KABANATA XVII: CERVANCES

3025 Words
Pagtapos kumain ng dalawa sa isang maliit na kainan, minadali nilang umuwi upang sila raw ay makapag pahinga muna dshil bukas ay magsisimula na naman ang kanilang kalbaryo. Sa bawat paglakad nila ay hindi nila maiwasan ang mga matang nakatingin sa kanila. Hindi iyon pinansin ni Patricia kahit hindi na siya mapakali sa mga taong nakatingin sa kanya. Isa pa, pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na soya muling magsusuot ng gano'ng damit, dahil napapansin niya na takaw atensyon at away daw ito. Habang naglalakad sila, lumingon si Marvin sa kanya. "Siya nga pala, Patricia. Hindi ba't may pinasalo ako sa'yo kaninang pulang panyo na nakarolyo?" bulong nito. Napaisip naman panandalian ang dalaga at masayang tumango. "Aanuhin mo ba 'yun? Ang dumi-dumi naman no'n e, teka kunin ko na nga baka mangamoy pa sa.." Napatigil si Patricia sa paglalakad nang mapansing wala sa bulsa niya ang panyo. Nanlaki ang mata niyang humarap kay Marvin. "Nawawala!" sigaw niya. "Pero kailangan mo ba talaga 'yon?" Nanlaki ang mata ni Marvin habang palinga-linga sa paligid. "Oo girl! Iyon talaga ang pinunta natin doon! Jusko naman sa'yo, muntik na tayong mamatay dahil doon, tapos mawawala mo pa?" paninisi ni Marvin habang dahan-dahan siyang bumalik sa pinaglakaran nila kanina. "Teka, para saan ba 'yun? Marumi naman 'yon e, hayaan mo na!" anas ni Patricia ngunit sinamaan siya ng tingin ni Marvin. "Gaga ka ba? Nandoon yung gamot pantanggal ng lason sa tagiliran mo! Kaya nga hinagis ko sa'yo e, kasi akala ko sisinupin mo!" paninisi pa rin nito kaya lalong nanlaki ang mata ni Patricia at nagsimula nang kabahan. "Hala! Sorry, hindi ko alam! Shems, nasaan na 'yun?" Naging aligaga na ang dalawa sa paghahanap, kaya bumalik muli sila sa kanilang nilakaran nila. "Naku, Patricia! Sana talaga hindi iyon nahulog doon kanina sa pinuntahan natin.Hahayaan na lang talaga kitang mamatay diyan!" seryosong sabi ni Marvin habang nakatingin pa rin sa lupa. "Grabe ka naman! Hindi naman siguro, hanapin na lang natin..." biglang natigilan sa paghahanap si Patricia nang may makasalubong siyang isang tao na nakasuot ng isang itim na leather jacket at maong na pantalon. Amoy na amoy rin niya ang matapang nitong pabango. Napatingala si Patricia, kayat nabigla siya nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa harapan niya. Nakasuot din ito ng itim na shades. Hindi maipagkakailang guwapo ang lalaki kaya natulala rin si Marvin doon. "Ah..excuse po.. may—" Hindi na naituloy ni Patricia ang sasabihin nang may kinapa ang lalaki sa likurang bulsa. Kaagad nitong dinukot ang sigarilyo at sinindihan sa baon nitong lighter. Si Patricia ay tulala pa rin. "Ano bang hinahanap ninyo?" tanong ng lalaki sa malalim na boses. "Ahhh.." "Wala papi. Uhm, may nalaglag lang na barya si Patricia," maarteng sabat ni Marvin at nagsisimula nang magpa-cute sa lalaki. Pagkahithit ng sigarilyo ay natawa ng bahagya ang lalaki. Tinanggal nito ang suot na shades saka sinampay sa kanyang suot na jacket. Namangha lalo ang dalaga sa mala bughaw na mata ng lalaki. Napakaguwapo nito. Ang labing napakalambot, ang ilong nitong matangos at panga na lalong bumagay sa p*********i niya. Napalunok pa ng bahagya si Patricia habang tinitingnan ang lalaki. "Teka lang ha?" anas ng lalaki sabay may dinukot muli sa likurang bulsa. Pagbalik ng kamay ng lalaki sa harapan, dala na nito ang pulang panyo na nirolyo. Iyon 'yung hinahanap nila kanina pa, kaya muling nagningning ang mata ni Patricia. "Ito ba ang hinahanap ninyo?" tanong ng lalaki. Mabilis namang tumango si Patricia. "Oo, paumanhin pero akin na yan!" Kukuhanin na sana ni Patricia ang panyo ngunit mabilis nitong itinaas ng lalaki. Hindi niya iyon maabot dahil hanggang balikat lang siya ng lalaki. Hindi na muling nag-aksaya ng enerhiya si Patricia. "Alam ko kung saan ninyo galing ito. Bakit kayo nagnakaw ng Cervances kay Tata Morle?" tanong nito sabay tumingin kay Marvin. Tumiklop naman si Marvin dala ng sobrang hiya. Hindi siya makatingin sa lalaki kaya imbis na sagutin ito ay si Patricia na ang natgtanong. "Cervances? Isa lamang 'yan maruming panyo," pagkukunwari ni Patricia ngunit humalakhak aang lalaki dahilan para lumitaw ang kumpleto at malinis nitong ngipin. Si Marvin naman ay nagningning muli ang mata. Pinipigilan lamang na tumili dahil may mga guwardiya sa gilid nila. "Huwag mo akong gawing mangmang, binibini. May cervances sa loob nito at kay tata Morle lamang ito matatagpuan. Ngayon, sabihin mo sa akin na nagkakamali ako," wika ng lalaki. "Oo sige. Ninakaw namin 'yan. Gusto kasi ni Tata Morle na kapalit ng paggamot niya sa akin ay ako, kaya napilitan kaming nakawin 'yan," sagot naman ni Patricia. Napatango-tango naman ang lalaki ngunit maygianwad itong tingin na animoy naghahanap pa ng ibang kasagutan. "Kaya pala pinatay ninyo siya," bulong ng lalaki kaya nanlaki ang mata ng magkaibigan. "H..hindi po, hindi namin sinasadya!" sigaw ni Patricia. Tumalikod naman ang lalaki."Kung gano'n, sumama kayo sa akin. Ako na lang ang gagamot sa sugat mo." "Pero.." nag aalangang sagot ni Patricia dahil iniisip din niya na may balak sa kanya ang lalaki. "Huwag kang mag alala. Wala akong balak sa'yo, lalo na isa ka pa lamang baguhan." Tumakbo naman si Marvin s atabi ni Patricia habang tuwang-tuwa n pinagmamasdan ang makisig na likuran ng lalaki. "Edi sa akin may balak ka? Ilang buwan na rin kaya akong nandito," pagpaparinig ni Marvin ngunit hindi siya nilingon ng lalaki. Walang kaide-ideya ang magkaibigan kung sino ang lalaking iyon. Hindi rin nila alam kung saan sila pupunta, basta ang nasa isip lamang nila ngayon ay kuhanin ang cervances sa lalaki. Dumiretso ang lalaki sa isang upuang bakal kung saan nasa lilim ito. Pag-upo ay tumingin siya sa magkaibigan sabay sumenyas na tumabi sa kanya. Ngunit si Patricia ay nag-aalangan pa. Hindi kasi siya kumbinsido sa sinasabi ng lalaki, lalo pa't sumulpot lang ito sa harapan nila. Iniisio niya tuloy baka bosohan na naman siya nito katulad ng ginawa ni tata Morle. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya masaakaal ang lalaki dahil mas malaki ito sa kanya. "Huwag kayong matakot. Mabait akong tao. Ako nga pala si Vincent," pagpapakilala nito nang mapagtanto na hindi lumalapit sa kanya ang dalawa. "Isa ako sa mga gumagamot sa aking kasamahan, kaya magtiwala kayo sa akin. Hindi basta-basta ginagamit ang cervances. May tamang proseso rito kaya gusto kitang tulungan, binibini," pagpapaliwanag ni Vincent. Sa puntong iyon, nakumbinsi na rin sa wakas si Patricia at tumabi sa kanya. Bale si Marvin ang nasa kaliwang dulo at nasa gitna naman si Patricia. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil naroon pa rin ang hiya niya sa lalaki. "Saan ang sugat mo?" tanong ng lalaki habang tinatanggal ang panyonsa pagkakabalot. Lumabas mula roon ang tuyong dahon. Kinapa niya sa bulsa ng kanyang leather jacket ang isang maliit na lalagyan. Para itong mantika ngunit kulay lila. Pinatak niya ito ng kaunti sa dahon. "Matagal ko nang ginagawa ito. Kadalasan naman sa ginagamot ko ay gumagaling,kaya mapagkakatiwalaan ninyo ako," anas niya sabay tiningnan ang sugat ni Patricia. "Mabuti na lang at nadaplisan ka. Hindi pa gano'ng kadelikado, pero mas mabuti na kung agapan ng maaga," anito sabay tinapal ang dahon sa tagiliran ni Patricia. Wala namang reaksyon si Patricia habang tinitingnan ang ginawa ng lalaki, ngunit laking gulat na lamang niya na ang kaninang tuyong dahon ay naging sariwa habang sinisipsip nito ang lason na dumikit sa katawan ni Patricia. Wala siyang nanging reaksyon, pero sa isip niya ay manghang-mangha siya sa kanyang nasaksihan. "Siya nga pala fafa. Saan mo nahanap ang panyong 'yan? Tsaka paano mo kami nakita?" tanong ni Marvin kaya bumaling ang atensyon ng dalawa sa kanya. "Kanina ko pa kayo pinagmamasdan simula nang nagpunta kayo sa bahay ni tata Morle. Nakita ko rin kung paano kayo nakipaglaban," paliwanag nito saka tumango-tango. "Magaling kayo kumpara sa iba. Pwede na," sabi nito. "Teka... kung doon ka galing, ibig sabihin.." paputol-putol na sabi ni Marvin sabay nanlaki ang mata nito. Umiling naman si Vincent. "Hindi ako kasapi ng mga Apales. Sa pogi kong ito?" pagyayabang pa ni Vincent. Sumang-ayon naman si Marvin. Medyo may katotohanan naman ang sinabi ni Vincent dahil hindi maipagkakaila ito sa kanyang itsura. Siya yung tipo na mapapalingon ka kapag dumaan siya sa harapan mo. "Pero bakit mo kami sinusundan?" tanong ni Patricia. "Balak ko sanang tulungan kayo kanina kung hindi kayo nakatakas doon. Kaso mukhang kaya naman ninyo e, kaya hindi na lang." "P—pero paano na si tata Morle niyan? Hindi ba kami hahanapin ng mga kasapi niya? A..ano ang gagawin namin? Hindi namin sinasadya ang pagkamatay niya," kinakabahang sabi ni Patricia nang maalala niya ang ginawa kanina. "Ayos lang 'yon. Malapit na rin naman ang kamatayan ni Tata Morle, hindi na siya muling makakagawa ng kahalayan sa mga babae," anas nito. "A..anong ibig mong ssabihin?" tanong ni Patricia. "Ah wala, wala. Siya nga pala, saan banda ang bahay ninyo rito? Ayaw niyo bang sumama muna sa akin? Ipapakilala ko kayo sa iba pa naming kasapi," bulong nito ngunit mabilis na umiling si Marvin. "Hindi, Vincent. Ayos lang kami, uuwi na nga sana kami e, kaso itong kaibigan ko parang wala sa sarili." Hinawakan ni Marvin ang kamay ni Patricia at marahan itong pinisil. Alam na ni Patricia kung ano ang gustong iparating ng kaibigan kaya lumingon siya kay Vincent. "Ah..oo. Alam mo, pagod na nga kami e. Pauwi na rin kami." Tumayo ang magkaibigan. "Maraming salamat sa tulong mo ha?" wika ni Patricia, sabay hinila siya ni Marvin palayo na sa lalaki. Nang makalayo na sila, lumingon-lingon muna sa paligid si Marvin bago tinuon ang atensyon sa kanilang dinaraanan. "Naku Patchot, kapag may ganung tao na sinasali ka sa grupo nila, huwag kang pumayag ha?" bulong ni Marvin. "Bakit naman?" Mukhang mabait naman si Vincent e," anas ni Patricia. "Oo. Mukhang mabait nga, guwapo pa. Pero kung sa lugar natin may mga modus na ginagawa, dito din. Aakayin ka nilasa grupo nila at dadahan-dahaning ubusin ang puntos mo. Sige ikaw rin," sermon ng kaibigan. Hindi na muling nagsalita si Patricia at nagmadali silang umuwi. Nararamdaman na rin kasi ng magkaibigan ang pagod sa paglalakad. Pagkauwi ng bahay, kaagad na pumasok sa loob si Patricia at umupo sa monoblock. Si Marvin naman ay uminom muna ng tubig bago lapitan si Patricia. "Patricia. May pakiusap sana ako sa'yo, kung sakali umalis ako," seryosong sabi ni Marvin kaya napalingon sa kanya si Patricia na prenteng nag-iinat. "Saan ka naman pupunta? Saka ano 'yang pakiusap mo? Siguraduhin mong matino 'yan ah?" paninigurado ni Patricia. "Eh..matagal ko na kasing pinagiisipan ito." "Ano nga 'yun?" Biglang napaimpit ng tawa si Marvin. "Gusto ko sanang manlalaki rito," pagbibiro ni Marvin kaya mabilis siyang binatukan ni Patricia. "Ikaw akala ko seryoso ka! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo!"panenermon ni Patricia. "Pero di nga. Seryoso na ito, sana kung may mangyari mang masama sa akin, sana alagaan mo ang bahay na ito. Pinamana ito ni Tatay Celo kaya sana.." "Ano ka ba! Masyado ka namang seryoso ngayon. Sabay tayong lalaban hindi ba? Huwag kang mag-alala. Ako ang kakampi mo," pagpapalakas ng loob ni Patricia sabay inakbayan si Marvin. Nagtawanan na lang ang dalawa habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay nila noon. Naalala pa ni Marvin noong nasa elementarya pa sila, si Lea at Patricia ang resbak niya kapag may nakakaaway siya. Hindi nga niya akalain na magiging kaibigan ang dalawang 'yon dahil niligtas siya ni Patricia noong binubugbog siya ng mga kaklase nitong lalaki. Ayun, binugbog din sila pabalik ni Patricia. Malaki ang tiwala ni Marvin kay Patricia. Siguro nga masasabi niyang kaya niyang ibuwis ang buhay para sa kaibigan. Pero habang tumatagal na magkasama sila ni Patricia, lumiliit rin ang mundo ni Patricia, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin panatag si Marvin. Nitong mga nakaraang araw, nakikita niya na may nagmamasid sa paligid ng kanilang bahay. Akala nga niya noong una ay mga pusa lamang. Pero nito ang, napagtanto niya na iyon pala ang iba pang alagad ni Liriko. Hindi pa rin natatapos ang pagtatago niya. Kaya imbis na idamay anng kaibigan ay nakapagpasya na siya. Aalis siya sa bahay at hidndi sasabihin ay Patricia kung saan siya pupunta. Ayaw pa sanang iwan ni Marvin si Patricia dahil kahit pappaano ay nawawala ang pagkamiss ni Marvin sa mga magulang niya. Naawa rin siya kay Patricia dahil hindi pa niya masyadong alam ang gagawin, ngunit ayaw naman niyang isaalang-alang ang buhay ng kaibigan para lamang makaligtas siya. Pagkatapos nilang kumain, dumiretso na si Patricia sa nakalatag na banig. Si Marvin naman ay inayos ang mga prutas sa mesa. Mbuti na lang at naisipan nila na bumili ng prutas dahil bukas ay magsisimula na naman ang kanilang laban. Minsan naiisip ni Marvin na sumuko na lang din at magpatalo sa mga nakakalabang ibat-ibang Quadro, ngunit hindi niya alam kung bakit sa tuwing ginagawa niya 'yon ay biglang nawawala ang mga kalaban niya at lumilipat sa kanya ang puntos. Minsan napakamahiwaga ng baryong iyon, ngunit madalas takot at pangamba ang dinadala sa mga tao. Naaawa rin siya kay Patricia dahil sa kagipitan ay nakuha niyang pumasok sa baryong ito. "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Patricia nang magsimula na siyang humikab. "Hindi pa,mauna ka na," wika ni Marvin habang nakatingin sa gasera. "Sige. Magdadasal muna ako. Sana bukas masira ang monitor nila, sana bukas magpaulan ng bala kung nasaan ang namamahala rito. Sana bukas dumating na yung gobyerno at iligtas tayo rito," inosenteng sabi ni Patricia kaya napangiti na lamang si Marvin. "Asa ka pa. Baka nga mauna pang mamatay ang gobyerno kapag sumugod sila rito e. Ipanalangin mo na lang na sana bukas bukas pa tayong dalawa," wika ni Marvin. "Sana mag-ingat ka. Sana makabalik ka pa bukas sa bahay na ito," sa pagsabing iyon ni Margvin ay napakunot ang noo ni Patricia na tumingin sa kanya. "Anong ako? Tayo! Ligtas tayong uuwi rito at makakauwi tayo sa bahay natin ng walang labis walang kulang, okay?" Tumango na lang si Marvin at si Patricia naman ay tumalikod na sa kanya upang matulong. Ilang minuto ring nakatitig sa gasera si Margvin habang hinihintay na lumalim ang tulog ni Patricia bago siya lumisan. Nang amrinig na niyang humihilik ang dalaga, mabilis siyang tumayo at kinuha ang maliit na bag. Naglagay siya doon ng kaunti niyang pagkain at ang kanyang armas. Nagsuot din siya ng jacket at itim na sumbrero upang hindi siya makilala ng mga naghahanap sa kanya. Bago pa siya umalis, tumingin muli siya sa maamong mukha ni Patricia. Nakokonsensya siya sa pag-iwan sa kaibigan, ngunit kung hindi niya iiwan si Patricia ay tiyak, dalawa silang hindi na makakalabas ng buhay sa baryong ito. "Mag-ingat ka sana, Pachot. Pakisabi kina mama at papa, hindi na ako galit sa kanila," bulong niya. Bago siya lumabas ng bahay, inalala rin niya ang kanyang tatay Celo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumbinsido na wala na ang tatay-tatayan niya. Balak niya iyong hanapin ngunit hidni niya alam saan magsisimula. Isang masarao na tulog ang ginawad kay Patricia kinagabihan. Nalingat siya nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mata, kaya agad siyang nag-inat. Pagkatapos no'n ay hinanap ng kanyang mata si Marvin. Nanibago siya dahil kapag gigising ay sabay lammanng sila, ngunit ngayon ay wala ang kaibigan. Pagkatapos maghilamos at magmumog, tiningnan ni Patricia sa banyo ang kaibigan ngunit wala rin. Tiningnan din niya sa labas ngunit wala rin ito. Bahagya siyang natulala panandalian. Iniisip niya kung anong araw na ba ngayon. Ang pagkakaalam niya kasi ay sasabak na naman sila sa gyera ngayon, ngunit bakit parang normal lamang ito sa mga tao? Wala siyang naririnig na sumisigaw o mga subdalo na nasa gilid ng bahay. "Anong nangyayari rito?" tanong niya sa sarili saka muling pumasok sa loob ng bahay. Pagkainom niya ng tbig ay naupo muna siya saglit saka inalala muli kung saan si Marvin. "Baka maagang namalengke yon ah?" bulong sa sarili. "Pero hindi e. Nasaan na kaya naggpunta si Marvin?" Habang malalim na nag-iisip si Patricia, bigla namang may kumalabog sa pinto ng bahay kaya mabilis na nagulat at napalingon si Patricia. Muntik pa niyanng maibuga ang kanyang iniinom dahil doon. Pagtingin niya sa may pintuan,nagulat na lamang siya sa kanyang nakita. Isang itim na pusa. May nakasakit na pulang ribbon sa leeg nito. Nagkatitigan lamang ang dalawa hanggang sa magpasya na si Patricia na lapitan ang pusa. Hindi gumagalaw ang pusa at nakatingin lamang sa kanya. Hanggang sa pagbuhat ni Patricia at pagyapos sa ulo nito ay walang angal ang itim na pusa. "Bakit ka pumasok sa bahay namin?" panenermon ni Patricia. "Mabuti na lang at cute ka, kundi niluto na kita," pagbibiro pa niya kaya naman biglang sumigaw ang pusa at kumawala sa pagkakayakap sa kanya ni Patricia. Natawa naman si Patricia sa inasta ng pusa. Pagkatapos no'n ay pinakain niya ito at habang pinapakain ng kanin ay tinititigan ni Patricia ang bilugang mata ng pusa. Panandalian niyang nakalimutan na nawawala ang kaibigan. "Sino ba kasi ang nagmamay-ari sa'yo? Gusto mo ba dito ka na lang? Pero itatanong ko muna sa kaibigan ko ha? Maarte kasi 'yon, ayaw niya ng may pusaa.." biglang napatigil si Patricia nang maalala niya si Marvin. "Oo nga pala! Hahapin ko pa pala ang baklang 'yon. Sa ngayon, samahan mo muna ako ha? Ikaw muna si Marvin 2.0" pagpapangalam ni Patricia. Pagkatapos niyang pinakain ang pusa ay iniligpit niya iyon saka nagpasyang lumabas muna. Kinalong niya ang pusa habang palinga-linga niyang hinahanap si Marvin sa gilid. "Kasi naman si Bakla. Hindi man lang ako ginising bago umalis," inis na sabi ni Patricia. Habang palakad-lakad siya sa labas, hindi pa rin maqaglit sa iaip niya kung anong nangyayari ngayong araw. Day-off ba nila ngayon? Ang mga bata. Parang walang pinopoblema. Masya pa silang naglalaro katulad kahapon. Gulong-gulo na tuloy si Patricia, ngunit wala siyang matanungan patungkol dito. "Muntik na raw may nakatakas kagabi. Buti na lang daw ay nahuli siya ng mga guwardiya, ayun panigurado kinakain na siya ngayon ng mga Quadro," bulong ng isang ginabg sa katabi niya. Bigla namang natigilan si Patricia habang pinapakinggan ang dalawang ginang na nag-uusap. Hindi niya 'yon gaanong narinig dahil dalawang metro ang layo ni Patricia. Ngunit ang tanging malinaw lang sa narinig niya ay may namatay na naman kagabi. "Ano kayang nangyayari?" tanong niya sa pusang pinangalanan niyang Marvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD