KABANATA XII: LIRIKO

3015 Words
Pagtumba ng Quadro ay siya namang takbo ni Patricia patungo kay Marvin. Si Marvin naman ay abala sa paglinis ng kanyang pana. "Baklaaaa!" Salubong sa kanya ni Patricia at binigyan ito ng mahigpit na yakap. "Grabe girl. Bakit ka nandito? Buti na lang pala napadaan ako rito, kundi nalaklak ka na ng chalang Quadro na 'yon!" panenermon nito. "Oo nga e! Grabe, thank you ha? Hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita." Tinanggal naman ni Patricia ang pagkakayakap sa kanya at sinuri ang kakaibang kasuotan ni Marvin. Parang nasa sinaunang panahon ang suot ng kaibigan. Ang damit nito ay gawa sa balat ng hayop, habang nakapantalon siyang kulay itim. "Baks ano 'yan? Mukhang nahuhuli ka na sa uso," pang-aasar ni Patricia. "Gaga!" sagot ni Marvin saka inilagay sa likurang bulsa ang dalawang palaso. "Ito ang uso dito ngayon. Tsaka tara na nga! Saka na tayo magchikahan! Baka matuluyan pa tayo rito," anito saka kinuha ang kamay ni Patricia at inayang tumakbo. Sa kabilang banda, ngiting-ngiti naman si Patricia. Hindi dahil hindi siya nakain ng Quadro. Sawakas kasi ay nagkaroon na siya ng kasama rito at sigurado siya na hindi siya iiwan ni Marvin, hindi katulad ng grupo nila Cedrick. "Kailan ka pa nandito? Bakit ka pa tumuloy?" paninisi ni Marvin habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo. "Siguro nasa limang araw na ako rito. Hindi ko rin alam bakit ako napasok dito. Basta ngayon, gusto ko nang lumabas," saad ni Patricia. "Asa ka girl. Kailangan mo munang patayin ang libo-libong mga guwardiya at Quadro dito bago ka makalabas!" wika ni Marvin dahilan para mapakunot ang noo ni Patricia. "Libo-libo?" pag-uulit ng dalaga. Tumango naman si Marvin. "Oo, hindi ko na nga mabilang sa kamay ko ang mga napatay ko e. Sa totoo lang, ayoko talagang maging tigasin, pero pinipilit nila ako e," nakuha pang magbiro ng kaibigan. Lumiko naman sila sa isang hilera ng bahay. Sumasabay lang si Patricia sa kanya. Mukhang bago lang kasi sa paningin niya ito at ngayon lamang niya nakita. "Bilisan mo girl! Kung ganyan ang pagtakbo mo, siguradong tegi ka na talaga," panenermon sa kanya ni Marvin, ngunit imbis na mainis ay natuwa lamang siya. Ngayon lang niya ulit narinig ang boses ng kaibigan simula nang mawala siya sa baryo nila. "Alam mo..ang dami nang nakaka-miss sa'yo doon," wika ni Patricia kaya natigilan sila sa pagtakbo. "We? Pati sina papa at mama? Hinahanap din ba nila ako?" Tumango naman si Patricia. "Oo naman. Andami nga nilang pinaskil na picture mo sa baryo natin e. Si tita Cora, palagi raw umiiyak at hinahanap ka." Biglang nalungkot ang mukha ni Marvin at hinawakan ang kamay ni Patricia. Walang kibo si Marvin habang naglalakad sila. "Nakakatuwa naman isipin 'yan. Parang kailan lang, pinanalangin ni mama na mamatay na ako at mawala sa buhay nila. Ngayon hinahanap nila ako," isang sarkastikong ngiti ang binigay niya sa dalaga. "Ano ka ba! Baka galit lang si mama mo no'n, nung sinasabi 'yon. Tsaka matanong ko nga, bakit ka ba napunta rito?" tanong ni Patricia, ngunit imbis na sagutin siya nito ay tumakbo sila sa likurang bahay. "Huwag ka munang magsalita, girl." Sabay umupo sila sa lupa at parang may hinihintay na dumaan. Napuno ng katahimikan ang buong paligid nang biglang may dumaan na dalawang guwardiya sa harapan ng bahay. "Sayang 'yon pare, kung nahuli lang sana natin 'yun, hindi na tayo mag aabala para sa susundo na araw," wika ng isang guwardiya sa kasamahan niya. Kunot-noo namang tumingin si Patricia kay Marvin at animoy nanghihingi ng kasagutan sa narinig niyang 'yon. Anong ibig sabihin no'n? Pagkadaan ng mga guwardiya, pareho silang nakahinga ng maluwag. Napahawak pa si Marvin sa kanyang dibdib dahil sa sobrang nerbiyos. Tumingin naman siya kay Patricia na patuloy lang nakatitig sa kanya. "Kapag may nahuli ang mga guwardiyang 'yon, kaagad nilang dinidiretso sa mga Quadro. At kapag natalo sila ng Quadro at namatay ang manlalaro, lilipat sa guwardiyang nakahuli ang puntos natin. Kaya dapat mag-ingat tayo. Wala silang pinapalagpas kahit bata, dahil kahit buhay nila ay nakasalalay do'n," sagot ni Marvin kahit hindi pa bumubuka ang bibig ni Patricia para magtanong. Ngayon unti-unti nang nalilinawan si Patricia. Kaya pala walang patawad ang mga guwardiyang iyon dahil din nakasalalay ang buhay nila sa amin. Kung wala silang mahuli na manlalaro ngayon, tiyak na sila naman ang maghihirap. Madayang laro, ngunit paunti-unti nang naiintindihan ni Patricia ang patakaran. Ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay mag doble ingat at magmasid sa kanyang paligid. Tumayo naman sila at akmang aalis na sa sa kanilang pwesto ngunit bigla silang natigilan nang may makita silang isang grupo ng kalalakihan. Nanlaki ang mata ni Marvin at ilang ulit na napalunok. Si Patricia naman ay parang tuod na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. "Dito ka lang pala namin mahahanap, Marvin," nanunudyong tanong ng lalaking nasa unahan na nakaduot ng pulang damit. Lahat sila ay nakapula, mayroong panyo sa ulo, bitbit ang kani-kanilang armas. Para silang mga gangster. "P-paano ninyo ako nahanap? Tsaka..anong ginagawa ninyo rito? Umalis na kayo!" pautal-utal na sabi ni Marvin at napayuko. Sumunod naman sa paglalakad si Patricia, ngunit natigilan sila nang hawakan siya sa noo ng pinuno ng hukbo. "Mukhang nakakabastos naman ata ang ginagawa mong 'yan, Marvin? Parang dati lang ay kulang na lang halikan mo ang paa ko ah?" anito. Umangat naman ang ulo ni Marvun at mataman na tiningnan ang lalaki, habang nagbabadya ang mga ito na gamitin ang kanilang mga armas. "Hindi ba kayo ang nagtakwil sa akin? Bakit mukhang ako pa ang may atraso sa inyo?" tanong ni Marvin. Ngayon ay parang iba na ang Marvin na pagkakakilala ni Patricia rito. Mayroon din palang nakakatakot na side ang kaibigan niya at ngayon pa lang niya ito nakita. Pati ang boses niya kanina na malambot, sobrang tikas na ngayon. "At sumasagot ka pa ah?" Lumingon naman ang pinuno sa mga kasamahan at sabay-sabay silang nagtawanan. Pagkatapos nila ay biglang napalingon sa akin ang pinuno nila at bumalik ang tingin kay Marvin. "Mukhang may bago kang ni-recruit ah? Ngayon ko lang din nakita ang mukha niya rito. Maganda," wika ng lalaki kaya muling kinabahan si Patricia. Dahil doon, umatras sina Marvin at akmang tatakas na, ngunit mabilis silang pinalibutan ng walong miyembro. "Huwag ninyong sasaktan ang kaibigan ko, Liriko! Wala siyang kasalanan dito!" pagtatanggol ni Marvin sa kaibigan, sabay hinablot nito ang Kanyang pana at palaso na nasa likuran. Si Patricia naman ay nanginginig na hinahanda ang kanyang baril. "Tatandaan mo, Marvin. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat. Tsaka mukhang nakakalimutan mo, kaya ka pa buhay ngayon ay dahil diyan." Tiningnan naman nila ang bar sa braso ni Marvin at puno pa ito. Nagtataka na rin si Patricia sa mga kaganapan. "B..binawi ko lang ang sa akin, Liriko! Ninakaw mo lang din 'to sa akin kaya dapat lang na bawiin ko sa'yo!" matapang na sabi ng kabigan, nang biglang sumugod na ang kasamahan ni Liriko na may dala ng mahabang kadena. Buti na lang at alerto si Patricia na balak sana nitong tamaan, ngunit nakailag ang dalaga. "Easy lang kayo. Hindi pa ito ang totoong laban, pero mukhang sindak na sindak na ang kaibigan mo. Sayang, ang ganda pa naman kaso mukhang lampa," saka sila muli nagtawanan. Biglang nag-init ang ulo ni Patricia sa tinuran ng lalaki. Balak sana niyang paputukan ito ng baril ngunit napansin niya na ang isang babae nilang aksamahan ay may dala ring baril at nakatutok ito sa ulo niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang pareho silang makaligtas ni Marvin dito, ngunit paano? "Pachot, takbo!" sigaw ni Marvin nang una niyang inatake ang babaneg may baril kaya nagkagulo na ang lahat. Hindi naman tumakbo si Patricia, bagkus ay tinulungan ang kaibigan. Pinaputukan niya ang paa ng lalaking may dala ng bolo. Namilipit ito sa sakit, ngunit pagtingin sa likuran ni Patricia ay mayroong sumusugod sa kanyang lalaking may dala ng malakaing bato. Mabuti na lang at natamaan ito ni Marvin ng kanyang palaso, kaya nagtangunan sila. Habang tumatakbo sila ay hinahabol naman sila ni Liriko dala ang barena. Hindi sila makalapit dahil sa armas ng dalawa. "Tatandaan mo, Patricia mas lamang tayo sa kanila. Hindi sila maaaring magpalit ng kagamitan lalo na kung hindi naman Quadro ang kaharap nila," paalala ni Marvin. "Bakit ba kasi nakaaway mo ang mga 'yan?" tanong ni Patricia habang tumatakbo sila. "Mamaya na girl. Basta ikukwento ko lahat sa'yo pag nakalampas tayo dito," wika naman ni Marvin. Hindi na sila muling sumagot nang akma na sana silang tatakbo, ngunit natigilan sila nang may biglang sumabog sa harapan nila. Napatingin sila sa apat na natitirang myembro ni Liriko at sabay-sabay silang nagtawanan. "Akala niyo ito lang ang armas namin?" nakakalokong sabi ni Liriko, kaya nagmistulang estatwa muli ang dalawa. Ibabato na sana ng isang kasamahan ni Liriko ang kadena niya kay Marvin, ngunit bigla itong natigilan nang hawiin ni Liriko ang kamay ng kasama. "Balato niyo na sa'kin si Marvin. Doon na kayo sa babae, gawin niyo lahat kung ano ang gusto ninyong gawin," nakakalokong sabi ni Liriko at hinarap si Marvin. Ang tatlong lalaki naman ay padila-dila pa habang sinusuri ang suot ni Patricia. Mukhang sa tagal ng panahon ay ngayon lamang sila makakapagnasa ng isang babae. "Par, akong mauuna rito ha?" saad ng isang lalaking may bitbit na bakal s akanyang balikat at padila-dila pa. "Sige, basta akong sunod," wika naman ng lalaking may dala ng kadena. Paatras nang paatras si Patricia habang palapit naman nang palapit sa kanya ang kalaban. Muli niyang nilingon si Marvin at pilin na sinasangga ang bomba na hinahagis sa kanya. Hindi inakala ni Patricia na ganito ang kakahantungan nila. Iniisip niya noon na madalas nakikipag away siya sa mga lalaking kalaro at masasabing umuuwi ng luhaan ang mga lalaki. Ngunit ngayon, hindi niya alam kung kakayanin niya ang mga ito. Lalo na may armas pa sila. Hindi rin niya alam kung ilang bala pa ba ang dala ng baril niya. "Bahala na," bulong sa sarili at tinutok ang baril sa ulo ng lalaking may kadena. Buti na lamang at natamaan niya ito, kaya lalong nag-ngisngis ang mukha ng lalaking may dala ng tubo. "Ikaw..pinatay mo ang kaibigan ko!" Sumugod ang lalaking may dala ng tubo, ngunit mabilis na inasinta ito ni Patricia kaya natigilan ang lalaki sa pagsugod. Nang akma na niya itong babarilin, tila nanigas ang tuhod ni Patricia nang wlaang lumabas na bala sa baril niya. Paulit-ulit niya itong kinasa nang kinasa ngunit mukhang naubusan na siya ng bala. Sa huli,wala ng nagawa si Patricia kundi umiwas na lamang sa pagsugod sa kanya ng lalaki. Sa totoo lang ay hindi siya sanay rito, ngunit habang iniisip niya ang kanyang ina ay lalong lumakas ang loob niya. Sa muling paghampas ng tubo sa kanya ay nakuha niya ito. Naoangiwi siya sa bigat ng tubo. Ang tingin nga niya ay nasa dalawampung kilo ang bigat ng tubo,kaya takang-taka siya kung bakit parang laruan lamang ito kung hawakan ng kaibigan. Hindi na matiis na hawakan ng matagal ni Patricia ang tubo kaya binitawan niya ito habang pinagpag ang kamay. Pakiramdam niya kasi ay napilay siya doon. "Ano, 'yan lang ba ang kaya mo?" pagyayabang ng kalaban at muli siya sinugod nito. Wala ng magawa si Patricia kundi tumakbo na lang, ngunit sa pagtakbo niya ay mulang lalo pa siyang napasama. Kasabay ng pagsabog na ginawa ng kalaban kay Marvin, bigla namang natigilan sa pagtakbo si Patricia nang may makabangga siyang matigas na bagay. Akala niya ay pader lang ito kaya pinagdawalang bahala na niya. Ayaw pa niyang humarap doon, dahil nakapokus ang mata niya sa muling pagsalakay sa kanya ng lalaki. Nang nasa harapan na niya ang lalaki, bigla namang natigil ito at binaba ang kaniyang armas. Mukhang takot na takot ang lalaki habang tinitingnan siya, kayat natuwa ng bahagya si Patricia. " Ano? Ngayon tameme ka? Tamaan mo ako, dali!" pagyayabang ni Patricia dahil akala niya ay simpleng bagay lamang ang nakaharang sa kanya. "Patricia!" Tawag sa kanya ni Marvin, sabay humarap naman siya na ngingiti-ngiti, ngunit napalitan kaagad ito nang makita si Marvin na takot na takot. Dahan-dahan niyang kanakapa ang malamig na bakal na nakatayo sa harapan niya. Humarap siya dito at nanlaki ang mata niya nang makita na guwardiya iyon. Sa pagkalito ay tatakbo pa sana si Patricia, ngunit bigla siyang natigilan nang hablutin ang likurang bahagi ng kanyang damit. "Takbo, Francis!" sigaw naman ni Liriko sa kasama. Ngunit ng akma na silang tatakas ay may humarang sa kanilang dalawang guwardiya. Pati si Marvin ay hawak na rin ng guwardiya. Mga mga guwardiya ay kasinglaki lamang ng mga tao. Ngunit nakakatakot ang kanilang pangangatawan, lalo na ang kanilang makakapal na bakal na damit. "Sasayingin niyo pa ang buhay ninyo sa walang kakwenta-kwentang pag-aaway!" saad ng lalaking may hawak kay Patricia. Hindi na umimik pa si Patricia at Marvin, habang si Liriko naman at Francis ay patuloy pa rin kumakawala. Napapansin na rin ni Patricia na pababa na ang araw, tansya niya ay alas singko na at ilang oras na lamang ay dapat makabalik na sila sa kani-kanilang lungga. Ngunit sa problemang kinakaharap nila ngayon, mukhang hindi agad sila makakabalik sa kani-kanilang bahay. Tsaka alam na rin ni Patricia kung ano ang kakaharapin nila rito pagkatapos. "Tiba-tiba tayo rito," sigaw ng isang guwardiya na may hawak kay Francis. Sa mukha ni Francis ay pagod na rin siya sa pagpupumiglas kaya hinayaan na lamang niyang kaladkarin siya ng mga guwardiya. "Idederetso na ba natin sila sa kweba?" tanong ng isang guwardiyang may hawak kay Marvin. "Oo. Ubos na rin kasi ang bar ko. Sayang din 'to, pantawid gutom," sagot naman ng guwardiya na kumakaladkad kay Patricia. Napatingin si Patricia kay Marvin at Francis. Hindi pa rin matinag ang masamang titigan ng dalawa kahit na pare-pareho na silang nahuli. Pagkaaran ng ilang oras na paglalakad nila, nakarating sila sa isang lumang bahay. Mas malaki ito kaysa sa inaasahan nila. Ang bahay na ito ay napakasimple lang. May bakod na bakal at sa loob ay napaka dilim. Walang ideya si Patricia kung ano ang gagawin nila doon, dahil kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi magkakasya doon ang mga Quadro na siguradong makakalaban nila. "Pasok, bilis!" Sabay-sabay silang tinulak ng mga guwardiya sa may gate. Takot at pangamba ang makikita sa mukha nila. Nang tingnan din ni Patricia ang mukha ni Marvin ay animoy kakainin na ito sa hakbang na kanyang ginagawa. Si Patricia naman ay nangangatog na kanina pa ang paa,ngunit hindi lamang pinahalata at pilit na kinakalma ang sarili. Sa paraan kasing iyon ay makakatulong ang armas na hihilingin niya mamaya, kapag kinalma niya ang sarili. Nang makapasok sila sa loob ng bahay, wala silang maaninang dito. Napakadilim ng lugar, at kung hindi pa hawakan ng mga guwardiya ang kamay nila ay hindi sila makakakilos. "Dalian ninyo! Panigurado, gutom na ang mga 'yon!" sigaw ng isang guwardiya nang maramdaman din ni Patricia na may humila sa damit niya. Patuloy lamang silang naglalakad. Hindi rin niya napapansin kung saan ang kaibigan si Marvin. Ngayon ay hindi na maipagkakaila sa mukha ni Patricia ang takot. Hindi niya mapigilan dahil dati ay may phobia siya sa dilim. Pakiramdam niya ay nilalamon siya nito, kaya imbis na kumaripas siya ng takbo palabas, hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ng guwardiya. Bigla silang natigilan sa paglalakad sa hindi malamang dahilan. Unti-unting lumiwanag ang paligid nang sinindihan ng isnag guwardiya ang ilaw sa paligid. Nagulat sila nang nasa tapat sila ng isang kweba. May mga kandila sa gilid nito na nagsisilbi nilang ilaw. Kasabay naman nito, sabay-sabay silang binitawan ng mga guwardiya habang nakatingin sa rehas na bakal. Mukhang may hinihintay pa ang mga ito bago gumawa ng hakbang. "Sinong mauuna sa kanila?" tanong ng isang guwardiya saka sila nagtinginan. Tumingin sila kay Francis na ngayon ay takot na takot. Hinawakan ng isang guwardiya ang kanyang damit at tinutulak papasok sa loob ng rehas. "Huwag! Ayoko pang mamatay! Huwag!!!" pagpupumiglas niya, ngunit pinasok pa rin siya ng guwardiya. Nang makapasok na siya, bigla namang namatay ang kandila, kaya naging madilim ulit sa paligid. "Sigurado na dito ang tatlong daan kong puntos," ngingiti-ngiting sabi ng isang guwardiya sa tabi ko. Siya ang may bitbit kay Francis kanina. "Ihanda mo na ang sunod. Baka tapos na 'yan," bulong naman ng isa. Napapikit na lamang ako dahil alam kong pag hinawakan na ang damit ko ay ako ang isusunod nila, ngunit makalipas ang ilang segundo biglang nagsalita si Liriko. "Ano ba! Huwag niyo nga akong itulak!Papasok ako diyan!" matapang nitong sabi. Ilang minuto kaming nakatayo habang naghihintay na muling bumukas ang mga ilaw,nang sakto namang bumukas ang bakal na rehas. Bumukas na rin ng kusa ang kandila, kasabay ng pagtapon ng damit ni Francis. Sigurado ang tatlo na tapos na ang buhay ni Francis doon. Pagbukas ay sinunod naman na pinasok si Liriko. Bago mamatay ang kandila, muling nagtingin ang magkaibigang sina Patricia at Marvin. Lakas ng loob na lamang ang magiging sandata nila dito. Naalala din ni Patricia na isang daan na lamang ang kanyang puntos dahil kanina ay nadaplisan siya ng espada. Nakakalokong isipin ngunit ito ang patakaran sa laro. Kung ikaw man ay natamaan ng armas sa anumang parte ng iyong katawan, maaaring mabawasan ang iyong puntos ng gano'n kadali, kaya kung maaari ay ingatan ang kanilang sarili. Iniisip na lang ni Patricia ang positibong posibilidad na matalo niya ang makakaharap na Quadro, dahil kapalit no'n ay isandaang puntos. Malaking tulong na rin iyon kung kanyang iisipin,ngunit sa kabilang banda nag aalala pa rin siya sa kaligtasan nilang dalawa ni Marvin. Pagkalipas ng ilang minuto, muling magbukas ang rehas, kaya bumagsak ang balikat ni Patricia nang makita na hinagis ang pulang damit na suot ni Liriko. Ibig sabihin ay namalaan na rin ito sa laro. Lalong kinakabah si Patricia sa nangyayari. Hindi niya iyon maiwasan, ngunit nang biglang hawakan ni Marvin ang kamay niya nagulat siya. "Pasok! Bilis!" Tulak kay Marvin sa loob ng rehas. Muli ay tiningnan ako ni Marvin sabay namatay ang mga kandila. Napapikit na lamang si Patricia at taimtim na nagdasal. Na sana.. sana pareho silang makaligtas sa pagsubok na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD