Chapter 8

1653 Words

“MARAMING salamat, Dave, sa pagkain at sa paghatid mo. Sa uulitin, ha?” malapad ang ngiting sambit ni Missy nang makababa ng sasakyan. “Good night sa inyong dalawa. Ingat kayo,” dagdag pa nito bago isinara ang pintuan ng backseat. Kumaway pa ito kina Dave at Dana nang mapadaan sa bintanang nakabukas sa tabi ng binata. Gumanti rin ng kaway si Dave. Samantalang matipid na ngiti lang ang tugon ni Dana. “Hindi ka ba pagod?” nag-aalalang tanong ni Dana nang iliko ni Dave ang sasakyan. “Okay lang ako,” tugon ng binata nang sulyapan ang dalaga. “Bakit nag-aalala ka ba na hindi na kita maihahatid?” tanong nito. Umiling si Dana. “Hindi naman sa gano’n. Pero nakakaabala na kami nang husto ni Missy. Pinakain mo na nga kami tapos ihahatid mo pa kami pauwi. Sobrang abala na iyon sa iyo, lalo na a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD