Chapter 7

1973 Words

“HI! AKO si Dave. Magkasama kayo ni Dana sa trabaho?” Napilitang magmulat si Dana nang marinig ang sinabing iyon ng binata. Napansin niyang nakatayo na pala ito malapit sa kanya at nakaharap ito kay Missy. “Ako naman si Missy, bestfriend ni Dana. Oo, magkasama kami sa trabaho. Nice meeting you, Dave.” Iniabot ng kaibigan niya ang kamay nito sa binata. Agad namang tinanggap iyon ni Dave. “Ay, ang gentleman mo naman. Bagay kayo ng bestfriend ko. Guwapo ka, maganda naman siya,” malapad ang ngiting wika ni Missy sabay sulyap kay Dana. Marahas na napabuga ng hangin si Dana. Sinimangutan niya ang kaibigan. Eksakto namang lumingon sa kanya si Dave. “May pupuntahan pa ba kayo?” muling tanong nito. “Ah, pupunta kami ng fastfood. Hindi ba, friend?” ani Missy bago siya nito hinawakan sa braso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD