"Surprise!" Sabay-sabay na bungad ng mga kasama niya sa office pagpasok niya. Nandun lahat ang mga tauhan simula sa reception, operations, marketing hanggang warehouse. Naghanda ng pagkain, balloons at print out na congratulations.
Natulala si Bea sa nangyayari." Anong meron?" Binaba ang laptop bag at handbag sa mesa ng isang cubicle malapit sa pinto ng common area.
"Ms. Sara Weiner wants to congratulate you for a job well done," sabi ni Therese. "Tumawag siya para sabihin na maghanda kami ng celebration sayo dahil successful ang grand opening natin."
"Oh," maikling sabi ni Bea.
"Speech! Speech!" Sigaw ng mga empleyado.
"Oh, well..." huminga siya nang malalim. "I cannot do it on my own without a great Team. Every one gave their best specially Mariz, the warehouse team na nagmamadaling magdeliver ng items, Engineer Rosales who made sure that the operations is smooth and safe for costumers, even office staff na nagstay doon para magprepare at mag-asikaso ng customers and you, Therese, best team player. All of us contributed something, big or small, made it successful. So, all praises and credit go to everybody. "
" We are grateful for having you as our Marketing Manager because you paved the way for a good start," sabi ni Mariz.
Sumabad ang tagawarehouse team." Ma'am kabado kami kasi akala namin maubusan na tayo ng display! Tensyonado kami pag tumawag na si Engineer kasi alam namin hahataw kami ng delivery. Pero masaya po kaming lahat. "
"That's a positive problem, ang maubusan ng stocks kesa matambakan ng stocks. Income yun. Ha! Ha! Ha!"
Nagkatawanan ang lahat. "Kainan na!" sabi ni Nathan.
Saka kumuha ng kani-kaniyang paper plate ang mga tauhan. Nilapitan ni Bea si Therese.
"Ikaw ha, you're keeping secrets from me." Bulong ni Bea.
"Ano ka ba, Sis! Biglaan lang din akong tinawagan ni Sara after na magsend ang store supervisor natin ng sales report. Natuwa siya dahil ang laki ng sales in 3 days na opening natin. Napaorder tuloy siya agad ng stocks kasi yun naiwan sa warehouse parang for this week na lang ata depende sa flow.... "natigilan lang saglit si Therese saka tinitigan si Bea." I am happy for you. There are better things to come. Believe me."
"Thank you... for cheering me up. I need more of it right now."
Masayang nakihalubilo si Bea sa mga staff na madalas lang niyang maging kabatian dahil naging tutok siya sa paghahanda. Masaya ang lahat kahit karamihan sa kanila ay walang day off dahil sa weekend opening nila. Lahat ay masaya.
Nag-email si Sara sa kanya para maschedule ang virtual meeting nila this week para sa next plan. Paghandaan daw niya dahil marami daw silang plano lalo na at maganda ang response ng tao sa opening nila.
Binisita niya ang store para macheck ang flow ng customers. Kailangan mapag-aralan niya ang susunod na hakbang niya. Parte ng responsibilidad niya ay ma-maintain ang interest nf tao sa store nila at hindi magmukbang shooting star lang na naglaho. Dun na rin niya i-meet si Ate Berna para sabay na sila umuwi.
Naghintay siya sa Filipino restaurant na may cakes and pastries. Sa pagod at puyat niya, lumakas ang kain at craving niya sa sweets. Habang naghihintay ay binuksan niya ang messenger para tingnan muli ang mukha ni Daryl sa picture.
'Nagbago ang hitsura niya. Nagkalaman pero naging makisig hindi tulad noon na kahit nakagraduate na ng college ay mukhang inosente pa rin. Mukhang masaya siya, mahal niya siguro talaga yun napangasawa niya. Seryoso siya dahil pinakasalan niya. Hindi na pinatagal. Hindi na pinakawalan... ' Sa isip-isip ni Bea.
Biglang binulaga siya ni Ate Berna. "Wag mo na titigan yan. Pagmamay-ari na siya ng iba." Umupo ito sa harap niya at nilapag ang pitaka at susi sa mesa.
"Ate naman. Grabe ka makasalita sa akin."
"Juice ko! Hindi ba totoo sinasabi ko? Pinaprangka lang kita para magising ka." Kinuha ang menu na nakapatong sa mesa. "Order na tayo?"
"Sige, order ka na."
"Ikaw taya? Malamang may bonus ka sa opening ninyo. Niyanig mo itong mall eh."
"Wala. Libre lang kita. Umorder ka ng gusto mo."
Pagkaorder ay ininom muna ni Ate Berna ang tubig na binigay ng waiter.
"Alam mo, pakialamera man ako sa buhay mo pero nagpapakatotoo lang ako sayo. Kung talagang seryoso yan si Daryl sayo, dapat humarap sya at consistent sa panliligaw. Eh, walanghiya, sa abroad pa natututong manligaw at pinakasalan agad. Ano nagtulak sa kanya para pakasalan agad?"
"Malay mo nabuntis." Katwiran ni Bea.
"Matalino ka nga pero bobo sa pag-ibig. Kung buntis ang babae tapos bumiyahe ng eroplano dito, payagan ba agad? Ano, 2 months, 3 months buntis kaya pwede pa sa eroplano? Nalaman na buntis ng 1 month tapos nagdecide agad na pakasal?"
"Wala naman imposible kung mabilis silang nagdesisyon."
"Kuha mo! Buti gumamit ka ng tatlong brain cells. Walang imposible sa kanila at walang imposible din sa inyo kung pinili ka talaga niya na i-pursue. He did not pursue you. Saksak mo sa kukote mo yan. Barkada ko man sya pero hindi ka niya pinaglaban na maging kanya. Simpleng math lang yan. "
" Sakit mo naman magsalita talaga. O, sige na hindi ako napursue ng lalaking yan. "
" Eh, yun ang totoo.Kaya gumising ka. Nag-iilusyon ka ng lalaking kinantahan ka para sabihing mahal ka tapos walang next step. Pero itong pinakasalan niya, niligawan niya, naging sila then pakasal agad dahil nagproceed siya sa next step. Pagdating sayo, dead end. " Direktang sabi ni Ate Berna.
" Naku, close book na nga yan. Nakakailang saksak ka na sa dibdib ko. Duguan na ko. Hayaan mo mawawala din ito. "
" Mawawala din yan....in time. For now, kain tayo at bayaran mo ang bill ha. Baka porke't pinasakitan kita, ako na pabayarin mo." Natawa si Ate Berna.
" Oo, umorder ka lang kahit samahan mo pa ng dessert. "
Lilipas din itong sakit. Nag-iilusyon siya, tama si Ate Berna. Kaya tigilan na ang ilusyon.
Gumaan ang pakiramdam ni Bea sa sinabi ng ate niya. May punto naman at makatotohanan. At least namulat ang mata niya na ganun ang sitwasyon nila ni Daryl. Walang sila, hindi naging sila at never na magiging sila kasi wala na.
Pinaghandaan ni Bea ang report niya kay Sara. Gusto niya na mapakita na pinag-aaralan niya ang flow ng customers para makagawa sila ng next step. Malamang itatanong sa kanya kung ano ang pinakamabentang items noong opening at ano pa ang hinanap ng mga tao para makapagpropose siya ng next marketing plan. Dapat nakahanda na ang future plan nila since 2 months mahigit na lang ay Pasko na, importanteng nakalatag na ang party looks at gift suggestions for Christmas.
Maaga pa lang ay nakasalang na siya sa virtual meeting nang pumasok na si Sara.
"Bea! Bea! Bea! I can't say enough to congratulate you for giving our grand opening a big bang!" Bungad nito sa kanya na pumapalakpak pa.
"Thank you, Sara. I am blessed to have a great team behind me. They worked hard too."
"I know. When Therese told me that you were running out of stocks, I told her: Bloody hell, tell Nathan or the warehouse team to lift the stocks to the store!"
"They did. They were working round the clock coordinating with the store supervisor to know which stocks are low. They all delivered, Sara. You should be proud."
"I am. I am...Just gave me some nerve-wracking experience when I learned that some items are sold out. But I ordered another batch, don't worry."
Tiningnan ni Sara ang kanyang organizer na tila may binabasa doon.
"Well, Bea, since it's a couple of months away before the year ends, I want you to focus on making the brand strong in the Phillippines. This is the season for buying so I want you to know that you should come up with gift options and party clothes and stuff, you know. "
" Yes, I am prepared for that. Actually, I already have a lineup of marketing activity for the Christmas season. "
" But that is until end of this year. Next year, I want to be ahead of our competitors. I am looking at e-commerce where we sell our items online. It's one way of increasing sales, more so, I want our loyal customers who move from one country to another to stay hooked in our brand. That they can dress up an XY Wardrobe wherever they are."
"Wow, that is a great idea!"
"So, what I want you to do is to team up with our IT to find a software developer that can build our e-commerce platform thay can serve worldwide customers."
"Do we have a deadline for this, Sara?"
"I want you to attend a IT Global Convention first so that you can meet software developers and choose which platform is suitable for our e-commerce. I will send you the details of that convention."
"Sure, I will prepare for that."
Natapos ang meeting na ang daming pumapasok sa isip niya. Pinuntahan niya si Therese sa room nito na abalang nagchecheck ng accessories na ididisplay.
"Therese! Therese!"
"Ano? Ano? Parang may emergency ah."
"Pinapa-attend ako ni Sara sa Global Convention daw ng IT para sa e-commerce natin."
Hinawakan ni Therese ang dalawang braso niya. "Sabi ko sayo may mas magandang darating. Galingan mo. Chance mo na yan. Tutulungan kita."
"Talaga? Natataranta ako."
"Pag ginalingan mo, gaya ng ginawa ko nun binigyan ako ng chance, mas marami pang chance ang darating."
"Magfofocus talaga ako. Baka tama ka. Sa abroad ako makakahanap ng boyfriend."
Nagkatawanan silang dalawa.