“MAMA, pigilan niyo po si lola na hindi matuloy ang kasal naming ni Recchel. Magkaibigan lang po kami. At wala kaming relasyon,” buong tanggi ni Zen na maikasal kay sa kaibigan niya. Para itong maiiyak habang nakikiusap sa ina. “Zen, wala na akong magagawa. Na-excite si mama. Halos magtatalon nga sa tuwa, makita ba naman niyang may kasamang babae ang nag-iisang apo niya sa isang kuwarto.” Nagpaiwan si Dona Teresita sa kuwarto ni Rechel para magbantay sa dalaga. Mas gusto raw nitong siya ang magbantay kesa sa private nurse. Kaya sila lang mag-ina ang nasa restaurant sa loob ng malaking ospital. “Pasyente po si Rechel sa ospital. Wala kaming ginagawang kababalaghan. Saka baka po ako pa ang gahasain ni Rechel. Ang gagang ‘yon pinahamak pa ako. Tapos ito pa, ikakasal ako sa kanya,” naiirita

