HINDI na hinintay ni Dave si Dana. Dire-diretso na itong umakyat. Samantalang ang dalaga ay parang wala sa sariling umaakyat ng hagdan. Nang makarating siya sa taas ay naabutan niyang nakabukas na ang kanyang kuwarto. Pagpasok niya ay nakita niyang nakatingin ang binata sa aircon habang may hawak na remote ang isang kamay nito. “Okay na ba sa iyo ang 21 degree?” tanong nito nang hindi siya nililingon. “Ang lamig naman. Puwede bang 25 degree na lang?” Kung nagkataong nasa opisina sana siya ay okay lang iyon dahil mas mababa pa ang temperature ng aircon doon. Pero hindi siya nakakaramdam ng panlalamig dahil bukod sa naka-blazer siya, busy rin ang kanyang utak sa trabaho. Hindi pumapasok sa isip niya ang lamig o init ng paligid niya. “Pahinaan mo na lang mamaya,” wika ni Dave nang iabot

