KABANATA X: IKALAWANG ANTAS (PATINTERO)

3136 Words
Isang malakas na kalabog ang nagmumula sa labas ng pinto ang siyang mabilis na nakapagpabangon kay Patricia. Kasabay ng kalabog na iyon ang malakas na t***k ng puso ni Patricia. Kahit hindi sabihin ay alam na niya na ngayong araw ang kanilang panglawang antas, kung saan nakasalalay na naman doon ang kanilang buhay. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang dalawang guwardiya suot ang makakapal na damit at sumbrerong pandigmaan. Walang sabi-sabi ay mabilis na tumayo si Patricia kasabay ng pagpasok ng mga ito sa loob. "Bilis! Tumayo ka riyan!" sigaw ng isang guwardiya at ang isa naman ay mabilis na hinila ang braso ni Patricia. Walang lumalabas sa bibig ni Patricia at gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari. "Bilisan ninyo!" sigaw ng ilang mga guwardiya kaya napalingon si Patricia sa likuran at naroon din pala ang iba pang mga nahuli. May mga bata doon, sanggol, matatanda at mga ina. Iyak lamang sila ng iyak habang matindi ang pagkakahawak sa braso nila. "P..pakiusap, huwag na po ang anak ko," naghihikahos na sabi ng isang ginang habang hawak sa kabilang kamay ang anak na mahimbing na natutulog. "Kailangan ninyong sumunod! Kundi papatayin namin ang mga sanggol na 'yan!" marahas na sabi ng mga guwardiya, ngunit biglang bumalik sa harap ang tingin ni Patricia nang hilahin siya mabilis ng guwardiya. "T-teka..saan niyo ba kami dadalhin?" Ito ang unang salita na lumabas sa bibig ni Patricia. Wala siyang kaide-ideya kung saan sila dadalhin, basta ang alam lamang niya ay nalalapit na naman ang pagkukuhom sa kanila. "Huwag ng maraming tanong!Basta sumunod ka na lang! Baka igaya ka namin sa iba na hindi na nakaabot dito," pananakot ng kasamahan nitong guwardiya. Pagkarating nila sa gitnang bahagi, mas dinig na ni Patricia ang hiyawan at iyakan ng mga tao. Iyong iba ay nagpupumiglas ngunit wala silang magawa. Iyong mga bata naman ay umiiyak na sa sobrang takot, ang matatanda ay walang magawa kundi sumunod na lamang sa malakas na paghatak ng mga guwardiya, kahit pa magkanda dapa na sila. Nakarating na ang mga tao kasama si Patricia sa pinakabungad ng Sta. Ignacia. Muli na namang nasilayan ni Patricia ang limang talampakang itim na gate na siyang daan dahilan para nakapasok siya sa impyernong lugar na ito. Bumalik lahat sa kanyang alaala. Nang nasa tapat na sila nito, ang iba ay nagpupumiglas na. Akala kasi nila ay papalabasin na sila ng Sta. Ignacia, ngunit katulad ni Patricia ay muli silang nawalan ng pag-asa simula nang lumiko ang daan-daang mga guwardiya kasama ang mga tao. Hindi sukat akalain ni Patricia nang bumungad sa kanya ang panibagong lugar sa sta Ignacia. Ang akala niya ay simpleng mga bahay lamang ang nandito at mga talipapa sa gilid. Akala niya ay walang mga puno o kaya bundok sa paligid nito ngunit namangha siya at nabuhayan ng loob nang makita ang isang malaking plaza sa tapat nila. Naroon na ang mga kasamahan niyang bilanggo sa lugar na ito. Binitawan naman siya ng guwardiya, kaya napasubsob siya ngunit hindi pa rin niya maalis ang ngiti sa labi nang makakita siya ng isang malaking puno. Puno ito ng acacia. Sa labas ng mataas na pader, mayroon din siyang nakitang mataas na bundok. Kitang-kita niya iyon sa pwestong ito kaya hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti. Iniisip niya kung bakit hindi niya ito nakita noong unang pasok niya rito? Nakakamangha talaga ang lugar na ito at nakakatakot. "Aray ko!" Napalingon si Patricia nang may biglang bumunggo sa kanya. Pagtingin niya rito ay isang dalaga na hawak ng mga guwardiya ang tinulak papunta sa kanya, kaya muli sila ay napaupo. "Kakainis! Ginagawa nila tayong alipin dito!" inis na sabi ng dalaga na hanggang balikat ang buhok at nakasuot ng kulay itim na t-shirt at short. Pinapagpag niya ang pwetan, ngunit natigilan siya nang mapagtantong nakatingin sa kanya si Patricia. "Ano? Tumayo ka na riyan! Maaga kang mamamatay kung lalampa-lampa ka!" anito tsaka inabot ang kamay para itayo si Patricia. Kunot-noo naman niya itong hinila habang si Patricia ay ngingiti-ngiti. Natutuwa siya kahit papaano na may mabait na dalagang tumulong sa kanya. Sa tansya niya ay nasa edad bente pa lang ito, pero dahil nakasimangot siya ay dumagdag ng dalawang taon ang edad nito. "Salamat," tipid na sabi ni Patricia ngunit inisnaban lamang siya ng babae at umalis na. Nang makita niya ang matandang pilit na kinakaladkad ng guwardiya, bigla namang may nagsalita na naman sa likod ng mikropono. Iyong babae na naman noong nakaraang araw. "Binabati ko kayo," umpisa nito sa matinis na boses. "Pinapadala din pala ni Boss ang mensahe na binabati niya ang lahat sa inyo, dahil sa mahigit tatlong libo ninyong manlalaro dito ay umabot na lamang kayo ng isang daan at apatnaput siyam." Biglang nanlaki ang mata ni Patricia kasabay ng bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Hindi kami makagalaw sa aming kinatatayuan, dahil nakapaligid sa amin ang mga guwardiya at mukhang nila nila kami pinapaapak sa pinakadulo ng plaza. "Grabe, tao pa ba ang mga 'yan? Mas masahol pa sila sa demonyo!" bulong ng isang ginang na may bitbit na bata sa kanyang kasama. Hindi pa rin makapaniwal si Patricia na gano'n pala karami ang mga tao dito noon. Iniisip niya tuloy kung ilan na lamang sila simula noong pumasok siya. Pagkatapos, ngayon ay nasa isangdaan at apatnaput siyam na lang sila? Ibig sabihin dalawang libo't walong daan at limamput isa na ang sumubok at nagbuwis ng buhay para lamang dito. Hindi niya maatim na isipin kung bakit may mga tao pa lang ginagawang kasibayan ang buhay ng isang tao. Paano nila nagagawa iyon? Tao pa ba silang matatawag? Biglaa muling napatingin si Patricia sa stage na walang katao-tao. Pilit niyang hinahanap ang nagsasalitang iyon ngunit hindi niya talaga mahanap sa likuran ng mga pader sa plaza. "Sa inyong isangdaan at apatnaput siyam na manlalaro, alam ko karamihan sa inyo ay nakapagpahinga na mula sa binigay naming isang araw na palugit..." Nakayuko si Patricia habang nakikinig, ngunit naalis ang tingin niya sa ibaba nang may mapansin siya na matanda. Isang matandang babae na mayroon na lamang isang bar sa kanyang braso. Nang tingnan muli niya ang hilera ng matanda ay karamihan sa kanila, isang bar na lang din. Ang mga sanggol ay may dalawang bar pa, ngunit alam ni Patricia na hindi iyon sapat. Paano niya matutulungan ang mga batang ito na mabuhay at masilayan ang totoong mundo? Ilang Quadro ang kailangan niyang patayin para lamang maisalba ang mga musmos na ito? "Teka lang!" Biglang nagtinginan ang mga tao kasama si Patricia sa isang boses ng lalaki na sumigaw sa kalagitnaan ng lahat. Pagtingin nila dito ay isang matikas na lalaki na napakadumi ng kanyang suot na damit pati ng mukha ang naglakas loob na magsalita. "Bakit ninyo ginagawa sa amin ito? Bakit hindi na lang ang mga sarili ninyo ang paglaruan ninyo?!" Pinipigilan siya ng mga kasamahan niya, ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Hinihintay naman ni Patricia na sumugod ang nakapaligid sa kanilang mga guwardiya ngunit hindi lamang nila ito pinapansin na parang wala silang naririnig. "Nakakatuwa kayo. Sa likod ng mikroponong iyan, diyan lamang kayo magaling! Kung kayo kaya ang ipapatay ko sa mga Qaudro, ano ang gagawin ninyo-" Hindi na natuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin nang biglang may lumipad na palaso mula sa kanyang likuran at natamaan siya sa ulo na tagos hanggang sa kanyang mata. Napapikit na lamang ang lahat, ngunit si Patricia ay natulala sa nakita. Hindi niya akalain na ganito pala karahas ang mga namamahala dito. Hindi na rin siya nagtataka na walang nagsasalita o lumalaban sa mga kasamahan niya, dahil mas gugustuhin pa nilang mabuhay sa walang katapusang pagtakbo, kaysa sa palasong nagmimistulang kamatayan. Pagkadapa ng lalaki, kumalat ang kanyang dugo sa sahig, kaya umatras ang mga tao sa tabi niya. Pagkaraan lamang ng ilang segundo, unti-unting nililipad ng hangin ang katawan nitong naging itim na alikabok. Lalong lumakas ang loob ni Patricia na mabuhay sa pinakahuling laro at umuwi ng buo sa inay. Hindi niya hahayaan na gano'n na lamang ang magiging katapusan niya. Hindi niya gugustuhin na umuwi sa ina niya na isang abo na lang. "Mayroon pa bang gustong magsalita?" wika ulit ng babae sa likod ng mikropono, kaya biglang tumahimik ang lahat at saka nakinig. "Pst!" rinig ni Patricia na may tunatawag ngunit hindi niya ito pinapansin. "Pst! Babaeng nakaputi!" tawag muli ng boses babae sa kanyang likuran. Natigilan pa si Patricia nang tingnan niya ang kanyang damit. Baka kasi hindi siya ang tinutukoy no'n. Tumingin naman siya sa likuran nang makita na puti nga ang damit. 'Yung tumatawag sa kanya ay iyon palang babae na nakabunggo niya. Lumapit siya kay Patricia at sinampay ang kamay nito sa braso niya. "Bago ka lang ba rito?" bulong ng babae. Tumango naman si Patricia. "Ako nga pala si Jovel," anito. "Ako naman si Patricia," mahinang sabi ni Patricia saka lumilinga-linga sa paligid dahil baka may lumipad sa kanilang sibat. "Mukhang ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang ba?" usyoso ni Jovel. "Ah..oo," tipid na sabi ni Patricia at muli ay nakaramdam siya ng hiya. "Alam mo, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay natin dito e. Para lang tayong pinaglalaruan, pagkatapos pag nagsawa na sila, papatayin na nila tayo," wika ni Jovel kaya napatingin si Patricia sa kanya. "Matagal ka na ba rito?" tanong ni Patricia habang nakatingin naman ang mata nila sa harapan. "Hindi. Siguro mga nasa dalawang linggo pa lang ako nandito. Tatanga-tanga kasi ako e," sarkastikong tugon ni Jovel. Sa unang pagkakataon,lumingon si Patricia sa kanya. "Bakit naman?" "Isa akong magnanakaw dati." Bumalik ang tingin ni Jovel sa harapan, kaya gumaya na rin si Patricia. "Hindi ko alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko no'n. Sakto kasi kailangan ni papa ng panggamot. E wala namang mga trabaho ang mga ate at kuya ko. Ako naman dati, namamasura lang. Si papa noon, ubo lang nang ubo. Ayaw niyang magpadala sa hospital," biglang bumaba ang tono ng pananalita ni Jovel kaya naintindihan ni Patricia ang lungkot na dinadala nito. Naiintindihan ni Patricia ang pakiramdam ni Jovel, dahil noon din ay gano'n ang kanyang ama. "Ayaw kumilos ng mga kapatid ko, kahit na nakikita nilang may dugo na sa ubo ni papa. Kaya ayun, napilitan akong magnakaw. Hindi ako sanay no'n na magnakaw,pero napilitan ako. Nakakainis kasi mga kapatid ko, pinanganak pa, wala namang kwenta," natawa siya ng bahagya, kaya natawa rin si Patricia. "Ayun, napunta ako dito. Hindi ko noon alam ang tungkol sa Sta. Ignacia. Akala ko noon isang malaking mansyon ang nakapaloob sa mataas na gate na 'yon. 'Yun pala mas malala ang kakaharapin ko dito." Kung pagsusumahin ay pare-pareho lamang sila ng hinaing at dahilan kung bakit napunta ang iba sa kanila. Ang akala noon ni Patricia ay siya lamang ang tatanga-tanga na nagpunta sa lugar na ito dahil lamang sa pera. Marami rin pala sila. "Ikaw naman, bakit ka napunta dito?" tanong ni Jovel. Humugot muna ng malalim na hininga si Patricia saka inaalala ang lahat at kinwento kay Jovel. Pagkatapos no'n, biglang may dumaan sa gilid ko, kaya napaurong kami at hindi nakapagsalita si Jovel. "Alam mo, hindi kita masisisi sa desisyon mong 'yan. Sampung libo 'yon. Kahit ako maaakit ako doon," saad ni Jovel. "Pero alam mo ngayon, napagtanto ko lang na.." Lumingon si Patricia sa kanya habang malungkot ang kanyang mata. "Kahit gaano pa kalaking pera 'yan, kung buhay naman ang kapalit, magiging wala ring silbi 'yan. Sana nakinig na lang ako sa inay ko. Sana kasama ko pa siya ngayon. Kahit kaunti lang ang benta namin sa palengke, masaya pa rin naman kami. Pero hindi ako nakinig." Oo hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ni Patricia ang kanyang sarili. Sinisisi niya ang sarili kung bakit siya napunta rito at bakit kailangan niyang pagdaanan lahat ng nais na ipapagawa sa kanila. "Sana balang araw magkita pa tayo at sabay tayong lalabas sa gate na 'yan," wika ni Jovel kaya napangiti si Patricia. Iyon din kasi ang pinangako niya sa sarili. "Oo naman! Magkikita tayo sa labas nito. At kapag nasa labas na tayo, promise ko ililibre kita ng maraming kakanin!" Kaaga namang ibinida ni Patricia ang tinda nilang kakanin. Sinabi niya na iyon daw ang pinakamasarap na kakanin sa baryo nila dahil gawa iyon sa pagmamahal. Nagtawanan naman ang dalawa. Tinanong din ni Patricia kung taga saan si Jovel. Ang sabi naman ng dalaga malayo raw ito sa lugar nila dahil sasakay ka pa ng bus at jeep bago makarating sa lugar nila. Pagkatapos nilang mag-usap, sakto naman ay nagsalita ang babae sa likod ng mikropono na magsisimula na ang kanilang pangalawang antas. "Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay isang laro kung saan maaari itong laruin ng limang manlalaro bawat kuponan. Mayroong guhit na nagsisilbing harang ninyo. Ang guhit na iyon ay nakabase kung ilan ang mga manlalaro. Bawat manlalaro ay may nakabantay na isa sa kanila upang hindi makalampas sa unang guhit." Biglang napaisip si Patricia sa larong ito. Noong bata pa siya, madalas ay nilalaro nila ito ng mga bata sa Baryo, kasama sina Marvin at ang bestfriend niyang si Lea. Naalala niya noon na dahil maliksi silang dalawa ni Lea ay palaging hindi sila nahuhuli ng mga taya, kahit na mas mallalaki sa kanila ang mga ito. "Ang grupo ng taya ay ang tatayo sa mga guhit at babantayan ang mga kalaban, upang hindi sila makalipat ng pwesto at mapunta sa finish line. Ang manlalaro ay dapat makatawid at makabalik sa kanilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kanyang grupo na hindi namamalayan ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kuponan." Maayos ang paliwanag sa kanila ng babae, ngunit nakakunot pa rin ang noo ng karamihan sa kanila. Paano nila gagawin iyon kung napakarami nila? Tsaka saan magsisimula ang larong ito? Biglang napaisip si Patricia at napatingin sa mga guwardiya na nakapaikot sa kanila. "Sabi ko na," bulong sa sarili kayat narinig siya ni Jovel. "Anong sabi mo? Paano natin gagawin 'yon e andami natin?" naguguluhan pa rin nitong tanong. "Tinuro ni Patricia gamit ng kanyang nguso ang mga guwardiya na naghahanda na para sa panibagong gyera. "I..ibig mong sabihin, ngayon na magsisimula ang pangalawang antas?" gulat na tanong ni Jovel. Bigla namang nagsalita ang babae sa likod ng mikropo kaya lalong nagkagulo ang mga tao. "Naipaliwanag ko na sa inyo ng maayos ang patakaran sa laro. Ngayon naman, dahil matatanda na kayo at para lalong sumaya ang ating baryo, iibahin natin ito. Dahil nandito kayo sa Sta. Ignacia, maraming pakulo ang inihanda ng ating mahal na presidente. Magsisimula ang ating laro ngayon." Biglang nagkagulo ang mga tao. Mukhang nalaman na nila kung para saan ang mga guwardiyang ito na nakaharang sa kanila kaya nagpupumiglas ang iba. "Sa larong patintero, kayo ang magsisilbing manlalaro at ang mga guwardiya ang magsisilbing taya. Kailangan ninyong makaalis dito sa loob ng kalahating minuto, upang lumipat sa panibagong lugar. Hindi kayo maaaring bumalik sa inyong mga tahanan dahil mayroon ding mga guwardiya ang nagbabantay doon at kapag nahuli nila kayo ay maaari nila kayong patayin. O paano, galingan ninyo at sana masiyahan kayo!" Biglang namatay ang mikropono kaya nagkagulo na ang mga tao. Walang magawa sina Patricia kundi makipagsiksikan sa mga ito habang pinipilit na makalabas. Nakakaramdam na rin ng kaba si Patricia habang nakatingin sa mga tao na nag-iiyakan habang bitbit ang kanilang mga anak. Wala siyang magawa para tulungan ang mga ito dahil isa rin siya sa mga naiipit sa gulo. Kinapa kapa niya sa likuran ang kamay ni Jovel, ngunit hindi niya iyon matunton. Nang may nahawakan na siyang kamay katulad kay Jovel ay nilingon niya ito at hihilahin sana, ngunit pagtingin niya ay hindi siya yon. Nagpalinga-linga siya ng tingin, ngunit sa nagkakagulong mga tao ay hindi niya mahanap ang kaibigan. Pinagsawalang bahala niya muna iyon at tinuon ang atensyon kung paano makakalampas sa daan-daang mga guwardiya. Naisip niya kasi na 'yung sinabi ng babae na patakaran nila sa laro. Kung ilan man ang manlalaro ay gano'n din ang mga taya. Ibig sabihin, wala pa sa isandaan itong nagbabantay sa kanila. Maluwag-luwag pa ang espasyo para sila makatakas. Pero kung makatakas man sila dito ngayon, kailangan pa rin nilang mag-ingat dahil napakadaya ng larong ito. Napansin ni Patricia na habang tinutulak ng karamihan ang kabilang bahagi, lumuluwag ang daan sa kaliwa. Nawawala ang mga guwardiya dahil nakapokus sila sa maraming tao. Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Patricia nang makita niya ang mga bata na pasimpleng lumulusot sa maliit na butas. Tumakbo siya patungo sa isang bahagi naman, upang lituhin ang ilang mga guwardiya. "Dito o! Maraming nakakatakas!" sigaw ni Patricia kaya biglang napalingon sa kanya ang mga taong nakikipagsiksikan. Iyong iba ay galit na galit dahil akala nila ay tinataksil sila, ngunit hindi alam ng marami na nasa kaliwa ang mga batang tumatakas. Bigla namang pumunta ang ilang mga guwardiya sa tapat ni Patricia kaya lumuwang ang kanang bahagi. Doon na lumabas ang iilan, kaya tuwang-tuwa sila. Si Patricia naman ay palipat-lipat ng pwesto, kaya nalilito na sa kanya ang mga guwardiya. Napatingin naman siya sa kanyang relo at limang minuto na lamang bago ang treinta minutos na binigay na palugit. Hindi rin namamalayan ni Patricia na tanghali na pala, kaya nagsisimula nang uminit sa kanilang pwesto. Mabuti na lamang at may kaunting hangin dala ng puno, kundi baka hinimatay na ang iba sa kanila. Sa paglilito ni Patricia sa mga guwardiya, nainis na ang mga ito ay itinuon na lamang ang atensyon sa iba. Nakakuha ng tiyempo si Patricia upang tumakas sa maliit na espasyo. Bago pa siya lumabas doon, tumingin muna muli siya sa gilid upang tingnan si Jovel, ngunit wala na iyon dito. Tumuloy naman si Patricia sa labas ng walang kahirap-hirap. Hindi na siya muling lumingon dahil baka makita pa siya ng mga guwardiya kaya nagpatuloy lamang siya sa pagtakbo. Wala na siyang gaanong makitang tao na tumatakbo sa daan. Ang iilan ay nasa gilid ng talipapa at nagpapahinga. Nakita din ni Patricia 'yung ginang kanina na may bitbit na bata at umiiyak na iniwan ang anak sa gilid ng tindahan. Pagkatakbo ng ginang, kumaliwa iyon habang si Patricia ay pinuntahan ang bata. Sinilayan niya iyon at nakita ang maamong mukha ng sanggol na natutulog. Wala siyang magawa. Gustuhin man niyang kuhanin ang batang iyon, pero wala siyang sapat na bar para pakainin iyon. Baka mamatay lang din ang sanggol sa kamay niya kung sakali. Mabigat ang dibdib ni Patricia na iwan ang sanggol saka tumakbo sa kanang bahagi kung saan ang bahay na dikit dikit. Sa unang mga bahay, wala pang mga guwardiya ang nagbabantay kaya kumalma muna siya ng bahagya, ngunit nang makita niya na paparating na ang mga guwardiya na may dala ng espada ay saka lamang siya tumakbo ng mabilis at nagtago sa eskinita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD