CHAPTER 4

865 Words
CLARK'S POV Kakabukas pa lang ng bar nang puntahan ko iyon para itanong kung sino yung babaeng nakamaskara,pero laglag ang balikat akong umalis doon dahil hindi daw alam ng may-ari at ng ibang mga empleyado kung sino yun dahil nakamaskara daw ito nang mag-apply. Napapantastikuhan talaga ako sa babaeng nakamaskara. Sino sya?Bakit kailangan nyang magsuot ng maskara?Baka naman pangit sya?Pero ang isang bahagi ng utak ko ay nagsasabing maganda ito.Sigurado ako doon.O baka naman may tinatago itong ayaw ipakita,baka may peklat ito sa malapit sa mata? Ah,basta.Magiging akin sya. Kinagabihan nagpunta ulit ako sa bar para mag-imbestiga. Pumwesto ulit ako sa dulo kung saan ako pumunta noon. Maaga pa lang ay madami nang tao sa loob.May mga estudyanyante din palang nakakapasok sa loob kahit bawal ito.Bakit kaya hinahayaan ang mga ito na makapasok eh napaghahalata namang mga estudyante ang mga ito dahil ang babata pa ng mga itsura. Umorder ako ng beer at pulutan.Iniikot ko ang aking paningin sa lahat ng sulok ng bar.Nag-uumpisa na ang mga taong mag-inuman,magsayawan,at kung anu-ano pang pinagagawa ng mga ito sa loob ng bar.Inilibot ko ulit ang aking paningin habang umiinom ng beer.Parang hindi yata pumasok ang babaeng nakamaskara. Hindi ko ito makita kahit saang sulok ng bar. Tutungga sana ako ulit ng beer nang mapadako ang tingin ko sa isang babae na nakaupo sa stool sa harap ng bartender. Wala itong katabing lalaki kanina pero ngayon ay dalawa na.Parang may inilagay ang dalawang lalaki sa inumin nito na hindi nito nalalaman. Napailing ako sa nakita ko.Ayokong makialam,kukuha lang ako ng ebidensya.Pero parang may tumutulak sa akin para sundan sila lalo na nang makita kong nahihilo na ang babae at akay-akay na nila ito palabas ng bar.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka naglakad palabas. Nagsindi muna ako ng sigarilyo nang makalabas,sabay tingin kung nasaan na ang dalawang lalaki. Nakita kong pumasok sila sa isang madilim na eskinita.Hahakbang na sana ako nang makarinig ako ng ungol na parang nasasaktan.Binilisan ko ang paglalakad dahil baka mahuli ako at may mangyaring masama sa babae. Nang makarating ako ay tumambad sa akin ang wala nang buhay na dalawang lalaki.Bali-bali ang kanilang leeg dahilan ng pagkalagot ng kanilang hininga. Nasaan na ang babae?May kumuha ba dito saka nila pinatay ang dalawang lalaki?Bakit nila kailangang patayin ang mga ito?Para ba patahimikin sa kanilang nalalaman tungkol sa drugs? This is serious. I called Artheus (agent eagle) to hack what happened.He is our software engineer or hacker. Ayoko sanang humingi ng tulong pero gaya nang sinabi ni agent panther ay malawak ang kanilang organisasyon,kaya kailangan kong mag-ingat. "Hello.",anito sa kabilang linya. "Artheus,I need your help.I'm in a certain place in Manila and in a mission right now,can you please hack the cctv's where I am? "Ok copy."sagot nito. Isa din si Artheus sa mga naging kaibigan ko nang maging secret agent ako sa US. We're working under the Government so we're not criminals.Hindi rin kami pipitsuging agents. Walang nakakaalam ng mga pagkakakilanlan namin dahil mga patay na kami bago kami napasali sa team. Kaya hindi kami pwedeng mabuko sa mission dahil hindi lamang ang organization ang mapapahamak kundi pati narin ang presidente at gabinete nito na may hawak sa amin. "Wala akong makita.The scenes are already deleted.I can't retrieve them anymore."he added. "Ok.I get it.Thanks man." "Be safe.Hindi ordinaryo ang mga kalaban mo." hindi pa ako nakakasagot nang patayin na nito ang telepono. "Damn.Ngayon lang yata ako ginanahan sa misyon.Puro p*****n nalang ang iniintindi ko sa pinagmulan ko."Napangiti ako sa isiping iyon. Bumalik ako uli sa loob ng bar kung saan iniwan ko ang beer ko at pulutan.Ibinilin ko lang yun kanina sa isang waitress na lalabas lang ako sandali pero babalik din ako agad. Nang makabalik ako ay may sumasayaw na sa entablado.Tinitigan ko itong mabuti. Nakamaskara ito pero hindi ito si Dark Angel.Wala kasing dating ito sa akin.Hindi nga ako tinitigasan sa kanya,alam na alam ko yun,balakang palang nito at sa hita ay malalaman ko agad kung siya nga si Dark Angel.Naging manyak na yata ako magmula nang makita ko sya at maamoy ito. Nasaan kanaba Dark Angel? Nanlulumo akong umorder ulit ng beer. "Miss,paorder pa nga ng isang beer please." tawag ko sa babaeng nakatalikod. Umikot ito at lumapit sa akin. Si Dark Angel! Natigil yata ang paghinga ko nang makalapit na ito sa akin. "Ano pong order nyo sir?" Ang bango ng kanyang hininga.Naaamoy ko din ang kanyang pabango na may floral at vanilla scent. Kahit nakamaskara ito at nakasuot ng white long sleeve at nakaslacks ay sigurado akong si Dark Angel nga ito. "Isang beer please.Diba ikaw si Dark Angel?".paniniguro ko. "Yes po.Ako nga po."tipid nitong sagot. "Hindi ka na ba sasayaw doon sa stage?" "Magseserve lang po ako this week.Kaya iba po ang nakatoka sa pagsasayaw.Yun lang po ba ang order nyo sir?" "Yes and you,just kidding.Yes yon lamang salamat." Tumalikod na ito sa akin.Gusto ko pa sana syang kausapin pero halatang umiiwas itong makipag-usap ng matagal. Iba na ang nagbigay ng order ko na beer.Tinanong ko kung nasaan si Dark Angel pero nag out na daw ito dahil masama ang pakiramdam. Babalik ulit ako bukas,siguradong sya parin ang magseserve sa akin.Itetable ko na rin sya,by hook or by crook!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD