Bumalik ang sigla ni Bea sa pagtatrabaho. Nagising siya sa sinabi ni Ate Berna. Panahon na para mamulat at maging excited sa bagong challenge sa kanya.
Kumatok sa pinto niya si Therese sabay pasok. Gaya ng pangako nito, tutulungan siya nito sa pagplano para maimpress so Sara.
"Okay, game!" Sabi ni Therese.
"Gawa ko na yun gusto ni Sara na planuhin ang Christmas marketing natin. It's done ahead of time kasi na-anticipate ko na. Ngayon, target ni Sara ay e-commerce."
"Nice idea. Kaya lang, Sis, e-commerce yan. Wala akong idea. I think we need to talk to Rico about it."
"Should we bring him in?"
"He knows about IT. He might have some ideas."
"Okay." Pinindot ang intercom. "Mariz, please tell Rico to come inside my office."
"Yes, Ma'am."
Hinintay nila ang pagdating ni Rico. Mayamaya ay dumating na ito.
"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako."
"Yes, Rico. Please come in."
Umupo ito sa harapan ng mesa ni Bea.
"Rico, whatever we talk about here is absolutely confidential dahil ito ay future plan ng company." Paalala ni Bea.
"Opo, Ma'am naiintindihan ko po."
"Gusto ni Sara na magventure ang XY sa e-commerce. Kailangan natin ng platform or website na pwede magbenta online worldwide. Meron ka bang kakilala na may experience, as in experience hindi lang basta may alam. Kailangan natin yun expert para maganda ang website at interactive dapat ito. "
" Ma'am mayroon po akong mga kakila pero icheck ko po kung sino expert diyan. Bigyan nyo po ako ng panahon para makahanap. "
" Okay, for next year pa naman ito pero mas maganda kung ngayon pa lang ay magscout na tayo. " Binasa niya ang notes niya." Uh, I almost forgot. Are you familiar with IT Global Convention? "
"Yes Ma'am. Malaking IT event po yan na dinadaluhan ng malalaking companies kung saan nagpepresent ang mga software developers ng mga bagong platforms na nagawa nila. Marami pong magagaling doon, Ma'am. Talagang labanan ng interactive platforms dun."
"Magkano naman? Baka sobrang mahal. Syempre kailangan reasonable price lang." Sabi ni Therese.
"Depende na po yun Ma'am sa usapan. Pwede po kayo maghaggle dun kasi sa dami ng IT na nandun, agawan din po ng clients. Kaya competitive ang rates po doon. Ang technique lang po ay kumausap ng maraming IT para mathreaten yun IT players dun na maaagawan sila pag nagpresyo sila nang mataas. "
" Yeah, I think that is a good strategy. Saan ba usually ang IT Convention na iyan? " Tanong ni Therese uli.
" Paiba-iba po, Ma'am. Last time po nakita ko sa internet sa Hongkong. Pwede po macheck sa internet kasi maaga naman po sila nag-aadvertise. "
" Okay, I will check it later. Pero gusto ko pa rin na humanap ka dito sa Pilipinas para makakuha tayo ng baseline price at maicompare pag nasa convention na. Baka kasi yun nasa convention kaya na dito gawin at mas mura pa. "
" Opo, Ma'am hanapan ko rin po kayo at magpapademo po tayo para may idea kayo ano ang hitsura ng interactive platform. Tapos yun pinakamaganda dito ikumpara natin sa abroad kung may mas lalamang pa po. "
" Okay thank you, Rico. Update mo ako if ever. Salamat. "
Lumabas na si Rico.
" Therese, pano yan kung abroad yun? Wala pala akong passport. "
"Ha! Ha! Yan ang gusto ko sayo. Assumptive ka na agad. May travel agent na naghahandle na ang account natin diyan. Claim mo na talagang makakapunta ka na abroad for the first time tapos doon ka magkakaboyfriend!"
"Trabaho ito. Sabi mo galingan ko pero boyfriend na ang nasa isip mo."
"Pampagana lang sa iyo, ikaw naman."
Bumisita uli si Bea sa store para planuhin ang magiging decoration sa Halloween at Christmas. Pagsasabayin na niya ang pagplano nito dahil konting araw lang ang pagitan.
No choice si Bea kundi ang isama si Nathan dahil tauhan nito ang mag-install ng decors niya. Natanaw na niya si Nathan na nasa entrance ng store na may chinecheck doon kasama ang tauhan niya. Paglingon nito ay nagtama ang mata nila.
"Sarap naman sa pakiramdam na kailangan mo ako ngayon," bati nito sa kanya. Nakangiti na nakakainis.
"I just want to remind you that this is plain work." Sagot ni Bea.
"Still a good feeling."
Hindi na pinansin ni Bea ang sinabi ni Nathan. May hitsura man ito at matipuno, hindi niya masikmura ang kapreskuhan nito. Bagay naman sana pero mas maaakit ka sana kung medyo naging humble lang ito pero sadyang overconfident.
"Engineer Rosales, these are the things to be done..."
"Nathan na lang. Para mas ganahan akong gawin yan."
"Nathan...." bumuntong-hininga si Bea. "gusto ko lagyan mo ng Christmas lights dito pero ayoko ng cheap tingnan. Kung meron parang snowflakes or LED stick type of light, mas okay. Bigyan mo ako ng options na classy pero safe sa store."
"Sure, we have suppliers naman na pwede magbigay ng sample na pwede mo pagpilian."
Pumasok sila sa loob ng store. Pinuntahan ang walls at corners.
"Pwede kaya may light effects dito? Para masaya lang?"
"Kaya kong pasayahin yan. Kahit ikaw, kung papayag ka."
"Nathan, please. Don't ruin my day. I am here to work, to make this work. Can you be more professional? Gusto mo bang lagi kitang binabastos?"
Natauhan si Nathan sa sinabi ni Bea.
"Okay, let's start over. Let's be friends. After this, we discuss the details over coffee. All work, nothing more. Okay sayo?"
"Of course, I want my ideas to work and it won't help if you continuously annoy me. It won't do any good sa company where you belong too."
"So, okay sayo after we tell me your plans, we discuss the details and I will make sketches ng gusto mong effects para mavisualize mo un hitsura."
Napagod na si Bea kay Nathan. Susuko na sya sa bagay na pagod na siya.
"Alright. I will agree to a coffee but if you don't deliver then we go back to old ways."
"Deal!" Malapad ang ngiti ni Nathan sa sinabi ni Bea.
Tumupad naman si Nathan sa usapan nila. Noong nasa coffee shop sila sa mall, binigyan siya nito ng sample effects na nasa cellphone niya na dating naging projects niya. Natuto si Bea sa mga ginawa ni Nathan dahil naimprove pa ang presentation ng store sa balak niyang decor. Mas magaan na ang naging usapan nila. May mga nirefer din siyang artist na gumagawa ng art decor na pwede sa store gaya ng horror effect sa entrance or snowy feel sa loob ng store para sa Christmas. Natuwa si Bea sa lahat ng suggestion ni Nathan na mas magpapaimprove ng ideas niya.
Nag-announce ang mall ng trick or treat sa Halloween. Sakto dahil nagpagawa si Bea sa artist na nirefer ni Nathan. Nagpagawa siya ng horror effect sa entrance para marami ang magpapicture. Si Therese naman ay nagdisplay ng children's wear dahil expected niyang marami ang bata na kasama ang parents kaya malaki ang chances na magshopping na rin ito.
"Sis, patok ang decoration natin. Mas nagstay ang mga tao," pansin ni Therese.
"Oo nga. Laking tulong ng nirefer ni Nathan dahil magaling ang artist. Moving din ang children's wear mo kasi pag dumaan sa store natin yun mga bata, nagpapabili rin sila ng damit sa store natin."
"Panalo nga, Sis. Matutuwa na naman si Sara nito. Kailangan pakita mo na kahit may bagong opportunity ka ay magaling ka pa rin sa current task mo para makita nilang di ka nagpapabaya."
Papalapit na si Nathan kina Bea na may dalang coffee.
"Naku naman Nathan, kape pa rin? Wala bang iba? Kape sa opening, kape pa rin sa Halloween." Sita ni Therese.
"Treat ko kayo ng dinner mamaya," sabi nito.
"Buti naman. Tapusin lang natin ang ikot ng mga bata sa trick or treat then dinner na." Sabi ni Therese.
Nagdinner silang tatlo matapos ang kanilang trabaho. Nagbago na si Nathan.. Hindi na siya gaya ng dati na presko ang dating sa halip naging natural siyang kasama.
Nagspend naman ng weekend ang pamilya ni Bea na naggrill ng pusit at liempo. Matagal din nilang hindi ito nagawa dahil mas madalas ay nasa store siya kahit weekend para imonitor ang flow ng customers at sales.
Inayos ni Bea ang mesa at nagtimpla ng juice.
"Bea, kumusta naman ang trabaho mo?" Tanong ng Papa niya.
"Okay naman po, Pa. May chance sila na binigay sa akin na baka mag-abroad po ako para umattend ng convention."
"Anong country?" Tanong ni Ate Berna na excited para sa kapatid.
"Hindi ko pa alam, Ate, kasi hindi ko pa nacheck sa internet kung saang country gaganapin ang IT Global Convention."
"Aw, kainggit naman. Makakalabas na ng Pilipinas ang sister ko."
"May panahon ka ba para magbakasyon?" Tanong ni Mader. "Balak sana namin magChristmas at New Year sa Baguio."
"Hindi ko sure, Mader. Kasi peak season kami ng Christmas. Pero baka makasunod ako kahit New Yeat kasi kakausapin ko lang ang magiging kapalitan kong senior staff sa amin"
"Kailangan makasunod ka dahil hindi pwede na hindi tayo buo pag New Year." Ani Mader.
"Opo, Mader."
Ngayong araw nakaschedule ang demo ng mga hinanap ni Rico na makakatulong sa kanila sa pagbuo ng platform nila. Isa-isa itong pinaexplore kay Bea para malaman niya ang convenience at pagiging user-friendly nito.
"Ano sa tingin mo sa mga nagpresent?"
"Magaganda at madaling i-navigate. At least may idea na ako pag nasa convention na. Alam ko na kung sobrang ganda ba gawa ng mga IT dun or okay na yun nandito."
"Good. Pinaayos na pala ni Sara ang flight natin sa New York ng last week ng January. Dun daw pala ang venue ng convention. Makakabisita ka na sa Headquarters natin. Saka kasama natin si Rico at si Nathan para macompare niya ang stores doon sa store natin, for future upgrade."
"Excited na ko, Therese. First time ko makarating dun. Gaano katagal daw ba tayo dun?"
"One week lang kasi yun convention ay 3 days dahil may exhibit din pala yun ng mga IT products tapos may program for Clients. Nakareserve din tayo sa program for presentation. Then may tour sa HQ at stores natin doon. "
"Therese, pag-usapan pala natin ang schedule natin sa Christmas break. Hindi kasi pwede sabay tayong mawala."
"Oo nga pala, Sis. Request ko pala baka pwede ako ang wala sa Christmas. Tagal ko nang hindi nagPasko sa amin. Uuwi ako para maranasan ko uli yun Pasko sa amin. Babalik ako after Christmas."
"Okay lang kasi New Year na lang ako hahabol sa family ko sa Baguio. Mas gusto ko na ako nandito sa Christmas kasi peak season natin. Okay lang ba sa condo mo ako tutuloy? Wala kasi Ate ko so wala akong driver."
"Sure, no problem. Iwan ko sayo ang susi."
"Thank you."
Perfect ang pagkakadesign ng store para sa Christmas. Nasunod ang pinag-usapan nila ni Nathan.
"O, pasado ba?" Tanong ni Nathan kay Bea na bumisita sa store.
"Perfect. Gusto ko ang effect ng ilaw natin. Stand out tayo sa mga katabing stores."
Inabot ni Nathan ang paper bag na hawak nito.
"Ano 'to?" Tanong ni Bea.
"Inagahan ko na ang pagbili ng Christmas gift. Nakaleave na ako ng December 21. Balik ko ay January 2 na. May tao akong iiwan para icheck ang wiring ng mga light decor natin for safety.
"Thank you. Enjoy mo ang bakasyon."
"Syempre. Pero magkasama tayo sa convention next month. I-enjoy natin yun kasi first time ko lang din makapunta ng New York. Madalas kasi sa Asian countries lang ako. Balita ko may masarap na chocolate chip cookies daw dun."
"Talaga? Pareho pala tayo. Pag may time, puntahan natin yun Serendipity Cafe dun kasi nafeature yun sa favorite movie ko."
"Sige."
Naging punuan na ang mall pagpasok ng mid-December. Karamihan kasi ay nakatanggap na ng bonus kaya ngayon lang naglast minute shopping. Halos araw-araw na nasa store si Bea para observe ang customers, kung anong humahatak sa customers na pumasok para alam niya kung ano ang magiging effective na presentation sa store.
Hindi niya alintana ang pagod na maghapon na nakatayo sa di-kalayuan ng store at paminsan-minsan ay naglalakad sa ibang store para ikumpara ang dami ng taong pumapasok kesa sa store nila.
After Christmas ay sumunod na siya sa pamilya sa Baguio. Nagbus na lang siya dahil aabangan na lang siya sa terminal. Magpapahinga siya nang husto sa Baguio dahil gusto niya, pagpasok ng taon ay reacharged ang kanyang utak at katawan. Gagalingan niya, pangako niya sa kanyang sarili.