Closure

2477 Words
"Hello, Sara!" Bati ni Bea sa kanyang boss. Kasama niya si Therese sa pagsundo sa kanilang boss. Pareho silang excited dahil magkakasama sila sa pagpapaganda ng grand opening ng XY Wardrobe. "I am so happy to meet you in person, Bea!" Niyakap siya nito na parang close na sila. Very fit ang hitsura ni Sara. Halata sa suot niyang tight jeans at knitted long sleeves. Short blonde, layered ang buhok na bagay sa trabaho niya sa fashion industry. Nakasampay naman sa braso nito ang kanyang jacket at hila-hila ang kanyang luggage. "Can we go to the store first because I am dying to see it," sabi ni Sara. "then we'll eat later. Is that okay?" "Sure, no problem. I will tell the driver." Sabi ni Therese na umupo na sa front seat. "So, how's your flight?" Tanong ni Bea. "Oh, bloody hell! My flight was delayed for 2 hours!" Natawa si Therese. "That what I miss about you, Sara. Your bloody hell expression." "Well, that's me. Anyway, we will talk about a lot of things later as I will stay for 10 days only. We maximize the time so we can finish more. Are you ready for that?" "I am so ready for that. Bring it on!" Sagot ni Bea. Binaba na sila ng driver sa drop off lobby ng mall para makapasok agad. Nasa ground floor lang ang store nila kaya madali lang itong mapupuntahan. Palabas ng store si Nathan nang matanaw sila nito. "Good afternoon Sara!" Bati ni Nathan. Nginitian niya si Bea na tiningnan lang nito ng masama mula dibdib pataas. Dumiretso na sa loob si Therese. Nanatiling nakatayo si Sara sa labas ng store para sipatin ang signage na nakakabit na pero hind pa inaalis ang plastic na balot nito. Sabay na lumakad sila Nathan, Sara at Bea. "Nathan, have you applied the color pallette for the walls which I sent you 2 months ago?" Natunugan ni Bea ang color pallette. Ito yun dinadahilan ni Nathan na isuggest niya. Tinitigan niya si Nathan dahil hinihintay niya ang sagot nito. "Yes, Sara. We got the exact hue that you wanted. I can show you now." Sinulyapan nito si Bea, binigyan ng makahulugang ngiti at pinungayan pa ng mata. 'Tingnan mo, eksena lang pala niya ang color pallette. Meron na pala matagal na. May dimple nga pero mukang impakto pa rin.' Nasabi ni Bea sa sarili. Hindi na siya sumunod dahil nairita na siya sa mukha ni Nathan. Hinanap na lang niya si Therese na kasalukuyan chinecheck ang sasabitan ng damit at puwesto ng mga mannequin niya. "Ano, okay na ba ang pwesto ng items mo?" Tanong ni Bea. Napakamot siya. "Too gloomy. Kailangan bright colors ng damit ang ilagay para gumanda. " We can improve that with proper lighting. Pag magsesetup na tayo, ipuwesto mo kung saan ang mannequin para doon natin ipa-install ang pin light or maliit na spotlight. " " Sige, inform ko si Engineer Rosales." Kumain na rin sila Sara sa Italian Restaurant na nasa mall. Sa parehong pangalan ng restaurant kung saan sila kumain noon. Sumakit ang puso niya. Gusto niyang magpakabusy para makalimot sa kabaliwan niyang nasasaktan siya sa lalaking di naman niya naging nobyo. Pakiramdam niya ay nagbreak o niloko siya ng boyfriend sa pagpapakasal nito. Umorder na sila. Iba ang inorder niya kahit paborito niya ay Alfredo, nagBolognese na lang siya. Baka hindi niya manguya ang pagkain pag inorder niya ang pagkain na kinain nila noon. "Alright, here's what we're going to do." Panimula ni Sara. "I want to check all the online marketing materials that you made. Are the posters ready for delivery?" "It will be delivered in 2 days," sagot ni Bea. "Good! Because I want it up on the wall while I am here." Bumaling naman siya kay Therese. "Did the new items arrive already?" Napasimangot si Therese. "It is still in customs. I called the logistics yesterday, it might take a week." "No, I can't wait that long. I will talk to them tomorrow." Nilapag na ang mga order nila. Nagsimula na silang kumain. Sumusubo si Bea sa gitna ng bawat buntong-hininga. 'Bakit masakit kumain ng italian food?' Naitanong niya sa sarili. Sumubsob na lang si Bea sa kanyang unan pag-uwi niya. Hinayaan niya mabasa ng luha niya ang unan at magsilbi itong takip sa bibig niya habang umiiyak. Kahit pigilan niya ang sarili ay sadyang naiiyak siya. Kung kailan ito titigil, hindi niya alam. Nagawan ng paraan ang items ni Therese. Iba talaga pag foreigner ang magdemand. Nasisilihan ang contact nila sa logistics. Madalas na sila sa store dahil ini-install na ang posters at lighting na nirequest nila. "I really like your idea, Bea." Sabi ni Sara. "It's like every corner is another world." "Thanks, Sara. As you said, it should be instagrammable." Sagot ni Bea. "By the way, have you thought of my idea of putting items randomly in the store which is priced at one peso only?" "Yeah, I asked Therese already. Bloody hell, I almost forgot!" Nilapitan niya si Therese. "How many last pieces do we have in stock?" "We have around 250 pieces." "There you go. You can use it for promotion." "Thanks so much." Mayamaya ay narinig niya na may tumawag sa kanya. "Excuse me, Bea..." Si Nathan. Nilingon ni Bea na matalim ang tingin. "I want you to check the installation of sintra boards if the placement is okay." Pumunta si Bea na nakapamulsa sa blazer. Sinipat ang poster na sinabit sa wall. Hindi pa permanente ang pagkakalagay. "Don't you know that posters should be at least eye level? Sa taas ng pagkakalagay, stiff neck abutin ng customers." Sabi ni Bea. "That why I need your eye to see me... I mean to see the poster." Sinenyasan ni Nathan ang tauhan na ibaba nang kaunti saka nagdrill ng sasabitan. "You can't lure me with your catchy phrase, Engineer." Humarap sa kanya si Nathan. "Ang isang marketing expert, you should not hate lures. It aims to attract and your goal is to atttact people." "The goal is to attract people you said it right. You're not one of my goals." Diin ni Bea. "That is fine. I may not be your goal but you are my dream." "Then dream on!" Tinalikuran na niya ito. Naiinis siya sa engineer na yun. Kung bakit ba feeling ng lalaking yun? Porke Engineer, may dating na ganun? Tinapos lahat ni Sara ang itinerary niya sa sampung araw. Humanga si Bea na nagawa iyon ng boss niya. Ang tanging gagawin na lang nila ay ipupwesto ang items 1 week before ng opening at siya naman ay hahataw na sa pag-iingay sa social media. Binaha ng comments, shares at tags ang mga online announcements niya. Naglabas na din siya ng announcement na may surprise items na piso lang ang presyo kaya lalong nagkagulo ang mga netizens. Sa bisperas ng grand opening nila ay nakiusap siya na makitulog sa condo na tinutuluyan ni Therese. Gusto niya kasi maaga siyang makarating nang maaga sa store. Paalis na sila sa mall matapos nila macheck one last time ang pagkakaayos nang makita nila nakapila na mga tao sa labas ng mall. Kinunan niya ito ng picture para mapadala kay Sara. "Nakakatuwa naman, maaga pa lang pumila na sila." Sabi ni Bea. "Eh ikaw ba naman sabihin mong may piso wardrobes ka, talagang pipilitin nilang makapasok nang maaga." "Dapat pala kontrolin natin ang papasok para di makasira o maaksidente." "Alam na ng guards yan. Nabrief naman na si Engineer tungkol diyan." Nakarating sila sa condo ni Therese. Maganda ang pagkakainterior na kahit maliit at one bedroom lang, hindi masikip sa pakiramdam. "Feel at home, Bea." Nagbihis na sila at sumalampak sa sala. Naglabas si Therese ng sandwich at pineapple juice. "Okay na ba sayo na dinner ito o padeliver pa tayo?" Tanong ni Therese. "This is enough. Nag-early dinner naman tayo kanina." Nagpatugtog ng music si Therese. "Relax lang tayo. I-enjoy mo lang ang grand opening bukas." "Therese, I am nervous and at the same time ay excited. What if I did not do great sa grand opening? What if we did not sell out?" Naglagay ng palaman na cheese si Therese sa tinapay. "That's a natural feeling. First time mo kasi kaya kabado ka. I've been to many grand openings, mostly successful basta maganda ang promo at maingay sa social media." "Sana nga mangyari yun tipong halos ubos ang items." "Naku, pwede ba wag naman work pag-usapan natin. Let's talk about you. Do you have a boyfriend?" "Ouch! Wala bang ibang topic?" Iwas ni Bea. "Of course, what do you expect? Pag girl talk, boy ang topic." Kumagat siya sa sandwich saka uminom ng juice. "What's the answer?" Napasandal siya sa paanan ng sofa. Nakaramdam ng lungkot. "Ayoko sana pag-usapan kasi baka maapektuhan ang energy ko." "Sorry, Bea. Did you just break up?" Lumapit siya sa katrabaho. Napahalakhak siya nang malakas. "Pano kami magbreak samantalang iniiyakan ko ang lalaking muntik ko nang maging boyfriend." "Muntik na maging boyfriend?" "Gusto ko siya naging boyfriend. Di magtagpo. Tapos balita ko ikakasal daw this month." "This month? Monthend na tomorrow, so kinasal na?" "Ah, oo nga pala no. Baka nga kinasal na. Nakatutok kasi ako sa work. Saka ayoko na alamin kung kailan kinasal. Baka maglasing pa ako." Nagkatawanan silang dalawa. "Don't worry. You are still building your career. Malay mo isang araw ma-meet mo ang future boyfriend mo abroad pag sinama ka ni Sara sa mga annual convention or meeting ng board." "Bakit, sa abroad mo rin ba nakilala boyfriend mo?" "Oo, dun na ko nagkaboyfriend. Sa home depot siya nagwowork sa purchasing." "Good for you. Sana nga dun ako maka-meet ng isang successful na lalaki para worth the wait." Hindi makatulog si Bea. Marahil ay namamahay siya o inaabangan niyang mag-umaga para makapunta na agad sa store. Pwede naman sila makapasok ni Therese sa mall kahit sarado pa kasi tenant naman sila. 10:00 AM ang bukas ng mall pero 7:00 AM pa lang ay pumasok na sila. Nakita nila ang haba ng tao. May iba pang pumila na galing pa yata sa duty ng call center. Paikot na hanggang likod ng mall ang pila kaya ang mga guard ay nakabantay sa paligid para maiwasang magkagulo. "O, hindi ka pa ba masosold out niyan?" Tanong ni Therese. "Naiiyak ako sa tuwa. Hindi ko akalain na magstay sila sa magdamag na pila. Ang tibay nila!" Pagpasok nila sa mall ay nandun na si Engineer Rosales at mga tauhan nito para i-clear ang harang, nililinis mabuti ang glass at buong store. Lumakad ito palapit sa kanila. " Got you some coffee." Inabot siya sa dalawang babae. "Thanks!" Sabi ni Therese. "I did not ask for coffee." Tanggi ni Bea. "Kunin mo na. You'll need it. Itinawag sa akin ni Engineer yan kanina. Cafe Mocha lang yan." Pumasok na si Therese sa store para macheck ang mga items kung nakapwesto na. Tinanggap na lang ni Bea ang kape pero hindi siya nagpasalamat. "Don't worry, walang gayuma yan. Hindi na kailangan." Bulong ni Nathan. Tinikom na lang ni Bea ang bibig niya dahil gusto niya good vibes lang sa araw na ito. Saka kailangan niyang nakakondisyon si Nathan para bantayan ang operations ng grand opening. Nagbukas na ang mall. Pigil-hininga si Bea dahil baka magtakbuhan ang mga tao. Pero laking gulat niyang maayos ito. Na-facilitate nang maayos ni Nathan ang flow ng tao. May mga number pala ang mga taong nakapila sa labas. Nagraradio lang si Nathan sa nakastation na tao niya sa labas na magpapasok muna ng 40 customers kung saan ang 30 customers ay nasa loob samantalang ang 10 customers ay nakaabang sa labas ng pinto. Pag may natapos na customer, saka lang nagpapapasok. Walang gulo, walang stampede o na-damage na items. Ikinatuwa yun ni Bea. 2:00 PM na nun nakaisip silang maglunch. "Kain muna tayo," yaya ni Therese. "Lunch is on me," sumingit si Nathan. "Bea deserves a treat for a successful grand opening." "Wait, nacoordinate mo ba yun pull in ng items natin? Baka kasi di umabot ang stocks natin mamayang gabi." "No problem. The stocks are in the delivery bay na. May mall permit na din kaya ipapasok na yun in 30 minutes." "Wow, kung hindi pa humanga si Bea sayo niyan ewan ko na lang." Umismid lang si Bea. "Thank you." Sapilitan niyang sinabi. Sa Sizzling Restaurant sila kumain. Umorder siya ng Beef teriyaki. Samantalng salmon steak at chicken teriyaki. Kumakain na sila nang makatanggap siya ng message galing kay Auntie Vivian. Pagbukas niya ay may lumabas na picture. Picture ni Daryl na nakatayo na tila nakatanaw sa naglalakad palapit ng altar nila. Vivian: Guwapo di ba. Seen zone na lang niya. Walang saysay kung magrereply pa siya. "Excuse me," biglang tumayo siya. "Where are you going?" Tanong ni Therese. "Washroom lang." Nagmamadaling pumunta si Bea sa comfort room ng restaurant. Pagpasok niya sa cubicle ay binuhos niya ang iyak doon. Masakit, sobrang sakit, hindi niya maintindihan bakit masakit. Pinigil na niya ang natitirang luha. kumbaga sa sa performer, the show must go on. Ganun din siya, the work must go on. Bumalik na siya sa mesa nila. Tapos na sila pero may natira pa siyang pagkain. "Halika, balik na tayo sa store." Yaya ni Bea. "Di mo na ubusin food mo?" Tanong ni Therese. "Busog na ko." Naglakad na sila pabalik. Kumpol pa rin ang tao sa pagbili at pagpicture. Tumulong na sila sa pagbasta ng mga bagong delivery. "Are you okay?" Tanong ni Therese habang nasa stockroom sila na nagbubukas ng boxes. "He got married today," nanginginig na boses ni Bea. Tumingala siya dahil nangilid ang luha. "Inom tayo later. Let's have fun." Halos naubos pa rin ang second delivery na itinawag ni Nathan sa warehouse nila. Kaya nagpatawag na siya agad ng dagdag pa dahil balak nilang magreplenish agad ngayong gabi bago umuwi para bukas ay smooth lang ang operations nila. Nag-eexpect pa rin sila ng dagsa ng tao dahil mayroon pang hindi na nakapasok kanina. Hinanda agad ni Therese ang 2 beer in can niya na pinabili sa driver kanina. Konting inom lang naman dahil may pasok pa sila bukas. "Therese, I don't drink." "My golly, Sister. One bottle lang yan. Hindi ka pa mahihilo niyan. Saka sabi mo baka maglasing ka pag nalaman mong kinasal na siya. Eto na yun." "Okay, I'll try but maybe half lang." Tinikman niya, napaitan siya. Pero tinuloy pa rin niya. "Ngayon mo lang akong tinawag na sister." "ParAs long as it will make you feel better. You can cry if you want para tomorrow is a new day." Sumubsob siya sa pajama na suot niya. "Awkward man umiyak, this is better 'coz I can' t cry like this at home." "Then cry. After this, there is closure na." Umiyak si Bea, iyak na hindi niya kailanman magagawa sa bahay nila. This is closure. Move na bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD