KABANATA XVI: APALES

3035 Words
"Grabe naman si kuya, masyado tayong binibigla," anas ni Marvin habang sumusubo pa rin ng fishball. Si Patricia naman ay natahimik at pilit na inaalala ang lalaki. Iniisip niya kung ano bang nangyari doon ang naging gano'n ang mukha nito. Nang matunton na nila ang upuang simento sa parke, nauna nang naglakad si Marvin, habang nakasunod naman si Patricia. Wala siyang kibo, ngunit napatigil siya nang biglang may humablot sa laylayan ng kanyang damit. Pagtingin niya sa ibaba ay may nakita siyang isang matanda gusgusin. may lampin na kasakit sa balikat nito habang nakaupo sa simento. Mainit na rin sa kinauupuan ng matanda kaya kitang-kita ang pag-ngisi nito dala ng sikat ng araw. "Ineng, pwedeng akin na lang 'yan?" tanong ng matanda kay Patricia nang makita ang kinakain niyang fishball. Hindi nagdalawang isip si Patricia na iabot ang baso na naglalaman ng pagkain sa matanda. Pagkabigay niyang iyon ay umupo siya, kaya magkasing taas na sila. "Ano po ang ginagawa ninyo ri—" hindi na naituloy ni Patricia ang pagtatanong nang tawagan siya ni Marvin. "Halika na rito!" Tawag sa kanya ng kaibigan, ngunit imbis na tumayo at umalis ay umupo pa siya sa simento kaya napangiti ang matanda. "Mamaya na!" sigaw niya pabalik, saka lumingin sa matanda na ngayon ay kinakain na ang bigay niyang fishball. "Salamat anak. Matagal na kasi akong hindi nakakakain e," wika ng matanda. Tumingin naman si Patricia sa braso nito at nakita niyang isandaang puntos na lang din meron ang matanda. "Wala po 'yun. Teka lang, may permanente po ba kayong tirahan dito? Ano po ang ginagawa ninyo rito?" tanong niya. "Wala akong tirahan. Hinihintay ko na lang ang aking kamatayan. Namatay na lahat ng pamilya ko, pero hindi ko pa rin maisip kung bakit buhay ako ngayon," malungkot na sabi ng matanda. Tumango-tango lang si Patricia habang sinusuri ang itsura at kagamitan na dala ng matanda. Mukhang palaboy nga ito dahil may dala pa siyang itim na supot, pagkatapos ang duster nito ay mukhang daang taon nang hindi nalalabhan sa kapal ng putik na nakadikit. "Maswerte pa nga po tayo e, kasi 'yung ibang sanggol dito, kakalabas pa lang sa mundo pero hindi na sila nakakapagtagal," saad naman ni Patricia. "Ingatan mo ang sarili mo," wika niya kay Patricia kaya nanlaki ng mata niya. "P-po? Nag-iingat naman ako, kayo nga po dapat ang mag-ingat e. Lalo na dito sa pwesto ninyo, napakainit oh." Tinuro ni Patricia ang araw na tumatana na sa kanila, ngunit ang matanda ay patuloy lang din sa pagtitig sa maamo niyang mukha. "Iba ang nababasa ko sa isip mo, anak." "Ano naman po 'yun?" pagkukunwari ni Patricia dahil nagsisimula na siyang kabahan. "Hindi madali ang mararanasan mo sa baryong ito. Magkakaroon ka ng maraming sugat, mapapalaban ka sa mga taong malapit sa'yo, magiging isa kang utos-utusan. Masisira ang buhay mo." "H—hindi ko po alam ang pinagsasabi ninyo. Opo alam ko na nasa bingit nang kamatayan ang buhay ko ngayon, p..pero ano ho ang sinasabi ninyo sa akin?" Napataas nang bahagya ang boses ni Patricia dahil nag-iiba na rin ang awra ng matanda. Nanlalaki na ang mata nito. "Ito!" Kinapa ng matanda ang sugat sa tagiliran ni Patricia kaya bahagyang napangiwi si Patricia. "Kung hindi mo maagapan ng mabilis ang sugat na iyan ay baka lalong kumalat ang lason na nilagay nila sa'yo. Wala pa 'yang epekto sa ngayon, pero mararamdaman mo 'yan kapag hindi mo na maigalaw ang kalahati ng iyong katawan," paliwanag ng matanda. "Huwag!" Hinampas ng bahagya ni Patricia ang kamay ng matanda na palalim nang palalim ang hawak sa sugat ni Patricia. "Kung gusto mong makatakas rito at maisalba ang buhay mo, kailangan mong pumunta sa gubat. Naroon ang lagusa—" Biglang naputol ang sasbabihin nang matanda, nang biglang tianwag si Patricia ni Marvin. "Patricia! Ang tagal mo naman!" inis na sabi ni Marvin kay Patricia kaya nabaling agad ang atensyon ng dalaga sa kaibigan. Hindi na mawari ang mukha ni Marvin habang nakasimangot siya at nakataas ang kilay. Magpapaalam pa sana siya sa matanda na babalikan siya nito mamaya, pero nu'ng pagharap ni Patricia ay wala na ito. Takang-taka si Patricia na tinabihan si Marvin. "M—marvin, nakita mo ba 'yung.." nagugukuhang tanong ni Patricia habang tinuturo kung saan nakaupo kanina ang matanda. "Ang ano? Ano bang nangyayari sa'yo? Ang weird mo ngayong araw, Pachot. Pinabayaan na nga kitang umupo doon kahit mukha kang pulubi e, tapos ano ano pa ang tinuturo mo," inis na sabi ni Marvin na ikinalaki ng mata ni Patricia. "H..hindi! Umupo ako doon, kasi may kausap ako. Hindi mo ba nakita? Y—yung matanda doon.." "Naku, dala lang siguro ng sobrang pagod 'yan. Saka wala akong nakitang katabi mo kanina do'n," sagot ni Marvin. "Hindi." Saka naalala ni Patricia ang fishball na hiningi sa kanya ng matanda. Sasabihin niya sana iyon sa kaibigan ngunit mas lalong nanlaki ang mata niya nang makita ang baso ng fishball sa may simento. Parang walang bawas ang fishball na iyon, pero kanina ay kinakain ng matanda. "Tingnan mo! Ang gastos mo talaga! Kainin mo 'to, pwede pa oh!" Sa pagkatulala ni Patricia ay hindi niya namalayan na tumayo na si Marvin at kinuha ang fishball sa lapag. Inabot sa kanya, ngunit tulala pa ring kinuha ito ni Patricia. "Ano ka ba Patricia? Naeengkanto ka na ba?" takang tanong ng kaibigan, ngunit ang dalaga ay hinawakan ang kanyang sugat sa tagiliran. Pinakiramdaman niya ito. Hindi nga siya nagkakamali! Totoo nga 'yung nakausap niya kanina. Pero ano 'yon? Bakit siya lang ang nakakita? Tsaka ano yung sinasabi nang matanda na kailangan ko nang ipagamot ito dahil may lason? Isa pa, yung gubat na sinasabi niya, naroon daw ang lagusan pabalik sa mundo nila. Sa totoong mundo. "Ayos lang ako," pagkukunwari ni Patricia. Napatingin si Marvin sa tagiliran na Patricia nang hawakan niya ito. "Sumasakit pa ba yan? Gusto mo bang ipagamot na natin yan kay tata Morle?" nag-aalalang tanong ni Marvin. Kaagad namang lumingin sa kanya si Patricia. "Magagamot pa ba ito? Hindi pa ba ako mamamatay?" tanong ni Patricia na bigla namang ikinagulat ni Marvin. "Mamamatay?" "Ah..wala! Halika." Saka tumayo si Patricia at hinila si Marvin. "Puntahan na natin yang sinasabi mo na si tata Morle. Wag mo akong intindihin, kinulang yata ako ng tulog, kaya ganito," anas ni Patricia kaya hinayaan na lang siya ni Marvin. Sa kanilang paglalakad-lakad, nararamdaman na ni Patricia ang hapdi sa balat ng init. Hindi na rin siya kumportable sa suot niyang damit, kaya kapagkunwan ay palagi niya itong tinataas. Hindi na rin siya mapakali nang mapansin na ang mata ng mga lalaki sa peryahan ay nakatuon lamang sa kanya. Hindi naman kasi mapagkakaila na lalong tumingkad ang kagandahan ni Patricia sa kanyang suot, ngunit hindi ito ang tamang panahon upang magapaganda. Isa pa, mukhang hindi normal ang mukha ng mga lalaking nakatingin sa kanya, dahilan para mangilabot siya ng husto. Ilang minuto rin silang naglalakad nang mamangha si Patricia at tinanggal ang pagkakahawak sa balikat ni Marvin nang tumambad sa kanya ang isang palengke. Marami pa rin tao roon, at hindi katulad sa kanilang tinutuluyan ay hiwa-hiwalay ang mga tinda nila. "Sila ang mga apales," bulong ni Marvin kay Patricia. "Apales?" "Kung titingnan mo ang kasuotan nila, parang naka-uniform sila hindi ba? Nakapulang tube, tapos yung buhok nila ay nakatirintas ng hiwa-hiwalay. Iba rin ang kulay nila sa atin. 'Yan lamang ang palatandaan na mga Apales sila. Alam mo, kahit masaya silang tingnan, nakakalungkot ang buhay nila." Napakunot ang noo ni Patricia. " Bakit naman?" "Dati napakarami nila rito. Mababait sila kung tutuusin, pero kapag nagsimula na ang laro, inuuna ng mga guwardiya ang grupo nila. Kaya ayan, iilan na lamang silang narito. Sila ang namumuno ng palengke rito. Mas mababait sila, kumpara sa mga chakang tindero sa atin. Kaya kung may balak kang bilhin, bilhin mo na rito," wika ni Marvin. "Eh diba, si tata Morle ang pinunta natin dito?" takang tanong ni Patricia dahil sa totoo lang ay wala siyang gustong bilhin na kahit ano. Ayaw kasi niyang gumastos, pagkatapos ay gutom na naman siya kinabukasan. Pero naalala niya na nabawasan na rin pala ang puntos niya kanina noong bumili sila. "Eh baka wala na akong pambayad doon sa mag gagamot sa akin kapag bumili pa ako ng pagkain," tanong ko. Tinapik naman ni Marvin ang balikat ko. "Ano ka ba! Lahat ng tao dito, kay tata Morle lang nagpapagamot, saka mura lang maningil yon! Kaysa lumala pa 'yan, sige bahala ka. Baka matuluyan kang mamatay," pangongonsesnsya ni Marvin. "Sige na nga, pero anong gagawin sa akin nung tata Morle na 'yun? Baka halayin ako ha?" kinakabahang tanong ni Patricia. "Andito ako girl! Kahit babakla-bakla ako, papanain ko siya mismo sa mata niya," pagbibiro pa ng kaibigan. Pumasok ang magkaibigan sa isang makipot na daan. Nahirapan silang maglakad dito dahil ang tubig na galing sa bawat bahay ay tumutulo sa kanilang dinaraanan. Ingat na ingat ang dalawa hanggang sa makarating sila sa pangwakas na eskinita. Sa huling eskinita, nagpalinga-linga pa ang dalawa. Mukhang sa mukha rin ni Marvin ay nalilito siya kung kakanan ba sila o kaliwa, ngunit sa huli ay napag-alaman nito at naalala na ang bahay ni tata Morle ay nasa kaliwa. Pumasok sila roon at dumaan sa mga bahay na kubo. Manghang-mangha naman na tumitingin sa paligid si Patricia. Ang akala niya kasi ay ang mga bahay roon ay puro bato. Mayroon din palang natitira na gano'n kagandang bahay. Ang bahay na pawid. Hindi niya maiwasang maaalala at ma-miss ang kanyang ina nang tumitingin siya sa mga bahay na iyon. May pait ang bawat ngiti na kanyang ginagawa. Nang mapansin siya ng kaibigan na si Marvin, hinawakan lamang nito ang kanyang kamay ay naglakad sila papasok sa pinakadulong daan. "Malayo pa ba tayo?" tanong ni Patricia nang maramamdaman na niya ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang kabahan dahil sa posibleng resukta ng pagpapagamot niya. Kahit daplis lang ang natamo niya sa laban, malay ba niya na may lason nga 'yung espada ng guwardiya na 'yon. Mabuti na lang at mayroon din pa lang advantage ang pagtatagal rito ni Marvin, dahil natutulungan siya nito sa bagay na hindi pa niya nadidiskubre. Tumigil ang magkaibigan sa isang bahay na kahoy. Ang bubong ay pawid at wala kang makikitang simento roon. Napapalibutan ang harapan ng bahay ng mga malulusog na bulaklak. Medyo nawala ang kaba ni Patricia dahil doon. Nakita kasi niya 'yong vounggaville na bulaklak. Simula pagkabata ay iyon na ang paborito niya. "Nandito na rin tayo, sawakas!" wika ni Marvin sabay nag-unat pa. Inakay naman ni si Patricia saka kumatok siya. "Tata Morle?" tawag niya rito. "Tata—" Tawag niya ngunit mabilis na bumukas ang pinto kaya biglang napaatras ang dalawa sa gulat. Iniluwal nito ang matanda na nakacheckered habang ang pang-ibaba ay maong na pantalon. Meron din siyang panyo sa noo habang nakasiksik doon ang mga talulot kasama ang ibat-ibang klase ng damo. "Pasok kayo," garalgal na sabi ng isang matanda, sabay tumalikod. Maliit lang ito. Siguro ay nasa apat na talampakan lamang ang laki, medyo kuba din si tata at mabagal nang maglakad. Parang isang pitik mo lang dito ay tataob na agad siya. "Halika!" paanyaya ni Marvin nang mapansin na tulala si Patricia. Pagpasok nila, bumungad agad sa kanila ang mesa na gawa sa kahoy. Wala rin kalaman laman ang mesa nito. Umupo naman ang matanda sa isang upuang kahoy sa may kabisera at tumingin sa dalawa nitong bisita. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"matalim nitong tinitingnan si Patricia habang nagsasalita. Si Patricia naman ay pasimpleng nagtago sa likuran ni Marvin at kinurot ito sa tagiliran, kaya natawa ng bahagya si Marvin. "Ah..eh, tata Morle ipapagamot ko lang sana 'tong girlfriend ko, nasugatan kasi siya no'ng nakaraang laban e," pagpapanggap ni Marvin. Nanlaki ang mata ni Patricia ngunit hindi na siya umalma. Siguro nga magiging gano'n muna ang sitwasyon nila para maiwasan ang malalagkit na tingin ng matanda sa dalaga. "Singkwentang puntos," mabilis na sabi ng matanda at sumandal sa kanyang upuan. "P—po? Ang mahal naman yata?" nahihiyang tanong ni Patricia. Siniko naman siya ni Marvin at tumagilid sa kanya. "Ano ka ba. Magbigay ka na, kaysa malason ka pa diyan!" ipit na sabi ni Marvin. Dahan-dahan namang umalis sa likuran nito si Patricia at hinawakan ng mahigpit ang braso ng kaibigan. "S..sige po. Pero mapapangako niyo ba sa akin na mawawala ang lason na nakadikit sa tagiliran ko?" nag-aalangang tanong ni Patricia. "Mawawala ang lason na 'yan at mapapalitan ng sarap," anas ng matanda saka tumayo. Sa pagsabi niyang 'yon, ramdam na ni Marvin at Paatricia ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Tumawa nang sarkastiko si Marvin at maiging hinawakan anng kamay ni Patricia. "Tata Morle, mukhang hindi yata nasabi sa akin ng mga taga rito na isa kayong manyakis," patawa-tawang sabi ni Marvin ngunit ang kamao nito ay handa nang sumuntok. "Aba." Tumayo ang matanda. "Mukhang nakakalimutan rin ninyo na nandito kayo sa lungga namin? Tsaka tingin ko sa kasama mo, matagal mo nang hindi dinidiligan e. Tingnan mo oh, mukhang lanta na. Ibigay mo na lang sa akin," patawa-tawang sabi ng matanda. Akma na sanang susugod si Marvin ng kanyang suntok, ngunit bigla kaming natigilan. May mga kasamahan siyang limang itim na tao at may dala ng sibat. Napakatalim ng sibat na nakatutok sa magkaibigan at isang galaw lamang nito ay maaari nang matusok anng kanilang lalamunan. "Dapat bago kayo nagpunta rito, inalam niyo muna kung ano ang magiging kapalit. Hindi 'yung kami pa ang nakikiusap sa inyo." Naglakad ang matanda palapit sa amin. Hindi makagalaw ang magkaibigan dahil isang hakbang lamang ay susugurin na siya ng mga ito. Hinawakan ng matanda ang braso ni Patricia ngunit mabilis niya itong tinanggal at binigyan ng masamang tingin. "Mukhang gusto ko ang pinapakita mo," bulong ng matanda sa tainga ni Patricia kaya lalo siyang nangilabot doon. Sinuri rin niya ang bawat porma at galaw ng mga nakapaligid sa kanya, bago siya gumawa ng hakbang. Nang makaisip na siya ng plano, tumingin siya kay Marvin at nagtanguan silang dalawa. "Ano, binibini. Pumapayag ka na ba sa plano—" Hindi na muling nakapagsalita ang matanda nang hilahin ni Patricia ang ulo nito, sabay itinutok ang baon niyang kutsilyo na kumikinang sa talim. "Ang daldal mo!" inis na sabi ni Patricia, kaya naman walang magawa ang mga tauhan ng matanda ang dahan-dahang lumayo. "Ano ba kayo! Bakit wala kayong magawa! Ang tatanga ninyo!" sigaw ng matanda habang sakal-sakal pa rin siya ni Patricia. Si Marvin naman ay umaabante na rin at dinudukot ang baong kutsilyo sa likuran. Bago pa man kasi sila umalis, pinaalalahanan na siya ni Marvin na magdala sila ng armas. Dahil hindi nila alam kung may peligro bang mangyayari sa kanilang pupuntahan. Mabuti na lang at nakinig si Patricia, dahil sa oras na ito ay kakailanganin nila ng armas. "Patricia sa likod mo!" sigaw ni Marvin nang makita nitong may lalaking paparating na sasaksakin na sana ang likuran ni Patricia gamit ang sibat. Mabuti na lang at mabilis gumalaw si Patricia dahil bago pa gawin ng lalaki ang balak ay sinipa na siya ng buong lakas ni Patricia. Ang matanda naman ay hindi magkamayaw nang pahigpit nang pahigpit ang sakal ni Patricia sa kanya. Namumula na rin ito, ngunit lalo pang nag-init ang ulo ni Patricia nang may amsinagan siya sa di kalayuan na may isang babaeng balak siyang tamaan ng palaso. Tinawanan lang siya ni Patricia at nang paparating ang palaso, bigla niyang hinarang ang ulo ni tata Morle kaya ito ang natamaan. "Tata!" sigaw ng mga tauhan nito kaya nagsimula na ang kanilang laban. Kaagad na dinampot sa lapag ni Patricia ang sibat na ginamit ng lalaking sinipa niya, sabay binitawan ang kutsilyo. Si Marvin naman ay nakikipagbakbakan na rin nang maitumba niya ang dalawang lalaki sa hawak niyang tubo. "Patricia salo!" Mayroong hinagis si Marvin na pulang panyo. Kaagad itong sinalo ni Patricia at mabilis silang lumabas ng bahay. Paglabas nila ay mabuti na lang at hindi pa alam ng ibang kasapi, kundi baka atakihin din sila pag nalaman nilang wala na ang kanilang tata Morle. Wala silang tigil sa kakatakbo. Si Marvin ay parang sanay na sanay na rito dhail hindi man lang humihingal. Si Patricia naman ay pagod na pagod na habang inaalala pa rin ang kanyang sugat. Mabilis silang nagtago sa isang tindahan na walang katao tao. Pumasok sila doon at nagtago sa ilalim ng mesa. Inaabot ni Patricia ang hininga niya nang mapaupo sila sa sahig. Hindi niya kasi inaasahan na gano'n ang mangyayari. Mabuti na lang pala at naging alerto sila. Pero hindi sila dapat maging kampante dahil naroon pa sila sa kuta ng mga apales. "Ano okay ka lang ba girl? Dapat pala hindi na kita pinagsuot ng ganyan," saad ni Marvin na namumula na sa takot habang pinagpapawisan. Palinga-linga pa rin siya sa paligid upang tingnan ang mga humahabol sa kanila. "Akala ko ba mababait ang mga tao rito? B..bakit may..ganun?" hinihingal na tanong ni Patricia. "Akala ko rin e. Sorry naman!" sabi niya saka naupo at sumandal sa mga plastik na nasa likuran nila. Pinahupa muna nila ang kanilang pagod habang nagmamasid sila sa paligid. Si Patricia ay hindi mapakali nang maalala na niyapos siya ng matandang manyakis. Sa tanda ni tata Morle ay hindi niya akalain na may itinatago pa pala itong baho sa sarili. Biglang nangilabot si Patricia. "Mukhang wala na yata sila," bulong ni Marvin nang sumilip siya sa labas. Normal lang naman ang nangyayari sa labas. Walang tumatakbo o naghahanap sa kanila. Nakakapanibago lang. "Parang hindi na nila tayo hinabol o hindi nila tayo inabutan?" takang tanong ni Patricia. "Hindi ko alam, pero nagpapasalamat talaga ako dahil hindi nila tayo nahuli. Kundi nako,hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami kaya nila dito 'no! Hindi nga ako mamamatay sa laro, mamamatay naman ako sa mga ito. Kala ko mababait sila. Ang cha-chaka na nga nila, lalo na 'yung si tata Morle!" inis na sabi ni Marvin habang nakanguso pang nagpapaliwanag. "Alam mo nagpapasalamat pa rin ako sa'yo,kasi niligtas mo ako," wika ni Patricia at akmang yayakapin si Marvin nang biglang inilayo ni Marvin ang sarili. "Girl... alam mo 'yan! Hindi tayo talo," paalala ng kaibigan at sabay silang nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD