Chapter 12

1044 Words
Fauna Mendoza’s POV "Mukhang nakatagpo ka yata ng ginto nitong mga nakaraang araw, Mendoza." Sarkastikong sabi ni Brandon habang mapanuring nakatingin sa akin. Binibilang niya ang makapal na bundle ng pera na iniabot ko sa kanya—puro isang libo, malutong at amoy bangko. "Saan mo ba nakukuha ang lahat ng 'to, ha? Baka naman illegal 'to?" "May sarili akong trabaho, Brandon. Pinaghihirapan ko 'yan kaya tanggapin mo na lang," sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses ko. Si Brandon ang may-ari ng tinitirhan kong apartment, at sa loob ng ilang buwan, siya ang naging bangungot ko dahil sa mga banta niyang palalayasin kami ni Mama. Kung alam lang niya kung ano ang naging kapalit ng bawat libong piso na ibinabayad ko sa kanya. Kung alam lang niya ang lansa at sakit na tinitiis ko sa kamay ni Dave Balmillero para lang hindi kami matulog sa kalsada. "Sabagay. Pero malayo pa ang lalakbayin mo, Fauna. Malaki pa ang utang mo sa akin sa mga penalties," hirit pa niya bago isinilid ang pera sa bulsa niya. "Alam ko. Mababayaran din kita nang buo." Nang makaalis na siya, agad kong isinara ang pinto at huminga nang malalim. Bumalik ako sa living room kung saan naghihintay ang mga estudyante ko para sa tutorial. Eksaktong dumating si Brandon sa gitna ng session ko kaya kailangan ko pang humanap ng paraan para ma-distract ang mga bata. Ayaw kong masaksihan nila kung paano ako hiyain ng landlord ko. Tama si Brandon. Malayo pa ako. Kahit pa tumutupad si Dave sa usapan at binabayaran ako nang malaki—pati na ang lunch namin nung isang araw ay binayaran niya ang oras ko—hindi pa rin 'yun sapat para mabura ang milyong pisong utang para sa operasyon ni Mama at sa iba pang bayarin. Hanggang ngayon, wala pa ring balita mula sa bangko kung approve ba ang loan application ko. "Miss Mendoza," tawag ni Ava, isa sa mga estudyante ko. "Kailangan ko po ng tulong dito sa reading comprehension part." "Sure, let me see." Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya. Natapos ang araw ko nang walang masyadong ganap. Salamat sa Diyos at wala ring tawag o text mula kay Dave. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag kahit isang araw lang. Imbes na text mula sa kanya, isang mahabang message mula kay Keith ang bumungad sa akin. Si Keith ay matalik kong kaibigan na nakatira lang sa kabilang block. Keith: Hi Fauna! Guess what? May job offer ako para sa’yo! Temporary lang naman, pero alam kong kailangan mo ng extra income gaya ng nabanggit mo last month. Isa sa mga editors namin ang magbabakasyon ng two weeks, at kulang na kulang kami sa tao. Pumayag ang manager namin na ikaw ang pansamantalang pumalit. Reply ka agad kung tatanggapin mo para ma-confirm ko na sa manager namin! Halos mapatalon ako sa tuwa. "Thank God!" hiyaw ko bago ako bumagsak sa kama at isinubsob ang mukha sa unan para doon sumigaw. I love you, Keith! Dati kong colleague si Keith at kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang sikat na publishing company. Naging close kami nung college dahil pareho kaming miyembro ng club para sa feature writing. Ito ang mundo ko—ang mga salita, ang pagsusulat, ang literacy. Mabilis akong nag-type ng reply: Oh my gosh, Keith! Maraming salamat! Sobrang laking tulong nito sa akin. Yes, kailangang-kailangan ko ng extra income ngayon kaya game ako! I’m more than willing na mag-fill in bilang editor. Kinabukasan, sinundo ako ni Keith gamit ang kotse niya. Habang nasa biyahe, ipinaliwanag niya kung bakit posibleng makuha ko agad ang pwesto kung magugustuhan ako ng manager nila. Pagdating namin sa opisina, dinala niya ako diretso sa manager nila. Nagulat ako dahil ang bumungad sa akin ay isang lalaking mukhang nasa late twenties pa lang. Naka-grey suit siya at ang necktie niya ay bumabagay sa kulay ng kanyang mga brown eyes. "Mr. Shannon, ito po si Fauna Mendoza, 'yung ikinukwento ko sa inyo. Napakahusay niya sa editing at literacy awards nung college kaya siya ang perfect para sa job na 'to," pagpapakilala ni Keith. Nahiya naman ako sa sobrang papuri ni Keith. "Nice to meet you, Mr. Shannon." Ngumiti siya nang magiliw at nakipag-shake hands sa akin. "Nice to meet you too, Miss Mendoza. I’m Timothy Shannon. Masaya kaming makasama ka sa team." "I-I’m na agad? Tanggap na po ako?" Hindi ako makapaniwala. Tumawa nang mahina si Mr. Shannon at tumango. "Yes, Miss Mendoza. Alam kong biglaan itong tawag sa’yo pero nasa tight spot talaga kami ngayon. Kailangan namin ng editor kaya gagawin nating informal muna para mapabilis ang proseso. At kung okay lang sa’yo, gusto ko sanang magsimula ka na ngayon dahil tambak na ang articles para sa editing." "O-Opo! Maraming salamat, Mr. Shannon!" Ngumiti siya at pinaupo ako. Sinyasan ako ni Keith bago niya kami iniwan na dalawa. "Take a seat, Fauna. Pag-usapan muna natin ang terms and conditions bago ka mag-start." Kasalukuyan pala silang nasa peak ng pagpa-publish ng dalawang biography books at isang magazine, kaya talagang kailangan nila ng substitute para sa editor na naka-leave. Pagkatapos kong pirmahan ang kontrata at sumang-ayon sa mga terms—isang sweldo na malaki na rin para sa dalawang linggo—dinala ako ni Keith sa temporary desk ko. Ipinakilala niya ako sa ibang mga clerks at editors. Mababait silang lahat at dahil kay Keith, mabilis na nawala ang pagkailang ko. Tinuruan nila ako ng mga basic things at binigyan ng orientation tungkol sa mga articles na kailangan kong i-handle. Ang buong hapon ko ay ginugol ko sa encoding at proof-reading. Sa bawat titik na itinatama ko, sa bawat talata na binubuo ko, pakiramdam ko ay bumabalik ang dating ako—ang Fauna Mendoza na hindi lamang isang parausan ni Dave Balmillero. Dito, sa harap ng computer at mga manuskrito, may dignidad ako. May halaga ako na hindi nasusukat sa bawat gabing ibinebenta ko ang sarili ko. Pero sa likod ng isip ko, alam kong panandalian lang ito. Alam ko na mamayang gabi o bukas, pwedeng mag-vibrate ang phone ko at kailangan kong bumalik sa impyerno ng penthouse ni Dave. Ngunit sa ngayon, lalasapin ko muna ang pakiramdam na maging isang normal na tao na nagtatrabaho para sa pangarap, hindi lang para sa mga utang sa upa at ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD