Kasalukuyang nag-aalmusal sina Makmak at Ara nang biglang narinig ang ingay ng trumpeta sa labas, hudyat na iyon para sila ay magmadali na at lumabas. Mabuti na lamang naging handa sila kahapon at nakapaghanap ng lubid.May kutob na kasi si Makmak na hindi simpleng laro ang kanilang gagawin. Isa pa, hindi mag-aaksaya ng oras ang gumawa ng liham upang ipabatid sa kanila ang gano'ng bagay.
"Ara, wala ka na bang nakalimutan?" tanong muli ni Makmak, habang sinasabit na niya sa kanyabg balikat ang mahabang lubid.
"Wala na. Ikaw, baka may nakalimutan ka?" tanong pabalik ni Ara bago tuluyang isara ang pinto.
Sabay silang naglakad, habang may nakasabayan rin silang iba na may dala ng kani-kanilang tali. Napansin ni Makmak ang isang dalaga, na may kinakapa sa kanyang bulsa at parang nababahala siya base sa kanyang mukha. Pinagmasdan niya iyon hanggang sa may dinukot sa unahang bulsa ang babae. Nakataas ang kaliwang kilay ni Makmak, habang hinihintay kung ano ang dudukit ng dalaga doon, nang biglang napatawa siya ng impit.
"Pucha!" bulong niya sa sarili nang makita kung ano ang dala ng dalaga. Isang manipis na tali. Mukhang nakuha lamang ng dalaga ang tali sa sirang damit. Walang kamalay-malay ang dalaga sa kakaharapin nila mamaya.
"Mak?" tawag ni Ara kaya bumaling ang atensyon sa kaibigan.
"Ano kayang gagawin natin sa tali? Magbibigti na ba tayo?" seryosong tanong ni Ara.
Tinapunan lang siya ng tingin ni Makmak. "Alam mo hanggang kailan, napakanegatibo mo talaga! Halika na nag!" paanyaya ni Makmak. Sumunod naman si Ara. Pinagsawalang bahala na rin ni Makmak ang nakita, kahit nababahala siya sa kakaharaping pagsubok nila mamaya.
Sa kanilang paglalakad-lakad, muli siyang nabigla nang sumulpot na naman sa harapan niya ang babae, ngunit ngayon, may kasama na siyang tatlong bata. Mukhang tinutulungan nito ang mga bata na buhatin ang lubid na mas mabigat pa sa kanila. Naalala niya tuloy noong bata pa sila ay pinilit niyang itulak ang bato papuntang bundok. Pinagawa iyon sa kanila ng mga guwardiya. Sinasanay silang maging malakas, hindi para sa kanilang sarili. Kundi para sa kakaharapin nilang pagsubok araw-araw.
Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, tirik na ang araw kaya napasakit niyon sa balat. Mabuti na lang at may manggas ang damit ni Makmak, dahil si Ara ay napapangiwi na sa init ng araw na tumatama sa balat nito.
Ngumiti lang si Makmak na nilapag sa lupa ang lubid habang pinapanuod ang mga kasamahan na nag-eensayo.
"Para saan naman kaya 'yung ginagawa nila?" tanong ni Ara.
"Hindi ko alam e, siguro, makisama na lang din tayo. Halika na!" paanyaya ni Makmak, sabay umakyat sa puno ng acacia. Madalas ay doon kasi ang tambayan niya kapag malungkot siya at pagod. Ngayon ay iba ang pinunta niya rito. Inilapat niya ang kanyang likod sa malaking sanga sabay ginawang unan ang kanyang kamay. Pumikit siya at nilasap ang sariwang hanging ginagawa ng puno.
"Bagal mo naman!" sigaw ng isang bata, sabay umakyat sa puno kaya umugong ang sanga na pinaghihigaan ni Makmak. Minulat niya ang kanyang mata at naabutan doon ang dalawang batang lalaki na naghahabulan sa taas.
Pero imbis na magalit, pinagmasdan lamang ni Makmak ang dalawang bata na masayang nagkukwentuhan habang hinaharangan ang mga ito ng mga dahon.
Naalala na naman niya ang kaibigan niyang si Bernadette.
Flashback
Sa lugar ng Sta. Ignacia na lumaki ang tatlong magkakaibigan na sina Makmak, Ara at Deth. Doon na rin sila nagkaisip at natuto. Masaya ang pamumuhay nila noon. Katulad ng simpleng mga bata. Naglalaro at tumatakas tuwing tanghali upang magpunta sa kanilang paboritong lugar. Iyon ay ang bukid sa likod ng mga bahay. Hindi na rin mapagkakaila na marami nang pinagsamahan ang tatlo at tinuring na magkakapatid ang bawat isa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kanilang pagkakaibigan ay napalitan ng pagkamuhi, pagdidiri at pagkagalit.
Magkasama sa bahay sina Ara at Makmak, dahil mula noong bata pa si Ara ay inampon na siya ng magulang ni Makmak. Namomoblema no'n ang magulang ni Makmak dahil pabagsak nang pabagsak ang negosyo nila na daingan. Wala na kasing gaanong bumibili, dahil umaalis na ang mga tao sa kanilang baryo. Napilitan sina Ara at Makmak na mangnakaw. Dahil doon, nahuli sila ng ama ni Deth na isang bantay noon. Hinuli sila ni Mang Eddie at limang silang ikinulong. Simula nang lumaya sila, hindi na sila kinakausap ni Deth. Kapag nagkakasalubong din sila ay parang hindi magkakakilala ang tatlo. Labis na nasaktan no'n si Makmak. Paulit-ulit niyang pinupuntahan sa bahay si Deth, ngunit paulit-ulit din siyang nilalayuan ng dalaga. Lumalalim na rin ang pagtingin ni Makmak sa dalaga, ngunit hanggang ngayon ay hindi na siya kinakausap nito.
Hanggang sa nagkaroon ng malaking pagbabago ang kanilang baryo. Sinabi na lamang sa kanila na bago na ang nagmamay-ari ng baryo Sta. Ignacia. Ikinulong silang lahat. Nagkaroon ng mga guwardiya at ang hindi maipaliwanag na mga Quadro. Araw-araw ay nagkakaroon ng palaro at dumadanak ang dugo ng mga tao. Sa tuwing sasapit ang unang araw, palaging balisa ang mga tao at hindi nagkaroon ng karapatang sumaya. Palagi ring may namamatay sa palarong iyon, at kung hindi man namamatay, tinatapon sila sa labas ng baryo. Kasama na doon ang ama at ina ni Makmak. Ang akala kasi nila noon ay simpeng laro lamang ang pinapagawa sa kanila, ngunit nang matunghayan niya kung paano pugutan ng ulo ang kanyang ama at ina, tinatak na niya sa kanyang isip na kapag nakaharap na niya ang isa sa mga Quadro na pumatay sa magulang niya ay wala siyang sasayanging pagkakataon upang hindi ito patayin.
Pagbaba mula sa puno, nakita niya si Ara na nag eensayo sa isang pader. Pilit umaakyat ang kaibigan niya na nagmumukhang pusa doon. Natawa si Makmak, kaya ang ginawa niya ay pilit na hinihila si Ara pababa.
"Ano ba, Makmak!" inis na sabi ni Ara. "Isa pa!"
Hindi naman nagpatinag si Makmak at patuloy pa rin niyang inaasar si Ara, kaya napababa ito sa sobrang inis. Naghabulan ang dalawa na parang walang kakahataping pagsubok. Tuwang-tuwa si Makmak kapag inaasar niya si Ara. Bukod kasi sa pikunin ang kaibigan ay hindi rin siya mahuli nito dahil sa liit ni Ara. Hanggang leeg lamang kasi ni Makmak ang kaibigan, kaya madalas ay binabatok-batukan lamang niya ito. Nagngingitngit ang ngipin ni Ara habang hinahabol si Makmak, ngunit biglang napatigil sa pagtakbo ang binata noong may makita siyang pamilyar na taong nakaupo sa ilalim ng acacia.
Si Bernadette.
"Kumusta ka na, Deth?" Hindi mapigilan ni Makmak ang ngiti sa kanyang labi. Wala pa ring kupas ang kanyang kaibigan. Napakaganda pa rin nito. Ang itim at mahabang buhok ng dalaga ang siyang nagpapaningnig sa mukha ni Deth.
Tumango lamang ang dalaga. Napansin ni Makmak na may katabi siya. Mukhang bago sa paningin niya 'yon, kaya mas lalo niyang siningkitan ang mata dahil balak niyang kilalanin ang babae. Nang masuri na niya kung sino iyon, bigla siyang natawa. Iyong babae pala na iyon ang kasabayan niya kanina. Maganda rin iyon, namamayagpag ang kutis nitong porselana. Ang medyo kulot na buhok na bumabagay sa maliit na mukha.
"Makmak!" Hampas sa balikat ni Ara, kaya napangiwi siya.
"Ang sakit ha?" reklamo niya sa kaibigan, ngunit hindi naman siya sinagot ni Ara. Bagkus, tumingin siya sa gawi nina Deth kung saan nakatingin si Mak.
"Kaya naman pala," impit na sabi ni Ara, sabay hinila ang tainga ni Makmak, kaya muli ay napangiwi siya.
"Sakit Ara, ah...aray!" inis na sabi niya, kaya napasunod siya kay Ara kahit ang mata niya ay nakatingin pa rin kay Deth. Sumilay ang ngiti sa labi ni Deth, kaya imbis na magreklamo siya ay napangiti rin siya.
Nang makalayo sila sa pwesto kung nasaan si Deth, binitawan din ni Arah ang tainga ni Makmak, kaya agad niya itong hinaplos.
"Hindi ka pa ba nadadala?!" galit na sabi ni Ara nang tyempong umalis ang mga tao sa paligid nila.
"Nadadala? Saan?" tanong ni Makmak.
Kinaltukan naman siya ni Ara. "Nagtatanong ka pa?! Paano kung makita ka ulit ng papa niya? Gusto mo bang bugbugin ka ulit no'n?!" Sa sobrang galit, hindi na mapigilan ni Ara na mapasigaw, iyon tuloy narinig siya ng mga bata.
"Hinaan mo naman ang boses mo," kinakabahang sabi ni Makmak. "Baka marinig ka ni Deth," aniya pa.
"Ano naman kung marinig ako no'n?" Lalo na nitong nilakasan ang boses. "Hindi ba niya alam na muntik ka ng patayin ng tatay niya?!"
Hindi na malaman ni Makmak kung paano papatigilin si Ara sa kakadaldal. Kinakabahan na rin kasi siya na baka marinig iyon ni Deth at lalo pang magalit sa kanya ang dalaga.
"A-anong hindi ko dapat marinig?" tanong ng isang babaeng boses sa kanilang likuran. Mabilis na napatingin doon si Ara at Makmak at laking gulat nila na naroon si Bernadette.
"Anong ginawa sa'yo ni papa?" pag-uulit niya muli, ngunit nagsisimula nanng manginig ang kamay ni Makmak. Sigurado, bulol na naman siya kapag nagsalita.
"Ah...eh, ano kasi.." pautal-utal niyang sabi, kaya pasimpleng kinurot ni Ara sa tagiliran si Makmak.
"Wala. Wala kang narinig. Wala 'yon." Kahit si Ara ay nabubulol na rin sa kanyang sinasabi. Nagsisimula na rin siyang kabahan.
"Tsaka bakit ka nandito? Mamaya.." Lumingon sa likuran si Ara. "Nakabantay na namann ang demonyo mong tatay sa amin," malakas na loob niyang sinabi.
Totoo naman kasi iyon. Simula nang sinaktan ng papa niya si Makmak, naging matinding kaaway na nila ito. Pero si Makmak, parang wala man lang nangyari. Ni hindi man lang nagbago ang pagtingin niya kay Bernadette, kaya inis na inis si Ara sa kanya.
"B-bakit? Anong ginawa sa inyo ng ama ko, para tawagin ninyong demonyo?!" Ngayon ay nag-iba na ang ekspresyon ng mukha ni Deth. Ang kaninang kumikinang at mala-diyamante niyang mata ay napalitan ng pagkamuhi. Ang talim ng tingin niyang iyon, at kung nakakamatay lang ay kanina pa bumulagta ang dalawa.
Bigla namang pinangunahan ni Makmak si Ara at hinarangan niya ito.
"Wala. Nagbibiro lang 'tong kaibigan ko. Huwag mong pansinin ang sinabi niya ah?" Saka niya binuhat ang kaibigan at dinala malayo kay Deth. Tingin lang ang isinukli ni Bernadette sa kanya. Tingin na sasapat na upang maiparating na hindi talaga siya gusto ng dalaga.
"Bitawan mo nga ako, Makmak!" pagpupumiglas ni Ara, ngunit hindi siya pinapakinggan ni Makmak. Kahit sinusuntok na ang likuran niya ay patuloy lamang siya sa pagbuhat sa kaibigan, hanggang sa makalayo na sila kay Deth.
Ibinaba ni Makmak sa isang lilim na lugar si Ara. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa kaibigan, kaya si Ara ay napaatras sa takot. Kapag ganito na kasi ang tinginan ni Makmak ay mas masahol pa sa demonyo ang kanyang gagawin.
"Bakit mo sinabi 'yon?" malamig na tono ng pananalita niya.
"Kasi..."
"Kasi ano? Para sirain mo ako sa kanya? Para ano? Para layuan ulit niya ako, gano'n ba 'yon?!" Hindi na mapigilan ni Makmak na ilabas ang galit niya.
"Ang tagal-tagal na no'n, Ara! Binaon ko na sa limot yon! Bente singko na tayo oh. Aasta pa ba tayong isip bata?!"
Tumayo si Ara at nagngningitngit ang ngiping humarap kay Makmak.
"Kinalimutan mo?" Tumawag ng sarkastiko si Ara. "Ako kasi hindi e. Sabagay, sino ba naman ang nagtanggol sa'yo? Sino ba naman ang sumalo ng palo para hindi ka na masaktan pa? Sino anng gumamot sayo,noong panahong binugbog ka ng tatay niya? Mukhang siya ata e," anas ni Ara at sa huling pagkakataon ay binigyan niya ng matalim na tingin si Makmak bago umalis.
Mag-isa na lamang si Makmak na nakaupo sa simento habang unti-unting bumabalik sa alaala niya ang lahat. Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok at sinipa ang bato na nasa harapan niya.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo, Ara!" inis na sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
Noong nagkalayo-layo silang tatlo, palaging nagpapatulong si Makmak kay Ara na puntahan si Deth sa kanila. Hindi tumitigil kakasuyo si Makmak. Dumating na rin sa puntong nakukulitan na ang kapitbahay nila dahil ang ingay ni Makmak na sumisigaw sa labas ng bahay nila Deth. Hindi alam ni Makmak no'n na lumipat na ng tirahan ang dalaga, kaya isang buwan din niyang hinanap at pinagtanong kung saan ang bagong tirahan nila Deth. Madalas sinasabi sa kanya ni Ara na sumuko na lang sila, dahil kung totoong kaibigann si Deth ay hindi siya lalayo sa kanila at hahayaanf magpaliwanag si Makmak sa nagawa, ngunit masyadong nalason anng isip ni Deth at palaging ang utos lamang ng ama ang nasusunod.
Sawakas, nahanap din ni Makmak ang bahay nina Deth. Malayo na ito sa dati nilang tinitirahan. Kubo na lang din ang bahay nila, kumpara sa dating simentado. Ang bahay nila deth ay may kalayuan. Malapit ito sa bukid kaya hirap na hirap siyang hanapin iyon. Hindi niya muna ito pinaalam kay Ara at mag-isang pinuntahan si Deth sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa si Makmak dahil doon. Makikita na niya muli ang kanyang first love at bestfriend. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, habang papunta si Makmak doon ay hinarang siya ng tatay ni Deth. Lasing si Mang Eddie nang mga panahong iyon at ilang hakbang na lang ay tutumba na sa daan. Mabilis naman siyang nakita ni Makmak, kaya bago matumba ay nasalo niya ito.
Pagkasalo ni Makmak, ihahatid na niya sana ito sa bahay na ilang hakbang na lang ay biglang lumayo si Mang Eddie at tumingin ng masama kay Makmak.
"Anong ginagawa mo rito, magnanakaw?" hilong sabi ni Mang Eddie.
Lumunok naman ng laway si Makmak bago sumagot. Nilagay niya pa s akanyang bulsa ang kamay dahil nagsisimula na siyang kabahan.
"Wala ho Mang Eddie. Nanghuhuli po kasi ako ng ibon. Ayun oh!" Pagpapalusot ni Makmak,ngunit hindi ito umubra kay Mang Eddi at sinunggaban siya ng suntok. Dahil sa laki ng katawan ni Mang Eddie na nakadagan kay Makmak, halos hindi siya makahinga at pilit na hinahawi ang kamay ni Mang Eddie na susuntok na naman sa kanya.
Hindi na nakayanan ni Makmak ang sakit at hinayaan na lamang niyang suntukin siya ng paulit-ulit nito.
"Hindi mo maaaring kaibiganin ang anak ko! Magnanakaw kayo! Salot sa lipunan!" Magkbilaang suntok ang inabot ni Makmak, ngunit hinayaan lamang niya ang sarili na humandusay sa lupa habang nagsisimula nang mabasag ang kanyang labi.
"P..pagbigyan niyo po ako..mahal ..ko ang anak..ninyo," pautal-utal na sabi ni Marvin, ngunit patuloy pa rin siyang binubugbog ni Mang Eddie.
"Anong mahal?! Pagkatapos ako, kami na naman ang nanakawan mo?! Isa kang mangmang! Hindi ko hahayaang lumapit sa inyo ang unica hija ko! Magnanakaw!" Iyan ang katagang huling narinig ni Makmak bago siya tuluyang mawala ng malay.
Paggising na lamang niya, nagulat siya nang nasa bahay na siya at inaasikaso siya ni Ara na isa ring napuruhan.
"Mabuti na lang pala at nakita kita doon, kundi baka mamatay ka na sa kakabugbog ni Mang Eddie. Kung ako sa'yo, nanlaban ako. Sobra na siya e,"wika ni Ara habang kinuha ang bimpo at padaming idinikit iyon sa basag na mukha ni Makmak.
"Okay lang 'yun. Atleast nasabi ko rin kay Mang Eddie na nagsisisi na ako. At nagawa ko lang naman 'yun dahil walang-wala na tayo no'n e," dipensa ni Makmak.
Binanlawan naman ni Ara anng bimpo at prenteng tumingin sa binata. "Oo nga. Alam nating lahat 'yon, pero hindi mo naman mapipilit o matatatak sa isip ni Mang Eddie 'yon diba? Gusto mo pa ba na may madamay sa kagagahan mo sa babaeng 'yan?" galit na sabi ni Ara.
Hindi na muling nakasagot si Makmak. Simula noon ay tumigil na rin siyang makipag-ugnayan kay Deth. Pero mayroon pa ring parte sa isip niya na sana..sana naaalala pa rin siya nito, kahit hindi na bilang kaibigan. Bilang kakilala na lang.
Biglang tumunog ang bell, hudyat para magsimula na ang ikatlong antas. Mayroon nang pumapasok na ideya sa isipan ni Makmak kung ano ang gagawin, ngunit hindi pa rin ito klaro. Nag-aalala rin siya sa bawat babaeng dinaraanan niya na may bitbit na sanggol. Ang iba ay iniiwan na lamang kung saan upang maligtas, ngunit ang hindi nila alam, mas malala pa ang kanilang sasapitin doon.
Nang nasa tapat na sila ng mataas na pader, wala pa rin pakialam si Makmak sa pinapaliwanag ng babae sa likod ng mikropono. Patuloy pa rin hinahanap ng mata niya si Ara. Hindi na sanay si Makmak na malayo ang kaibigan sa kanya. Isa pa, iniisip niya na baka kung ano pa ang mangyari sa kaibigan.
"Ang liit pa naman no'n, baka matapakan 'yun," bulong niya sa sarili at nakipagsiksikan sa nagkukumpulang mga tao.
Habang naghahanap siya ay bigla siyang napatigil nang may mabangga siya sa kanyang paa. Pagtingin niya doon ay isang batang maliit pala na naliligaw. Ni hindi umiiyak ang bata at patuloy lamang sa paghahanap ng kanyang magulang. Walang alinlangan namang binuhat siya ni Makmak.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa bata na tingin niya'y nasa tatlong taong gulang pa lamang.
"O..po," magalang na sabi ng bata na kulang na lang ay mapuno ng alikabok ang kanyang mukha. natuwa naman si Makmak dahil doon. Ang cute kasi ng bata. Isa pa, ang tambok ng pisnge nito.
"Halika. Hanapin muna natin ang magulang mo," wika ni Makmak, sabay naglakad sila upang hanapin muna si Ara.
Sa kanilang paghahanap, nakita ni Makmak na may nagkukumpulan sa gilid ng pader. Ang nanay ay humahangos. Ang nakapaligid naman sa kanya ay pinapagaan ang kanyang loob. Biglang nagliwanag ang mukha ni Makmak nang matunton si Ara katabi ng babaeng umiiyak.
"Mara! Hindi ba 'yan ang anak mo?" sigaw ng isang ginang nang tumingin sila kay Makmak na papalapit sa kanila. Bigla namang tumakbo ang ina at inabot kaagad ang anak. Mabilis naman niya itong binigay at ang bata ay ngingiti-ngiti na.
"Salamat!" naluluhang sabi ni sa akin, sabay niyakap ang kanyang anak. Ngumiti lamang ako at muli ay tumingin ako kay Ara na nakangiti na rin ngayon sa akin.
"Walang anuman ho. Ingatan niyo na lang po ang inyong anak, sa susunod," wika ko sabay nilapitan si Ara.
"Sorry na," pangunguna ni Makmak at ngumuso pa siya.
"Panget mo talaga! Halika na nga," ngingiti-ngiting sabi ni Ara at nilamukos ang mukha ni Makmak.
"Maghanda na ang lahat," wika ng babae kaya naalarma na ang lahat. "Ang ikatlong antas ay tatawaging Langit Lupa," pagkasabing iyon ng babae ay siya namang nagkagulo ang mga tao. May mga nagsisimula nang umakyat kahit wala silang salang lubid. Nagtinginan naman ang magkaibigan at tumango. Mukhang alam na nila ang kanilang sunod na gagawin.