Mahihinang katok ang pumutol sa atensyon ni Bea sa binubuo niyang presentation.
"Ma'am, excuse me po. Engineer Rosales would like to talk to you."
"Engineer Rosales?"
"Ma'am siya po ang engineer sa store po natin."
"Why? What's the purpose?"
"Ma'am regarding the color pallette for the walls."
"It's not my job to decide on wall paints," nakakunot siyang tumingin sa computer monitor. Naghihintay pa rin si Mariz ng sagot niya. "Alright, bring him in."
Pumasok si Engineer Rosales na nakita niya noong nag-ocular sila ni Therese pero hindi niya natandaan ang pangalan nito.
"Good morning Ma'am Bea," bati nito. Nakatayo ito malapit sa pinto.
"Good morning," ganting bati ni Bea pero nanatili itong nakatingin sa computer.
"Ma'am, we're done with the first coating of the walls. I would like to know your preferred color pallette."
Pinindot muna ni Bea ang save option sa ginagawa niya. "Why ask me? You should ask the construction team or the designer because I'm sure it was already predetermined."
Lumakad ang lalaki palapit kay Bea at umupo sa harapan niya. "I was thinking, Ma'am Bea, since you handle the marketing, you know the color pallette."
"No, not me."
"Uhm... Bea, it would be better if you suggest the color pallette to improve the visual impact of the store. I can accompany you sa site before lunch to check the walls that we intend to use colored paint then I'll treat you to lunch after."
"EXCUSE ME??!!!" Nakataas ang isang kilay ni Bea na medyo lumakas ang tono.
"Don't get me wrong. I know it's huge favor to get some insight from you. I am treating you for lunch as a form of grat..."
"No favor will be coming from me as it is not my job to decide on paints. I am busy, you may go now." Pinindot ni Bea ang intercom. "Mariz, pakituro kay Engineer Rosales kung saan ang pinto!"
Saglit lang ay nandiyan na si Mariz. "Engineer, dito na po tayo."
"Mariz, let Engineer Rosales talk to the construction team. Not me... ever!"
"Yes, Ma'am."
Nakangising nakatingin si Engineer Rosales. Pinagdamot na ni Bea kahit sulyap at itinuon ang mata sa ginagawa. Pagkalabas ni Engineer Rosales, saka siya napasandal sa kanyang upuan. 'Lakas din ng loob ng Rosales na yun. Ano ako, makukuha lang sa lunch? As if hindi ko aafford bumili para sa sarili ko. Minalas na ako sa dalawang lalaki, tama na yun. Career na lang, swerte agad.'
Naemail na rin ni Mariz ang lahat ng supplier na pinahanap niya na may sample quotation kaya alam niyang mabubuo niya ang kanyang presentation na kumpleto ng costing para maestimate ni Sara Weiner ang expenses.
Dumating ang araw ng presentation ni Bea. Kinakabahan na excited. Sinuot niya ang navy blue na matching blazer at skirt na may scarf uli na parang flight stewardess. Feel na feel niya ang ganitong business attire dahil nakakadagdag ng ganda at confidence.
"Impressive, Bea. I love all those ideas." Sabi ni Sara. "The question is, how would you execute the whole idea? 'Coz you know, no matter how great an idea is, the impact will depend on the execution."
"Yes, I understand that. That is why early preparation and teasers are necessary."
"Okay, what I' ll do is I'll fly in third week of August to help you out in the preparation and check if everything is in place then I'll leave you and Therese for the Grand Opening."
"Okay, I am excited to meet you in person. See you then."
"Alright, bye."
Pagkatapos ng virtual meeting ay tumayo si Bea. "Yes!" Bulalas niya. Sa sobrang katuwaan dahil walang itinapon na idea si Sara. Ang pag-execute na lang ang kailangan. Dapat perfect every detail.
Binuksan niya ang pinto para tawagin si Mariz. Tumayo ito sa upuan niya na may bitbit galing sa cubicle.
"What's that?"
Inabot ang bouquet of flowers na pinaghalong carnation at red roses. "Ma'am, dineliver po para sa inyo."
Sinundan siya ni Mariz sa loob ng office niya na hindi pa rin kinukuha ang bulaklak sa kanya.
"Kanino galing yan?!"
"Ma'am, hindi po sinabi pero meron naman po itong card sa loob." Lumapit uli ito sa kanya para iabot ang bulaklak.
Hindi pa rin ito tinanggap ni Bea pero kinuha ang maliit na card na nakasiksik sa loob.
"Let me color your world like how I paint the walls" ..... Nathan
"Who's Nathan?" tanong ni Bea kay Mariz.
"Name po ni Engineer Rosales, Ma'am" sagot ni Mariz.
"Mariz, make sure your return that to him. Next time, do not accept any delivery coming from that man."
"Yes, Ma'am"
Lumabas si Mariz na dala ang bulaklak.
Napailing na lang si Bea sa pabulaklak ni Nathan. Kung interesado siya kay Engineer Nathan Rosales na yan, sana alam niya ang first name nito. Kung di pa sinabi ni Mariz ang name, malamang hanggang engineer pa rin ang itatawag niya.
Napatingin na lang siya sa glass window niya. Natatanaw niya ang matatayog na mga gusali. Nakarating siya sa estadong ito nun tumutok siya sa pag-aaral at tuluyang isinantabi ang pag-ibig. 'Nakakabuwisit lang ang letseng pag-ibig na yan! Parang sintunado lagi. May mahal ka, lulubog-lilitaw naman. May nagmamahal sayo, mahal mo din sana konti, na-ghosting naman. Buti pang tumigil. Period!'' Nasabi niya sa sarili.
Sa gitna ng pagmumuni-muni ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Auntie Vivian. Bakit biglang tatawag ito? Emergency ba?
"Hello, Auntie..." bungad niya dito.
"Oy, nabalitaan ko sa kapitbahay nila Daryl. Nagkwento daw ang nanay niya na pabalik na daw ng Pilipinas si Daryl..."
Nanumbalik ang galit niya. Siningitan na niya ito. "O, e ano naman kung pabalik na siya?"
"Sinasabi ko lang sa'yo para alam mo. Na wala ka nang pag-asa. May girlfriend na daw. Uuwi dito dahil magpapakasal lang."
Tila sinaksak ng itak ang dibdib niya sa sakit ngunit pinigilan niya ang emosyon. "Auntie, ano naman ang kaso kung magpakasal na siya? Malaya naman siya saka wala na akong paki!"
"Asus! Hindi ka nasasaktan? Kung hindi ka ba naman baliw na totoo yun tao sayo tapos pinaasa mo. Natural hahanap na lang ng iba yun ipalit sayo!"
Parang sinuntok ang dibdib niya sa sakit. Grabe naman magsalita si Auntie Vivian. Pero pinanatili niya ang pigil na emosyon.
" Naku naman, Auntie. Hindi siya seryoso dahil kung seryoso siya, saka lang siya nanliligaw pag nandiyan ako tapos pag nasa Manila na, tahimik na. Kaya para sa akin, wala siyang kwentang lalaki!"
"Nasasaktan ka ata eh. Parang galit ka."
"Hindi naman, Auntie. Wala nang katuturan pa na pag-usapan siya. Best wishes na lang. Sige, nasa trabaho ako at marami akong tinatapos."
Pinutol na niya ang usapan.
'Magpakasal siya kung gusto niya basta... " Nangilid ang luha niya. Kinuha ni Bea ang water bottle para uminom ng tubig. Ayaw niyang masira ang concentration sa trabaho.' Ito na lang ang maayos at maganda sa buhay ko na kontrolado ko kaya gagalingan ko na lang dito.'
Tinapos ni Bea katuwang si Mariz ang pagcoordinate ng lahat ng ipapaprint sa sintra board na isasabit sa store. Kailangan nakahanda na ang lahat ng ito pagdating ni Sara para makita niya mismo ang pagsabit nito sa store.
Nagpagawa na siya ng giveaways. Ginagawa na niya lahat ng social media materials niya na nakaschedule na ang upload. May mga vloggers na nagmemessage sa kanilang social media accounts na chinecheck niya isa-isa ang profile kung ang image nito ay akma sa branding ng kanilang store. Wala siyang sinayang na panahon sa maghapon para maiwasan niyang malungkot.
Sinundo siya ni Ate Berna sa pag-uwi.
"Parang nakita kong nagpost si Daryl ng plane ticket sa sss. Mukhang pauwi ng Pilipinas."
Nanlumo si Bea sa narinig. Hangga't maaari ay ayaw niyang makarinig na ng kwento tungkol kay Daryl. Nakakasira ng focus.
"Not interested." Maikling sagot ni Bea.
Hindi na dinugtungan ni Ate Berna ang tanong niya. Binaling na lamang ang atensyon sa pagdadrive.