KINABUKASAN ay alas sais na nang magising si Dana. Napasarap ang tulog niya kaya hindi siya nagising ng mas maaga. “Hay, naku! Kahit kailan antukin ka talaga,” bati ni Ira sa kanya nang pumasok ito sa kuwarto at maabutan siyang kababangon lang ng kanyang higaan. “Maaga pa naman, ah,” ani Dana kasunod nang paghikab niya. “Oo nga. Pero mas maaga pa rin ang suitor mo. Kaninang five-thirty pa siya dumaan. Kahit ako hindi ko siya naabutan. Mabuti na lang at gising na sina Mrs. Libay,” imporma ni Ira. “Huh? Nagpunta rito si Dave?” hindi makapaniwalang tanong niya. Natapik niya ang kanyang noon ang maalalang nasabi pala niya rito na gumigising siya ng five-thirty tuwing Linggo. Peste! Bakit ba niya nakalimutan iyon? Baka mamaya ay isipin ni Dave na nagsisinungaling siya. Haisst! “Opo. Nagp

