“WALANG magpapaputok! Kundi kakalat ang bungo ng babae na ito sa semento!” malakas na sigaw ng hostages’ taker. Habang ang braso ay nasa leeg ni Rechel. Panay ang iyak ng dalaga na nagmakaawang pakawalan siya. Nasasakal na siya sa pagkakadiin ng braso nito sa leeg niya.
“Pakawalan mo na ako. Please, maawa po kayo sa akin….”
“Psst! Tumigil ka! Manahimik ka diyan! Ipuputok ko ang baril ko sa ulo mo!” bulyaw na saway ng lalaki sa dalaga.
Kahit nakakatakot ang itsura ng lalaki dahil sa nanlilisik na mga mata. Hindi pa rin tumitigil si Rechel na kausapin ang lalaki. Baka makuha niya sa pakiusapan at pakawalan din siya.
“Bakit mo ba ginagawa ito? Hindi mo ba alam ang mangyayari sa ‘yo ‘pag nahuli ka nila? Sumuko ka na. Ayusin mo ang buhay mo. Sayang ang buhay mo kung makukulong ka. Naiintindihan mo ba ‘yon? Paano ang pamilya mo? Paano ang mga taong umaasa sa ‘yo? Pati sila ay mawawalan ng kinabukasan.”
“Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, miss. Sukdulan ang galit ko sa management ng hotel na ‘yan! Dahil sa kanila nawala ang anak ko! Wala na rin naman akong kinabukasan, kaya pati sila ay mawawalan din!”
“Ako ang kakausap sa managenent ng Vines Hotel. Tutulungan kita. ‘Wag mo lang ituloy ang mga ginagawa mong masasama,” pangungumbinsi pa ni Rechel.
“Tumigil ka na! Gusto mo bang ngayon pa lang makasama ka na nila? Lahat sila ay mayayabang nakarating lang ng ibang bansa. Ang taas na ng mga lipad!” Galit na galit ito. Tila may pinaghuhugutan ang galit niya sa puso.
“Pakawalan mo ang hostage mo, Danny! Maigi pang sumuko ka na! Pagbayaran mo ang mga ginawa mo sa batas! ‘Wag kang manggamit ng mga inosenteng sibilyan!” sabat na mga sigaw ni Major Manalansan.
Madilim ang mukha na tumingin si Danny kay major. Napataiim siya ng bagang. Anong alam nila sa mga nangyari? Susuko na lang siya. Pero hindi niya makakamit ang hustisya. Kaya nga niya ginawa ang mga pagpatay ay para masira ang magandang reputasyon ng Vines Hotel dahil sa bulok na management. Tapos gan’on lang siya susuko. Ang dami na niyang hirap para makamit ang hustisya. Isang hakbang na lang makukuha na niya ang nais.
Napahinga ng malalim si Rechel. “Sinabi na sumuko ka na, Kuya Danny. Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang batas. Hayaan mong batas ang gumawa ng lahat, hindi ang sarili mo ang gagawin mong masama.”
BINUKSAN ni Zen ang lock ng pinto. Saka lumabas ng sasakyan. Hindi niya kayang basta na lang maghintay sa loob na parang nagtatago. Kailangan niyang tumulong para iligtas si Rechel. Ngayon lang siya kinabahan sa buong buhay niya. Ngayon lang na nasa peligro ang kaibigan.
“Ang tigas kasi ng ulo,” bulalas niya sa isip.
Pagkalabas ng sasakyan ay mabilis siyang tumakbo papunta sa back door ng Vines Hotel. Lahat ng pulis, mga tao, guest, at mga staff ng hotel ay nakalabas na ng hotel. Maliban kay Rechel na hawak ng suspect. Hinawakan niya ang baril na nasa tagiliran, sa loob ng kaniyang pantalon. Saka mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kitchen.
Naririnig niya ang komusyon sa labas at ang tunog nang wang-wang ng mga pulis. Kita ang mga taong nakikiusyoso at ang mga media na kanya-kanyang hawak ng mikropono para i-cover ang news sa hostage taking.
Napasinghap si Zen nang biglang nag-ring ang telepono niya nasa sa loob ng bulsa. Kinuha niya iyon sandali at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Napabuga siya ng hangin. Ang mama niya ang tumatawag. Sasabihin ba niya dito ang kinasusuungan niyang problema? Dapat ba niyang ipaalam na nasa panganib ang buhay ng kaibigan niya, dapat sana ay pupuntahan niya? Isa pang problema na kailangan niya lusutan. Sobrang matanong pa naman ng mama niya. Para rin itong mga taga-media kung magtanong.
“Ma.”
“Zen, anak, kanina pa ako tawag nang tawag sa ‘yo. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Nasaan na kayo ni Hutton? Nasa hotel na ba kayo ng kaibigan mo? Isama mo siya pauwi rito sa mansiyon,” mga litanya ni Senia sa kabilang linya.
Zen rolled his eyes.
“Yes, we’re here. Pasensiya na po kung hindi ko nasagot ang tawag niyo. Napasarap po ang huntahan namin ni Rechel, hindi ko napansin ang phone ko.” Pagsisinungaling ni Zen. Narinig niya ang pagbuntonghininga ng mama niya sa kabilang linya.
“Hijo, gusto kitang hintaying makauwi. Excited na akong makilala si Rechel. First time yatang may babaeng sumunod sa ‘yo dito sa Pilipinas. Di ba, para kayong meant to be?”
Nahuhuluan na ni Zen ang gustong ipahiwatig ng mama niya. Tanggap nito kung ano siya. Pero nangangarap pa rin ito na magkaroon siya ng asawa. Hindi siya bi. Stick to one siya sa boyfie niya.
“Ma, better ‘wag niyo na po akong hintayin na umuwi. Magpahinga na po kayo. Bukas ng umaga ko kayo ipapakilala kay Rechel, pagkauwing pagkauwi ko. Marami pa po tayong oras bukas. So, go to sleep. And have a beauty rest,” ang pakiusap ni Zen.
“Alright. But be home safe. And take care of Rechel.” Ang bilin ni Senia.
“I will. Bye, mama.” Hindi na hinitay ni Zen na magba-bye sa kanya ang ina. At agad niyang pinatay ang tawag.
“HINDI ako susuko sa inyo! Ibigay niyo muna ang hiling ko bago ko pawalan ang babaeng ito!”
“Huwag kayong magpapaputok! Save the hostage!” utos na sigaw ni major sa kanyang mga tauhan.
Napahinto silang lahat pero nakatutok pa rin ang mga baril sa hostages taker. Habang si Hutton ay kaisa ng mga pulis na nasa harapan. Katabi si Major Manalansan.
“Sir, matigas ang suspect. Ano bang dapat nating gawin?” ani Hutton sa katabing si major.
“We will wait. Ang importante ay ang victim. Mabubuhay siya at hindi siya makakasama sa mga napatay ni Danny.” Matapang na pinal na desisyon ni major.
“Pero sir…”
“That is my final decision. I want the hostage to be safe. Is that clear?”
“Yes, sir.”
Walang nagawa si Hutton kun’di ang sundin ang utos ng nakakataas sa kanya. Importante ang dalawang buhay pero kung pipili sila ay ang biktima ang dapat na mailigtas.
Habang abala sila sa suspect at sa nagaganap na hostage taking. Dahan-dahan na lumalapit si Zen kina Rechel at sa lalaking sakal ang kaibigan.
Nanlaki ang mata ni Hutton nang mapansin ang amo.
“f**k!” mura ni Hutton sa isip. Naibaba niya ang baril saka napailing mg ulo. At binulungan niya si major. Napatingin si major kay Zen na nanlalaki ang mata.
Mukhang mapanganib ngunit susuungin iyon ni Zen para sa kaibigan.
“Men, be ready. Just make sure the victim is safe. Don’t shoot when I didn’t tell to shoot,” paghahanda na sabi ni Major Manalansan. Saka itinaas ang isang kamay. Hudyat na tumahimik.
Nag-sign of the cross si Zen. Pigil ang hininga ng lahat. Nang makalapit siya ay mabilis na dinakma ni Zen sa kwelyo ng damit ang lalaki. Sa taas niyang 6’3 footer ay hanggang leeg lang niya ang suspect na si Danny.
Napasinghap si Rechel nang mabitawan siya ni Danny. Napaubo siya dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya. Agad siyang lumingon sa lalaking nakikipag-nambuno kay Danny.
“Zen?” sambit niya. Gulat na gulat siya ng makita si Zen. “Oh my God!” Napahawak na si Rechel sa kanyang ulo at napaupo sa sobrang takot.
“Men, go!” sigaw na hudyat ni major.
Nagsitakbuhan ang mga pulis. Nagsipuntahan sa gawi ng supect sa main entrance ng hotel.
Malakas na sinuntok ni Zen ang lalaki sa tiyan. Napadaing ito, Saka napahawak ito sa tiyan at napayuko.
“s**t ka! Babae lang ang kaya mo! Subukan mo ako, gago ka!”
Inambahan si Zen nang kutsilyo ng tutukan niya ito ng baril. Mabilis ang naging galaw ni Danny at nahagip ang pulso ni Zen. Nahiwaan si Zen sa pulso, agad iyong nagdugo. Tumilapon ang hawak na baril ni Zen malapit kay Danny. Napangisi ang lalaki kay Zen. Habang si Zen ay nakatingin sa baril. Hawak ang pulso na dumud^go.
“Gago ka rin!” mura rin ni Danny kay Zen. “Ang lakas ng loob mo, ha?” Pinahid ni Danny ang dugo niya sa labi at mabilis na kinuha ang baril ni Zen.
Napasigaw ang lahat ng makuha ni Danny ang baril. Itinutok niya ito sa mga pulis na lumapit. “Sige lapit! Babarilin ko kayong lahat—!” Saka malakas na tumawa, parang tawa ng dem^nyo. Nabaliw na at nawala sa katinuan si Danny.
Napahinto ang mga pulis. Sinensyasan ni major na ibaba ang mga baril. Hindi nakagalaw si Rechel habang pilit naman na lumalapit si Zen sa kaibigan.
Walang nagawa si Rechel kun’di ang umiyak. “Itigil mo na ito…”
“Hindi! Dahil pakialamero ka, ikaw ang uunahin ko!” sabay tutok ng baril kay Zen. Saka kinalabit ang gatilyo.
“Zen!” malakas na sigaw ni Rechel.
Tumingin si Zen sa kaibigan. Matamis niya itong nginitian.
Isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw. Saka sumunod ang mga putok ng baril galing sa mga pulis.
Nanlaki ang mga mata ni Hutton. Kasabay niyon ay nawalan ng malay si Rechel.
HINDI dapuan ng antok si Senia. Kahit sinabi na bukas na lamang ipapakilala sa kanya ang kaibigan ng anak. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kakaiba sa kanyang malakas na kabog ng dibdib. Mabilis siyang tumayo at tiningnan ang oras. Alas singko na pala ng umaga. Bakit wala pa Zen? Dapat kanina pa sila nakauwi sa mansiyon. Agad siyang tumayo. Hindi niya sinasadyang matabig ang picture frame, larawan nilang mag-ina.
“Zen….” Tawag ni Senia sa pangalan ng anak. Habang nakatingin sa nagkapira pirasong bubog ng picture frame.