila pinatawag dito. Ang iba naman ay nakikiusyoso pa sa iba. Rinig naman ni Patricia na kaya sila tinipon dito ay may mahalagang anunsyo ang nakakataas. Huwag lang daw sanang maulit ang nangyari noong nakaraang taon. "Ano bang nangyari 'non?" bulong ni Patricia, ngunit biglang napakunot ang noo niya nang matulak siya ng isang lalaki na nakikipagunahan. "Pasensya na, pasensya na. Kaibigan ko ang nasa loob. Pakiusap, padaanin ninyo ako," pagmamakaawa ng lalaki habang namumula ang mukha niya at kinakabahan. Hindi maintindihan ni Patricia kung ano ang sinasabi ng lalaking iyon. Binigyan naman siya ng daan, ngunit nang nasa unahan na ay hindi na nito masiksik ang sarili. Gustuhin mang isiksik ni Patricia ang sarili sa unahan ay hindi na niya magawa. Napakarami kasi nila rito. Pero kumpara naman noong una ay parang nangalahati na lang sila. "Sa tingin ko ay kumpleto na ang lahat," isang boses ng lalaki ang nagsisimula nang magsalita sa likod ng mikropono. "Siguro ay may kaunting kaalaman na rin kayo kung bakit ko pinatawag lahat dito. "Jusko, huwag naman sana." Napapikit ang isang ginang habang taimtim na nagdarasal. Wala pa rin kaide-ideya si Patricia kung ano ang gagawin doon. Biglang inilabas ng mga guwardiya ang tatlong lalaki. Naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo at animoy nanghihina na. Biglang napangiwi ang mga tao. Napaiyak ang iilan ngunit wala silang magawa doon. Ang tatlong lalaki ay hirap na hirap na habang nakatayo at hawak sila ng mga guwardiya. Biglang nagulantang si Patricia nang maalala ang isa doon. Nasa gitna ang lalaking humihingi sa kanya ng saklolo. Lambot na lambot na ito at ilang segundo na lang ay mawawalan na ng malay. Hindi alam ni Patricia ang gagawin. Parang sa kaloob-looban niya ay nagsisisi siya kung bakit hindi niya nagawang iligtas kahit isa man lang sa mga ito kanina. "Mahigpit na ipinagbabawal ng Sta. Ignacia ang pagpatay sa mga kapuwa manlalaro. Sa kaso ng tatlong ito, nahuli sila kaninang madaling araw, ganap na alas dos ng umaga nang pinaslang nila ang isang lalaki. Napag-alaman na dati nilang kagrupo iyon at nakaalitan nila,kaya sa huli ay kanila itong pinaslang." paliwang ng lalaki. "Siguro naman alam ninyo ang karampatang parusa sa ginawa ninyo paglalabag ng mga alituntunin sa lugar na ito?" Kahit lambot na lambot ang tatlo ay nagawa pa rin nilang tumango. Naliligo na ang mga ito ng pawis at papikit na rin ang kanilang mata. Walang makapagsabi kung anong klaseng pagpapahirap ang ginawa sa kanila. Basta sa ngayon ay iba na ang pakiramdam ni Patricia. "Ngayon ay makikita niyo ang aktuwal na pagpatay sa tatlong ito na lumabag sa alituntunin ng Sta. Ignacia." May kung anong lumabas sa itaas ng bubong kaya napaatras ang mga guwardiya. Isa itong kadena na may panakal. Isa-isang nilagyan ng mga guwardiya ang tatlong lalaki ng mga kadena. Isa isa silang bumitin sa kawalan, kaya napapikit ang karamihan ng nanunuod. Si Patricia ay tila naestatwa pa rin sa kanyang nakita. Makalipas ang ilang minuto, nang mapansin na hindi na gumagalaw ang tatlo, walang ano-ano ay bigla na lamang dinampot ng mga guwardiya ang kanilang mga espada at pinugutan ng ulo ang tatlong lalaki. Nagkalat ang kanilang mga dugo kaya hindi na mapigilan ni Patricia na mapapikit. Hindi niya alam kung anong sakit ang mararamdaman niya habang pinapanuod ng aktuwal ang marahas na pagpatay sa tatlo. Isang aral na iyon sa kanila. "Joseph!" sigaw ng isang lalaki kanina na nakikipagsiksikan. Bigla siyang umakyat sa stage, ngunit tinulak siya pababa ng mga guwardiya. Iyong kaibigan niya ay nasa kabila. Hinahawak niya ang paa ng kaibigang nakasabit habang umiiyak. Walang masabi ang lalaki kung hindi ang pangalan ng kaibigan. Alam na kasi nito na kapag nanlaban siya ay isa rin siya sa mga paparusahan doon. "Ngayon ay natunghayan ninyo ang parusa na ginawa sa tatlo. Magsilbing aral ito sa inyong lahat. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga tahanan. Bukas na magsisimula ang inyong ikatlong antas. Nawa ay kung ano ang bilang ninyo ngayon, ay siya pa rin ang resulta bukas," wika ng lalaki sabay pinatay ang mikropono. Nagbulong-bulungan naman ang mga tao. Sumabay na rin si Patricia sa mga naglalakad. Pagkatapos ng insidente ay parang wala na lang iyon sa kanila. Parang sanay na sanay na silang makakita ng ganung pangyayari. "Imelda, balita ko naroon pa raw sa gubat ang damit ng biktima. Grabe daw ang ginawa nilang pagpaslang doon," sabi ng isang matanda kaya biglang lumapit si Patricia sa kanila. "Sino raw ba kasi 'yon?" tanong naman ng isang ginang na si Imelda. "Hindi ko alam e. Alam mo naman, taon na taon na yatang may nagbabalak na tumakas dito. Pero tingnan mo, wala pa rin akong nababalitaan na nabuhay," wika ng matanda. "Kaya nga ako hinihintay ko na lang ang kamatayan ko rito. Wala na akong pag-asa. Sa unang pagpasok ko pa lang dito, alam ko nang nasa impyerno na ako," wika ni Imelda. Nang makaalis na ang mga tao, naiwan namang nakatayo si Patricia sa gitna ng plaza. Muli niyang nilingon ang mga tatlong binitay, ngunit ngayon ay wala na ang katawan nila pati ang mga bakas ng kanilang dugo. Iniisip tuloy ni Patricia ang mga na-recover na ulo noon sa San Rafael. Kaya pala naglipana ang mga ulo doon ay dahil dito. Pinapanalangin ni Patricia na sana, hindi siya magaya sa mga natunghayan niya. Nang manlambot ang tuhod ni Patricia, dumiretso siya sa parke kung saan sila nagpunta kahapon ni Marvin. Marami na namang ikukwento at itatanong si Patricia sa nakita niya. Tiyak din maiinis na naman sa kanya ang kaibigan dahil sa dami ng tanong. Habang nagmumuni-muni, naisip ni Patricia ang sinabi kanina ng ginang. Naiwan daw ang kasuotan ng pinaslang no'ng tatlo sa gubat. "Bakit kaya nila ginawa 'yun, kung alam naman nila ang magiging kapalit?" tanong niya sa sarili. "Siguro may mga dahilan din sila. Pero hindi e, mali pa rin 'yon kaya hindi ko alam kung maaawa ako sa mga binitay o maiinis,"dagdga pa niya. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Patricia, nang may pumasok ngayon sa isip niya. "Hindi naman siguro masama kung makiusyoso rin ako minsan? Tsaka isa pa, hindi naman siguro masama kung titingnan ko kung paminsan-minsan." Tumayo si Patricia habang nakapamulsa pa siya. Taas noo siyang naglakad papunta sa sinasabing gubat. Sa totoo lang hindi niya talaga alam ang papunta doon, basta alam lang niya ay sa kabilang bahagi ito. May dadaang masukal na daan at pagkatapos non ay naroon na siya. Hindi na nag-aksaya ng oras si Patricia at hinalughog niya ang likurang bahagi ng mga tindahan. Sa kanyang paghahanap-hanap, pinagtitinginan siya ng mag tindero at tindera, ngunit wala siyang pakialam. Bumalik na rin sa paglalaro ang mga bata sa kalsada kaya nagsisimula na namang mabalot ng alikabok ang buong paligid. Limang minuto rin bago niya nahanap ang sinasabi ni Marvin noon na masukal na daan. Sinabi niya kasi ay may palatandaan papunta doon. tumingin muna sa paligid si Patricia para ikumpirma na iyon nga ang daan. May nakalagay kasi na signboard sa itaas. Nakaukit doon ang isang arrow na papasok. Sigurado si Patricia na iyon nga ang siansabi ng kaibigan. "Mamaya ko na lang siguro hanapin si Marvin. Alam naman niya ang pauwi e," aniya sa sarili at masayang naglakad papasok sa makipot na daan. Ang daan doon ay magkabilaang pader. Kailangan patagilid lamang ang pagdaan doon, dahil kahit sino ay ma-ta-trap kung paharap silang maglakad. Mabuti na lang ang medyo may kapayatan si Patricia. Medyo nahihirapan din siya sa paglalakad, ngunit kinakaya niya iyon. Ngayon lang kasi umusbong sa katauhan niya ang pagiging chismosa. Tsaka kapag may gustong malaman o madiskubre si Patricia ay susuungin talaga niya ito. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang kanyang lalakarin. Pagdating sa gitnang bahagi, lalo siyang nahirapan nang binalot ng malalaking damo ang daan. Hindi tuloy niya alam kung paano siya makakalampas doon. Naisipan ni Patricia 'yong kutsilyo na palagi niyang dinadala sa kanyang likuran. Binubot niya iyon at saka pinutol ang kalahati ng mga damo. Walang kahirap-hirap niya iyong ginawa hanggang sa wakas ay nakalabas na siya sa makipot na daan. Paglabas ay bumungad sa kanya ang mga matatayog na kawayan. Mayroong isang barong-barong sa unahan, ngunit mukhang matagal nang walang nakatira doon. Tuwang-tuwa si Patricia habang pinagmamasdan ang paligid, dahil kaunting ikot na lang ay naroon na siya sa sinasabing gubat. Nakakita ng daanan si Patricia na mukhang nilinis ng mga taga doon dahil walang nakaharang na kawayan. Mabilis siyang lumusot doon at bumungad muna sa kanya ang isang bukirin. Manghang-mangha si Patricia sa nakita. Nasa isip niya ay parang nasa ibang lugar na siya, ngunit kahit bali-baliktarin ang lugar ay naroon pa rin siya sa Sta. Ignacia. Maayos niyang nakikita ang magandang kalangitan, ang araw, pati ang ulap na nagsisimula nang bumuo ng ibat-ibang hugis. Nakahinga nang maluwag si Patricia nang sariwain niya ang hangin. Napakasarap no'n sa balat. Parang mas gusto na lamang niyang manatili doon hanggang matapos ang kanyang buhay, ngunit hindi maaari. Kung magtatago lang siya dito hanggang sa wakas, baka hindi na siya makalabas sa baryo at hindi na muling makita ang ina. Pagkatapos magpahinga ni Patricia, nagpalinga-linga siya sa paligid. Mas lalo pa siyang natuwa nang makita sa di kalayuan ang gubat na kanyang hinahanap. Alam niyang iyon na nga ang gubat dahil ang daming mga puno ang nakatayo doon. Isa pa, medyo masukal na ang daan papunta doon, kaya sinimulan nang ibaba ni Patricia ang kanyang pantalon. Iniisip niya kasi ay baka sa kausyosohan niya ay mangati pa siya pauwi. Baka tawanan pa siya ng kaibigan niyang si Marvin kapag kinwento ang kagagahang ginawa. Pagkarating sa tapat ng gubat, hindi niya mawari bakit bigla siyang kinabahan at natakot. Siguro dahil madilim sa loob o ano. Pero lam ni Patricia hindi dahil doon. Kahit natatakot siya, pilit pa ring may natutulak sa kanyang enerhiya para pumasok doon. Dahan-dahang ang paglalakad ni Patricia habang hinahanda ang kutsilyo sa kaniyang kanang kamay. Baka kasi may biglang sumaalakay dito. Mas mabuti nang maging mapagmatiyag siya. Sa kanyang paglalakad-lakad, biglang napahinto si Patricia nang may biglang kumaluskos malapit sa paanan niya. Tumigil muna siya panandalian sa paglalakad at hinihintay na lumabas ang kung anong tinatakpan ng mga tuyong dahon. Nang hinahanda na ni Patricia ang kanyang kutsilyo, bigla siyang napaatras nang lumabas ang kanina pa niya hinihintay. Isang palaka lang pala. Nagpatuloy sa paglalakad si Patricia at gumaan ng kaunti ang kanyang nararramdaman. Nawala rin ang kaba niya at mas iniisip ang kanyang matutuklasan sa gubat na ito. Habang naglalakad si Patricia, nasisiyahan siya sa ibat-ibang huni ng mga hayop na kanyang naririnig sa itaas. Napapatingin din siya sa mga nagtatayugang mga mahogany at acacia na nakatayo rito. Hindi niya mapigilang matuwa habang pinagmamasdan ang kalikasan. Hindi na niya iniisip ngayon ang totoong pakay niya rito dahil nag-e-enjoy na siyang tingnan ang paligid. "Kung sana ganito na lang ang lahat. Walang gulo, walang p*****n at hindi nakakulong ang mga tao," bulong niya sa sarili. Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad nang muntik na siyang madapa dahil may nakaharang sa kanyang paa. Pagtingin niya doon ay akala niya kung anong ugat lamang iyon, ngunit nang tinanggal niya ang mga tuyong dahon na nakaharang doon ay laking gulat niya ang nakita. Nanlambot ang kanyang paa kaya tuluyan na siyang napaupo. Nanginginig ang kanyang kamay na kunin ang kulay itim na damit. Unti-unting tumulo ang luha niya nang itinaas ang damit. Damit iyon ni Marvin. Unti-unting pumatak ang mainit na likido sa mata ni Patricia. Nanlalabot ang kanyang buong katawan habang hindi pa rin klarong pumapasok sa isip niya ang lahat. Bumabalik lahat sa isipan niya ang mga kwentong narinig kanina. Ang kuryosidad niya sa namatay at ang tatlong binitay. Lahat ng iyon konektado. At ang malinaw lang sa isipan niya ngayon, ang kaibigan niya ang biktima rito. Napapikit na lang sa sakit ng nararamdaman si Patricia habang yakap-yakap ang damit ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD