Chapter 27

2209 Words

“DAVE naman, eh. Nambola ka pa,” nagkakamot ang ulong wika ni Dana. Umupo siya sa upuan na ginamit kanina ng landlady nila. Napansin niya agad ang tatlong mapupulang rosas na nakapatong sa mesa. “Para sa akin ba ito?” tanong niya nang sulyapan si Dave. “Oo para sa iyo talaga iyan. Pasensiya ka na kung iyan lang ang nabili ko. Sarado na kasi ang mga flower shop kaya bumili na lang ako sa bangketa,” tugon ni Dave nang bumalik ito sa pagkakaupo. “Okay lang. Bulaklak pa rin naman ito. Choosy pa ba ako gayong tumatanggap lang naman ako,” mahinahong wika ni Dana. Kinuha niya ang bulaklak at ipinatong ito sa kanyang kandungan. Hinahaplos niya ang talulot habang seryosong nakatitig dito. Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin kay Dave. “Wala namang problema kung mamimili ka. Karapatan mo naman i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD