CHAPTER 5

810 Words
RACHELLE'S POV May pasok ako ngayon sa bar pero taga serve lang ako.Gaya ng nakagawian ko ay nagsuot uli ako ng itim na maskara.Habang nagseserve ako ay pinapaikot ko ang aking paningin sa kabuaan ng nasabing lugar.Talamak talaga ang bentahan ng mga droga,lalo na ang bagong labas ngayon.Ang mga ibang kliyente ng bar na gumagamit nito ay tinatawag itong xrx component.Para din itong ecstacy na isang psychoactive drug na nagpapainit ng katawan ng tao,nagdudulot ng dehydration,at nakakabilis ng t***k ng puso.Mas malakas pa ito doon dahil konting powder lang ang kailangan ay mag-iiba na ang iyong pakiramdam.Sa sobrang pagkahigh mo dito ay nakakamatay dahil sa paninikip ng dibdib at hindi makakahinga ng maayos.Kaya sobrang delikado ang drugs na ito.Hindi ko maatim na hindi makialam habang may mga masasamang tao ang nagkalat para gumawa ng ganitong bagay dahil lang sa pera.Sinisira nila ang buhay ng mga kabataan,yes target nila ang mga kabataan dahil iba na ang panahon ngayon.Mapusok na ang mga kabataan ngayon.Kaya madali silang mahulog sa mga ganitong klase ng patibong. Nagpaalam ako sa iba kong kasamahan na may pupuntahan lang ako.Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makapagpalit ng damit sa banyo. Tiningnan ko muna ang banyo kung may tao o wala,nang masigurong walang tao ay inilock ko ang pinto nito sa loob. Nagpalit ako ng isang cream croptop halter na may ternong cream din na maigsing palda. Ang dating nakalugay na buhok ko ay ipinusod ko para maiba ang itsura ko.Tinanggal ko ang maskara ko saka ko tinago ang mga gamit ko sa taas ng kisame kung saan gumawa ako ng isang butas doon para paglagyan ko ng mga ito na hindi nahahalata ninoman. Lumabas ako ng banyo saka nagtungo sa frontbar at umorder ng drinks. Sip lang ang ginagawa ko dahil front ko lang ito para kunwaring customer ako at makapagmasid ng maayos. Nakikita ko sa magkabilang gilid na may umupong dalawang lalaki sa tabi ko.Nakita kona kanina ang dalawang ito na mukhang may gagawing hindi maganda.Naging alerto ako.Napansin kong may inilagay sila sa inumin ko,at alam kong yun ay ang xrx component na gumagala ngayon.Susubukan ko kung anong epekto ng gamot na yon sa sarili ko.Hindi pa umeepekto ang gamot pero agad akong nagpanggap na nahihilo,kaya ang dalawang kampon ng demonyo ay tuwang-tuwa.Nagpatianod ako sa kanila nang dalhin nila ako sa labas ng bar at kinaladkad papunta sa isang makipot at madilim na eskinita.Napansin ko ring sinundan kami ng isang matangkad na lalake.Hindi nya ako pwedeng makita.Baka napansin nitong may inilagay ang dalawang lalaki sa inumin ko kaya baka gusto nito akong iligtas.But no thanks,kaya ko ang sarili ko.Kahit madilim ay kitang-kita ko parin ang mga mukha ng dalawang lalaki na gusto akong pagsamantalahan. Sanay ako sa dilim na parang may night vision.Kaya sa gabi ako gumagalaw dahil pabor ito sa aking kakahayang makaamoy at may matalas na pandinig.Kaya ako tinawag na (agent fox) ng mga kasamahan ko. Pero tanging ang pinuno lang namin ang nakakaalam ng mukha ko dahil hindi ako nakabase sa US.Sa Australia ako namalagi at kinocontact lang ako mismo ng pinuno namin sa pamamagitan ng tawag. Ang mga abnoy,akala mo ay makakaisa,nakangisi pa ang mga ito na parang demonyo. Pwes,nagkamali sila ng nabiktima nila dahil mamaya ay paglalamayan na sila. Napangisi ako nang biglang maghubad ang lalaki.Wala akong sinayang na panahon. Agad akong tumalon ng mataas paikot at binigyan sila ng tag isang malakas na corkscrew at jump sidekick sa leeg.Agad silang natumba at nalagutan ng hininga dahil nabali ang kanilang mga leeg.Agad kong tinawagan si General Panther para ipadelete ang mga kuha ko sa cctv. Papalapit na ang lalaking nakasunod sa amin kaya agad akong tumakbo at tumalon sa isang mataas na building para magtago.Mula dito ay kitang-kita ko ang mukha ng lalaki. Ang pogi naman nito,pero sayang lang dahil mukha itong kalaban. Base sa pangangatawan nito ay parang marunong itong makipaglaban.Pinulsuhan nito ang dalawang lalaki saka naglabas ng telepono.May kausap ito kaya alam kong hindi ito ordinaryong tao.Hindi man lang ito mababakasan ng takot sa nakita..Alam ko ring hindi ito isang pulis. Kailangan ko syang isama sa mga kailangan kong bantayan. Bumalik ako sa bar at agad pumasok sa banyo para magbihis. Nang makabalik ako sa pwesto ko ay laking pasalamat ko dahil mukhang hindi naman ako hinanap ng mga kasama ko.Akma sana akong maglalakad nang bigla akong mahilo at makaramdam ng init sa katawan. Pinagpapawisan ako ng malapot.Ngayon lang umepekto ang gamot na nainom ko. May customer na tumawag sa akin,kahit masama na ang pakiramdam ko ay pinuntahan ko parin iyon.Tinanong ko kung anong order nito,hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim .Kahit pa may night vision ako ay nahihirapan ako dahil sa umeepekto na ang gamot na inilagay ng dalawang lalaki kanina sa inumin ko. Hindi kona maintindihan ang sinasabi ng lalaking kausap ko kaya umalis na ako at nagpaalam na uuwi na dahil masama ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD