Prologue
“ARE YOU serious, Papa? Or is this some kind of a joke? Pinauwi mo ako ng Pilipinas para lang sabihin sa akin na ipakakasal mo ako sa kung sinumang babae na gusto mo. This is bullshit! Naglolokohan ba tayo, Papa?” Namumula ang buong mukha ni Dave. Kumuyom din ang kanyang mga palad.
“Don’t bullshit me, young man! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo! Seryoso ang pinag-uusapan natin dito!” mataas ang tonong sagot ng ama ni Dave.
Marahas na naihilamos ni Dave ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Humugot siya ng pagkalalim-lalim na buntung-hininga. Ilang sandali muna niyang pinakalma ang sarili bago siya muling nagsalita.
“Papa, buong buhay ko ay wala akong ginawa kundi sundin lahat ng gusto ninyo ni Mama. Mula sa isusuot kong damit, sa mga pagkain na kakainin ko, sa mga laruan ko at maging sa mga kalaro at kaibigan ko ay kayo ni Mama ang nasusunod. Noong nag-college ako ay sinabi mong Business Management ang kursong kukunin ko. Sinunod kita kahit na ang gusto ko sana ay Engineering. Pagka-graduate ko ay pinadala mo ako sa Amerika para kumuha ng MBA. Labag man sa kalooban ko ay sinunod pa rin kita. Ikaw rin ang nasunod nang sabihin mo kung saang kumpanya ako dapat na magtrabaho. Kahit na nasa malayo ako ay kayo pa rin ni Mama ang nasusunod. Tapos ngayon bigla mo akong pauuwiin para lang sabihin na ibibigay mo ang kumpanya kung magpapakasal ako sa babaeng ikaw ang pumili. Wala na ba talaga akong kalayaan Papa?”
Hindi umimik ang Papa niya. Binalingan niya ang ina. “Mama wala ka rin bang pakialam sa nararamdaman ko? Dahil ba sa panganay ako kaya kailangang sundin ko lahat ng gusto ninyo? Ginawa n’yo na lang akong tau-tauhan sa pamamahay na ito. No.” Umiling siya. “Mali pala iyon. It’s even worse. Hindi pala tao ang turing ninyo sa akin kundi robot na sumusunod lang sa lahat ng utos ninyo.”
“Hindi sa ganoon, anak. Mahal ka namin ng Papa mo. We only want what is best for you.” Lumapit ang mama niya at akmang hahawakan siya nito sa mukha ngunit umiwas siya.
“That’s not true, Mama. Hindi para sa akin ang mga ginagawa mo . Mas mahalaga sa iyo kung ano ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa sarili kong damdamin. “
Mariing napapikit ang mama niya sa kanyang sinabi. Hindi niya ito gustong saktan ngunit hindi niya mapigilan ang sarili.
“So, ano ang gusto mong palabasin ngayon?” Mapanganib na ang tono ng boses ng kanyang Papa.
“If you think you can threaten me, then you’re wrong, Papa. You can give the company to my younger brothers, for all I care.” Pagkasabi nito ay tinalikuran niya ang ama.
Nasa paanan na siya ng grand staircase nang muling magsalita ang kanyang ama. “I’ll disinherit you!” nagpupuyos sa galit na sigaw ng papa niya.
Nilingon niya ito kasabay ng marahang pag-iling. “It doesn’t matter, Papa. I can take care of myself. I can manage to live without your riches.” Mabibigat ang mga paang umakyat siya ng hagdan.
“DAVE, anak, makipag-usap ka nang maayos sa Papa mo. Don’t take things against us. We only want what’s best for you,” pakiusap ng Mama ng binata nang puntahan siya nito sa kanyang kuwarto.
“So, ang best para sa inyo ay manduhan ako at kontrolin ang buhay ko?” sarkastikong tanong ni Dave sa ina.
“Hindi gano’n ang intensyon namin, anak. Ang gusto lang namin ng Papa mo ay maging maayos ang buhay mo. Ayaw namin na matulad ka sa ibang kabataan na napariwara dahil mas inuna ang barkada kaysa sa pag-aaral at obligasyon sa pamilya. Your Papa train you at an early age so you will become responsible when you grow older. Hindi namin gustong saklawan ang buong pagkatao. Hindi iyon ang palano namin ng Papa mo,” mahinahong paliwanag ng kanyang ina.
“Are you trying to tell me that your decisions and plans are the best? That my own decisions are not good? Gano’n ba iyon, Mama?”
“No. That is not what I mean. Kung nasaktan ka man o hindi mo nagustuhan ang mga naging desisyon namin ng Papa mo, humihingi ako ng tawad. Sana mapatawad mo kami sa mga nagawa naming desisyon na sa atin tingin mo ay mali. Tulad nga nang sinabi ko, gusto lang namin ng Papa mo na maging maayos ang lahat para sa iyo at kahit sa kapatid mo,” pahayag ng Mama ni Dave.
Napabuga ng hangin ang binata. “So, do you think that marrying someone whom I do not love will do me good?”
Napatda ang kanyang ina. Hindi nito marahil inaasahan ang tanong niyang iyon.
“Is that the way to see it? Hindi mo ba talaga magugustuhan ang anak ni Mr. Libaste? I though you were friends with his children? So, kilala mo ang mga anak niya? Don’t you like his daughter?” usisa ng ina ni Dave.
Napailing si Dave. “I don’t have intention of marrying that girl. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya,” mahinahong tugon niya.
“Then, I suggest, we talk to your Papa. Maybe he has something to say about this,” suhestiyon ng kanyang ina.
“Do you want to talk with me?”
Biglang napalingon si Dave at ang kanyang Mama sa pinanggalingan ng boses. Napansin nilang nakatayo sa hamba ng pintuan ang ama ng binata.
“Your son and I were talking about your proposition with him. Maybe you can reconsider it,” wika ng ina ni Dave.
Lumapit sa kanila ang Papa ni Dave. Umupo ito sa sofa kung saan nakaupo ang kanyang Mama.
Tumingin ito ng diretso kay Dave. “Young man, if I will give you a chance, then what can you suggest? Can you promise me anything?”
Hindi na nag-atubili ang binata sa kanyang sasabihin. “Can I choose the woman whom I will marry?”
“So, if I let you choose whom to marry, then what will you promise in return?” hamon ng ama ni Dave.
Huminga muna nang malalim ang binata bago siya sumagot. “Kung bibigyan ninyo ako ng pagkakataong pumili ng babaeng pakakasalan ko, sisiguraduhin kong makakasundo ninyo siya. Pero kung sakaling hindi ninyo siya magustuhan, nakatakda akong talikuran ang lahat ng kayamanan at ari-arian na ipapamana ninyo sa akin. Kahit ang pagiging CEO ng Imperial Bank ay hindi ko tatanggapin,” paliwanag niya.
Ngumiti ang ama ni Dave. “Sounds fair enough to me. What do you think, honey?” baling nito sa kanyang ina.
“Kung sa tingin mo, anak, iyan ang makakabuti sa iyo, hindi ako tututol. Pero umaasa ako na sana ay makahanap ka ng babaeng karapatdapat sa iyo at sa pamilya natin,” pahayag ng Mama ni Dave.
“I will do it. I’ll look for a woman who is truly deserving of our family’s name,” pangako ni Dave.
“If that is the case, then you can start finding that perfect woman. I will give you four months to do it. After that, you need to present that woman to us. Then we will decide if she deserves to be your wife. Or else you will never set foot on this house again,” banta ng ama ni Dave.
Napalunok ng ilang beses ang binata. “Okay, Papa. Thank you for this chance. I will do my best to find a woman who will live up to your expectations.”
Tumango lang ang ama ni Dave. Ngumiti naman ang kanyang ina.
Pagkalabas ng kanyang mga magulang sa kuwarto niya ay hindi mapigilan ng binata na amag-alala.
How can you find the right woman? Saan niya ito hahanapin? Ano ang dapat niyang gawin para hindi siya magkamali ng babaeng pipiliin? May formula ba na dapat niyang sundin? O hahayaan na lang niya na ang sariling puso at isip na maghanap?