bc

The Playboy (FREE)

book_age18+
10.7K
FOLLOW
29.0K
READ
possessive
sex
opposites attract
playboy
arrogant
sweet
bxg
enimies to lovers
first love
passionate
like
intro-logo
Blurb

Madalas na nagbabangayan si Katrina at Bryan. Ang nakatatandang kapatid ng matalik na kaibigan niyang si Tamara.

Oo nga at sa tingin niya ay ito na ang pinaka poging lalaking nakilala niya ngunit napaka suplado at sungit naman nito sa kanya. Walang pagkakataon na nasa iisa silang lugar na hindi sila sumasabog. Kaya naman tudo ang ginawa niyang pag-iwas dito ngunit kinailangan niyang makitira sa bahay ng magkapatid.

Habang nakakasama niya ang lalaki ay unti-unti ring nahuhulog ang damdamin niya dito. Ibinigay niya ang buong sarili sa lalaki ng walang pag-aalinlangan.

Ngunit tulad ng ibang nagmahal at nagmamahal ay nagpaka tanga rin siya. Umasa siyang may katugon ang pag-ibig niya para dito pero patuloy pa rin pala ang relasyon nito at ng modelong si Ylona.

Hindi niya kaya ng may kahati kaya siya na lang ang magpaparaya kahit ngaba sobrang sakit niyon para sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKAPAGLUTO na si Katrina ng hapunan nila at ngayon naman ay abala siya sa paglilinis ng kwarto gusto niya malinis ang kwarto niya bago naman niya harapin ang mga tutupiing mga damit na nilabhan niya kahapon pagkatapos ng duty niya sa pinapasukang hospital bilang nurse. Isinama na rin niya ang labahin ng magkapatid total ay hindi naman siya mahihirapan sa paglalaba dahil may washing machine at mga damit pang alis lang naman ang kinakailangan kamaying labhan. Paraan narin niya iyon para makabayad ng utang na loob sa pagpapatira sa kanya ng libre sa bahay ng mga ito. Mag-dadalawang Linggo na rin mula ng makumbinsi siya ng matalik na kaibigan na  si Tamara na sa bahay nalang ng mga ito tumera. Malaki naman daw ang bahay ng mga ito at ang Kuya Bryan lang nito ang kasama sa bahay na madalas pang inuumaga sa pag-uwi dahil doon eto natutulog sa condo ng kasintahan nitong modelo na si Ylona Gomez. Apat ang kwarto sa bahay na iyon at wala namang gumagamit sa bakanting kwarto kaya naman ng malaman ng kaibigan na naghahanap siya ng mauupahang kwarto dahil nahihirapan siya sa biyahe mula sa bahay nila papunta sa hospital na pinagtatrabahoan at pauwi. Dalawang sakay din iyon sa jeep at inaabot siya ng mahigit isang oras sa biyahe at kung mamalasin pa at tag ulan ay nahihirapan talaga siya makasakay. Delikado rin para sa katulad niyang babae kapag uuwi siya ng madaling araw dahil nga sa paiba-iba ang working schedule niya. Hindi nagdalawang isip ang kaibigan na i-alok sa kanya ang kwartong eyon. Noong una ay tumaaggi siya dahil nahihiya siya sa gwapo ngunit saksakan naman ng supladong kapatid nito. Pero napag isip-isip niya na malaking pabor sa kanya ang inaalok ng kaibigan. Isang sakay lang sa jeep at wala pang sampong minuto ang layo ng biyahe mula sa pinagtatrabahuan nila higit sa lahat ay libre iyon at malaki talaga ang matitipid niya. Magkokolihiyo na ang nakababatang kapatid na si Erwin sa susunod na pasukan at Pinangako niya sa ina at kapatid na siya naman ang magpapa-aral kay Erwin kapag nakatapos siya. Naigapang nilang tatlo na makatapos siya sa kursong nursing sa pamamagitan ng pagtitinda nila ng mga kakanin at lutong ulam sa harap ng bahay nila na swerte namang hindi kalayuan sa dalawang exclusibong eskwelahang San Martin High School at sa tawid nito ay ang University of San Martin kung saan siya nag-aral ng kursong nursing. Mabuti nga at masipag siya mag-aral at nakakuha siya ng scholarship at mahigit din sa kalahati ang bawas niyon sa orihinal na tuition fee niya at malaking tulong iyon. Gusto pa nga sana niya magside line sa pagtututor kaso hindi na siya pinayagan ng Ina. Baka daw mawalan pa siya ng panahon sa sariling leksiyon at mawala pa ang scholarship niya. Kaya naman tumutulong nalang siya sa paggawa ng mga kakanin at pagluluto ng ulam. Mabenta ang mga paninda nila dahil masarap magluto ang kanyang ina na minana naman nilang magkapatid. Matanda na ang kanyang ina at marami na rin itong dinaramdang na sakit ng katawan at ngayon nga ay may rayoma pa eto. Naaawa siya sa kanyang ina dahil alam niya ang hirap nitong pinagdaanan mabigyan lang sila ng maayos na buhay kahit na mag-isa lang itong tumaguyod sa kanilang magkapatid. Naging matalik na magkaibigan si Katrina at Tamara dahil sa tindahan nila ito madalas tumatambay at kumakain ng tanghalian noon. Sa San Martin High School kasi ito nag-aral at sa dalas nito sa tindahan nila ay naging magkaibigan sila. Nang magkolihiyo naman siya at makakuha ng scholarship sa University of San Martin ay pareho sila ng kursong kinuha at ngayon nga ay pareho pa sila nagtatrabaho sa St. Mary Hospital bilang mga nurse. Magkasundo sila sa lahat nang bagay. Maski nga ang mga crushes nila ay nagkakapareho sila. Pareho din silang maganda ngunit maputi si Tamara at Morina naman siya. Tuwid ang mahang buhok nito ngunit alon-alon naman ang sa kanya. May pagka singkit ang mga mata nito dahil sa dugong Chinese, bilog at bumbayin naman ang mga mata niya. Payat ito at siya naman ay bilogan ang katawan. Bagay naman din dito ang pagiging payat mas bagay nga etong modelo kaysa Nurse. Napaka outspoken nito ngunit siya ay may pagkamahiyain. Madaldal lang siya kapag ito ang kausap niya dahil sobrang palagay ang loob nila sa isat-isa at nakakahawa ang kakulitan nito. Iilan lang iyon sa mga pagkakaiba nila ngunit hindi naging hadlang ang mga iyon sa pagkakaibigan nila. Magkapatid na nga ang turingan nila sa isat-isa. Kahit na madalas ay iisa ang crush nila ay hindi pa naman nangyari na magkasamaan sila ng loob. Nagiging katuwaan pa nga nila iyon. Bagamat pareho silang NBSB o no boyfriend since birth. Sa edad na bente dos hindi pa rin nagkaka boyfriend si Tamara na tulad niya dahi sa higpit ng kuya si Bryan nito. Sa sobrang higpit ni Bryan sa nag-iisang kapatid ay ilang beses nang nakakatikim ng maanghang na salita mula dito si Katrina. Minsan nga ay tinawag pa siyang flirt nito dahil sa dami raw ng mga lalaking umaaligid sa kanya baka daw inaakit niya ang mga ito at matoto pa ang kapatid nito sa mga kalokuhan niya. Paano ba naman ay sa tuwing mahuhuli nito ang kapatid na may lalaking umaaligid ay laging sinasabi ni Tamara na sa kanya ang maliligaw at hindi dito dahil sa takot nito sa nakatatandang kapatid. Hindi narin niya itinatama ang mga maling akala nito sa kanya. Wala naman mawawala sa kanya at wala naman siyang pakialam sa kung ano ang tingin nito sa kanya. Dahil sa masamang babae ang tingin sa kanya ni Bryan, hindi ito natutuwa sa pagiging malapit niya sa kapatid nito. Sa tuwing nakikita silang magkasama ng kapatid nito ay mahahalata talaga ang masamang trato nito sa kanya. Bad influence daw kasi siya sa kapatid nito. Ipinagkikibit balikat nalang niya iyon kahit na ba para siyang mauupos na kandila sa tuwing nasa paligid ito. Nanginginig ang tuhod ni Katrina sa tuwing alam niyang nasa malapit lang ang kuya Bryan ni Tamara. Hindi niya iyon maintindihan at ipinagpalagay nalang niya itong takot at baka may kasalanan na naman siya dito na hindi niya alam at baka pagsabihan ulit siya nito ng masakit at hindi magandang mga salita. Kaya naman lagi siyang umiiwas dito sa tuwing makikita niya ito noon na nasa labas ng gate, nakasandig sa kotse nito na siyang gamit nito sa paghatid at pagsundo kay Tamara. Mataktika siyang nagpapaalam sa kaibigan at humihiwalay siya ng daan. Madalas na inihahatid nito si Tamara sa eskwelahan at sinusundo sa hapon kapag hindi rin lang ito busy sa trabaho. Ganoon ito ka higpit at estrikto sa nakababatang kapatid. Limang taon ang tanda ni Bryan kay Tamara ngunit ito na ang tumayo bilang ama at ina ni Tamara mula ng parehong mamatay ang mga magulang ng mga ito sa isang car accident walong taon na ang nakararaan. Labing limang taon noon si Tamara at bente lamang si Bryan. College palang noon si Bryan sa kursong Civil Engineer  at high school naman sila ni Tamara nang magyari ang accidenting kinasangkutan ng mga magulang ng mga ito. Dead on the spot ang ama ng magkapatid na siyang driver ng sasakyan samantalang na comatose ang ina ng mga ito na tumagal ng mahigit dalawang buwan bago ito tuluyang binawiaan ng buhay. Halos wala nang natira sa magkapatid dahil naibenta nila ang maliit na kabuhayan na naipundar ng mga magulang sa pag-asang magising pa at makasama pa nang matagal ang kanilang ina. Tanging ang bahay lang na tinitirahan nila ngayon ang tanging naiwan sa magkapatid. Nakita ni Katrina kung paano umiiyak at namighati ang matalik na kaibigan. Nakita niya rin niya kung paano nagpakatatag si Bryan. Kahit nagpapakita ito ng katatagan ay alam niyang sobrang sakit rin para dito ang nangyaring magkasunod na pag pagpanaw ng mga magulang. Minsan nga isang araw pagkatapos ng burol ng Mommy ng mga ito habang binibisita ang kaibigan para damayan ay nakita niya itong nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga sa likod bahay. Baga man nakatalikod ito sa kanya ay alam niyang umiiyak ito dahil umaalog ang balikat nito. Gusto sana niya itong lapitan, ngunit ano naman ang sasabihin niya dito?  Isa pa alam niyang mas gusto nitong mapag-isa. Tahimik nalang niya itong tinanaw mula sa kinatatyuan niya. Kahit hindi sila magkasundo ay hindi niya parin maiwasan ang maawa dito. Alam din niyang natatakot ito sa malaking responsibilidan na naiwan dito. Ngayon kasi na wala na ang parehong magulang ay nakaatang na sa mga balikat nito ang malaking responsibilidad na tumayong ama at ina kay Tamara. Kung si Tamara ay ang pagiging mahigpit ng Kuya nito ang dahilan ng pagiging NBSB. Si Katrina naman ay hanggang crush lang siya. Kapag may nanliligaw sa kanya ay palagi nalang siyang nakakahanap ng kapintasan sa manliligaw kahit ba minsan na niyang naging crush. Natatakot siguro siya na masaktan lang katulad nang nangyari sa kanyang ina na iniwan ng kanyang ama para sa ibang babae. Labing dalawang taon lamang siya noon. Nasaksihan niya kung paanong halos lumuhod ang ina sa pagmamakaawa sa kanyang ama huwag lang silang iwan nito. Ngunit iwinaksi lang ito ng kanyang ama para bumitaw sa pagkakawak ang Nanay niya sa may katamtaman laking bag na pinipilit agawin ng ina niya mula sa kanyang ama. Kitang kita niya kung paano sumubsob ang ina sa my ding-ding ng bahay nila. Ngunit hindi manlang lumingon ang kanyang ama. Tuloy-tuloy ang lakad nito na inakbayan pa ang babaeng kasama nito na hula niya ay siyang kalaguyo ng ama at nasa labas lang pala ito ng bahay nila habang hinihintay ang paglabas ng kanyang ama. Awang-awa siya noon sa kanyang ina. Mula ng iwan ito ng ama nila ay naging sobrang malungkutin na ito. Minsan nga nahuhuli niya itong umiiyak ng lihim at yakap ang iilang piraso ng damit na naiwan ng tatay niya. Sa bawat araw na nakikita niyang malungkot ang Inay niya ay lumalalim naman ang sama ng loob niya sa amang walang awang nang iwan sa kanila para sa ibang babae.  Napakamakasarili ng Itay niya. Sariling kaligayahan lang ang inisip nito at hindi manlang inisip sila ng kapatid niya. Hindi rin ito nag-iwan ng pera o nagbigay ng suporta sa kanilang magkapatid. Maghigit isang taong rin silang naghintay na balikan sila ng kanyang ama ngunit bigo sila. Hindi manlang ito nag-abalang dumalaw minsan man para kamustahin manlang sila. Nagdesisyon ang kanyang ina na mangibang bayan sila. Ibenenta nito ang kaperasong lupa na minana nito sa mga magulang. Kailangan daw nilang lumayo para makalimutan ang kanyang ama at magsimula ng panibagong buhay at doon nga sila napadpad sa bayan ng San Martin. Nagtulungan silang tatlo para mabuhay dahil wala naman silang ibang aasaan kundi ang isat-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
583.2K
bc

That Professor is my Husband

read
504.8K
bc

Married By Mistake

read
170.9K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.4K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.0K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook