Chapter 2

1733 Words
SUNOD-SUNOD na katok ang nagpagising kay Katrina. Nakaidlip pala siya pagkatapos maligo at suot suot pa niya ang medyo may kaiksiang itim na silk robe na bigay sa kanya ni Tamara noong unang araw niya sa bahay ng mga ito. Welcome gift daw nito iyon. Biniro pa nga siya nito na kapag naisipan niyang pasukin ang kuya nito sa katabing kwarto ay iyon daw ang isuot niya para walang kahirap hirap sa paghuhubad. Ginantihan naman niya ito ng birong sagot na kapag dumating ang araw na iyon hindi na siya mag-aabalang magdamit para wala nang huhubarin. Dali-dali bumangon si Katrina para pagbuksan ang kung sino man na walang balak tantanan ang pintuan nang kanyang kwarto. Ang nagsasalubong na kilay ni Bryan ang napagbuksan niya ng pinto. As usual sanay na siya doon. Kailan ba siya nito nginitian manlang? wala talaga siyang maalala. ''May sunog ba?'' naghihikab na tanong niya sa napagbuksan ng pintong binata. Paano ba naman kung makakatok ito ay parang nasusunog na ang buong barangay at siya nalang ang nasa loob ng kwarto at natutulog. Inaantok pa talaga siya at ang hapdi ng mga mata niya sa antok kung hindi lang ito nang estorbo sa kanya ay malamang deretso ang gagawin niyang tulog hanggang kinabukasan at wala na siyang balak pang maghapunan at mas gusto nalang niyang itulog nalang ang gutom. ''Bakit ang tagal mo magbukas ng pinto? Kanina pa nangangawit ang kamay ko sa kakakatok dito ah," masungit na sikmat nito sa kanya. ''Di ano pa... tulog po ako at sana natutulog pa ako ngayon kung hindi mo ako inistorbo,'' engos niya dito. Kahit papano ay hindi na siya masyadong takot dito. Nagagawa narin niyang pabalang na sagutin ito at hindi tulad noong nag-aaral palang sila ni Tamara. ''Paano ka ba matulog? Buong bayan nagising na yata sa katok ko pero ikaw tulog na tulog. Malala kapa sa mantika kung matulog." ''Pakialam mo ba sa tulog ko? Saka ano bang himala at kinakatok mo ako sa kwarto?'' naiinis na sagot niya dahil naestorbo ang tulog niya at tuluyan nang nagising ang diwa. Mahihirapan na naman siyang hulihin ang tulog niya mamaya na kasing ilap yata ng ngiti ng kaharap sa kanya. ''Tinawagan ko si Tamara para itanong kung nasaan yong polo ko na light blue at kailangan ko yon bukas ng umaga.'' Nagsasalubong parin ang kilay nito habang tinitingnan siya pataas at baba. Bigla naman niyang na-alala ang ayos at nacoconcious na pasimpling inayos ang roba na umangat pala at halos masisilip na ang itim niyang panty na tanging suot niya sa ilalim ng robe. Nakabakat din ang mayamang dibdib na halos kalahati na nang kaliwang dibdib niya ang nakalantad sa harap ni Bryan. ''Dika nalang naghubad..... Total halos ganoon din naman ang labas mo diyan sa suot mo--- Isipin pang may lalaki sa bahay na ito.'' Kahit napapahiya ay hindi nagpahalata si Katrina. '' Oh talaga, mayron? Nasaan?'' Sumilip-silip pa siya sa bandang likuran nito bilang pang iinis niya rito. Mukha kasing pinapalabas pa nitong sinadya niyang pagbuksan ito ng pinto na ganoon ang ayos. ''Watch your mouth young lady at wala akong balak na patulan ka.'' Pagkasabi niyon ay tumalikod na papuntang kusina. "Hoy, Mamang masungit at pinaglihi sa ampalaya. Wala rin akong balak na patolan ka." Naiinis na pabalibag niyang isinara ang pinto ng kwarto niya. Hanggang ngayon parin pala ay masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Inakala niyang nagbago na ang tingin nito sa kanya dahil pumayag pa nga ito na makitira siya sa bahay ng mga ito. Paglabas ni Katrina ng kwarto ay dala-dala na niya ang hinahanap ng binata na polo at ilan pang mga gamit nito na nilabhan niya. Nakabihis na rin siya ng maayos na pantulog, pajama iyon na may drawing na Winnie the Pooh at maluwag na puting t-shirt na may winnie the Poh rin sa harap. Hindi naman halata na paborito niya ang nasabing cartoon character. Nakita niyang ininit nito ang chicken tinula na niluto niya kanina. Walang salitang nilapag niya ang mga dala-dala niyang damit nito sa mesa sa sala. Bahala na itong mag-ayos ng mga iyon sa damitan nito at wala siyang balak na ipasok ang mga iyon sa kwarto nito kahit naba magkadikit lang ang pintuan ng kwarto nito at ng kwarto na ginagamit niya. Baka kung ano na namang masamang salita ang sabihin nito sa kanya kapag nakita nitong pumasok siya sa kwarto nito. ''Hindi kaba maghahaponan?'' tanong nito sa kanya nang mapansin siya nito. ''Hihintayin ko nalang si Tamara total ay pauwi narin iyon sabay nalang kami kakain.'' ''Kung hihintayin mo pa yon malilipasan ka na ng gutom dahil alas nwebe palang ngayon at mamaya pang alas onse ang uwian ng kaibigan mo. Dalawang oras kapang maghihintay.'' ''Wow concern....'' bulong ni Katrina sa sarili habang nagsasalin ng tubig sa baso. Sa halos dalawang Lingo niya na panunuluyan sa bahay ng magkapatid ay hindi pa nangyari na nagkasabay sabay silang tatlo kumain. Kahit si Tamara minsan lang makasabay ni Katrina sa pagkain. Pang gabi kasi ito sa pinapasukan nilang ospital ngayon at alas onse na ng gabi ang uwi nito. Siya naman ay pang umaga ngayon at madalas na tulog pa ito kapag pumapasok siya sa trabaho. Nagkakasabay lang sila nito maghaponan kapag sinasadya niya itong hintayin sa gabi. Si Bryan naman ay malamang na sa condo unit ito ng girlfriend nito madalas na naghahaponan at doon na rin siguro ito inaabot ng madaling araw. Madalas kasi ay naririnig niya ang sasakyan nito na dumarating ng madaling araw na. Sa araw ay busy naman ito sa proyekto nito sa bayan at buong araw itong hindi umuuwi. Maliban pa doon ay abala rin ito sa pinatatayong sariling bahay sa San Vicent. Malapit iyon sa dagat. Minsan na sila nakapunta doon ni Tamara noong ayain siya nitong magswimming. Bagong bili palang ng kuya nito ang lupa at mayroon lang maliit na kubong nakatayo roon. Hangang hanga talaga siya sa lugar na iyon. Sariwa ang hangin at ang linis ng tubig sa dagat. Sa sobrang paghanga niya sa lugar na iyon nasabi niya kay Tamara na pag-iipunan niyang makabili ng kapirasong lupa doon at papatayuan niya ng kahit maliit lang na bahay para sa ina at kapatid. ''Masama ang nagpapalipas ng gutom,'' paalala nito sa kanya na para bang hindi niya alam iyon. Naka-upo na ito at nagsasadok ng pagkain sa pinggan. Napasulyap si Katrina sa bakanting upuan sa harap nito may nakalagay na pinggan doon na sa tingin niya ay inilagay nito para sa kanya. Kahit nag-aalangan ay hinila niya ang katapat na upuan nito. Nagugutom naman na talaga siya at kung hihintayin niya pa ang kaibigan ay baka nagrarambulan na ang mga bulati niya sa tiyan dahil sa gutom. Higit sa inaasahan naging magana ang pagkain ni Katrina kahit na ngaba kalansing lang ng kutsara at tinidor ang tanging maririnig. Pwede pala silang magsama nito ng hindi nagbabangayan bastat huwag lang may magsasalita sa kanila. Nakita niya na maganang kumain si Bryan na sa tingin niya ay sarap na sarap ito sa luto niya. Alam niyang paborito nito ang chicken tinola. Madalas kasi noon na nagpapatira si Tamara ng lutong ulam sa nanay niya para iuwi at isa ang chicken tinola sa madalas nitong e request sa nanay niya dahil iyon daw ang isa sa paborito ng kuya Bryan nito. Nagprisinta si Bryan na ito nalang daw ang maghuhugas ng pinagkainan nila tinulungan niya ito sa pagpupunas ng mesang pinagkainan at pagtutuyo ng mga nabanlawan nang mga pinggan. "Alam mo cute ka rin pala basta nakasara lang ang matalas mong bibig at hindi nakalukot ang noo mo," Hindi niya napigilan na wika dito. Nilingon siya nito na automatikong kumunot na naman ang noo. "Aso lang ang cute. Tsaka magatagal na akong gwapo." "Wow ha. GGSS lang?" "Anong GGSS?" "Hindi mo alam ang GGSS? Ang GGSS ay gwapong-gwapo sa sarili. Grabe, 'yon lang hindi mo alam? Sabagay matanda ka na nga pala. Hindi mo alam ang mga nauusong salita ngayon." Sinamahan pa ni Katrina ng nakakalokong tawa na lalong ikinasimangot ni Bryan. "Hindi pa ako matanda. Limang taon lang ang tanda ko sainyo ni Tamara." "Oh lima lang ba? Nagkamali pala ako ng bilang. Akala ko ay trenta 'y syete ka na," nakatawang pang-iinis ni Katrina dito. Wala lang. Gusto niya lang itong pagtripan. Ang totoo kasi ay napapahiya siya sa sinabi niyang cute ito. Baka kasi isipin nito na crush niya ito. "Ah ganoon. Matanda pala ha..." wika nito sabay wisik sa kanya ng bula ng sabon sa kamay nito. "Hoyyy. Ang daya mo. Kakabihis ko lang..." ilag ni Katrina ngunit hindi tumigil si Bryan sa pagwiwisik ng bula ng sabon sa kanya kaya ginantihan narin niya ito at nakikuha ng bula sa lababo at winisik dito. "Hahaha. Akala mo ikaw lang ang marunong..." Hindi naman nagpatalo si Bryan. Mas pinag-igi pa nito ang pagwiwisik ng bula kay Katrina. Para silang mga bata na naglalaro at naghahabulan. Napuno narin ng tili at tawanan nila ang kusina. Dahil sa gantihan nila ay nagkalat na ang mga bula at basa sa sahig. Sa isang hakbang ni Katrina para sana kumuka ulit ng bula sa lababo ay nadulas siya at kamuntikan nang natumba. Mabilis naman siyang nasalo ni Bryan habang nakatawa parin. "I got you," wika nito. Si Katrina ay mabilis na nakakapit naman sa leeg nito ni Bryan. Parang eksena sa pilikula nagtama ang mga paningin nila. Parang biglang nagslow motion ang paligid at kay lapit ng mga katawan nila sa isa't isa.   Hindi alam ni Katrina kung dahil ba sa takot sa kamuntikan nang pagbasak ng likod sa sahig o dahil sa pagkakatitig sa kanya ni Bryan ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Si Bryan naman ay biglang nawala ang ngiti sa mukha ng mapadapo ang tingin nito sa dibdib na parte ng katawan ni Katrina. "Go get change. I'll clean the mess here..." Masungit nitong utos sa kanya matapos siyang ituwid ng tayo. Si Katrina ay napahiya noong makita ang sarili. Nabasa na pala ang suot na malaking t-shirt at bumakas na ang dibdib niya lalo at hindi nga pala siya nakasuot ng panloob dahil nga balak niyang bumalik sa pagtulog kanina. Hindi siya komportable na nakasuot ng bra kapag nasabahay lang. Naiinitan siya lalo at medyo may kalusugan ang mga alaga niya.   Kagat ang labi sa pagkapahiya na tahimik siyang tumalikod at bumalik sa sariling kwarto. "Harot-harot kasi!" paninisi niya sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD