Wala sa sarili si Patricia na pabalik sa tinitirahan. Bitbit pa rin niya ang damit ng kaibigang si Martin. Humahangos at tila wala sa sarili, ngunit hinayaan lamang niya ang sariling magluwal ng luha. Hindi na niya alam kung saan at paano magsisimula, gayong wala na ang matalik niyang kaibigan. Pinagtitinginan din siya ng mga taong nadadaanan niya tulad ng inaasahan, ngunit wala siyang pakialam doon. Pakiramdam nga niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Walang ganang binuksan ni Patricia ang pinto ng bahay. Sumaoubong sa kanya ang nanlalaking mata ng pusa, habang hinihintay na kuhanin siya nito. Ngunit si Patricia ay dire-diretso lamang sa loob at nilampasan ang pusang kanina pa naghihintay sa kanya. Umupo siya sa sulok at niyakap ang damit ng kaibigan. Unti-unti na namang tumutul

