KABANATA VII: BLACK SCORPION

3095 Words
"Balita na rin sa amin noon na delikado ang lugar na ito. Pero nagbakasali pa rin ako," anas ni Cedrick. "Ang sabi sa akin ng kakilala ko may trabaho raw na naghihintay sa akin dito. Ako naman itong si uto-uto akala ko ay totoo. Iyon pala pinadala kami ng mga sundalo rito para makipaglaban sa mga Quadro." "Quadro?" Nakataas ang noo na tanong ni Patricia. Kanina pa kasi niya ito naririnig ngunit hindi pa rin niya maintindihan kung ano ito. "Marami kaming pinadala dito. Halos nasa isandaan din kami, pero ngayon kami na lang ang natira, dahil sa mga Quadro. Sila 'yung makakalaban natin sa oras ng laro. Pagpatak ng alas syete ng gabi magsisimula na ang laro sa baryong ito. Bawat biktima na mahuhuli ng guwardiya, ilalaban nila sa isang dambuhala na nakasuot ng bakal sa kanyang katawan. Kapag natalo ka no'n, automatic patay ka na sa totoong buhay." "P-pero paano natin malalaban 'yon? Tsaka anong nangyari sa mga kasamahan mo? Doon sa nangyari kay Melody, p..paano 'yun?" naguguluhan pa ring tanong ni Patricia. Suminghal lang si Cedrick at tinapunan siya ng tingin. "Namatay na halos sa kanila. Bumuo kami ng sarili naming grupo. Ang black scorpion na tumutulong sa matatanda at bata. Sinasagip namin sila para hindi dahil naaawa kami. Gusto namin silang mabuhay sa lintek na larong ito at makabalik sa tunay na mundo." "P-pero 'yung kay..Melody," pababa nang pababa ang tono ng boses ni Patricia dahil kahit siya ay natatakot na rin sa inaasta ni Cedrick na nanlilisik ang kanyang tingin. Kahit papaano ay nawawala ang kaba ng dalaga dahil madilim sa pinagtataguan nila. Tanging ilaw lamang sa poste na nasa labas ang siyang sumisilaw sa mata ni Cedrick upang makita ang ekspresyon nito. "Marami nang mamatay diyan. Inaasahan na naming mangyayari 'yon sa mga kasamahan namin. Maraming patibong na inihanda ang may ari ng larong ito at hindi ko alam kung ano pa ang sunod na maaari niyang gawin. Sa totoo lang..pagod na pagod na ako," Hinayaan lamang ni Patricia na maglabas ng saloobin si Cedrick. Kahit kasi anong pagkukunwari ay nararamdaman niyang masakit din para sa kanya na mawalan ng mabuting kaibigan katulad ni Melody. "S..sila na ang naging pamilya ko simula una. Sila ang nagpalakas ng loob ko kaya ako ang tumayong lider nila. A..ayokong magpakita ng emosyon sa harapan nila. Ayokong makita nila na ang inaasahan nilang lider, umiiyak dahil sa pagkapaslang ng kaibigan nila. Na dapat ako na lang ang lumabas.. na dapat buo pa kami ngayon," hindi na mapigilan ni Cedrick ang kanina pa kinikimkim na sakit. Hinayaan lamang siya ni Patricia na umiyak nang umiyak dahil alam din niya ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Lumipas ang ilang minuto at tumahimik ang paligid. Hindi na rin naririnig na umiiyak si Cedrick habang nakayuko ito. Mukhang nakatulog na ang binata sa sobrang pagod. Si Patricia naman ay tulala pa rin at nakatingin lamang sa siwang ng pinto. Pinapanalangin na sana..sana hindi totoo lahat ng ito. Na sana, ibalik siya sa oras na kung saan hindi niya tatanggapin ang anumang pera na inalok sa kanya ni Amethyst. Napatingin siya sa kanyang relo saka niya binuksan ang ilaw nito. Ala una na pala ng madaling araw. Hindi niya ramdam dahil sa nangyari kanina. Kung sa kanila ay tulog na siya alas otso pa lang, dito ay mulat na mulat pa rin siya habang inaalala ang nangyari kanina. Kung hindi lang siguro siya aksidenteng nahila ng espada ni Cedrick ay isa na rin siyang alikabok ngayon. Sa kabilang banda, natutuwa pa rin siya. Natutuwa pa rin siya dahil buo pa siya at malakas. Iniisip niya ang kanyang ina na naiwan sa bahay. Siguro ay hindi iyon makatulog kakahintay sa anak niya. Kung alam lang niya kung gaano pinagsisihan ni Patricia ang ginawang pagtakas. Biglang nagising sa ulirat si Patricia nang gumalaw si Cedrick. Napaunat pa ito sa sarap ng kanyang tulog. Pagkatapos no'n ay bumalik na muli ang binata mula sa pagyuko at muli ay natulog siya. Napangiti na lang ng impit si Patricia. Akala niya noong una ay masungit si Cedrick. Akala niya ay papaalisin na agad siya sa lugar na iyon. Pero ngayong dalawa na sila, nakita na ni Patricia ang totoong mukha ni Cedrick. Sa likod ng masungit at blanko nitong ekspresyon, nailabas ni Patricia sa comfort zone si Cedrick. Sa paraang 'yon, alam niya may naitulong din siya sa binata kahit papaano. Pero napatigil siya sa pagngisi nang maalala na paano na ang gagawin niya bukas? Habang buhay na lang ba siyang magkukulong sa bahay na iyon? Syempre hindi maaari! Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang makatakas. Pero paano? Limampung talampakan ang taas ng gate pagkatapos may mga guwardiya pa na malalaki ang katawan na nagbabantay doon. Imposible pa sa imposible kung makatakas man siya. "Bahala na nga!" Sa sobrang inis ay napakamot ng ulo si Patricia at napapadyak. Sa paghihintay na lumipas ang oras, biglang nagulat ang katawan ni Patricia at mabilis ding gumising si Cedrick nang marinig ang boses ng babae na nagsasalita sa likuran ng mikropono. "Huling treinta minuto," ani nito kaya mabilis na nagtinginan ang dalawa. Hinablot naman ni Cedrick ang kamay ni Patricia at takang-taka siya nitong tiningnan. "2:30 na pala," bulong sa hangin ni Cedrick saka mabilis na tinanggal ang pagkakahawak nito. Namalipit naman sa sakit si Patricia at tiningnan din ang oras. Napakunot siya nang tiningnan na 2:30 nga. Pero ano ang espesyal doon? "Malapit nang matapos ang laro," biglang sabi ni Cedrick tsaka nito inayos ang kanyang damit. "Ibig mong sabihin alas tres matatapos ang laro?" tanong ni Patricia. "Oo. Pero sinasabihan ang lahat na huwag munang lalabas kapag ganu'ng oras dahil hindi pa nila alam ang kakaharapin nila sa labas. Pero ako, kailangan ko nang hanapin ang mga kasamahan ko," ani nito. Tumayo naman si Cedrick saka inayos ang kanyang damit pati na kagamitan. Napatayo na rin si Patricia dala ang napakaraming katanungan sa isip. Lalong nanlaki ang mata ni Patricia nang makita na may dalawang bar na ilaw sa braso ni Cedrick. Kulay berde ang ilaw nito. Napatigil din si Cedrick sa pag-aayos ng sinturon at tinuon ang atensyon niya doon. "Buti naman," ani nito. "A-ano 'yan?" Turo ni Patricia sa braso ni Cedrick nang bigla ring umilaw ang braso niya. Sa sobrang taranta ng dalaga ay mabilis niyang tinakpan ang ilaw dito at pinipilit na burahin. Napatigil na lang siya nang tumawa nang malakas si Cedrick. "Hindi mo na mabubura 'yan. Ang bar na 'yan ang magiging buhay mo sa loob ng larong ito." Lumapit si Cedrick kay Patricia at hinila ang braso nito na umiilaw. May kung anong pinindot siya doon, kaya biglang may lumabas na screen mula sa braso ni Pat. Gulat at takot niya itong hinarap. Buti na lang at tinulungan siya ni Cedrick kung hindi ay baka mabaliw na siya rito. "Ang tawag diyan ay 'Bar of Life' sa bawat laro ating mapapanalunan, madadagan ang ating bar. Hanggang tatlo lang ito kaya kung maaari, gamitin mo siya sa tama," paliwanag ni Cedrick. Si Patricia at takang-taka pa ring tinitingnan ang mga nakasulat doon. "S-save life? Foods? Death? Ano ito? Bakit may ganito?"Gulong-gulo na tanong ni Patricia. "Sa bawat laro na ating mapagtatagumpayan, kaakibat nito ang isandaang puntos. Buo pa ang iyo, dahil baguhan ka pa lamang, ngunit kapag nagtagal ka na dito ay kailangan mo nang pagdesisyonan ang lahat. Kapag pinindot mo ang save life, mababawasan ng isandaang puntos ang iyong bar at malilipat ito sa napili mong tulungan. Kapag nagugutom ka naman, maaari mong gamitin ang bar na iyan pang bili ng gusto mo. Huwag kang mag-alala dahil malaking halaga na 'yan dito." "A..ano naman itong death?" "Kapag isandaan na lang ang puntos mo, malapit ka na sa kamatayan. Gagawin lahat ng Quadro ang kanilang makakaya para lamang mapatay ka, dahil iyon lamang ang kanilang kaligayahan. Kung gusto mo pang magtagal sa larong ito at makatakas ng buhay, kailangan mong pumaslang ng isang Quadro para bumalik sa dalawang daan ang puntos mo. Sa kaso ko, dalawang daan na lang ang puntos ko dahil ginamit ko ang isangdaan para iligtas ang matanda kanina na nakasalubong namin. Nadagdag lang ito ng isandaan dahil nakaligtas tayo ngayong araw." "Pero paano ako makikipaglaban? Wala akong kaalam-alam. Ni wala rin akong armas na gagamitin para patayin ang mga Quadrong iyon!" Litong-lito na si Patricia sa kanyang gagawin. Hindi naman kasi siya pwedeng umasa na lang kay Cedrick sa lahat ng bahay. Alam din nito na aalis na ang binata upang hanapin ang kasama, kaya mag-isa na naman nitong haharapin ang pagsubok pagsikat ng araw. "Sa oras ng kagipitan, isipin mo lang ang gusto mong armas na paglaban sa mga Quadro. Isipin mo nang isipin hanggang sa maramdaman mong hawak mo na 'yon." Nakakamangha ngunit isang nakakapagtaka pa ring tingin ang binigay ni Pat. "Ang espadang ito.Kusa ko lamang siyang naisip, ngayon ay nasa akin na. Pero tatandaan mo, pagsikat ng araw mawawala rin 'yung sandata na ginamit mo. Maaari mo lang ulit palitan kapag nasa laban ka na." Ngayon ay naintindihan na lahat ni Patricia. Naglakad na rin si Cedrick patungo sa tapat ng pinto at saka niya ito binuksan. Tumambad naman sa kanila ang ilaw na kanina pa sumisilip sa siwang ng pinto. Tumingin muna si Cedrick kay Patricia. "Paano, maiwan muna kita diyan. Kailangan ko rin kasing pumatay ng Quadro para mabalik sa tatlongdaan ang puntos ko. Hahanapin ko rin ang mga kasamahan ko," ani nito. Kahit nag aalinlangan ay nagsalita muli si Patricia sa huling pagkakataon. "Teka lang," aniya kaya natigilan sa paghakbang si Cedrick saka siya hinarap. "Salamat!" Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Cedrick. "Siya nga pala, Patricia. Dahil bago ka pa lamang dito, mag-ingat ka sa mga patibog. Tsaka huwag ka munang lumabas ngayon. Hintayin mo munang sumikat ang araw para matiyak mo ang iyong kaligtasan. Paalam," ani nito saka naglakad na. Sabay naman nagsarado ang pinto kaya muli ay malungkot na napaupo sa sahig si Patricia. Ingay mula sa labas ang dahilan kaya napabilikwas ng bangon si Patricia. Pupungay-pungay pa ang mata niya habang ginugusot niya rin ito. Hindi maayos ang tulog ni Patricia. Siguro sa tansya niya ay isang oras at kalahati lamang ang kanyang pahinga simula kagabi. Pagkatapos humikab ay naalala na naman niya ang kanyang ina. Napatingin siya sa relo at alas syete na pala, kaya nagsisimula nang tumama ang sikat ng araw sa pinto ng bahay. Naalala niya na sa tuwing ganitong oras ay may hinanda na sa mesa ang kanyang inay na si Maria. Amoy na amoy na rin niya ang mabangong sinangag pati ang tuyo na madalas nilang ipares dito. Sa tuwing iniisip niya ang mukha ng ina na masaya ay lalo lamang siyang nakokonsensya. "Pagnakatakas talaga ako dito, yayakapin ko ng mahigpit si inay," bulong sa sarili saka tumayo. Bigla namang tumunog ang tiyan niya at pakiramdam niya'y nagkukumawala na ang bulate sa loob niyon. Naisip niya 'yong sinabi ni Cedrick kanina na maaari niyang ipambili ng pagkain ang isandaang bar. Marami na raw ang mabibili niya doon, kaya habang binubuksan ni Patricia ang pinto ay takam na takam niyang iniisip ang kanyang bibilhing pagkain. Paglabas ay mga nagtatakbuhang bata ang kanyang naabutan. Parang kahapon ay ganito rin ang naabutan niya, pero ngayon mas marami nang tao sa labas. Hidni niya alam kung anong meron ngayon. Parang pista na nasa labas lahat ng tao at todo ngiti habang nakikipag-usap sa kanilang mga kaharap. "Habulin mo ako!" sigaw ng isang batang babae na tingin ni Atricia ay nasa edad anim hanggang pito. Nakikipaghabulan siya sa isnag batang lalaki na kasing edad lamang niya. Tumawa naman ang lalaki at mabilis nitong hinabol ang batang babae. Napangiti na lang si Patricia nang makita ang ngiti ng mga bata. Parang walang nangyari kagabi at msigla ang mga tao ngayon. Kataka-taka rin na ang mga dugo kagabi na dumanak dahil sa pagpatay ay wala na ngayon sa daan. Hindi niya maisip kung anong klaseng paglilinis ang ginawa nila dito at kahit katiting ay wala man lang siyang makitang bahid ng dugo. Habang naglalakad si Patricia, bigla siyang napatigil nang biglang mag bumunggo sa paa niya. Pagtingin niya doon ay isang batang lalaki na nasa edad tatlo. Napaupo ito kaya kaagad na yumuko si Patricia at tinulungan ang bata. Pinantayan niya ito at tiningnan. "Sorry ha? Saan ang masakit?" tanong ni Patricia. Umiling naman ang bata ang ngumiti dahilan para lumabas ang biloy nito sa kaliwang pisnge. Mataba ang batang iyon at may bangs pa kaya lalong natuwa si Pat sa kanya. "Sanay na po ako. Thankyou po!" Wika ng bata at mabilis tumakbo. Naiwang nakaupo si Patricia habang tinitingnan ang bata na masayang tumatakbo sa gitna ng kalsada. Sa kanyang paglalakad lakad, napansin niya na kahit isang sasakyan ay walang dumadaan. Nasa malayong sibilisasyon na ba sila? Balak pa sana niyang hanapin muna sina Cedrick at iba pang kasamahan nito pero naisip niya na baka abala na ang mga iyon sa kanilang gawain. Isa pa, hindi na rin niya mapigilan ang pag alboroto ng kanyang tiyan. Unang nagpunta si Patricia sa karinderya. Nalanghap kasi niya ang amoy ng paborito niyang sinigang kaya lalong kumalam ang kanyang tiyan. Umorder din siya ng tatlong basong kanin at iba't ibang putahe. Nang babayaran na niya ito, muli niyang sinilip ang braso at inisip si Cedrick kung ano ang pinindot niya kahapon para lumabas iyon sa screen. Sa kakapindot niya ay bigla namang umilaw ang kanyang braso at kaagad na lumabas sa screen ang kanyang pagpipilian. Pinindot niya 'yung Foods at awtomatiko na itong nagbawas ng 20 points. Pagkabayad niya no'n ay nginitian niya ang tindera at kinuha na ang pinamili. "Ang galing pala dito. Pati pagbabayad, high-tech na rin," bulong sa sarili at masayang lumipat ng ibang tindahan. Bumili rin siya ng iba't-ibang prutas at panghimagas. Inubos niya ang kanyang sandaang puntos para sa pagkain. Sa isip-isip niya, tama nga ang sinabi ni Cedrick. Marami nang mabibili ang isangdaan na iyon ddahil limang supot ng pagkain ang bitbit ni Pat. Masaya si Pat na pauwi na sa bahay na pinag taguan nila kagabi. May pakanta-kanta pa siya, pero bigla siyang matigilan nang may marinig siyang usapan ng dalawang ginang. "Mare, buti na lang at nakaligtas tayo kagabi Grabe na talaga. Baka mamatay na ako sa susunod nito," impit na bulong ng isang ginang na may dala ng bilao sa kanyang kaliwanag kamay. May suklob din itong belo katulad ng kasamahan niya. "Oo nga. Aatakihin na ako sa puso. Buti na lang talaga niligtas kamo ako 'nung nakaaitim na lalaki. Grabe ang kaba ko!" wika naman ng ginang na nakasuot ng salamin at nakasaya. "Posible kayang siya 'yung niligtas ni Cedrick kagabi?" tanong sa sarili ni Pat. Pero napailing siya. Base kasi sa katawan ng matanda, kaya pa naman nitong tumakbo. Ang bilis pa ngang makipag-usap. Bihasa na ito sa chismis. Aalis na sana si Patricia ngunit bigla na namang napukaw ang kanyang atensyon ng isang ginang na sinusuway ang mga bata. "Anak tara na umuwi na tayo!" sigaw ng ina na nskaupo sa baitang ng hagdan habanng ang kanyang anak na lalaki ay pawis na pawis habang nakikipaghabulann sa mga kalaro. "Mamaya na po, Mama!" sagot naman ng bata habang tuwang-tuwa ito. "Hayaan mo muna sila, Mirasol. Isang araw lang naman ang kalayaan nila, bukas ay babalik na man sa dati ang lahat," wika ng matanda na sumaway sa ginang. Wala nang magawa ang ginang kundi hayaan na lang ang anak na maglaro sa initan. Napaangat naman ang kaliwanang kilay ni Patricia. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng matanda. Isang araw? Ngayon? Tapos bukas ay babalik na naman sa dati? Magpapalaro na naman? Hanggang kailan ba ito matatapos? Hanggang mamatay na lahat ng mga bata? Kibit balikat na lang na naglakad si Patricia patungo sa bahay. Malapit lang ito kumpara sa nilakad niya kahapon. Kung kahapon ay apatnapu ang nilampasan niyang bahay, ngayon ay tatlo lang. Nakarating siya ng ligtas sa bahay. Pagdating niya ay nilapag niya sa sahig ang mga pinamiling pagkain. Wala kasing kagamit-gamit na ang bahay na pinagtaguan nila kaya sa lapag lamang siya kakain ngayon. Okay lang naman ito sa kanya, sanay na siya noong bata pa na sa lapag lang sila kumakain dahil wala pa silang pambili ng lamesa noon. Hiniwalay na ni Pat ang supot na naglalaman ng ibang ulam, para makain niya ito mamayang gabi. Tinipid niya ang pagkain dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtatagal doon. Habang sarap na sarap siyang kumakain, naalala niya muli ang kanyang ina. Sa totoo lang ay hindi siya sanay kumain mag-isa, dahil palagi silang magkasama ng ina nito kahit pa bagoong lamang ang kanilang ulam. Pero sa sitwasyon niya, malabong makasama niya sa pagkain ang ina sa matagal na panahon. Tinitiis lamang niya ang lungkot dahil sa huli ay siya rin ang gumawa no'n. Inisip na lamang niya na nasa malayong lugar ang kanyang ina, upang maibsan ang lungkot niya. Inalala din niya kung sino ang magbabantay mamayang tanghali sa mga paninda nila. Panigurado kasi nito ay antok na antok ang kanyang ina dahil maaga itong nagigising at nagluluto pa ng kanilang ititinda. Lalong nakonsensya si Pat nang maalala ang pagod na mukha ng ina. Pinangako din niya sa sarili na babawi ito pag nakauwi pa siya ng buhay mula sa walang kwentang lugar na ito. Pagkatapos kumain ay binuksan ni Patricia ang isang dalandan na kabilang din sa pinamili niya. Isa kasi ito sa paborito niyang prutas simula bata pa siya. Namili din siya ng ubas, mansanas, at ponkan. Iyong madali lamang balatan, dahil kahit kutsilyo ay hindi niya alam kung saan siya kukuha. Habang sarap na sarap siya sa pagkain, bigla na lamang siyang natigilan nang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang ginang at isang lalaki na matanda na. Nakasuot ang mga ito ng sira-sirang damit habang may takip ang kanilang ulo. Gulat din ang naging reaksyon ng dalawa nang makita si Patricia. "S-sino ka?" tanong ng ginang. Mabilis na iniligpit ni Pat ang kanyang pagkain at saka tumayo. Yumuko siya upang humingi sana ng dispensa. Mukhang ito ata ang may ari ng bahay na pinagtaguan nila kaya nabigla din ang mga ito na nandito ang dalaga. "S..sorry po, aalis na ako," mabilis na naglakad si Patricia palabas na sana ng bahay, ngunit bigla siyang hinarangan ng lalaki. Matanda na ang lalaki. Bakas na bakas din ang pagod sa kanyang mukha. Ang mata nito ay nangungusap din. "Teka lang," ani nito kaya natigilan si Pat at tumingin siya rito. "Maaari bang makahingi ng kaunting pagkain?" saad ng matanda, kaya namula si Patricia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD