bc

Obsession 2: Claiming Her

book_age18+
567
FOLLOW
2.4K
READ
HE
lighthearted
office/work place
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

Franco Santa Maria thought he didn’t need extra income, so he decided to leave the fashion world. He has everything, a construction company and other investments. Pero naudlot ang pagreretiro niya sa modeling career nang malaman niya na bumalik sa bansa ang Asia's top model na si Coleen Hernandez, a half-Spanish-Filipina na may nakakahibang na alindog. Ang babaeng dahilan kung bakit niya pinasok ang pagmomodelo.

Sexy photos pa lamang ng dalaga ang nakikita niya ay kumakabog na ang dibdib niya. He never admires women much more than how he admires a good quality of life. But he just found himself desiring Coleen Hernandez, which became an obsession. Pero hindi madali ang iniisip niya because Coleen was already taken by the famous male model in the industry. Ano ba ang kayang gawin ng isang katulad niya para sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI na kasing lakas noong una ang career ni Coleen sa modeling industry kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas. Maraming bagong modelo sa Thailand at ibang Asian country na nangingibabaw. Dalawang taon lang siya sa Singapore pero at least nakatulong ang pagmo-modelo niya para makatapos siya ng pag-aaral. She became an interior designer, which was one of her first choices. Second choice lang niya ang pagmomodelo. Naisip niyang bumalik sa Pilipinas baka sakaling sa sarili niyang bansa niya makukuha ang korona bilang supermodel. Medyo natatabunan na kasi ang titulo niya bilang 2015 Asia’s to model. Pagkatapos ng pagkapanalo niya ay sunod-sunod ang offer ng mga malalaking modeling agencies ng bansa sa kanya. Ang pinagbigyan niya ay ang Calla modeling na siyang may pinakamalaking offer sa kanya. At sa kanyang pagbabalik ay mainit pa rin ang pagtanggap ng kompanya sa kanya. Malaki ang binago ng Calla Modeling sa buhay niya. Ito rin ang nagbukas ng oportunidad para makapunta siya sa Singapore at makapag-explore sa ibang bansa. At ito rin ang naging daan para makilala niya si Cedric Santiago, ang pinakasikat na male model sa Asia. Pero hindi rin inaasahan ng dalaga ang bubungad sa kanya sa kanyang pagbabalik. Samut-saring reaksiyon ng mga tagatangkilik ng industriya ang naririnig niya at nababasa sa social media. Kasehodang nalalaos na siya sa Singapore kaya siya bumalik ng bansa. Pati ang relasyon nila ni Cedric ay apektado na rin. May nagsabing ginagamit lamang niya si Cedric para manatili siyang sikat. Apektado ang career niya simula noong may nagkalat sa social media na anak siya ng isang prostitute. Dedma lang ang peg niya. “Haters gonna hate. They are just good at judging but they don’t understand my situation,” taas-noong sabi niya sa reporter na humarang sa kanya sa pasilyo papasok ng Calla studio. “Totoo po ba na papasukin na rin ninyo ang pag-arte?” tanong ng reporter. "Uh… for now, pinag-iisipan ko pa. But acting was one of my goals to achieve this year. God willing," nakangiting sagot niya. “Huling tanong na lang po, Ms. Coleen. Kumusta na po ang relasyon ninyo ni Cedric Santiago? May lumabas po kasing isyu na nagkakalabuan na kayo.” Hindi siya kaagad nakasagot. Wala silang ligtas ni Cedric sa husay ng mga taong nakatutok sa relasyon nila. Simula noong lumabas ang litrato ni Cedric na may kayakap na ibang babae habang nasa Australia ito ay marami na ang bumatikos sa relasyon nila. Iyon ang higit na nakaapekto sa kanila. Ang isyu ring iyon ang gusto niyang tutukan dahil wala pa silang maayos na napag-usapan ni Cedric tungkol sa isyu. Pareho silang busy. “Uhm, okay naman ang relasyon namin. Sa awa ng Diyos, masaya pa naman kami,” sagot lamang niya. Mabuti na lang dumating ang manager nilang si Clarissa. Hinarang na nito ang mga reporter na gusto siyang kunan ng pahayag. Dumeretso na sila sa dressing room. Nakahinga rin ng maluwag si Coleen. Mainit pa rin ang pagbati sa kanya ng mga dati niyang kasama at bagong modelo ng Calla. Sa unang araw ng pagbabalik niya sa Calla ay kasama kaagad siya sa launching ng mga bagong design na damit. May offer kaagad siyang project mula sa malalaking fashion companies. Kinagabihan pagkatapos ng fashion show ay dumeretso si Coleen sa St. Luke’s hospital kung saan isinugod ang kanyang ina na nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Hindi puwedeng ma-stroke ulit ang nanay niya. Paralisado na nga ito. Halos kalahati ng income niya sa modeling ay napunta sa pagpapagamot ng nanay niya. Ang iba ay napunta sa pag-aaral ng tatlong nakababata niyang kapatid. Halos walang natitira sa kanya sa tuwing tumatanggap siya ng sahod. Kaya naging mautak siya. Alam niyang hindi permanente ang trabaho niya kaya nag-aral siya hanggang makamit niya ang bachelor’s degree in college. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts at Interior Designing sa Singapore. Para kahit mawala man siya sa modeling ay may trabaho siya. Plano niyang mag-part-time bilang interior designer kapag maayos na ang schedule niya. Marami naman siyang kilalang modelo na maari siyang irekomenda sa malalaking kompanya. Nadatnan ni Coleen si Talia na siyang kasama ng nanay niya sa kuwartong inukupa ng mga ito sa ospital. Napanatag siya nang matiyak na hindi na muling na-stoke ang kanyang ina. Hindi na nakakapagsalita ang nanay niya at hindi na rin nakakalakad. Mabuti na lang matiyaga sa pag-aalaga rito ang biyuda nitong kapatid na babae. Sinusuwelduhan na lang niya ito kada buwan. Kinabukasan ng umaga ay nag-report si Coleen sa Calla office para signing of contract na mula sa fashion company. Nagmamadali siya dahil ilalabas na sa ospital ang nanay niya. Magwi-withdraw pa siya ng pera sa bangko para pambayad sa hospital bill. Halos tatlong oras lang ang naitulog niya sa ospital kaya namamaga ang eye bags niya. Sa kamamadali niya ay hindi na niya inayos ang makeup niya. Manipis lang ang pulang lipstick na ipinahid niya sa labi at foundation lang ang inilagay niya sa mukha. Wala nang blush-on. Wala na ring mascara. Ang ga-baywang niyang aalon-alon na buhok ay inisang tali niya na mataas. Puting plane blouse lang ang isinuot niya at itim na fitted jeans. Lalo siyang tumangkad sa suot niyang three inches black shoes. Limang talampakan at pitong pulgada ang tangkad niya. Dahil sa takong ng sapatos niya ay mas matangkad pa siya sa ibang male models. Maraming tao sa pasilyo papasok ng office at halos lahat ay napapatingin sa kanya. Ang iba’y sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakalagpas na siya sa nag-uumpukang tao pero panay pa rin ang lingon niya sa mga ito. Nagbubulungan ang iba. Bigla siyang napahinto nang bumalya siya sa matigas na katawan. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay namataan niya ang lalaking namumulot ng nagkalat na papapeles na siyang dala nito. Akmang tutulungan niya ito ngunit mabilis itong natapos at kaagad siyang hinarap. “S-Sorry, hindi ko sinasadya,” balisang sabi niya. Saka lamang niya napansin ang mukha ng matangkad na lalaki. Mas matangkad ito ng isang pulgada sa kanya. Kung hindi siya nakasuot ng three inches shoes ay apat na pulgada ang lamang ng taas nito. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi siya sigurado kung model din ito pero nasa katawan nito, mukha at postora ang pagiging modelo. Nagtataka siya bakit panay ang sulyap nito sa gawi ng puson niya. Naka-tack in ang blouse niya nang maayos. Hindi naman labas ang pusod niya. “Nakabukas ang zipper mo,” bigla’y sabi sa kanya ng lalaki. Awtomatikong tiningnan niya ang zipper ng pants niya. Nakabukas nga. “O my God! Sorry!” natatarantang sabi niya saka tumalikod sa lalaki at itinaas ang zipper niya. Pakiramdam ni Coleen ay kumapal nang husto ang mukha niya. Sa dami ng taong nakakita sa kanya sa daan ay walang ni isang naglakas-loob na sabihing nakabukas ang zipper niya. Nakakahiya. Itong guwapong nilalang pang nabunggo niya ang nakapuna. “That’s okay. Wala naman akong nakita. Huwag kang mag-alala, safe ang eksenang ito sa social media,” wika ng lalaki. Hinarap niya ito nang magkaroon siya ng lakas ng loob. “Thanks.” Malapad siyang ngumiti. “Uh, model ka rin ba rito?” tanong niya rito pagkuwan. “Sabi ko na nga ba, nakalimutan mo na ako,” kaswal na sabi nito. “Oh, talaga? Sorry, hindi kita matandaan. Pero pamilyar sa akin ang mukha mo,” aniya. “Of course, I’m your first kiss.” “First kiss?” Nawindang siya. “Ah, don’t mind it. Huwag mo na lang alalahanin. Mukhang nagmamadali ka. Maiwan na kita,” sabi nito saka siya nilagpasan. Hindi siya nakakilos kaagad. Hindi siya siya maka-move on sa sinabi nito na ito ang first kiss niya. Nang mahimasmasan ay hinabol niya ng tingin ang lalaki. “Hey! What is your name?” tawag niya sa atensiyon nito. Hindi huminto ang lalaki pero sumagot ito. “I’m Franco! Franco Sta. Maria!” anito. Awtomatikong nakaalala siya. First time niyang sumabak noon sa product endorsement noong unang buwan niya sa pagmomodelo. Twenty years old siya noong nagsimula. Ang ini-endorsiyo niyang produkto ay bagong launch na underwear ng sikat na fashion wear. May partner siyang lalaki noon na baguhan din. Habang ginagawa nila ang photo shoot na magkasama ang partner niya, bigla siyang nadulas at kamuntik nang mahulog sa stage pero hinila siya ng partner niya. Napalakas ang paghila nito sa kanya kaya napayakap siya rito at aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng lalaki kay Coleen. Binalewala nito ang aksidenteng paglapat ng kanilang mga labi. Nabigla siya at na-realize niya na iyon ang first kiss niya. Nahihiya lamang siyang mag-reak pero para siyang nakuryente nang maglapat ang labi nila ng partner niya sa photo shoot na iyon. “Hinalikan mo ba ako?” inosenteng tanong niya sa lalaki. “Of course not. Aksidente ang nangyari. Pero halik pa rin iyon,” seryosong sabi nito. Nag-init ang mukha niya. “Nakuha mo ang first kiss ko,” aniya sa malamig na tinig. “Don’t worry, wala pang nabubuntis sa halik lang,” nakangiting sabi nito. “Okay, position, guys! Mamaya na kayo magkuwentuhan,” pigil sa kanila ng photographer. Nag-focus na lamang siya sa trabaho. NAPANGIWI si Coleen matapos maalala ang awkward moment niya bilang first timer sa industriya. Naalala na niya si Franco. Isang beses lang niya itong nakatrabaho at hindi pa sila nagkaroon ng panahon na magkuwentuhan. Busy rin ito at ang alam niya’y may iba pa itong pinagkakaabalahan maliban sa pagmomodelo. Limang taon na ang nakalipas magmula noong huli niyang nakatrabaho si Franco. Malaki na ang pinagbago nito. Ganoon din naman siya. Immature pa siyang mag-isip noon. Twenty-five years old na siya, may boyfriend at ilang beses nang nahalikan ni Cedric ang labi niya. Balewala na lang sa kanya ang halik. Natatawa na lang siya habang iniisip ang mga karanasan niya. Pagkuwan ay pumasok na siya sa opisina. Matagal na pala siyang hinihintay ng manager niya at ng manager ng fashion company na pagsisilbihan niya. COMEBACK is real! Akala ni Franco ay hakahaka na naman ang nabasa niya sa ** na post ng co-model niya na nagbalik na si Coleen sa Calla Modeling. Bumungad din sa kanya ang balita sa telebisyon tungkol sa interview ng ilang media company kay Coleen. Naging busy siya sa pinapalago niyang construction company kaya hindi na siya updated sa modeling industry. Katunayan ay nasa plano na niya na mag-quit na sa modeling career at mag-focus na lamang sa mga investments niya. Okay na sila ni Gaizer at pasalamat siya dahil hindi nito pinakulong ang daddy niya. Napatawad na rin niya ang kanyang ama at kasalukuyang tinutulungan siya nito sa kumpanya. But Coleen's presence leads him to get back into the modeling industry. And also why he got his job and planned to quit this, but she's back. Biglang nagbago ang isip niya. Hindi na muna siya magreretiro sa pagmomodelo. Pumunta siya sa opisina ng Calla para magpapirma ng kontrata para sa construction na gagawin sa bagong studio ng kumpanya. Pakay rin niyang kausapin ang manager niya para sa desisyon niyang pagretiro. Nagkataong wala roon ang manager niya at iba ang kanyang nakita. Dahil kay Coleen ay hindi na niya kailangan ng resignation letter. Pagdating niya sa kanyang opisina ay nagbukas siya ng telebisyon. Saktong showbiz news ang palabas. Nakasentro sa mukha ni Coleen ang camera habang nagsasalita ito. Binaggit nito ang tungkol sa boyfriend nito at ang plano umano nitong pagsabak sa pag-arte. Dahil nga hindi siya updated, noon lamang niya natuklasan na si Cedric Santiago pala ang boyfriend nito. Isa lang naman si Cedric sa pinakasikat na Asian model. Nai-feature pa ito sa sikat na magazine bilang most handsome men in Asia. “s**t! Is it real?” hindi makapaniwalang sabi niya habang nakapamaywang na nakatayo sa harap ng telebisyon. Bigla siyang kinabahan. Kinabahan siya hindi para sa sarili niya kundi para kay Coleen. Naging stalker siya ng buhay ni Coleen kaya alam niya ang estado nito sa pribadong buhay. Marami siyang source na nakakaalam sa kuwento ng buhay nito. Kaya hindi siya magtataka kung bakit sandamakmak ang haters ni Coleen sa social media. Dahil iyon sa pagkakaugnay nito kay Cedric. Wala pa siyang masyadong alam tungkol kay Cedric pero ang alam niya ay nakilala ito dahil sa pagkakaugnay nito sa sikat na actress. Kagabi pa siya nag-stalk sa social media account ni Coleen kaya nalaman niya ang status ng career nito. Naging updated siya noon sa paglabas ng isyu tungkol sa prostitute na nanay ni Coleen. Doon nagsimulang naglabasan ang mga haters at critics nito. Pero para sa kanya, hindi dapat ginawang big isyu ang bagay na iyon dahil hindi naman kasalanan ni Coleen na naging anak ito ng isang prostitute. Awang-awa siya noon sa dalaga. Kaya nalungkot siya nang magdesisyon itong lumipat sa Singapore. ‘Tapos ngayon ay lalong dumami ang haters nito dahil kay Cedric. Lalo niyang hinangaan ang dalaga dahil sa tapang nito at confident pa rin sa pagharap sa mga problema. Mula sa pag-stalk sa social media account ng dalaga ay inisa-isa rin niyang tiningnan ang mga latest photos ng dalaga. Halos lahat ng kuha nito ay nakabikini. Lalong gumanda ang katawan ng dalaga. Mas naging mature. Hindi ito katulad ng ibang modelo na halos buto’t balat na lang. She has perfect figure. Ito ang unang babaeng nakita niya na may pinakamaliit na baywang. Pero malusog ang dibdib nito at bilugan ang balakang at mapintog ang pang-upo. Binansagan pa ito noong Talia o Marimar ng Pilipinas. Mabuti na lang hindi ito nagpaunat ng buhok. Aalon-alon pa rin ang buhok nitong natural ang kulay na blonde. Una siyang na-attract sa mga mata nitong katamtaman ang laki na may mahahabang pilik. Alam din niya na Spanish national ang tatay nito at malamang nagmana ito sa ama nito maging ang mukha. Katamtaman lang ang kaputin ng balat nito na makinis at mamula-mula lalo na kapag nabibilad ito sa araw. Akala niya noong bigla itong nawala ay mawawala na rin ang pagkahibang niya rito. Ngunit sa pagbabalik nito ay napatunayan niya na lalo pa siyang mahihibang. But the struggle is real. The woman he admired and desiring with was unfortunately taken. That was the worst thing he’d encountered. But his obsessed mind won’t have a plan to surrender. “I’m Franco Sta. Maria, nothing is impossible for me. Once mine, always mine,” pilyong wika niya habang nakatitig siya sa sexy photos ni Coleen. Binuksan niya ang photo album nito sa f******k. Naalala niya ang pinsan niyang hilaw na si Gaizer. Marami siyang natutunan sa mokong na iyon. Kung hindi nito sinulot sa kanya ang mapapangasawa niyang si Alexa baka napilitan siyang kalimutan si Coleen. But everything has a reason. Aminado siya na nagustuhan niya si Alexa, pero hindi nito nagawang palitan si Coleen sa buhay niya. Mabilis niyang tiniklop ang kanyang laptop nang makarinig siya ng katok sa pinto. “Come in!” sabi niya. Deretso ang tingin niya sa pinto. Inaasahan na niya ang bisitang papasok. Iniluwa ng pinto si Ace, ang kuya ni Alexa. Naging malapit sila ni Ace simula noong nakilala niya si Alexa at ang pamilya nito. Ace was a good Orthopedic Surgeon. Ito ang nag-opera sa joint ng binti ng daddy niya noong nahulog ito sa hagdan ng second floor. Tinawagan niya ito para tingnan ulit ang daddy niya na hindi pa nakakalakad at nakatambay lang sa bahay. “Where’s your dad?” tanong nito sa kanya. “Nasa bahay. Sabay na tayong pumunta roon. May kotse ka bang dala?” aniya. “Wala nagpahatid lang ako kay Alexa.” “Okay.” Iniligpit na niya ang kanyang gamit saka in-off lahat ng nakabukas na appliances at gadgets. Pagkuwan ay sabay na silang lumabas ni Ace. Mabuti na lang open for home service si Ace. Alam niya busy rin ito sa mga ospital kung saan ito nagsisilbi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.0K
bc

The Sex Web

read
132.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook