PANGATLONG ARAW ni Rechel sa ospital ay nai-discharge rin ito kaagad. Sa Pangasinan na nito itutuloy ang pagpapagaling. Umupa ng magaling na doktor at private nurse si Dona Teresita para lang masubaybayan ang sugat ng dalaga sa braso. Hindi niya hahayaang mapabayaan ang kanyang magiging apo at apo sa tuhod. Sobrang excited na nga si Dona Teresita ‘pag sumasagi iyon sa kanyang isipan. Ang simula ng katuparang ng kanilang pangarap na mag-asawa. Habang si Zen ay palaging mainit ang ulo. Hindi niya gusto ang ideyang pagpapakasal kay Rechel. Pero may magagawa pa ba siya? Nasakop na ang isip at puso ng dalawang matanda sa ideyang pagpapakasal niya. Pinipilit siya ng ina na pakisamahan ng maayos si Rechel. Sa loob niya ay mahirap talagang gawin, pilitin man niya ang sarili. Sana nga ganoon lang

