Chapter 4

1702 Words
“HOY, bruha! Napatawag ka, anong atin?” bungad na tanong ni Zen sa kaibigang si Rechel na nasa kabilang linya. Bigla itong napatawag nang sobrang lalim na ng gabi. “Kumustahin mo naman muna ako, Zen. Sigaw agad.” Reklamo ng dalaga. “Sorry… How are you bakla? I miss you… Okay na ba?” “Ang plastic. Lambingan mo naman,” muling reklamo ni Rechel. “Ay, ewan ko sa ‘yo, Rechel! Masyado kang demanding. Ano ba ang atin?” “Saan ka ba rito? Noong isang araw pa ako nasa Manila. Hindi ko alam ang papunta sa bahay mo. Wala ka man lang iniwan na address mo o kaya description man lang ng place niyo. Para akong naghahanap sa wala,” walang prenong gatol ni Rechel. Halata ang inis dito. Napaawang ang bibig ni Zen. Habang nanlalaki ang mga mata. “Teka, nasa Manila ka? Anong ginagawa mo sa Manila? Nasisiraan ka na ba ng bait? Nasa Pangasinan ako! Kaloka kang babae ka!” Sumugod si Rechel na pumunta ng Pilipinas. Ang alam niya ay nasa US ito. “Oh no! Anong gagawin ko? Hindi ko pa naman kabisado rito. Zen, babalik na lang ako sa America. Wala ka pala sa Manila,” natataranta na tanong ni Rechel. Hindi na malaman niya ang gagawin nang mabatid na nasa probinsiya ang kaibigan. Nag alala rin si Zen para kay Rechel. Nag-iisip siya ng paraan. “Where are you in Manila? Nasa hotel ka ba? Which hotel? Send me the full details para mapuntahan kita.” “Sandali, kunin ko lang ang brochures nitong hotel na tinutuluyan ko,” tugon ni Rechel. Kahit na hindi niya nakikita ay alam niyang umalis ito. Pati si Zen ay natataranta na. Ano bang ginagawa ni Rechel dito sa Pilipinas? At sinong may sabi na sumunod ito sa kanya? Sumasabay pa talaga ang kaibigan sa problema niya. “Rechel, nasaan ka na? Nakuha mo na ba?” mga tanong niya sa kaibigan. Saka tiningnan ang relo sa kanyang wristwatch. “Alas dose na ng madaling araw. Ang tagal mo naman.” Naiinip na si Zen sa paghihintay. “Ito na, nakuha ko na ang pangalan ng hotel. Vines Hotel at Vito Cruz,” halatang hinihingal pa na saad ni Rechel. “Vines Hotel? Diyan ka lang sa loob ng hotel mo. ‘Wag kang lalabas. Pupuntahan kita d'yan.” Para siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng hotel. Saan ba niya narinig ang pangalan na Vines Hotel? Napasinghap si Zen. Nang may maalala siya. “Omege! Babatukan ko talaga ang babae na ‘yon. Ipinapahamak ang sarili. Hindi marunong magtanong,” bulalas niya sa isip. Hindi niya masabi ang nalalaman dahil baka mag-panic ang kaibigan. Ang Vines Hotel ay ang nabasa niya noon sa news na may namatay na guest noong nakaraang linggo lamang. At under investigation ang hotel dahil sa mayroong suspected staff na pumapatay ng mga guest. Especially sa mga babaeng galing America. Hindi na lang siya nagpahalata kay Rechel na natatakot siya sa seguridad nito. Ayaw niyang magpanic ang kaibigan niya at makagawa ng hakbang na hindi pinag-iisipan. “Okay, Zen. Thank you,” pasasalamat ni Rechecl. She feel relieve. Dalian sana ni Zen na puntahan siya. “Cut ko na ang call, ha. Basta hintayin mo ako d'yan. Huwag kang magbubukas ng pinto hangga’t hindi kita tinatawagan. Sasabihing nasa Manila na ako. Tandaan mo hindi ako kakatok sa pinto ng hotel room mo." Mga bilin ni Zen. “Okay, sige." Pinatay na nga ni Zen ang call. Saka kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Kinakabahan siya para sa kaligtasan ni Rechel. Hindi niya alam kung anong panganib ang puwedeng mangyari sa dalaga. Lumabas na si Zen ng kanyanng kuwarto. Nadatnan niya sa sala ang kanyang mama. “Zen, saan ka pupunta?” “Ma, pupuntahan ko lang po ang kaibigan ko,” mabilis na sagot ni Zen sa ina. “Babae o lalaki?” muling tanong ni Senia. Zen rolled his eyes. Pati ba naman iyon ay kailangan alamin. “Babae po. Masaya na po kayo?” Matamis na ngumiti si Senia. Babae ang kaibigan ng anak na pupuntahan nito. Parang may iba siyang pakiramdam na ito na. ang babaeng pakakasalan ng anak niya. “Isama mo si Hutton. Hindi ka puwedeng umalis na mag-isa. Remember hindi ka na ordinaryong tao lamang. Heredero ka ng Paterno,” pahabol pa ni Senia. “Pero, mama. Nagmamadali po ako. Saka baka tulog na po si Hutton.” Umiling iling ng ulo si Senia. “Kapag sinabi na hindi ka puwedeng lumabas ng mansyon na walang kasamang bodyguard. Hindi ka na makakalabas ng malaking pintong 'yan." Saka Itinuro ang pinto. "Mamili ka, aalis kang kasama si Hutton o hindi ka na aalis?” Napabuntonghininga si Zen. May magagawa pa ba siya? LULAN si Zen ng kanyang SUV Ford. Ang nagmamaneho ay ang isa sa mga bodyguard ng kaniyang lola. Ipinaalam niyang may kailangan siayng puntahan na kaibigan. Hindi siya pinayagan ng kanyang mama na umalis mag-isa. Lalo pa dis oras ng gabi. “Sir Sixto, saan po sa Manila ang kaibigan niyo? Puwede naman na ako na lamang ang kumuha sa kaniya at dadalhin ko sa mansiyon,” sabi ni Hutton, isa sa mga bodyguard ni Dona Teresita. “Ah, ano kasi…” Hindi niya kayang pangalanan ang lugar kung nasaan si Rechel. “Ano po, sir?” “V-Vines H-Hotel,” nauutal ni Zen na sagot. “Vines Hotel? Sir, delikado po ang lugar na iyon. Bakit hindi niyo po agad sinabi? Nang makakuha sana ako ng back up.” Paninisi ni Hutton sa amo. “Kanina ko lang din nalaman. Saka alam ko na delikado nga ang Vines Hotel. Ang bruhilda kong friend, doon pala nagcheck-in. Makikita niya talaga mamaya,” huli na ng maalala niyang nagpapanggap pala siyang straight. Natigilan si Zen. At napasulyap sa kasama. Seryoso lang itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Mukhang hind napansin ang mga sinabi niya. Kinuha ni Hutton ang kanyang cellphone at itinapat sa kanyang tenga. “Major, we are heading to Vines Hotel. We need back up, sir. Yes, he is with me.” Malungkot niyang sinulyapan ang amo sa tabi niya. Saka muling itinuon ang mata sa daan habang nakikipag-usap kay major. Nakikinig na lang si Zen sa pinag-uusapan ng nina Hutton at kausap nito sa kabilang linya. Sa tema ng usapan nila ay may panganib na darating. Matamlay na ibinaba ni Hutton ang kanyang phone. Habang seryosong nakatingin sa daan. Napakunot ang noo ni Zen sa pagtahimik ng bodyguard niya. Parang may nadadama na siyang kaba at takot. Sana ay nasa maayos lang si Rechel, wala sana siya sa panganib. Tila isinisigaw ng isip niya. “Who is that major? Bakit parang may kung anong mangyayari sa kaibigan, Hutton? Tell me, what’s happening?!” hindi na natiis ni Zen ang magtanong. Nangangamba na siya na baka may malaking gulo. At nasa peligro ang buhay ni Rechel. “Sir Sixto, nasa panganib po ang buhay ng kaibigan niyo. Kinumpirma po mismo sa akin ni Major Manansalas, hepe po siya sa presinto malapit sa Vines Hotel.” “What do you mean?” muling tanong ni Zen. Ayaw niyang paniwalaan na nanganganib na ang kaibigan niya. “Hostage po si Ms. Rechel Marlin ng isang staff na nag-amok. Ang main suspect sa mga pagpatay sa Vines Hotel. Ibabalita ko pa lang po sana kay major ang pagkuha sa kaibigan niyo. Pero kasalukuyan po palang may nagaganap na hostage taking sa Vines.” “Damn it! Hurry up!” nag-aalalang napamura na si Zen. Napasuklay siya ng kanyang buhok. Hindi ito ang inaasahan niya. Kung naging maagap lang sana si Rechel na sabihin sa kanya na nasa Vines siya. Nabalaan niya sana ng maaga ang dalaga. Hindi iyong ganito ang mangyayari. Pinaharurot ni Hutton ng mabilis ang sasakyan. Halos nasa 120 kilometers per hour ang itinatakbo ng sasakyan sa kahabaan ng NLEX. Sa bilis ay madaling lang silang makakarating sa Vines Hotel. Kinuha niya ang wang-wang at inilagay sa bubong ng sasakyan. Hudyat na dapat silang bigyan ng daan. Todo ang tahip ng dibdib niya sa sobrang kaba. Gusto na niyang sabihin kay Hutton na paliparin na ang sasakyan para makarating sa Vines. May kinuha si Hutton sa ilalim ng upuan. At ibinigay ito sa kanya. Nagulat siya nang makita ang isang maliit na baril. “Sir Sixto, this is 45 calibre gun. Huwag po kayong matakot dahil may lisensiya ‘yan. Proteksiyon niyo po kung sakaling mawala kayo sa paningin ko,” Hutton instructed. Kinuha iyon ni Zen. Saka isinukbit sa kanyang beywang. May kaunti siyang kaalaman sa mga baril. At paano gamitin. “Malayo pa ba tayo, Hutton?” “Malapit na po tayo. And we are crossing to Taft Avenue. Limang minuto ay andoon na po tayo sa Vines,” mataman pa din na nakatingin sa daan na sagot ni Hutton. Binuksan na ni Zen ang bintana. May naririnig na siyang mga sirena ng pulis. Tama si Hutton sa sinabi nitong malapit na sila. Nang malapit na sila sa kanto ng Vito Cruz. Napansin ni Zen ang pagpasok ng maraming mobile car ng mga pulis. Mas lalo sumikdo ang kaba niya dahil nasa peligro ang dalaga. Nakarating na sila sa Vines Hotel. Mabilis na ipinarada ni Hutton ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Saka nagmamadaling tinanggal ang kanyang seatbelt. “Sir, ‘wag na po muna kayong bumaba. I need to secure you from the hostages’ taker. Huwag po kayong mag-alala sa kaibigan niyo. Sisiguraduhin ko pong maliligtas siya,” baling na sabi ni Hutton. “No! I will not stay here inside my car sitting like an idiot. She is my friend, a dear friend of mine. Gusto kong puntahan si Rechel. At kung puwede ay tumulong i-rescue siya. Please, Hutton.” Mga pakiusap ni Zen. Mataman na tinitigan ni Hutton ang amo. “Pero baka po mapahamak po kayo.” “I can protect myself. Just let me save my friend,” matapang na tugon ni Zen. “Okay, sir.” Marahang tumango si Hutton. Saka kinuha ang kanyang service firearms na nasa ilalim ng upuan. “Please be safe, Mr. laurier.” Pinilit na ngumiti si Zen pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD