KABANATA FIFTEEN

2718 Words
Pagkamulat ko ng aking mga mata, nadatnan kong wala na si Kharim Celia sa kaniyang kama. Napabangon na rin ako agad dahil sumisilip na si haring araw. Kailangan ko nang pumunta sa loob ng palasyo dahil tutulong pa ako sa mga gawain sa kusina. Nakaupo na ako sa gilid ng kama nang masilayan ko ang isang bagay na nagbigay sa 'kin ng matinding kaba kagabi. Kinuha ko ito at hinawakan. Binasa kong muli ang nakasulat dito. "Arsh," basa ko sa 'king isipan. Sapat na itong bracelet na hawak ko para makilala ang taong 'yon. Iisang lalaki lang ang nakabangga ko noong nagdaang araw at noong kagabi lang. And the worst part, nakahalikan ko pa siya! So, kahit gusto ko mang isauli ang bracelet niya ay 'di ko magawa. Kung gagawin ko man 'yon, paano? Baka ikapahamak ko pa. Malalaman niyang ako ang taong nakabangga niya. Paano kapag tinanong niya ako kung anong ginagawa ko sa labas sa gano'ng oras? Malulusutan ko kapag ang tinanong niya ay ang nangyari kagabi dahil tunay naman na magpapahangin lamang ako pero 'yong nangyari noong madaling araw na nag-ulat ako sa 'king Inang Reyna? Parang imposible kong malusutan ang isang 'yon. Lalo pa't may kakayahan itong makabasa ng iniisip ng isang tao. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling. Isa pang sumasagi sa 'king isipan ay ang rason ni Prinsipe Arsh kung bakit nagagawi siya sa silid ng mga taga-silbi? Dahil ba naroon ang lagusan na nagsisilbing daan niya sa kung saan man siya papunta? Pero... bakit? Hindi ba't pinagbabawal ng kanilang Amang Hari na 'wag lumabas sa gabi? Bakit niya nilabag ang utos ng kaniyang Ama? Saan siya nagpupunta? Sino o ano ang rason ng pagsuway niya kay Haring Valor? Nagawa niya ang bagay na hindi niya dapat gawin. Gusto ko mang magtanong at alamin, mas maigi na lang na manahimik ako. Bumuntong hininga muna ako bago ko nilagay sa loob ng aking unan ang bracelet ni Prinsipe Arsh. Hindi dapat makita ni Kharim Celia ang bagay na 'to, baka kung ano pa ang isipin niya. Baka nga iulat pa niya ang pangyayaring iyon sa aking Inang Reyna at maisipan na gamitin iyon sa planong binubuo nila. Sinigurado kong maayos ang pagkakalagay ko sa loob ng punda ng unan. Matibay naman yon dahil gawa sa metal kaya kampante akong 'di 'yon masisira. Walang magtatangkang kunin ang unan at suriin ang loob nito. Ako lang ang nakakaalam ng bagay na iyon at hindi ko ito ipagsasabi sa iba kahit kay Ysabelle na kaibigan ko. Tumayo na ako para kumain. Naligo na rin ako't nagbihis. Sinigurado kong maayos ang aking sarili bago lumabas ng aming silid. Iiwan ko ang mga gumagambala sa aking isip upang makapag-focus at hindi makaapekto sa aking trabaho. Lumabas na ako ng silid at siniguradong nakasara ang pinto. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway palabas ng silid ng mga taga-silbi nang may sumagi sa kanang balikat ko dahil nagmamadali siyang lumabas. Huminto naman ito dahil sa hindi sinasadyang pagbangga sa akin. "Pasens'ya ka na, Zariya. Hindi ko sinasadyang masagi ka," paghingi ng pasensiya ng kapwa kong taga-silbi rin. Hindi ko alam ang kaniyang pangalan pero madalas ko siyang nakikita sa kusina, marahil ay sa kusina lang siya nakatoka. "Ayos lang," nakangiting wika ko. Tumigil siya sa harap ko at napansin kong hinihingal siya sa pagmamadali. Na-curious naman ako kaya 'di ko na napigilang magtanong. "Pero... maaari ko bang malaman kung bakit ka nagmamadali?" Tila may hinahabol siya at kailanga niyang makapunta roon bago matapos ang palugit na oras na ibinigay sa kaniya. "Pinapatawag kasi ni Prinsipe Arsh ngayon din ang lahat ng mga taga-silbi." Mas lalo akong naging interesado sa binalita niya. "B-Bakit daw?" "Maging ako ay 'di ko rin alam. Binalita lang sa 'kin ng kasama ko sa silid kaya wala talaga akong ideya. Nakakapagtaka nga dahil ngayon lang nagpatawag si Prinsipe Arsh ng mga taga-silbi," sagot nito. “Maaaring may mahalaga siyang iuutos o kaya naman ay may nais lamang itong sabihin.” Hindi na ako nakaimik sa sinagot nito. Gumugulo sa 'king isipan ngayon kung bakit pinapatawag ni Prinsipe Arsh ang lahat ng mga taga-silbi? May kinalamanan ba ito sa nangyari kagabi? Sana naman ay mali ang aking kutob. "Mauuna na ako, Zariya. Sumunod ka na lamang sa patyo." Magpapasalamat pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako. Nanatili akong nakatayo at 'di pa rin humahakbang. Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako sa patyo. Ang patyo ay isang bahagi rito sa palasyo na bukas na lugar na nakadikit sa esktraktura. Inner courtyard sa ingles. Makikita ito sa harap ng chapel na narito rin sa loob ng palasyo. Sa huli, nagdesisyon akong pumunta na lang. Mas lalong magtataka si Prinsipe Arsh kung 'di ako susulpot. Baka ito pa ang magbigay daan sa kaniya para pagdudahan ako. Kailangan kong magpakita at umakto na wala akong alam, na hindi ako ang taong nakabangga niya. Kailangan kong mag-ingat sa bawat sasabihin at ikkilos upang hindi ito humantong sa pagkalaglag ko. Tuluyan akong nakalabas sa malaking pinto ng silid naming mga taga-silbi na gawa rin sa makapal na uri ng kahoy. Pero ilang saglit lang ay napatigil ako dahil may humarang sa dadaanan ko. Nasira na agad ang araw ko nang makilala kung sino ang nasa harapan ko. Nagsimula ang tingin ko sa paanan niya pataas sa kaniyang mukha. Nang magtama ang aming paningin, naningkit ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil natural na singkit lang siya o naningkit lang dahil sa inis nang makita ako. "Umagang-umaga, makakasalubong na naman ako ng plastic," bulong ko sa 'king sarili kasabay nang pagkulo ng aking dugo sa kaniya. Matapos ng mga ginawa niya sa akin, hindi na ako natatakot na banggain siya. Sumusobra na ang ginagawa niya sa akin. Hindi porket hindi ako lumalaban at pinapabayaan lamang ito ay aabusuhin na niya ang kabaitan ko. "May sinasabi ka?" mataray niyang tanong nang mapansing may binulong ako. Dinaplisan ko ng tingin ang dalawang alalay niya sa likod na masama rin ang tingin sa 'kin ngayon. Pagbuhulin ko silang tatlo, eh! "Ha?" Kunwaring pagmamaangan ko. "Wala naman po akong sinasabi, e'. Pero... bakit kayo narito? May kailangan ka ba, Haya Kaira?" Bago ako sagutin, sinenyasan niya ang dalawang alalay niya na paypayan siya. Kaya naman agad-agad tumalima ang dalawang alalay sa utos ng amo nila. Nasa magkabilang gilid ni Haya Kaira ang dalawang ito at agad tinapat sa kaniya ang hawak nilang malaking abaniko. Inirapan ko sila nang palihim, napaka-arte! Ikamamatay ba niya ang pagkakaroon ng pawis kung kaya’t bawat segundo ay nariyan ang mga tagapaymaypay niya? "Ikaw ang kailangan ko. Hindi ka ba titigil sa kakaharot mo sa mga Prinsipe? Una ay si Prinsipe Ravi na nobyo ko. Pangalawa ay si Prinsipe Cozen. At ngayon, pupuntahan mo si Prinsipe Arsh para maharot mo rin? Gano'n ka na ba kadesperada na makabingwit ng Prinsipe?" Diretso nitong sinabi iyon. Nagpanting ang tainga ko sa 'king narinig. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya nang masama. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako pinagsabihan ng gano'n. Ako? Maharot? Ni hindi ko nga alam kung paanong humarot. Kung alam ko lang edi sana nagka-boyfriend na ako sa modern world! Baka nga pagsabayin ko pa ang limang boyfriend pero wala, 'di ko alam kung paano humarot. Tapos ngayon, sasabihan niya akong maharot? And worst, desperada pa? Ako ba talaga ang sinasabihan niya ng mga masasakit na salitang ‘yon kahit pa mas bumabagay iyon kung ilalarawan sa kaniya. Hindi man lang niya pinag-isipan kung totoo ba ang mga konklusyon niya. Hindi ko na inisip kung sino ang babaeng kaharap ko ngayon. Wala na akong pakialam kung siya man ang susunod na maging Reyna sa Kahariang ito. Pinalagpas ko na ang ginawa niya sa 'kin noong nakaraan. Hindi ko na hahayaang maulit pa ngayon. Ang akala niya siguro ay hindi ako masasagad at mapupuno sa pang-aaway niya sa akin. "Una, hindi ko hinarot si Prinsipe Ravi, Haya Kaira. Oo, nagkaroon ako ng paghanga sa kaniya pero natigil 'yon nang malaman kong ikakasal at masaya na siya sa 'yo. Pinagdarasal ko nga na sana ay maging maayos ang inyong buhay mag-asawa sa oras na ikinasal na kayong dalawa. Kailan man ay hindi ko pinangarap maging kabit. Pangalawa, kailan ko hinarot si Prinsipe Cozen? Wala akong matandaan na hinarot ko siya, buti ka pa at alam mo. Wala sa 'kin ang problema. Alam mo kung ano ang problema? 'Yang utak mo, Haya Kaira, na walang ginawa kung 'di bigyang malisya ang bawat kilos na ginagawa ko. Pangatlo, 'di ko pupuntahan si Prinsipe Arsh para harutin. Pinapatawag ang lahat ng taga-silbi kaya kailangan ko ring pumunta roon. Kung mali ang iniisip mo, kung gayon… iisipin ko rin bang may balak ang ibang taga-silbi na harutin si Prinsipe Arsh dahil lang pinapatawag sila?" Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. Mas lalong naningkit ang mata niya. Hindi pa siya nakuntento, tinaasan na rin niya ako ng kilay. Akala mo naman ang ganda-ganda ng kilay niya. Ni 'di nga pantay ang pagkakakilay nito. Kilayan ko pa siya, eh! Gaya rin ng ugali niya ang kilay niya, parehong fake! Kahit gaano pa yata kahaba ang paliwanag ko, wala pa rin itong halaga dahil hindi niya pa rin kayang intindihin. Masiyado na siyang nagpakulong sa sarili niyang konklusyon. Hindi na siya bukas para sa ibang paliwanag. Paniniwalaan niya lang ang nais niyang paniwalaan. "Ah, may nakalimutan ako. Panghuli, ako? Desperada? Sino kaya sa atin ang nagbabalat-kayo na akala mo isang anghel para lang matanggap at mahalin ng Prinsipe? Hindi ba't ikaw 'yon, Haya Kaira?" Humalakhak pa ako upang mainis siya. Hindi niya inaasahan na sasagut-sagutin ko na siya ngayon. Halos mamula na sa galit ang mukha niya. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito, dragon pa naman ang isang ito. "Lapastangan!" Kasabay nang pagsigaw niya ang pagtulak niya sa 'kin dahilan para matumba ako sa harap nila. Narinig ko ang mahinhing pagtawa ng dalawang mukhang palaka niyang alalay. Sumabay na rin sa pagtawa si Haya Kaira, pinagtatawanan nila akong tatlo habang nakasalampak sa lupa at nakatingala sa kanila. Siningkitan ko sila ng tingin. Ang sasama ng ugali! Akmang magsasalita ulit si Haya Kaira pero 'di niya natuloy dahil dumating si Kharim Celia. Nadatnan niya akong nakaupo sa lupa. Dali-dali itong lumapit sa 'kin. Hinawakan nito ang balikat ko at sinuri ang iba pang parte ng katawan ko kung may gasgas ba akong natamo. "Z-Zariya!" Inalalayan niya akong tumayo. Pinagpag pa nito ang dumi sa damit ko sa likuran at inalis ko naman ang ilang tuyong dahon na kumapit sa siko ko. Matapos nitong inayos ang suot kong hanbok, bumaling sa amin si Kharim Celia. "Anong nangyayari?" Tiningnan niya si Haya Kaira. “Anong ginawa mo kay Zariya?” "Wala po, Kharim Celia. Sadyang may pagkalampa lang si Zariya kaya nadapa siya habang naglalakad," pagsisinungaling nito. Bumalik ang maamo niyang mukha. Akala mo talaga 'di gagawa ng masama. Sumang-ayon ang dalawa niyang alalay kaya napaniwala naman agad si Kharim Celia. Napakagaling na ngang umarte, mas ginalingan pa ang pagsisinungaling. Sineminar pa niya ang dalawa niyang alalay. Napairap na lamang ako. "Ano pang ginagawa mo rito, Zariya? Pumunta ka na sa patyo. Ikaw na lamang ang wala ro'n," ani ni Kharim Celia. Pinaalis na ako ni Kharim Celia. Bago ko iwan sila Haya Kaira, binigyan pa ako nito ng plastic na ngiti. Sinuklian ko rin siya ng mapang-asar na ngiti at nag-wave pa bago umalis. Gusto niya ng plastican? Well, pagbibigyan ko siya. Sige lang, Haya Kaira, mag-enjoy ka lang sa pagbabalat-kayo mo. May araw rin na kusang matatanggal ang maskara na nakasuot sa ‘yo. "Zariya, mabuti naman at nandito ka na. Parating na si Prinsipe Arsh," salubong sa 'kin ni Ysabelle nang makarating ako sa patyo. Nakahilera ang lahat ng taga-silbi sa gitna ng courtyard. Napakalawak nito at may ilang kawal ang nakapaligid dito. Wala ring ibang gamit ang nakalagay, tanging malawak na space lang ang naroon. Mula sa kinatatayuan namin, tanaw ko ang chapel. Naagaw agad ang atensiyon ko ng isang rebulto na nasa loob ng chapel. Iyon siguro ang sinasamba nila sa mundong 'to. Na-miss ko tuloy magsimba t'wing Linggo. Gusto ko ulit maranasan na makapasok sa simbahan at magdasal nang mataimtim. Umayos na sa pila ang lahat ng taga-silbi nang matanaw na paparating na si Prinsipe Arsh. Pumila na rin ako sa pinakalikod. Ako ang nasa hulian dahil ako rin ang huling dumating. Mas mabuti na ito para malayo sa Prinsipe. Huminto si Prinsipe Arsh sa harap namin. Nakasuot ito ng kulay asul na hanbok na pinalooban ng puting shirt. Terno sa asul niyang buhok at mala-dagat niyang mata. Ang seryoso niyang mukha ang mas lalong nagbigay sa kaniya ng attractiveness. May mga tao talagang mas gumagwapo kapag seryoso, ‘yong ang cold tingnan.  "May gusto lang akong tanungin kung kaya't pinatawag ko kayong lahat," panimula nito na wala pa ring emosiyon ang mukha. Iginala nito ang kaniyang paningin sa aming lahat. Inisa-isa niya kaming dinaplisan ng mapanuri niyang tingin. Napakalamig ng boses niya. Ang sarap sigurong pakinggan kapag kumanta na ito. Tila babaybayin ka ng alon sa bawat linya ng kaniyang kanta. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya nang muli itong nagsalita. "Mayroon ba sa inyo ang lumabas sa kaniyang silid kagabi?" Iginala niya ang paningin niya sa aming mga taga-silbi. Lumakas ang t***k ng puso ko nang dumapo sa 'kin ang paningin niya. Kinakabahan ako dahil mukhang tama ang hinala ko kung bakit niya kami pinatawag. Nais niyang malaman kung sino ang nakabangga niya. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako p'wedeng mahalata, kailangan kong umaktong walang alam. Nagsitanggi ang karamihan sa amin. "Hindi ako lumabas ng aking silid kagabi, Prinsipe Arsh." "Maging ako ay hindi rin." "Mahimbing po ang tulog ko kagabi." Ako naman ay nanatiling tahimik. Ayokong sumagot dahil ayokong magsinungaling. Tinuon ko na lang ang paningin ko sa ibang direksiyon. "Alam kong narito ka ngayon. Hayaan mo sana akong makilala ka," pagpapatuloy ni Prinsipe Arsh. Nagsimula na rin ang bulungan ng iba. Mayroon ding ibang taga-silbi na palihim na tumitili, animo'y kilig na kilig. "Noong madaling araw na 'yon, 'di ka na nawala sa isipan ko. Pero hinayaan ko lamang ito, 'di kita hinanap. At kagabi lang, muli tayong nagkatagpo. Sa pagkakataong ito, 'di ko na hahayaang 'di ka makilala pa." Mas lalong nag-ingay ang mga taga-silbi. Iisa lang ang tanong nila, kung sino raw ba ang tinutukoy ni Prinsipe Arsh. Hindi ko man inaasahan ang mga salitang binanggit niya, umakto pa rin akong 'di apektado. Hindi ko alam kung anong nais niyang iparating sa mga binitawan niyang salita. "Prinsipe Arsh, ibig sabihin ba nito na umiibig ka na sa babaeng tinutukoy mo?" sumbat na tanong ng isang taga-silbi. Tila naging interesado ako sa tanong na 'yon kaya agad kong binaling ang paningin ko kay Prinsipe Arsh. Laking gulat ko nang mahuli itong nakatingin sa 'kin bago ko pa siya tingnan. "Oo," an'ya at 'di pa rin inaalis ang paningin niya sa 'kin. Ako na agad ang umiwas ng tingin. Hindi ko namalayan ang ilang butil ng pawis na tumutulo na ngayon sa 'king noo. Mas lalo akong 'di mapakali nang magsimulang humakbang si Prinsipe Arsh papunta sa kinaroroonan ko. Ramdam ko ang panlalamig ng dalawa kong kamay. "Zariya," banggit niya sa pangalan ko. Nasa harap ko na siya ngayon. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Nawa'y sagutin mo ako ng totoo. Ikaw ba ang hinahanap ko?" Hinawakan nito ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kaniya. Wala na tuloy akong takas sa nakikiusap niyang mata. "Ikaw 'yon, tama?" Ulit nito. Sasagot na sana ako pero 'di natuloy nang binati ng lahat ang taong dumating. "Magandang Umaga, Haya Kaira." Inalis saglit ni Prinsipe Arsh ang paningin niya sa 'kin at binaling sa bagong dating. At saka niya ako tinitigang muli pero 'di rin 'yon nagtagal dahil binitiwan niya na ang pagkakahawak sa baba ko kasabay nang pagharap niya kay Haya Kaira. "Anong ginagawa mo rito, Haya Kaira?" tanong ni Prinsipe Arsh. Maging ako ay hinihintay ang sagot nito. "Nandito ako dahil hinahanap mo raw ako." Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Anong sinasabi niya? "Sinasabi mo bang ikaw 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ulit ni prinsipe Arsh. Maging ako ay nagugulat sa sinasabi ni haya Kaira. Imposibleng siya 'yon! "Ako nga, Prinsipe Arsh. Ako ang nakabangaan mo, ako ang iyong hinahanap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD