KABANATA XI: TULONG

3070 Words
Habol-habol ni Patricia ang kanyang hininga nang sumandal siya sa pader. Alam niya, hindi siya ligtas rito ngunit maaari muna siyang manatili panandalian. Sa kanyang pagtakbo, nasilayan niya ang ilang mga ginang na nahuli ng mga guwardiya. Sigurado siya, dadalhin na 'yon sa mga Quadro at kung hindi sila manlaban ay tiyak, kamatayan ang kanilang aabutin. Inaalala pa rin ni Patricia ang sanggol na iniwan sa talipapa. Taimtim siyang pumikit at nagdasa na sana.. sana hindi siya makita ng mga guwardiya, dahil kung hindi hindi na nito masisilayan ang mundo sa labas. Nang makapagpahinga na si Patricia, takbo lamang siya ng takbo. Sawakas, nang makkarating na siya sa pangalawang hilera ng mga bahay ay may nakakaasalubong na siya na iilan. May mga nagbabantay na ring guwardiya sa mga bahay. Nakita niya ang isang batang babae na pilit binubuksan ang pinto ngunit hawak na siya ng mga guwardiya kaya iyak na lamanng ang kanyang ginagawa. Mas binilisan lalo niya ang pagtakbo nang matunugan na may nagmamatyag sa kanya sa gilid. Hindi niya maaninag nang maayos kung ano ito. Pakiramdam niya kasi ay hindi lamang guwardiya ang nagbabantay sa kanya sa di kalayuan. Mayroon pang iba. Takbo lamang nang takbo si Patricia hanggang sa nakarating siya sa tapat ng balon. Napadungaw siya doon at nakitang walang laman ang balon. Sumabay din anng tuyo niyang lalamunan kaya ramdam na ramdam na niya ang uhaw. Hindi na niya mapigilan ang kanyang lalamunan na matuyo kaya panay lunok siya ng laway. Gustuhin man niyang bumalik sa pwesto, ngunit sa mga oras na ito ay may mga bantay na sa mga bahay. At hindi lang daw basta bantay iyon, nakakandado pa ang mga bahay. Hindi lamang sila wais magpalaro, napakamadaya pa. Naalala ni Patricia noon, habang pinapanuod siyang maglaro ng taguan ng kanyang ama, sinabihan siya nito na kulang siya ng pokus kaya noong huli ay nahuli din siya. Madalas na ihabilin ng kanyang ama sa kanya ay 'kung wala ka nang pagtataguan sa baba, tumingin ka lang sa paligid mo. Huwag mo rin kakalimutan ang nasa taas' anito kaya napaisip saglit si Patricia. "Kung wala na akong mapagtaguan dito, baka.." Tumingin siya sa itaas kung saan tutok ang araw. Nakita ni Patricia na wala namang mga guwardiya ang nagbabantay sa bubong kaya naman mabilis niyang inakyat ito. Kahit pa init na init siya ay tiniis niya hanggang sa makarating siya sa pangalawang bubong. Natigilan siya sa paglalakad ng may bigla siyang marinig sa ibaba. "T-tulong.." Isang nanghihinang babae ang nakita niya. Nakasabit sa balikat niya ang lampin at sa loob ng lampin ay naroon ang musmos na bata. "I-iligtas mo ang anak ko," anito habang lumapit siya sa tapat kung saan si Patricia. Hindi alam ni Patricia ang gagawin, masyadong mataas ang bubong kung iaabot ng ginang ang bata sa kanya. Isa pa, bakit hindi siya natatakot. Nasa tabi-tabi lamang ang mga guwardiya. Lalong naguluhan si Patricia nang tanggalin sa pagkakasabit ang sanggol. Wala na siyang magawa kundi ilahad ang kamay niya. "Dahan-dahan lang ho," aniya sa babae. Bago pa nito iabot, kumuha ng malaking stick ang babae saka itinali iyon sa lampin ng bata. Nang akma na niyang itataas sana ang stick,bigla namang bumulagta ang babae kaya nabitawan nito ang bata. Umiyak ang bata at ang babae ay may hiwa na sa tiyan. Biglang nanlambot si Patricia at natulala sa nakita, habang dinig pa rin niya ang malakas na iyak ng sanggol. Dali-dali siyang tumayo at tingnan kung ano sana ang nangyari sa babae, ngunit bigla siyang natigilan nang may bumungad sa kanyang isang Quadro. Unang beses pa lamang siya nakakita ng ganito kaya mulat na mulat ang kanyang mata. Hindi niya akalain ganito ang itsura ng Quadro. Isang anim na talampakang halimaw. Malaki ang katawan at nagngingutngit ang mga ngipin. May dala itong malaking palakol at tingin ni Patricia ay isang dipa na lang ang taas nila sa isa't-isa. Ang palakol ay puno ng dugo na umaagos sa sahig. Iyon ang ginamit niya para tagain ang ginang. Nang magtama ang mata nila ni Patricia, bigla siyang napataatras sa takot. "I-isang Quadro. I..isang quadro!" Mabilis na tumingin si Patricia sa kanyang likuran at mabilis na gumalaw ang kanyang paa para siya ay tumakbo. Mabuti na lang at nakatakbo na si Patricia,bago ibato ng Quadro sa kanya ang hawak nitong palakol. Pallakas nang palakaas ang t***k ng puso ni Patricia. Kitang-kita kasi niya sa gilid ng kanyang mata na hinahabol pa rin siya ng Quadro. "Paano nangyari ito? Ang akala ko ba ay sa huli doon nila makakalaban anng Quadro? Pero bakit sa umpisa pa lang ng laro ay naroon na 'to?" bulong niya sa sarili. Wala nang inaksayang oras si Patricia at pabilis nang pabilis ang kanyang takbo. Mabuti na lang ay mayroong advantage ang pakikipaghabulan niya noon sa bukid sa mga kalaro niya, dahil ngayon ay nagagamit na niya ito kahit sa bubong pa. Hindi alam ni Patricia kung saan ang hangganan na kanyang tinatakbuhan. Wala na siyang pakialam kung saan man siya mapunta, dahil hanggang ngayon ay nasa likuran pa rin niya ang Quadro at dinagdagan pa ang kaba niya nang masilayan sa kabilang mata ang isang guwardiya na nakakita rin sa kanyang tumatakbo, kaya ngayon ay dalawa na ang mga ito. Nasa animnapung metro na ang layo tinakbo ni Patricia. Nakakaramdam na siya ng hingal kaya bumagal ang kanyang takbo. Hingal na hingal na rin siya ngunit pinagsawalang bahala niya iyon dahil malapit na sa kanya ang Quadro. Inalala niya ang sabi ni Cedrick sa kanya, na kapag kailangan niya ng tulong sa oras na ganito, mag-isip lamang siya ng isang bagay na magiging armas niya at lalabas iyon sa kamay niya. Habang tumatakbo, taimtim na pumikit si Patricia habang iniisip ang isang shotgun. Oo, iyon ang una niyang naisip dahil wala siyang ibang alam na armas. "Please, gumana ka. Kailangan kita ngayon, please.."bulong niya sa sarili ngunit makalipas ang ilang minutong pag-iisip niya sa armas ay napatingin siya sa kamay niya at wala pa rin ito. Hindi pa rin tumigil sa kakaisip si Patricia sa shotgun, hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan. Nasa pinaka dulo na siya ng mga bahay at sa ayaw at sa gusto niya at kailangan niyang bumaba na habang naghihintay sa kanya ang nangingain nang Quadro. Nagdadalawang isip pa siya kung lilipat siya sa kabilang bubong, ngunit dahil dalawang metro ang layo nito sa pwesto niya at nakita niya kanina na marami ang guwardiya doon, nagsaalang-alang na lang si Patricia. "Do or die ba ito?" sigaw niya sa Quadro na naghihintay sa kanya sa ibaba habang matindi ang pagkakahawak nito sa palakol. Muli, bago siya tumalon ay tiningnan niya ulit ang palad at hinihintay na lumabas ang shotgun, ngunit wala talaga. "Mukhang naloko ako ni Cedrick ah?" bulong niya sa sarili. "Bahala na nga!" Saka siya tumalon at nakaharap ang isa sa malalakas na Quadro. Hindi pinahalata ni Patricia pero sa totoo lang ay nangangatog na ang tuhod niya habang nagtitinginan sila ng Quadro. Hindi dahil sa malalaki nitong ngipin at malaking butas ng ilong. Mukha din kasi itong galing sa kanal at kakalublob lang kaya ganito ang itsura nito. Isa pa, kahit medyo malayo si Patricia ay naaamoy pa rin niya ang masalimuot na amoy ng Quadro. "Tatakas ka pa ha!" Hingal na hingal na sabi ng guwardiya habang dala nito ang matulis niyang espada. "Wala ka nang magagawa dito. Kahit tumakbo ka nang tumakbo, kamatayan lang naman ang kapupuntahan ninyo!" Umiling si Patricia habang paatras siya. Na-corner na siya ng dalawa kaya pag-atras ay nakapa niya na pader na ang nasa likuran niya. "Patay!" Nasapo niya ng kamay ang kanyang ulo sa sobrang kaba. Tumawa ng malakas ang guwardiya habang hinahanda at pinapaikot ng Quadro ang kanyang palakol. "Sabi ko naman sa'yo diba? Magpakamatay ka na lang. Tutal naman, mamaya-maya lang magiging alikabok ka na, at ililipad ka ng hangin. Wala namang makakapansin ng pagkawala mo e," tusong saad nito. "H..hindi!" pamimilit ni Patricia. Sa kanyang huling hakbang, napasandal na siya sa pader kaya akala niya ito na ang katapusan niya. Muli ay pumikit siya at inalala ang bilin ni Cedrick. Huminga muna siya ng maluwag at inisip ang shotgun sa kanyang mga palad. Ilang minuto lang, pagmulat ni Patricia ay may nakapa siyang malamig na bakal sa kamay. Tuwang-tuwa niyang iminulat ang mata at tiningnan kung ano ang hawak niya. Isang baril. Hindi man ito shotgun, ngunit laking tuwa ni Patricia na itinutok ang baril sa guwardiya at walang alinlangang pinaputok 'yon sa tagiliran ng guwardiya. Nilito niya ang dalawa, at akmang tatakas ngunit tumawa ang guwardiya at dinakot sa bakal niyang damit ang bala ng baril na pinutok ni Patricia. "Wala ng talab sa akin 'yan.." Pagyayabang ng guwardiya ngunit hindi na nito natuloy ang sasabihin nang bigla itong bumulagta sa sahig habang unti-unting dumadanak ang dugo. Habang nagsasalita kasi ito, tinuon ng pansin ni Patricia ang bibig ng guwardiya, kaya iyon. Tamang tama ang pagpasok ng bala sa leeg nito. Tumingin naman si Patricia sa Quadro na ngayon ay galit na galit na siyang sinusugod. Puro malakas na sigaw lamang ang ginagawa ng Quadro. Para itong leon na galit na galit sa kanyang kalaban, kaya bago pa ibato ng Quadro ang palakol nito ay mabilis na tumakas si Patricia. Pa-ekis ang kanyang takbo upang malinlang nito ang Quadro. Sa kakatakbo niya, nakita niya muli ang isang masikip na eskinita. Sigurado siya na hindi aabot doon ang katawan ng Quadro dahil napakalaki no'n. Ngunit hindi siya maaaring maging kampante dahil maaaring tibagin ng Quadro ang pader na humaharang sa kanya. Nang matunton ni Patricia ang eskinita, hingal na hingal siyang napasandal sa pader na puno ng lumot. Palinga-linga pa rin ang tingin niya. Naninigurado na hindi siya sinundan ng Quadro. Nakahinga naman ng maluwag si Patricia nang hindi na niya marinig ang malakas na yabag ng Quadro. Sa laki ng paa no'n, kahit malayo ay maririnig mo na. "Bwisit. Sabi ko shotgun, pero bakit napakaliit na baril itong binigay sa akin?" Sinuri ni Patricia ang maliit na baril na siyang nakapatay sa guwardiya. May nakaukit sa gilid no'n na ibat-ibang klase ng tuldok. Hindi niya masuri kung ano 'yon. Basta may ideya siya na isnag morse code ang nakaukit doon. Habang nagpapahinga, inalala ni Patricia ang nangyari kanina. "Bakit kaya bigla 'tong lumabas kanina? No'ng hinahabol ako sa bubong nang Quadro, wala naman lumabas," aniya at iniisip kung paano nagawa iyon. Ilang minuto lang ay may sumilay na ngiti sa kanyang labi,dahil nalaman na niya ang sagot sa sariling katanungan. "Alam ko na.." pangungusap sa sarili. Hindi lumabas ang inaasam na armas kanina ni Patricia, dahil gulong-gulo ang isipan niya kanina. Habang hinahabol siya ng Quadro, puro takot at pangamba lang ang iniisip niya, pero noong nahuli siya ng dalawang iyon, nagkaroon siya ng lakas ng loob para tumakaas at nakapag pokus siya kaya biglang lumabas iyon. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng armas si Patricia. Hindi lalabas ang armas na iyon kung may alinlangan at takot sa puso ang may-ari. Kailangan ay maging determinado muna at maging kalma bago ito lumabas. Bigla namang natigilan si Patricia at bumagal na namann ang t***k ng puso niya nang maramdaman niyang lumilindol sa paligid. Isiniksik mabuti ni Patricia ang katawan sa pader upang hindi siya matumba at mapaluhod, ngunit masyadong malakas ang lindol kaya nadala siya. Bigla namang umangat ang ulo niya nang masilayan ang isang dambuhalang paa na nasa harapan niya. Pilit siyang inaabot nito. Pagtingin ni Patricia ay iyong Quadro na pala iyon. Inis na inis na ang Quadro sa kanya kaya ang ginawa niyon ay winasak ang unahang pader. Napaatras naman si Patricia sa takot at tinago ang baril sa kanyang bulsa. Sa pag atras niya, isang pader na naman ang nakaharang sa likuran niya kaya wala na siyang magagawa rito kung dukutin man siya ng Quadro. Ginagamit ng Quadro ang kanyang palakol para sirain ang matitibay na pader. Nang kalahati na lamang ito, aabutin na sana ng Quadro ang nakaupong si Patricia, ngunit bigla namang pumikit si Patricia at nag-isip ng isang panibagong armas. "Isang bomba," bulong sa sarili at muling iminulat ang mata. Sa kasamaang palad, bigla na lamang siyang dinukot gamit ang hintuturo at hinlalaki ng Quadro. Takot na takot siya ng inangat nito ngunit patuloy pa rin niyang iniisip ang isang bomba. Para lamang isang langgam si Patricia na akto nang kakainin, ngunit sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga. Habang hawak ang damit ni Patricia ay hawak na rin niya ang bomba sa kamay habang nasa likuran niya ito. Tinititigan siya ng Quadro at mukhang sinusuri muna ang kanyang itsura. Nang makumbinsi na ang Quadro ay akma na siyang kakainin nito at tinapat sa malaking bunganga, Si patricia naman ay buong tapang na hinagis ang bomba sa bibig ng Quadro at bigla itong sumabog, kaya nabitawan si Patricia. Sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilapon ang itim na dugo sa kanyang mukha, habang pinagmamasdan niya ang wala ng ulo na Quadro. Ang Quadro ay parang wala na sa sarili, dahil hindi na nito alam ang gagawin. Patuloy pa rin ang pagdanak ng itim nitong dugo. Ngayon lamang napagtanto ni Patricia na hindi pala normal na halimaw ang mga ito. Pagkatapos ng pagsabog, tumumba na ang Quadro at si Patricia naman ay tumayo. Lumayo siya sa lugar ng pinangyarihan at muling sinipat ang oras. Alas dos na. Limang oras na lang at dapat makabalik na siya sa bahay na tinutuluyan niya, kundi hindi niya matitiyak ang kaligtasan niya sa labas. Nagsimulang hanapin ni Patricia ang bahay na tinirahan. Kaagad na umakyat siya sa ikatlong hilera at sa kabutihang palad, walang mga guwardiya doon. Abot tainga ang ngiti niya nang masilayan ang bahay na pinagiwanan niya ng gamit. Walang nagbabantay doon kaya mabilis siyang tumakbo, kahit pa duguan ang kanyang mukha. Nang malapit na siya sa bahay,nasilayan niya na may kadenang nakapaikot doon. Hindi basta-basta makakapasok si Patricia dahil ang kadenang iyon ay napaka kapal. Hindi niya magagawang alisin 'yon ng siya lang, kaya nagpalinga-linga siya at nagbakakasakali na may tutulong sa kanya. Humarap si Patricia sa pinto at pinipilit na tinatanggal ang lock sa kadena. Kahit ang padlock ay tingin nito, nasa sampung kilo ang bigat. Hindi pa rin sumuko si patricia at patuloy pa rin niya itong pinag aaralan kung paano tanggalin, ngunit natigilan siya nang may maramdaman siyang kutsilyo sa kanyang tagiliran. Nararamdaman na rin niya na pahapdi ito nang pahapdi kaya tumigil siya sa pagtanggal ng kadena. Dahan-dahan siyang humarap at pagkakita niya doon ay isang guwardiya ang nagbabantay sa kanya, habang ang espada nito ay nakatutok sa tagiliran ni Patricia. Ramdam niya na pahapdi nang pahapdi ang pagkakatusok at nang masilayan niya ang lapag ay tumutulo na pala ang kanyang dugo. Hindi na makagalaw si Patricia dahil alam niyang wala siyang kawala. Baka kung gumalaw pa siya ng isang beses ay mahahati na sa dalawa ang katawan niya. "Nasa akin ang susi," wagaywag ng guwardiya sa kaliwa niyang kamay ang malaking susi ng bahay. "Siguro hanggang dito ka na lang 'no?" sarkastiko nitong sabi ngunit si Patricia ay masama ang tingin niya rito. "Huwag mo ng balakin na gumalaw o tumakas pa. Masyado ka kasing mahina, kaya ayan. Hanggang diyan lang ang kaya mo." "Hindi totoo 'yan!" Sa galit ni Patricia ay parang pinapatay na niya sa kanyang titig ang guwardiya. Hindi na niya iniinda ang sugat sa tagiliran kahit ramdam niyang palalim ito nang palalim. "Ikaw ba? Hanggang diyan na lang ang buhay mo? Hanggang sa pagpatay na lang ng tao ang kaya mo?!" inis na sabi ni Patricia, kaya nag-iba ang awra ng guwardiya. "Mga katulad mo lamang na mahihina ang pinapatay namin. Hindi na kayo kailangan sa mundo, kaya dapat bawasan na kayo." "Oh talaga? Paano naman kayong mga walang silbi? Mga ginagawang laruan ang mga tao. Oati ang mga sanggol na walang kamalay-malay, pinapatay ninyo? Mga wala kayong kwenta!" Sa puntong ito, tumawa ng impit ang guwardiya sabay ibinaba ang kanyang espada. Nakahinga naman ng maluwag si Patricia, ngunit kinakabahan pa rin siya sa maaaring gawin ng guwardiya. Hindi niya basta-basta mababaril iyon ng harapan dahil baka putulin pa ang kamay niya sa haba at talim ng espada. Mas pinili na lang niya na tumayo at titigan ng masama ang guwardiya. " Wala na kayong pakialam doon. Pinili ninyong magpunta rito. Pinili ninyo ang mamatay,kaysa mabuhay ng normal sa labas, pero anong ginawa ninyo? Sinira niyo lamang ang buhay ninyo para sa pera!" Natigilan si Patricia sa sinabi ng guwardiya kaya naging blangko ang ekspresyon niya. "Bakit hindi ba tama ako? Mga mukha kayong pera! Nagpasilaw kayo sa kakarampot na pera, tapos magrereklamo kayo? Pinasok niyo ang larong ito! Pinasok niyo ang lugar namin!Kaya dapat lang sa inyo ang mamatay!" Pagkawasiwas ng espada ay nakailag naman si Patricia kaya ang natamaan ay ang kadena. Ngunit sa tibay ng dalawa ay wala man lang nasira. Nagkaroon ng tiyansa na makatakas si Patricia at takutin sa baril ang guwardiya ngunit tinawanan lang siya nito dahil hindi niya maasinta ng maayos ang baril. Habang tumatakbo, inalala ni Patricia ang kanyang ina. Sa totoo lang ay nanghihina na rin siya, dahil sa dugong kanina pa tumutulo sa tagiliran niya. Gusto na lamang niyang humiga sa sahig at magkunwaring patay, ngunit hindi siya papayag na hindi labanan ang mga guwardiyang iyon. Iniisip din niya na nakakahiya sa sarili kapag namatay siyang walang kalaban-laban. Hindi siya papayag sa gano'ng bagay dahil hindi siya tinuruan ng ama na sumuko. Tumakbo lang si Patricia habang hinahabol pa rin siya ng guwardiya. Habang tumatakbo, pinapaputukan ni Patricia ang katawan ng guwardiya at umaasa siyang matatamaan ito o madadaplisan man lang, ngunit mas lalong kinabahan si Patricia ng tumawa nang malakas ang guwardiya dala ang nanlilisik na mata. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Nakakita siya ng palikong daan at kaagad na pumasok doon, ngunit sa kasamaang palad, ang daan pala na iyon ay isang peke. Ngayon ay hindi na makakatakas si Patricia ay sigurado siyang kamatayan na lang ang naghihintay sa kanya. Napapikit na lamang si Patricia at hinihintay na dumampi ang matalim na espada sa leeg niya, ngunit natigilan siya sa pagdarasal nang may marinig siyang isang pamilyar na boses. "Game over," anito, sabay minulat ni Patricia ang kanyang mata at nakita na bumulagta na ang guwardiya, habang may pana na nakatusok sa leeg nito. Mas lalo siyang namangha nang makita kung sino ang nagligtas sa kanya. "Marvin!" sigaw niya at mabilis niya itong nilapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD