KABANATA XXI: PAGSISISI

3058 Words
HINDI maipagkakaila ni Bernadette ang kanyang tuwa nang makita muli ang dating kaibigan. Gustuhin man niya itong makausap nang matagal ngunit hindi maaari. Hindi nga niya alam kung bakit gano'n na lamang ang paghihimutok ng tatay niya kay Makmak at nagawa pa siyang ilayo sa kaibigan. Pati si Ara na dati rin niyang kaibigan at nagsisilbing kapatid ay hindi na rin siya kinikilala. Imbis din na ngiti ang ibungad sa kanya at matatalim pang tingin. Naroon naghihintay si Deth sa ilalim ng malaking puno. Pinagmamasdan ang ilang bata na imbis magseryoso sa kanilang ginawa ay naglalaro na lamang ang mga ito. Napangiti si Deth, dahil sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga bata na ngumiti. Naalala niya tuloy noong mga bata pa sila. Matalik na magkaibigan sina Makmak at Ara. Lumaking masiyahin at pakaibigan, habang si Deth naman ay tahimik at walang kalaro. Isang araw, habang naghahabulan ang magkaibigan, napadaan sila sa tapat ng bahay nina Deth at nakita si Deth na nakaupo sa baitang ng hagdan. Malungkot at naiinggit sa ibang bata na naglalaro at nagtatakbuhan. Naawa sina Makmak at Ara, kaya naman imbis na tumuloy sila ay umupo ang dalawa sa tabi ni Deth. Ilang minuto rin silang tahimik nang magsimulang magbiro si Makmak. Noong una ay si Ara lamang ang natatawa, ngunit dahil sa halakhak ni Ara ay napasabay na rin si Deth. Simula noon ay sinusundo na ni Makmak at Ara si Deth upang maglaro. Nagkaroon na rin ng ibang kakilala si Deth dahil kina Makmak. Hindi na rin siya nahihiya tulad ng dati. Nang magkaroon na sila ng isip, lalo silang napapalapit sa isat-isa. Gayundin ang nararamdaman ni Deth kay Mak, ngunit nahihiya lamang ang dalaga na umamin. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa bawat isa, ngunit isang araw, nabigla na lamang si Deth sa ibinalita ng ama. Nahuli raw niya na nagnanakaw ang dalawa, sina Makmak at Ara. At ang mas malala pa nito ay pinagtulungan daw na bugbugin ng dalawa ang kanyang ama, kaya humahngos ito pag-uwi ng bahay. Nabalot ng galit at pagkamuhi ang nararamdaman ni Deth. Palagi niyang iniisip kung bakit ginawa ng mga kaibigan niya iyon sa kanyang ama. Gusto niyang gumanti, gusto niyang manghingi ng rason, ngunit sabi ng kanyang ama na huwag na lang daw niyang lapitan ang mga kaibigan. Mula nang mangyari iyon, hindi na lumalabas ng bahay si Deth. Palagi na rin niyang nakikita ang pag-aaway ng kanyang ama at ina. Minsan pa nga, habang natutulog siya ay nalingat siya sa ingay ng magulang at narinig ang pinag-uusapan nila. May iba raw pamilya ang kanyang ama. Hindi makapaniwala si Deth sa nalaman, at ayaw pa rin niyang tanggapin iyon hanggang sa lumaki na sila. Nababalitaan din niya na araw-araw dumadalaw sina Makmak at Ara sa kanila, ngunit hindi naman siya makalabas ng bahay dahil bantay sarado siya ng ama. Kahit nami-miss na niya ang dalawa ay hindi maaari. Nang lumala ang away sa pagitan ng kanyang ama at ina, sumabay na rin dito ang balita na may bago ng nagmamay-ari ng kanilang baryo. Simula na ito ng pagpapahirap sa kanila, kaya naman nagdesisyon ang kanyang ama na maghanap na ng sariling tirahan. Napadpad ang pamilya ni Deth sa isang bukirin. Doon nagtayo ang kanyang ama ng isang maliit naa kubo at doon namuhay hanggang ngayon. Hindi na rin naging normal ang kanilang buhay, dahil araw-araw tuwing sila ay gigising, takot at pangamba ang sumasalubong sa kanila kapag tumunog na ang kampana. Nangyari pa na namatay ang ina ni Deth dahil sa pag-atake ng Quadro sa kanila noong araw na hindi pa nila alam ang kanilang gagawin. Takot na takot si Deth at ilang buwan na-trauma. Hindi siya pinabayaan ng ama at kasama niya palagi ito sa lahat ng lakad niya. Isang araw, umuwing pagod na pagod ang ama niya at nagngingitngit ang ngipin. Ang sabi sa kanya ng ama ay hinarangan siya ni Makmak sa daan at binalak na patayin. Habang nakikinig si Deth sa ama, may kung anong pakiramdam si Deth na hindi niya maipaliwanag. Ang sinasabi ng kanyang ama ay hindi tugma sa nakikita niya sa mata nito. Nagduda na si Deth simula noon, kaya sinimulan na niyang hanapin ang mga dating kaibigan. "Kumusta ka na, Deth?" tawag ni Makmak kay Deth, kaya napalingon siya sa harapan, habang kausap niya ang dalagang si Patricia. Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Deth, ngunit napawi din iyon nang makita ang ama na abala sa pagdugtong-dugtong ng mga tali na kannilang gagamitin. Hindi na rin siya nakasagot, dahil hinila ni Ara ang tainga ni Makmak. Alam ni Deth na malaki ang sama ng loob sa kanya ni Ara, ngunit kahit siya ay nabalutan nang pagsisisi sa sarili nang maniwala siya sa sinasabi ng ama. Nang makalayo na sila, nagpaalam ang dalaga kay Patricia na aalis muna. Dumiretso si Deth sa pwesto ng ama at tinulungan siyang magbuhol ng lubid. Tumingin siya sa ama na tagaktagak na ang pawis sa mukha. "Nagkita ba kayo ng salot na iyon?" panimula ng ama. Umiling naman si Deth. "Hindi po 'tay. May bago nga pala akong nakilala," pag-iiba niya ng usapaan, sabay tinuro si Patricia na nakaupo pa rin sa simento. "Huwag ka basta-basta maniniwala sa mga tao na nasa paligid mo.Hindi mo napapansin, baka nakawin nila anng puntos na pinaghirapan mo," wika ng ama. "Hindi naman po siguro. Tsaka nakita ko rin sa puntos niya na may dalawang daan pa siya," ani Deth. Malakas ang loob ni Deth pagdating sa mga labanan. Noon pa lamang kasi ay sinasanay na siya ng ama na gumamit ng pana. Minsan pa nga ay nakaharap niya ang isang Pilantis. Ang Pilantis ay isang uri ng Quadro na masyadong marahas at walang tinitirang buhay sa mga nakakalaban. Dahil sa kaalaman ni Deth sa paggawa ng lason at bomba ay iyon ang ginamit niya sa pakikipaglaban. Hindi na siya umaasa sa armas na ibibigay sa kanya kapag kailangan niya iyon, dahil muntik na rin siyang mamatay dahil doon. Sa ngayon ay may tatlong daang puntos pa rin si Deth. Ayaw niyang gastusin iyon, lalo na ngayon na hindi niya alam kung ano ang kakaharapin nila na panibagong pagsubok. Inaalala niya ang kanyang ama na may dalawang daan na puntos na lamang. Iniisip niyang ibigay ang isangdaan sa kanyang ama ngunit ayaw naman nito. Nang matapos na sila sa pagtatali, nagpahinga muna ang mag-ama sa gilid ng pader. Mabuti na lamang at may baon siyang inumin, dahil napakainit ng panahon ngayon. Nang binigay niya ang tubigan sa ama, isang lagukan lamang ito, kaya walang natira kay Deth. Naiintindihan naman niya ang ama dahil sa nakikita niya ay doble ang pagod nito,kaya napagpasyahan niya na mag-igib na lamang ng kanyang iinumin. "Bumalik ka agad ha?" wika ng ama at binigyan siya ng isang nakakatakot na tingin, bago pinayagang umalis. Beinte singko na siya, ngunit takot na takot pa rin siya sa kanyang ama. Kahit gustuhin man niyang tumayo sa sarili niyang paa ay palaging naroon ang ama upang bawalan siya. Minsan pa nga ay sumama ang loob niya kay Mang Eddie, dahil balak lamang sana na lumabas ni Deth at magpahingin ay pinagalitan siya nito at tinawag pang malandi. Umiyak na lamang sa gilid si Deth, habang mahimbing na natutulog ang kanyang ama. Hindi niya makakalimutan ang eksenang iyon hanggang sa mamatay siya. Habang naglalakad si Deth, patungo sa balon na kanya sanang pag-iigiban, naaninag ng kanang mata niya ang pamilyar na tao. Sina Makmak iyon at Ara na taimtim nag-uusap. Pinagmamasdan niya ang dalawa hanggang sa makita niya na iba na ang ekspresyon ng mukha ni Ara. Parang galit na galit na siya sa kanyang pinapaliwanag, ngunit si Makmak ay seryoso lamang na nakikinig sa kaibigan. Dala ng kuryosidad, lumapit si Deth sa dalawa. Sapat na ang pagitan nila para marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa, ngunit mukhang lalo pa atang nadagdagan ang panghihinala niya sa ama, sa mga narinig niya. aniya pa. "Ano naman kung marinig ako no'n?" sigaw ni Ara. "Hindi ba niya alam na muntik ka ng patayin ng tatay niya?!" Hindi na malaman ni Makmak kung paano papatigilin si Ara sa kakadaldal. Kinakabahan na rin siya base sa kanyang mukha, na baka marinig iyon ni Deth na nasa likuran lamang nila. "A-anong hindi ko dapat marinig?" Hindi na nakapagtimpi si Deth at nagsalita na siya. Gusto na rin niyang malaman ang lahat. "Anong ginawa sa'yo ni papa?" pag-uulit niya. "Ah...eh, ano kasi.." pautal-utal na sabi ni Makmak, kaya ang simpleng pagkurot ni Ara sa tagiliran ni Makmak ay nakita rin ni Deth. "Wala. Wala kang narinig. Wala 'yon." Kahit si Ara ay nabubulol na rin sa kanyang sinasabi. Nagsisimula na rin siyang kabahan. "Tsaka bakit ka nandito? Mamaya.." Lumingon sa likuran si Ara. "Nakabantay na naman ang demonyo mong tatay sa amin," malakas na loob niyang sinabi. Nagpintig ang tainga ni Deth sa sinabi ni Ara, ngunit tiniim lang niya ang kanyang palad. May parte sa kanya na gusto niyang malaman kung ano ang nangyari kay Makmak, may parte rin na gusto niyang turuan ng leksyon si Ara sa sinabi niyang iyon sa ama. Naiwan lamang siyang tulala, nang sinimulang buhatin ni Makmak si Ara,habang nagpupumiglas naman ang isa. Bago makaalis, tumingin pa si Makmak sa kanya at pekeng ngumiti, ngunit isang matalim na tingin lamang ang iginawad ni Deth, upang maiparating kay Makmak na masama ang loob niya sa binata. Tulala habang nag-iigib ng tubig si Deth. Kahit may kasabayan na siyang mga ginang na nag-uusap-usap, parang wala pa rin siya sa kanyang sarili habang inaalala ang pinag-usapan ni Ara at Makmak. Lalong dumami ang katanungan niya sa isip. Iniisip niya kung patuloy pa rin ba siyang hinanap ng kaibigan, simula nang lumayo na sila? Kung naalala pa rin ba nila si Deth? At kung ano ba talaga ang totoong mangyari at ginawa kay Makmak ng kanyang ama. Biglang nagising sa ulirat si Deth nang biglang may sumagi sa kamay niya, dahilan upang matapon ang tubig niya. "Hindi kasi tumitingin!" inis na sabi ng babae. "Pasensya na po kayo," wika ni Deth at mabilis na dinampot ang tubigan. Mabuti na lamang at nasa tabi pa siya ng balon bago mangyari iyon. Pagkatapos muling lulan niya ng tubig ang lalagyan ay naglakad na siya pabalik sa pwesto ng ama. Marami siyang nakakasalubong na tao. Mapa bata, matanda, binata, dalaga, ina at ama ay nagtutulong-tulong na rin sa gaganaping ikatlong antas ngayon. May kaunting lungkot lamang na ipinakita si Deth, dahil hindi siya sanay na pakonti na lang sila nang pakonti. Hindi niya alam ngayon kung ilan na naman silang matira. Nang makarating na siya sa pwesto ng ama, napansin niya si Mang Eddie na inaayos ang pagkakatali sa tinali niya kanina. "Ang tagal mo naman, anak?" tanong nutohabang abala sa pag-aayos ng tali. "Marami po kasing nag-iigib, tay," pagpapalusot niya. Hindi na muling nagtanong ang kanyang ama, kaya tumahimik na lang din sa gilid si Deth habang pinagmamasdan ang mga bata na walang kapagurang umaakyat sa puno ng acacia. "Pa?" tanong niya sa ama. Hindi naman nag-aksayang tapunan siya ng tingin nito. "Alam mo ba kung ano ang ipapagawa nila sa atin ngayon? tanong niya, dahil kahit sinundo na sila ng guwardiya kanina sa kanilang bahay ay hindi pa rin niya alam ang kakaharwpin nila ngayon. "Hindi ko alam. Siguro maghintay na lang tayo mamaya ng anunsyo," saad ng kanyang ama sabay tumayo. "Diyan ka muna, maghahanap muna ako ng panibagong tali. Baka makulangan tayo diyan,"wika ng ama sabay lalakad na sana. "Saan ka maghahanap, pa? Wala ka nang makukuhang tali diyan dahil kakailanganin din nila 'yan," anas ni Deth. "Kung wala akong mahanap, magnanakaw na lang ako," wika ng ama sabay naglakad na palayo. Napasandal na lang si Deth sa pader na nasa likuran niya, habang pinagmamasdan ang likod ng ama. Hindi niya alam bakit biglaan na lamang nagbago ang ugali ng ama. Napansin niya lamang iyon nang mamatay ang kanyang ina. Palagi na lamang mainit ang ulo nito, palaging nakasigaw,madalas nakikipag-away at sinusundo na lang niya sa kanto na lasing na. Madalas din nanggugulang na ang ama sa kapwa nila manlalaro. Kung hindi dadaanin sa dahas ay dadaanin niya sa pagnanakaw ng pagkain o kagamitan. Minsan na niyang matunghayan iyon. Ayaw ipagastos ng ama ang puntos ni Deth.Sinabi ng ama na siya na ang bahala sa kanilang kakainin, kaya naghintay si Deth. Pagdating ng ama ay marami siyang dalang pagkain at prutas. Tuwang-tuwa na kinain nila iyon, ngunit kinabukasan nakita ni Deth ang mga kapitbahay na gutom na gutom. Ninakaw raw ang kanilang pagkain ng hindi nakikilalang tao. Pumasok kaagad sa isip niya ang ama. Ang tingin nito pati na ang maeaming pagkain na dala nito kagabi. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at naabutan doon ang ama na nagluluto. Tinamong niya ang ama kung saan nanggaling ang pagkain na pinakain sa kanya kagabi,ngunit ang sagot lamang ng ama ay pinaghirapan niya iyon. Simula noon ay kinikilatis munang mabuti ni Deth ang pagkaing dinadala ng ama, dahil pinangako niya sa sarili na hindi na siya muling kakain ng galing sa nakaw. Ngunit hanggang ngayon ay hindi na niya mapigilan ang ama. Kahit harapan na niyang nakikita ang kasamaang ginagawa ng ama ay pikit mata na lang niya itong tinanggap. Wala siyang magagawa doon. Hindi rin niya maaaring isumbong sa nakakataas dahil baka bitayin ang kanyang ama at siya na lang mag-isa sa buhay. Hindi rin makapagsumbong ang mga tao, dahil binabalaan sila ni Mang Eddie na papatayin, kung sakaling magsumbong sila. Ilang minutong nakatunganga si Deth sa malayo, nang biglang umakyat ng puno ang kaninang babaeng nakausap niya. Mabilis lamang ang pag-akyat ni Patricia kaya manghang-mangha na nakatingin si Deth rito. Ngayon na lamang ulit siya nakakita ng gano'ng talento. "Siguro ang saya niyang maging kaibigan," bulong ni Deth sa hangin. Mabilis dumaan ang oras. Hindi namalayan ni Deth na isang oras na lamang ay magsisimula na ang ikatlong antas. Kung hindi pa nga nag-anunsyo ay hindi pa niya mapapansin iyon dahil nalilibang siya sa kakanuod sa paligid. Ilang minuto na rin simula nang unalis ang ama, ngunit hanggang ngayon wala pa rin ito. Hindi na siya nag-aalala sa ama. Palagi kasing sinasabi nito kay Deth na kapag nag-alala ka sa isang tao, parang pinapakita mo na rin ang kahinaan mo. Tinatak niya iyon sa kanyang isip, ngunit syempre, may parte pa rin sa kanya na inaalala niya ang ama. Lalo na ngayon silang dalawa na lamang ang natitira. Iniisip nga niya minsan, kung nagkaroon ba siya ng kapatid ay magbabago ang kanilang buhay? Kung una pa lang ba na umalis na sila sa baryong ito ay hindi magiging ganito ang kahihinatnan nila? Kung nakinig lang ba siya noon sa ina na umalis na sila ay buhay pa kaya ngayon ang ina? Araw-araw iniisip ni Deth ang mga iyon. Maraming katanungan sa isip niya ang hindi pa nasasagot. Gusto rin niyang hanapin ang nagmamanipula sa larong ginagawa sa kanila, ngunit dahil marami na ang sumubok at nasawi ay napagod din si Deth na hanapin iyon. Biglang napatayo si Deth sa gulat nang makita ang ama na malawak ang ngiti, dala-dala ang dalawang yardang lubid. Alam niya, ninakaw na naman iyon ng ama sa mga tao. Siguro ang magagawa na lamang na tulong mamaya ni Deth ay tulungan ang mga nangangailangan, kapalit ng ginagawa ng ama. Malaki ang tiyansang mabuhay ni Deth sa baryong ito. Bukod kasi sa marami na siyang nalalaman, alam na rin niya ang bawat galaw ng mga guwardiya, lalo na ng mga Quadro. Hindi lang niya masabi kung gawa ang mga iyon sa kompyuter dahil iisa lamang ang galaw na ginagawa ng mga Quadro. "Tulungan mo ako rito, dali!" saad ng ama habang sinisimulan nang ibuklod ang tali sa lubid nila. Tuwang- tuwa ang kanyang ama, habang tinutupi ang lubid. Si Deth ay pinagmamasdan lang ang ama. "Ano, hindi mo ba ako tutulungan dito?" nagbago ang ekspresyon ng kanyang ama, kaya dali-dali siyang tumayo at binuhat ang natitirang lubid. Sa totoo lang, sapat na ang lubig na dinala nila kanina. Kung para lamang sa kanilang dalawa, ayos na iyon. Hindi lang niya alam kung bakit dinagdagan pa ng ama niya. Iyan tuloy lalong bumigat. Napangiwi sa bigat si Patricia nang ilagay niya iyon sa kanyang balikat. Ang ama naman niya ay binuhat din ang isa pang mahabang lubid. Pumunta sila sa sinasabing ng babae na malaking pader. Nakahanda na ang lahat ng mga manlalaro. Pagkalapag ni Deth ng lubid sa lupa, hinawakan pa niya ang kanyang balikat. Pakiramdam niya kasi y hihiwalay na 'yon sa katawan niya. Habang hinahanda ang sarili, nagpalinga-linga muna si Deth. Biglang napatigil ang kanyang mata sa dalagang nakausap niya kanina. Si Patricia. Bahagya siyang natawa at nabahala nang ilabas ng dalaga ang isang yardang tela na ginawa niyang tali. Nahihiya pa ang dalaga na ilabas iyon sa bulsa nito, ngunit napatawa ng impit si Deth nang tingnan ang limampung talampakang pader, at ang tali na hawak ng dalaga. Naging seryoso ang mukha ni Deth nang ilang minuto na lamang at magsisimula na ang laro. Inisip na lamang niya na tulungan mamaya ang dalaga, dahil naawa siya doon. Isa pa, gusto rin niya iyong maging kaibigan. "Handa na ba ang lahat?" tanong ng babae sa likod ng mikropono. Nag-aalangan pang sumagot ang iba, kaya sumigaw ang ama niya. "Handa na!" sigaw ni Mang Eddie, kaya napalingon ang iba sa kanya. Yumuko na lamang sa hiya si Deth. Bago magsimula ang laro, nilagyan muna ni Deth ng pabigat ang dulo ng tali. Sinabi na kasi sa kanila ang kanilang Gagawin. Langit lupa ang laro ngayon. Madalas ginawa nila itong tatlo dati. Madalas din na siya ang taya dahil mabilis tumakbo sina Makmak at Ara kaysa sa kanya na lampa pa noon. Nakakita siya ng malaki-laking bato na mat patusok sa dulo. Kaagad nilang itinali iyon, at hinagis. Dahil magaling din sa pagtansya ng mga bagay si Deth, isang beses lamang niya inulit iyon, at dumikit na ang bato sa kabilang pader. Sinubukan pa niyang umakyat, kaso binawalan kaagad siya ng guwardiya. Hindi pa raw maaaring magsimula hanggat hindi tumutulong ang kampana. "Simulan na ang laro. Galingan ninyo!" sigaw ng babae at nagkanya-kanya na sila ng gagawin. Unang umakyat ang kanyang ama. Pagkaakyat ng ama ay aakyat na rin sana siya, ngunit nakita niyang mga bata na nagsisimulang umiyak dahil wala silang lubid na kakapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD