Chapter 2

2701 Words
DAHIL na rin sa impluwensiya ng manager ni Coleen kaya naingganyo siyang subukan naman ang pag-arte. Gusto niyang mag-explore at para na rin sa extra income. Pero hindi naging madali ang pagpasok niya sa bagong trabaho. Inaasahan niya na susuportahan siya ni Cedric pero ang resulta ay naging dahilan ng away nila ang naging desisyon niya. Kararating lang nito mula Australia at inimbita siyang mag-dinner sa bahay nito sa Marikina. Napapansin niya na wala na ang init sa relasyon nila. Noon ay balewala lang kay Cedric ang mga isyu na nag-uugnay sa relasyon nila pero tila apektado na ito. Pagkatapos ng hapunan ay tumambay sila sa lobby. Wala itong ginawa kundi dumaldal. "You're doing out of the limit, Coleen. Your decision will make things worst. Lalo ka lang pagpipiyestahan ng mga haters mo sa social media," palatak ni Cedric habang palakad-lakad ito sa harapan niya. Kampanti siyang nakaupo sa couch. “Nag-usap na tayo tungkol sa gusto kong pagpasok sa showbiz. Akala ko okay lang dahil wala kang sinabing pagtutol,” aniya. “Because I thought you were kidding.” “Kailangan ko ang showbiz, Cedric. Humihina na ang modeling career ko. May mga offer na project pero hindi na ito kasing lakas dati. It’s because of my haters na nakasira sa reputasyon ko.” “And because of me, right?” Matamang tinitigan niya ang kanyang kasintahan. Hindi niya pinapahalata rito na apektado siya ng mga trending isyu tungkol dito at sa isang aktres na nakasama nito sa Australia. Minsan na niya itong inusig tungkol doon pero ipinilit nito na kaibigan lang nito si Lara Jones, na naging modelo rin at kandidata ng Binibining Pilipinas. Half-Australian-Filipina si Lara at isa ngayon sa tinitingalang actress sa showbiz industry. Inaamin niya na insecure siya sa dalaga. “Hindi pa namamatay ang isyu tungkol sa inyo ni Lara, Cedric. Hindi ko alam kung ginagawaan ninyo ng paraan para matigil na ang isyu,” sabi niya. “Ang manager na ni Lara ang bahala roon. Nagbigay na rin ako ng pahayag sa social media tungkol sa amin. You don’t need to worry about Lara, Babe. Since modeling ay naging magkaibigan na kami. Isa pa, may boyfriend na si Lara,” paliwanag ni Cedric. “What about Natalie Adriano? May lumabas na namang isyu na hindi pa pormal na close ang relasyon niyo and Natalie confirmed that she’s pregnant. Walang binanggit kung sino ang tatay ng ipinagbubuntis niya,” kumpisal niya. Si Natalie ang long term girlfriend ni Cedric na dati nitong designer. Napansin niya ang balisang reaksiyon ni Cedric. “Hindi ko alam ang tungkol doon. Six months na kaming walang ugnayan ni Natalie simula noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iyon nga ang dahilan, buntis siya, and I know it’s not mine,” paliwanag ni Cedric. Hindi na nakipagtalo si Coleen. Tumayo siya at nagsalin ng wine sa kopita. “Sorry, pumirma na ako ng contract sa TV network for three years. Wala pa namang project na nailatag sa akin ang network,” sabi niya pagkuwan. “You’re so hard-headed, Coleen,” komento nito. “Wala ka kasing tiwala sa kakayahan ko. I studied bachelor of arts. Forty ko rin ang acting.” “Alam ko pera lang naman ang kailangan mo. Nag-aaral ng medisina ang kapatid mong si Gerald at sinusuportahan mo siya kaya todo kayod ka. I will help you to support your family.” Nainsulto siya sa sinabi ni Cedric. Kailanman ay hindi siya tumanggap ng kahit singkong duling mula rito kahit pa mapilit ito minsan. Regalong materyal na bagay lang ang tinatanggap niya at gastos nito sa mga dinner dates nila. She still had the pride to feed her mind. “Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi ko kailangan ng pera mo. Dapat nag-voice out na ako noon pa sa publiko para matigil na ang nagsasabing pera mo ang nagpapaangat sa buhay ko. Tama na. Durog na ang puso ko sa pag-dedma ng tsismis kahit sobrang sakit.” “Then, if you think I’m not good enough for you, you’re free to quit. Ayaw ko sa babaeng matigas ang ulo. I know you will refuse me if I offer you a marriage proposal.” Marahas niyang hinarap si Cedric. Iyon na ata ang pinakamalupit na sinabi nito. He gave her the freedom to quit their relationship. But she does not prepare for her sudden emotion. Limang buwan pa lang ang relasyon nila at hindi pa iyon sapat para masasabi niyang matatag na ang samahan nila. She chose Cedric because he’s the one who inspired her and gave her a serious relationship. Inaamin niya na una niya itong nagustuhan sa pisikal na katangian at kasama na roon ang estado nito sa buhay. Mabait ito at malambing kaya nahulog ang loob niya rito. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya alam kung seryoso pa ba sa kanya ang binata, o seryoso rin siya rito. But she felt pain while thinking of losing him. Nasanay na siya rito at ito ang naging sandigan niya sa panahong kailangan niya ng karamay. “Do you still love me, Coleen?” bigla’y usig sa kanya ng binata. “Yes, I love you,” mabilis niyang sagot. Nang lumapit sa kanya si Cedric ay maayos niya itong hinarap at tinanggap ang mapusok nitong halik. She gave him a passionate response. Naudlot ang halik dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone ni Cedric. Lumayo ito sa kanya saka sinagot ang caller. Lumuklok naman siya sa couch at inubos ang laman ng kanyang kopita. Nang matapos si Cedric sa kausap nito ay nagdesisyon na siyang umuwi. Kailangan pa niyang mag-grocery para sa kailangan ng pamilya niya sa bahay. Nakatira pa rin siya sa family house nila sa Taguig dahil hindi pa sapat ang naipon niya para makapagpatayo siya ng bahay sa nabili niyang 100 square meters lot sa Alabang. Pero naipa-renovate na niya ang family house nila at mayroon nang second floor. KINABUKASAN ng gabi pagkatapos ng photo pictorial ni Coleen ay pumayag siya sa imbitasyon ng co-model niyang si Farlie. Anniversary party kasi ng hotel business nito sa Pasig. Nagsuot lamang siya ng light blue dress at blue three inches sandals. Manipis na makeup lang ang inilagay niya sa mukha. Pagdating sa function room ng hotel ni Farlie ay namangha siya sa dami ng mga bisita. Halos kilalang mga modelo ang naroon. Maraming baguhan at hindi na niya kilala na mula sa ibang modeling agency. Imbitado rin ang manager niya at ibang talent manager ng Calla. Mabuti na lang cocktail party. Bumagay ang suot niya. Habang ini-entertain ni Farlie ang ibang bisita ay lumapit siya sa buffet table kung saan nakalagay ang mga pagkain. Puro appetizer lang ang kinuha niya. Kapag ganoong gabi na ay hindi na siya kumakain ng heavy meal. Gusto rin niyang pumapak ng kaunting roast beef pero nahirapan siyang maghiwa dahil malaki ang hiwa ng karne. Hindi niya iyon mauubos. Wala siyang makitang waiter. Pinilit niyang hiwain ang karne pero may katigasan. “You need help?” boses ng pamilyar na lalaki. Nabaling ang tingin niya sa kanyang kaliwa. Mabilis niyang na-recognize ang lalaki. It was Franco Sta. Maria, her co-model and her first kiss. Natutuwa pa rin siya sa senaryo nila noon. “Hi! You’re here,” nakangiting sabi niya. “Yeah, I’m invited,” anito, sinuyod siya ng tingin. “Let me do that,” sabi nito saka inagaw ang bread knife sa kamay niya. Mabilis lang nitong nahiwa ang karne. Kulang lang ata siya sa lakas. Pagkuwan ay inilagay nito sa plato niya ang nahiwang kaperasong karne. “So, where’s your date? Do you come here alone?” pagkuwan ay tanong nito. Saka lamang niya nagawang suyurin ng tingin ang kabuoan ng lalaki. Nakasuot ito ng abuhing tuxedo. Napaka-pormal nitong manamit, neat nitong manamit at fresh na fresh. Nanunuot sa ilong niya ang masculine perfume na ginamit nito. He was good-looking and had a strong s*x appeal. Napaka-attractive nito sa paningin niya. “Uhm, wala akong ka-date. Hindi ko na-inform ang boyfriend ko tungkol dito at busy siya. Isinama lang ako ni Farlie rito,” pagkuwan ay sagot niya. “So, okay lang ba na ako muna ang date mo? Huwag kang mag-alala, walang taga-media rito. Your privacy was safe,” kaswal na wika nito. Hindi niya maintindihan bakit napakalakas ng dating sa kanya ng lalaking ito. Once he talked, he got other's attention. He’s a good and influential kind of person. Ganoon ang tingin niya rito. Ito ang tipo ng lalaki na hindi puwedeng bastusin. That was her first impression. Pero bigla siyang kinabahan sa inaalok nitong pagkakataon na maging date niya ito. Iginala muna niya ang kanyang paningin sa paligid. Busy ang lahat na mga tao. Naisip niya, wala namang malisya sa pakikipagkaibigan. “Okay,” pagkuwan ay sabi niya. Humawak siya sa inaalok na kamay ni Franco. Iginiya siya nito sa bakanteng cocktail table. Pinaghila pa siya nito ng stool chair. Pagkuwan ay pumuwesto ito sa tapat niya. Napatingin siya sa laman ng plato nito. Isang perasong shrimp tempura lang ang kakainin nito? Nahiya naman ang laman ng plato niya. Meron siyang roast beef, coleslaw, shrimp tempura at chicken cordon blue na isang hiwa pero wala siyang kanin o kahit anong carbohydrates. Uminit ang mukha niya nang mapansin niya na titig na titig ito sa mukha niya. He gave her a smug smile. Seemed like he was inviting her to do something malicious. O baka sumobra lang ang imahinasyon niya. Itinaas nito ang baso nitong may lamang wine saka marahang sinimsim pero nakatuon pa rin sa kanya ang tingin. Natigilan siya nang masaksihan ang pagsaid ng panlasa nito sa naiwang wine sa ibabang-labi nito. Franco looks hot while doing it. She felt her nerves tremble. God! Bakit ba ako humaharap sa seductive na katulad ni Franco? Protesta ng isip niya. Ayaw niyang magmukhang bastos kaya nanatili siya sa harapan nito. Nag-focus na lamang siya sa kanyang pagkain. “Balita ko pumirma ka raw ng kontrata sa TV network. Mag-aartista ka na pala,” sabi ni Franco na siyang bumasag sa katahimikan. Naibalik niya ang tingin dito. “Uh, oo. Matagal na rin kasing nag-offer sa akin ng TV network. Pero siyempre, hindi ako nag-e-expect ng malaking project. Bilang baguhan, magtitiyaga muna ako sa pagiging extra,” kaswal na sagot niya. “Hindi madaling maging extra. At sa panahon ngayon, mahirap makipagkompitensiya sa mga artistang higante ang fanbase. Pero sa palagay ko mabibigyan ka ng malaking break. Good luck sa bago mong career,” anito. “Thanks. Pero need ko pa rin ng professional job.” “Ano ba ang natapos mo?” pagkuwan ay tanong nito. “Nagtapos ako ng Bachelor of Arts at interior design.” “Wow! So, nakapagsimula ka na ba as interior designer?” “Actually hindi pa. Nagamit ko ang mga designs ko sa bahay lang namin at sa mga kilala ko na nagpapagawa ng bahay. Gusto ko pa ring mag-part-time sa malalaking kumpanya.” "If you're interested, I can hire you for my construction firm. I need a part-time interior designer for my projects." Oo nga pala, engineer si Franco at may sariling construction firm. Bigla siyang na-excite. “Are you serious? Pero hindi ako batikang designer,” aniya. "That's not a problem. I'm flexible with my employee's ability and capacity. Just present me your latest digital designs and sketch. Don't worry, I'm not a delicate kind of engineer. I accept all kinds of talent as long as you're fit for your work, and it wasn't made a conflict with my company reputation." “Thank you for the opportunity. Saan ba ako magpapasa ng resume?” nagagalak niyang wika. “You may visit my office from Monday to Friday. I’ll give you my contact number and company address. Or puwede ring sumama ka sa akin bukas ng umaga after ng show mo sa Calla. May photo pictorial din ako bukas sa Calla.” “Sige. Bukas na lang. Ihahanda ko ang resume ko at ibang requirements. Thank you talaga, engineer,” aniya. “Please just call me Franco,” nakangiting sabi nito. Ngiti lang ang itinugon niya. Pagkuwan ay binigyan siya nito ng business card. Nang tawagin siya ni Farlie ay nagpaalam siya sa binata. NAGDIDIWANG ang kaluluwa ni Franco sa hindi inaasahang pagkakataon na makausap niya ng matagal si Coleen. Bunos pa na nag-open up ito sa kanya at pumayag sa job offer niya. Napalis ang ngiti niya nang mamataan si Ms. Cynthia sa harapan niya. Ang kanyang manager. Umupo ito sa silyang inalisan ni Coleen. “Ano ang ibig sabihin ng ngiting ‘yan, Franco? Ngiting tagumpay with desiring of something?” pilyong sabi nito sa kanya. Mas matanda lang ng limang taon sa kanya si Cynthia at ikinasal lang ito sa long time boyfriend nito last year. Naging instant close sila dahil sa dalawang bahay nito na pinagawa sa kanya. “I’m just happy, Miss,” sabi niya. "Hmmmm… stop acting like nothing with that smile and look. Kanina pa kita pinagmamasdan habang kausap si Coleen. I saw your passionate desire for her. Do you like her?" usig nito sa kanya. Wala na siyang takas. Hindi siya naglilihim kay Cynthia. Marami na itong alam sa personal niyang buhay. “Hindi ko ba nasabi sa ‘yo ang dahilan kung bakit ako pumasok sa pagmomodelo?” aniya. “Nope. Is it about Coleen?” Ngumiti siya. “Yeah. I madly want her for my entire life,” agresibong wika niya. Tumawa ng pagak si Cynthia. Hinayaan niya itong tumawa. “Napakaganda mong lalaki, Franco. Professional ka, stable ang buhay at may pera lahit wala ang modeling. Mabubuhay ka. But for your obsessed feelings, I found you in this industry. I pity you, man. Maraming mas deserving na babae ang mas bagay sa ‘yo. Not Coleen.” Nainis siya sa panmamaliit ni Cynthia sa babaeng kinababaliwan niya. “She’s not a trash kind of woman, Cynthia. She’s an ideal girl for me. She doesn’t just have beauty and body; she’s also a responsible family member. Ang lahat ng ginagawa niya ay hindi lang para sa sarili niya. Itinataguyod niya ang kanyang pamilya,” seryosong wika niya. “How did you know that? Don’t say nag-stalk ka sa buhay niya?” manghang sabi nito. "Of course I did. That's how my desires have done for her," matatag na sabi niya. “My God! Hindi ko alam na ganyan ka pala, Franco. You’re obsessed. But you chose a wrong girl, my dear.” “Why?” iritableng tanong niya. “She’s already taken. Isang Cedric Santiago lang naman ang babanggain mo.” Sinaid niya ang laman ng kanyang kopita. “I’m aware and I know Cedric. I’m not famous like him. Pero malay natin, mas magaling ako pagdating sa kama kaysa kanya,” pilyong sabi niya. Humagalpak ng tawa si Cynthia. Pero kaagad din itong naging seryoso. Sumimsim ito ng inumin nito. "Well, that's what makes you happy. I will support you. But-I can help you more than moral support, Franco. You will get what you want, but I need your cooperation," she said. Matamang tumitig siya kay Cynthia. Nakadama siya ng excitement sa sinasabi nito. “Mukhang may maitim kang binabalak,” aniya. Pilyo ang ngiti nito. "Don't worry, it's not a crime or a mortal sin. Gusto mong makuha si Coleen, then you will have her. I'll help you to enter showbiz and have a chance to work with Coleen. Para sa kaalaman mo, isa ako sa producer ng Filipino adaptation ng Mexican movie na “Deseo Oculto”, or “Hidden Desire” which is erotic romance ang tema ng movie. We are searching for talents na fit sa role. Coleen was our first choice since she already signed the contract for the TV network na partner namin sa project," ani Cynthia. “Acting was not my cup of tea,” aniya pero naroon ang pananabik niya. “But you’re good at it, Franco. Just accept my offer, and I will manage all your needs.” Hindi siya nakaimik. Umiikot lang ang isip niya sa nabanggit ni Cynthia na movie adaptation. Pero iniisip din niya ang motibo ni Cynthia bakit nito naisip ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD