“WALA IYON. Huwag mo nang isipin. Okay lang sa akin na maghintay basta ikaw. Ang importante ay nandito ka na,” nakangiting sambit ni Dave nang hindi tumitingin sa kanya. “Ah, oo nga pala. Dinala mo ba iyong sinabi ko sa iyo kagabi?” pag-iiba ni Dana sa usapan nila. Kumurap si Dave. Pagkatapos ay lumingon ito sa kanya. “Ano na nga ba iyong sinabi mo?” Tumaas ang kilay ni Dana sa tanong ng binata. “Ay, nakalimutan mo na ba? Iyong key chain na may letter D, hindi mo naalala?” “Ah, iyon ba?” maaliwalas ang mukhang tugon nito. “Teka lang, nandito iyon,” wika nito habang kinakapa ang bulsa ng pantalon nito. “Saan mo inilagay?” curious na tanong ni Dana habang nakatingin sa kamay ng binata na kinakapa ang bulsa nito. “O, heto na pala iyon,” ani Dave nang iabot sa kanya ang key chain. “Sa

