Chapter 3

2983 Words
“BAKIT gusto mo atang paghiwalayin sina Cedric at Coleen? Just give me sensible reason before I consider your offer,” seguristang sabi ni Franco batay sa inaalok ni Cynthia. Pinagsupling ng thirty-two years old single woman ang mga daliri nito. “I just want to give justice for my sister’s broken heart,” anito pagkuwan. “Si Natalie?” untag niya. She’s know a lot about Natalie San Andres. Nakatrabaho na niya ito minsan at hindi lingid sa kaalaman niya na ito ang naging girlfriend ni Cedric bago si Coleen. Natalie forced to leave modeling after she revealed that she’s pregnant. Kasabay ng pag-amin nito sa kondisyon ay tuluyang nagsara ang career nito sa modeling industry. Halos kasabayan niya itong namamayagpag sa industriya pero naawa siya rito dahil kakasimula pa lamang nito ay bumagsak na ang career nito. Umani ng batikos ang isyu sa pagbubuntis nito dahil umano sa pag-deny ni Cedric na ito ang ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. He’s still curious about the issue. Ganoon talaga kapag nasa industriya ka ng mga sikat, madadala ka sa mga isyu. “So, how’s Natalie now? I didn’t hear about her since she quit her career?” tanong niya pagkuwan. “Sadly, she chose to live in Mountain Province with the native employees of our farm. I know she is just trying to escape reality. But besides, she’s suffering from loneliness and pain. Gusto kong maibalik ang kapatid ko sa dati. Isang masayahing Natalie at puno ng confident at determinasyon. That was my goal now before the year ended. I madly need your help, Franco. I know you can get Coleen’s attention easily as I think,” agresibong pahayag ni Cynthia. Nakapag-isip-isip si Franco. Her obsession with his feelings for Coleen was unable to prevent. Cynthia could push him to do the same thing as she requested, but his interest leads him to be aggressive to take Coleen’s attention. He must patiently wait for the opportunity, and as much as possible, he should seduce her. Pero hindi madali ang gusto niyang mangyari. Mahirap akitin ang isang babae na in love sa mas maimpluwensiyang lalaki. But he got his own charm and he confidently does what he wanted to take. Ano ang silbi ng pagiging stalker niya kung hindi niya iyon gagamitin sa kanyang kalaban? Pero wala siyang balak sirain sa reputasyon ni Cedric. Magpo-focus lamang siya kay Coleen, which is the only reason why he’s obsessed. “Okay, I like your offer, Miss Cynthia, but I would like to talk to Natalie first,” sabi niya pagkatapos makapag-isip. “I’ll call you if nakabalik na siya rito sa Maynila. Nakombinsi ko kasi siya na dito siya manganganak and I promise to her that I will shoulder her expenses.” “That’s good. Nice talking, Miss Cynthia. I think I have to go. Naalala ko, may pupuntahan pa ako. See you tomorrow,” apila niya pagkuwan. Tumayo na siya at iniwan ang kausap. Bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam siya kay Farlie. Pagkatapos ay hinanap niya si Coleen. Hindi talaga siya umalis hanggat hindi ito nakikita. Pagdating niya sa pasilyo papasok sa palikuran ay namataan niya ang dalaga na may kausap sa cellphone. Nakataas ang boses nito tila may kaaway. May dalawang dipa ang layo niya rito kaya naririnig niya ang sinasabi nito. Nakasandig lang siya sa poste habang pinagmamasdan ito. “Ano ba ang problema mo? Kung wala kang matinong sasabihin, ibababa ko na ang telepono! Baka ikaw ang may ginagawang hindi tama kaya ka napa-paranoid. Dumalo lang ako sa party ni Farlie at hindi ako naglalakuwatsa. May panahon pa ba ako para sa bagay na ‘yo?” palatak ng dalaga. Obvious na ang boyfriend nito ang kausap nito. Hm… he felt something cold war. Sa simpleng ayaw nagsisimulang nagkakalamat ang isang relasyon. Hindi niya inisip na minsan ding napa-paranoid ang isang katulad ni Cedric. Well, that was a common sign of love. But it doesn’t make sense for him. The situation should be the perfect timing for him to inter Coleen’s life. Hindi na niya inabala ang dalaga. Umalis na siya. Sapat nang nakita niya ito bago siya magtungo sa ibang destinasyon. PINATAYAN ni Coleen ng cellphone si Cedric dahil ipinipilit nito na sumasama siya sa mga co-model niya sa bar. Bagay na dati niyang gawain. Pumunta kasi ito sa bahay nila at nadatnang wala siya roon. Ngayong pinapapunta niya ito sa kanyang kinaroroonan ay ayaw naman nito. Hindi na niya ito maintindihan. Marami na siyang napapansing pagbabago sa ugali ni Cedric. Nasira na ang mood niya. Nagpaalam na lamang siya kay Farlie. Pagdating niya sa bahay ay tulog na ang nanay niya. Si Gerald na lamang ang naabutan niyang gising at nagbabasa ng libro habang nakaupo sa sofa. Si Gerald ang kapatid niyang sumunod sa kanya. Twenty-one years old na ito at dalawang taon nang nag-aaral sa kolehiyo sa kuryong medisina. Pinagsusumikapan niyang mapatapos si Gerald dahil naghihinayang siya sa talino nito. Ang sumunod naman kay Gerald na si Genna ay college first years college na rin sa kursong secondary education. At ang bunsong si Garry ay grade nine na. Napansin niya ang punpon ng rosas na nakapatong sa center table. “Pumunta rito kanina si Kuya Cedric, Ate. Dala niya ang bulaklak at merong chocolate. Ipinasok ni Genna sa ref para hindi matunaw,” sabi sa kanya ni Gerald. “Nag-usap na kami sa cellphone. Gaano ba siya katagal dito?” aniya. “Wala pang isang minuto. Nang malaman niya na wala ka ay umalis siya kaagad.” Bumuntong-hininga siya. Nagsinungaling si Cedric. Ang sabi nito’y isang oras itong naghintay sa bahay nila. Naghahanap lang talaga ito ng maigagalit sa kanya. Dumeretso na lamang siya sa kanyang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay. Inilapag niya sa kama ang kanyang shoulder bag saka siya pumasok sa banyo at nag-hot bat. Gumaan ang pakiramdam niya nang makaligo. Nagsuot lamang siya ng puting roba. Lumuklok siya sa kama at dinukot niya sa kanyang bag ang cellphone niya. Sumama sa pagdukot niya ng cellphone ang maliit na card. Naisip kaagad niya si Franco. Kinuha niya ang card at binata. Nakasulat sa card ang contact number, company name at address ni Franco. Noon niya higit na kailangan ng ekstrang trabaho dahil bayaran na ng matrikula ng mga kapatid niya. Sumabay pa ang karagdagang resitang gamot ng nanay niya na obligado niyang bibilhin. Kinalimutan na muna niya ang mga problema. Hindi pa sigurado kung magkakaroon kaagad siya ng malaking proyekto sa TV network kaya kailangan niya ng side-line. Nagbukas siya ng laptop at inayos ang kanyang resume. Ni-revise rin niya ang ginawa niyang mga digital interior design. Kinakabahan siya. Hindi pa siya ganoon ka-confident sa mga designs niya. Nababahala siya na baka hindi makapasa sa standard ni Franco ang designs niya. Pero habang iniisip niya si Franco ay napapanatag siya. Maayos at magaan ang approach sa kanya ni Franco. Wala sa pisikal nitong katangian ang estado nito sa buhay, o kung ano ang narating nito. Napaka-humble nitong tao. Napatino ng first impression niya rito. Bihira siya nakaka-encounter ng modelo na professional, yaong may mataas na pinag-aralan. Karamihan kasi sa freelancer na katulad niya ay maagang pinasok ang pagmomodelo at nawalan na ng panahong mag-aral. Katulad na lamang ni Cedric. Palibhasa ipinanganak na mayaman at sikat ang mga magulang kaya mabubuhay ito kahit hindi ito makapagtapos ng pag-aaral. Nag-iisang anak ito at maraming investment ang parents. Pero nagsusumikap pa rin itong makapagtapos sa kurso nitong abogasya. Nasa third year college pa lamang ito sa edad na biyente-sais. Nauna pa siyang naka-graduate. Kahahalal bilang senador ang Daddy ni Cedric, samantalang movie producer at director ang Mommy nito. Bata pa lamang si Cedric ay kadikit na ng pangalan nito ang kasikatan. She still can’t imagine how she won his heart. Cedric was overqualified for her standard. Simpleng lalaki lang ang pangarap niya. Kahit hindi mayaman at sikat basta may paninindigan at kaya siyang mahalin nang buong katapatan. Gusto niya ng lalaking walang kahit katiting na sekretong itinatago sa kanya. Dahil ganoon siyang babae. Lahat ng nangyayari sa buhay niya ay ibinabahagi niya sa kanyang karelasyon. Since si Cedric ang first boyfriend niya, mas nagiging productive siya sa relasyon nila. Ayaw kasi niyang makaranas ng miserableng relasyon sa unang pagkakataon. Pero dahil first time niyang pumasok sa relasyon, nasa vocabulary na niya na magtira ng kalahating porsiyento para sa sarili niya. At ang kalahating natitira sa kanya ay hinati pa niya para sa kanyang pamilya. Kaya hindi siya masyadong nagpapaapekto sa pagbabago ng relasyon nila ni Cedric. Sumasabay lamang siya sa agos. Lahat ng pagsusumikap niya ay inaalay niya para sa kanyang pamilya. Kahit anak lang siya sa labas ay hindi niya pinapabayaan ang mga kapatid niya. Ang daming pasakit na ang dinanas nila since buhay pa ang stepfather niya. Tatlong taon nang patay ang stepfather niya dahil sa malubhang sakit sa atay. Lulong sa alak ang stepfather niya noon at gabi-gabing umuuwing lasing at madalas pang nasasaktan ang nanay niya. Isa lamang sa masalimoot na karanasan niya sa kamay ng stepfather niya ay ang tangkang panghahalay nito sa kanya. Mabuti na lang naabutan sila noon ng nanay niya at hindi natuloy. Natakot siyang maulit ang kahayupan ng stepfather niya kaya nagdesisyon siya noong tumigil sa pag-aaral at nagtrabaho bilang waitress sa isang restaurant. Doon niya nakilala si Farlie na nagsisimula na sa modeling career nito. Nahikayat siya nitong pumasok sa pagmomodelo. Hanggang sa sumubok siyang sumali sa Asia’s new top model competition. Sinuwerte siya at nanalo. Kasabay ng pag-angat ng career niya ay nabalitaan niyang namatay ang stepfather niya. Kaya lalo siyang nagsumikap para matulungan ang kanyang ina. Pero sa kasamaang palad ay na-stoke ito at naging paralisado. Nabaling sa kanya ang responsibilidad ng magulang niya. Nang makontento si Coleen sa revised interior design niya ay inihanda naman niya ang physical sketch ang isa pang design niya. Mas maraming design mas malaki ang tiyansa niyang makapasa. Nang mapagod ay humiga siya sa kama at nagbukas ng f******k sa kanyang cellphone. Pumunta siya sa official f******k page ng Calla Modeling. May ilang post ang Calla na naka-tag sa pangalan ni Franco. Natukso siyang mag-stalk sa profile ni Franco. Ang una niyang tinignan ay ang photo album. Halos nude photos ang laman ng album ni Franco. Mga litrato nito lahat sa isang pictorial pero mukhang hindi naman lahat ay mula sa Calla. Marami na rin pala itong nai-endorsiyong sikat na mga produckto. Naging cover na rin na men’s magazine at isang sikat na underwear. Malayo-layo na rin pala ang nararating nito. In fairness, Franco has perfect body figure and natural s*x appeal. Bonus na ang magandang postura nito, matangkad, matikas at good looking. Bigla niya itong naikompara sa boyfriend niyang si Cedric. Kung natural ang pag-uusapan, mas natural ang appeal ni Franco. Dahil kahit hindi ayusan o lagyan ng makeup ay attractive pa rin si Franco. Maliban doon, natural din ang kasikatan nito. Hindi katulad ni Cedric na sumikat lang dahil sa family background nito. Guwapo rin naman ito pero kung s*x appeal ang pag-uusapan, sa palagay niya’y lamang si Franco. Damn! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Natapik niya ang sariling noo. Bumalik sa realidad ang isip ni Coleen nang may isang friend request siyang natanggap. Nang tingnan niya’y si Franco Sta. Maria. Mukhang naramdaman ng lalaki ang pag-iisip niya rito. Walang pag-aalinlangang tinanggap niya ang request nito. Pagkatapos din ng acceptance ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Franco. Franco: “Hi! Thanks for accepting my friend request.” Nagtipa kaagad siya ng sagot. Coleen: “You’re welcome.” Franco: “Are you still at Farlie’s party?” Coleen: “No. Umuwi na ako.” Franco: “Oh, okay. Busy ka ba now?” Coleen: “Uhm, I just have done my digital interior design. I hope you will like it.” “I like that, I’m sure.” Napangiti siya. May pagkabolero din itong si Franco. Coleen: “Hindi mo pa nga nakikita nagustuhan mo na. But thanks for the opportunity. I will let you know if I have time to visit your office.” Franco: “So, you’re not available tomorrow?” Naisip niya si Cedric. Hindi puwedeng patagalin niya na hindi ito makausap ng personal matapos silang magsigawan sa cellphone. Coleen: “May importante kasi akong lakad bukas after ng pictorial ko sa Calla.” Franco: “Okay. Take your time. You should take a rest. Goodnight!” Coleen: “Thanks, and goodnight!” Pagkatapos ng maikling conversation nila ni Franco ay nag-log out na siya. Hindi na niya binalikan ang kanyang trabaho dahil ginugupo na siya ng antok. PAGKATAPOS ng pictorial ni Coleen sa Calla ay nagdesisyon siyang puntahan si Cedric sa sarili nitong condo unit sa Quezon City malapit sa university kung saan ito nag-aaral ng abogasya. Naka-lock ang unit nito pagdating niya. Hindi niya ito tinawagan dahil gusto niya itong sorpresahin. Bumili pa siya ng cake at mga sangkap sa lulutuin niyang spaghetti. Pinindot niya ang doorbell nang ilang beses pero walang nagbubukas. Inulit pa niya. Wala pa rin. Nagtataka siya. Tanghali na at sa mga oras na iyon ay wala nang pasok si Cedric. Miyerkules naman at wala itong schedule sa modeling nito. Every weekend lang ang schedule nito sa modeling. Kapag ganoong ordinary days ay nag-aaral ito. O baka naman umuwi ito sa bahay nito sa Marikina. Wala siyang choice kundi pumunta sa Marikina. Ngunit pagdating niya roon ay wala rin ito. Si Ate Sheila lang ang nadatnan niya na siyang katulong ni Cedric sa bahay. Pinapasok pa rin siya nito. Nagpahinga muna siya. Lumuklok siya sa couch sa may lobby. “Nasa Quezon City po si Sir, Ma’am. Nasa condo niya. Hindi ba may pasok siya sa school?” ani Ate Sheila. “Nanggaling na po ako roon, Ate. Naka-lock naman ang unit niya,” aniya. “Tinawagan n’yo ba siya?” tanong nito. “Hindi, eh. Gusto ko nga sana siyang sorpresahin.” “Naroon lang siya. Katatawag nga lang niya sa akin at sinabi na kapag may naghanap sa kanya ay sasabihin ko na busy siya at hindi mula siya tatanggap ng appointment.” “Nasaan daw siya nang tumawag siya?” curious na tanong niya. “Naroon daw siya sa unit niya, eh. Magre-review raw siya.” “Bakit hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto?” takang tanong niya. “Bakit po hindi? Nag-away ba kayo?” usisa ni Sheila. “Kagabi nagkasagutan kami. Pero hindi iyon dahilan para huwag niya akong kausapin. Kaya ko nga siya pupuntahan para makapag-usap kami ng maayos.” Binabalot na ng tensiyon ang puso niya. “Baka ho nagtatampo siya sa inyo,” komento ni Sheila. “Nagtatampo? Ngayon pa siya magtatampo samantalang mas maraming pagkakataon noon na binalewala ko siya. Ano ba ang problema niya?” palatak niya. “Subukan n’yo na lang po siyang tawagan,” suhesyon ni Sheila. Tumayo na siya. Sinubukan niyang tawagan si Cedric pero hindi siya nito sinasagot. Wala na siyang choice kundi bumalik sa unit nito. Natutunaw na ang cake sa kakabiyahe niya pabalik-balik. Patungo na siya sa elevator nang nasipat niya ang babaeng kalalabas sa pinto ng elevator. Hindi siya maaring magkamali. Si Lara iyon. Kahit nakasuot ito ng sunglasses ay kilala niya ito. May kung anong hindi mawaring emosyong umahon sa dibdib niya. Saan pa ba ito maaring manggaling? Si Cedric lang maraming ang pinuntahan nito. Hindi na siya nag-abalang sugurin ang babae. Sumakay na siya sa elevator at dumeretso sa unit ni Cedric. Gigil na pinindot niya ang doorbell ng unit ni Cedric. Dalawang beses bago bumukas ang pinto. Awtomatiko siyang napatingin sa hubad-barong katawan ng kanyang nobyo. Tanging puting tuwalya ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Napansin din niya ang gulat nitong reaksiyon. Maraming senaryo na ang pumasok sa isip niya. Bakit siya nakahubad? Kung nanggaling dito si Lara, ano ang ginawa nila? Ilan lamang sa katanungan ng tolero niyang isip. Hindi niya hinintay ang pahintulot nito na papasukin siya. Pumasok siya at isinuyod niya ang tingin sa paligid ng unit nito. “What are you looking for?” iretableng tanong nito. “Ano’ng ginawa rito ni Lara?” deretsong tanong niya. “She just returned my law book that she borrowed last Sunday. What are you thinking?” anito. Hinarap niya ito. “You’re not accepting any visitor, huh? Nanggaling na ako kanina rito at pindot ako nang pindot ng doorbell. Nasaan ka nang oras na iyon?” usig niya rito. “Baka naliligo ako,” mabilis nitong sagot. “Naliligo?” Tiningnan niya ang buhok nito. Tuyo na iyon. “Naliligo o baka kanina mo pa kasama si Lara kaya ayaw mong paistorbo dahil busy kayo sa kung ano ang ginagawa ninyo,” napa-paranoid niyang kastigo rito. Nalukot ang mukha ni Cedric. “What are you talking about, babe? Kung ano na ang iniisip mo,” anito. “So, kung naliligo ka kaninang kumatok ako, ang tagal mo namang naligo at hanggang ngayon ay hindi ka pa nakapagbihis. So meaning, humarap ka kay Lara na ganyan ang hitsura mo?” aniya. “Hindi ko alam na pupunta siya. Please stop thinking nonsense, Coleen. You’re just paranoid!” anito sa namumurong tinig. “Girls instinct never fails, Cedric,” giit niya. “Yeah, unless you’re paranoid. Pumunta ka ba rito para lang awayin ako?” Pakiramdam ni Coleen ay pinapalayas na siya ni Cedric sa buhay nito. Nababalot na ng tensiyon ang puso niya. “Okay. I think we need some space for a while,” sabi lang niya saka siya walang likod-lingong lumapit sa pinto. “Coleen!” tawag sa kanya ni Cedric pero hindi niya ito nilingon. Tuluyan siyang lumabas. Hindi siya nagpapigil kahit ramdam niya na hinabol siya ni Cedric. She felt pain while thinking back what she had said to Cedric. Tears covered her vision and it becomes blurred. She just found herself inside the backseat of the taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD