Chapter 3

2426 Words
INAKALA ni Katrina magiging mas maayos na ang pakikitungo sa kanya ng binata. Ngunit lalo pa yata itong naging masungit sa kanya na parang matandang dalaga na may buwanang dalaw sa kasungitan nito sa kanya. Isang araw katatapos lang maligo ni Katrina at nakatapi lang siya ng puting tuwalya. Tinanghali na siya ng gising dahil pinuyat siya ni Tamara sa pakikipagkwentohan kagabi. Tuloy Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan niyang magdala ng bihisan. Tanging ang puting tuwalya ang mabilisan niyang hinugot mula sa pagkakasampay sa sandalan ng upuan ng tokador niya na nasa kwarto. Dahil sa pagmamadadi ay hindi niya namalayan ang palabas ni Bryan mula sa kwarto nito. Bumannga siya rito at dahil sa pagkabigla ay muntikan na siyang matumba, mabuti nalang at mabilis ang reaction ng kanang kamay at napahawak siya sa laylayan ng t-shirt nito. Si Bryan naman ay bagamat at nabigla ay mabilis siya nitong nahawakan sa baywang. ''Heyyyy... bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadana mo?'' ''S-Sorry late na kasi ako...'' nauutal na paghingi niya ng paumanhin. Paano ba naman ay liban sa pagkabigla ay parang natutulala pa siya sa pagkakakulong ng katawan sa mga bisig nito at higit pa roon ay parang may nararamdaman siyang bagay na matigas at tumutusok sa may tiyan niya. Bryan just woke up and having a morning erection. Mukhang papunta ito sa banyo ng magkabanggaan sila. Nang mapagtanto kung ano iyon ay may masarap na kilabot siyang naramdaman na lalong nagpatuliro sa kanya. Dahan-dahan siyang inalalayan ni Bryan na makatayo ng maayos. ''Bakit ba may palagay akong sinasadya mong maghubad sa harap ko?'' sabay nguso nito sa dibdib niya. Dahil sa nangyari ay natanggal pala ang pagkakabuhol ng tuwalya at naka expose na ang halos buong dibdib niya. Namumula ang magkabilang pisngi na inayos niya ang tuwalya. ''Wow ha? Itinutudo mo na talaga ang pagiging GGSS mo? Tsaka anong nerereklamo mo diyan? Swerte mo nga nakita mo na ang isang bagay na hindi pa nakikita ng iba,'' nakairap niyang wika dito sabay talikod. ''Really, I'm not so sure...'' pahabol na pang-iinsulto ng binata. ''If I know gustong gusto mo naman,'' humarap siya rito at itinuro pa niya ang p*********i nito. Pagkatapos ay pumasok na siya ng kwarto at ini lock ang pinto. Akala yata nito ay hindi niya alam iyon at mananahimik lang siya sa pang iinsulto nito sa kanya. Kapal ng mukha. Akusahan ba naman siyang sinasadya niya na nasa alanganing ayos siya sa ilang pagkakataon na nagkakaharap sila. --- ''BAKIT sandabakol iyang pagmumukha mo?'' tanong ni Tamara kay Katrina. Nasa kainan sila ng ospital at magkasabay na kumakain ng haponan. Absent ang isa sa mga kasamahan nilang nurse na pang gabi at may emergency daw kaya nagpresenta si Katrina na siya nalang ang papalit muna dito at kaya naman niyang mag straight ng work shift dahil day off naman nila kinabukasan ni Tamara. Baga man at magkaiba sila ni Tamara ng working time ay swerte naman at sabay ang day off nila at talaga namang pinagpapasalamat nila iyon na magkaibigan. Bago lang sila sa ospital na pinagtatrabahuan. Gustuhin man nila na magkasabay ng oras ng duty nila ay hindi sila makapagreklamu. ''Pano ba naman ang aswang mong kuya na saksakan ng bait sa akin ay hindi ko na alam kung matatagalan ko pang kasama iyon sa iisang bahay. Nakakaubos siya ng pasensiya,'' reklamo niya sa matalik na kaibigan. ''Friend, hindi kana nasanay kay kuya. Diba lagi naman kayong ganoon parang mga aso at pusa?'' pinagtatawanan nalang ni Tamara ang mga pagsusumbong ni Katrina sa kanya. Alam niyang hindi magkasundo ang dalawa at kapag nasa iisang lugar lang ang mga ito ay hindi pwedeng hindi ito nagbabangayan. Parehong mahalaga ang mga ito sa kanya. Ang kuya nalang niya ang nag-iisang pamilya na mayroon siya. Baga man at mahigpit ito sa kanya ay alam naman niya na mahal na mahal siya nito. Kapatid naman ang turin niya sa matalik na kaibigan. Ito ang partner niya in crime at laging taga ako at taga salo sa mga kalokuhan niya kahit na nga ito ang napapahamak sa kuya niya. ''Ano nanaman ba ang pinagtalunan niyo?'' curious na tanong ni Tamara kay Katrina na hindi pa rin maipinta ang mukha. Idinitalye ni Katrina ang nangyari kaninang umaga kung paano sila nagka banggaan ni Bryan at napahiya sa harap nito minus ang reaction ng p*********i ng kuya nito sa kanya at baka lalo lang siyang tuksuhin ng kaibigan. Nang matapos sa pagkwekwento si Katrina ay halos sumakit na ang tiyan ni Tamara sa kakatawa. ''Pinagtatawanan mo pa ako! Dapat dinadamayan mo ako dahil bff tayo,'' nakalabing sabi ni Katrina sa kaibigan. ''Of course kakampi mo ako kaya nga diba sabi ko sayo gayumahin mo nalang si kuya para bumait sayo. Alam mo ba may narinig ako na isa daw paraan para magayuma ang isang tao ay..." Lumingon ito sa paligid tapos ay inilapit ang mukha kay Katrina. "Painumin mo daw lagi ng pinanghugaw mo kay kumareng pipay." Sinabayan pa nito ng nakakalukong ngiti ang sinabi. ''Yuck. Kadiri! Kanino mo naman narinig 'yan?" natatawa na wika ni Katrina. "Narinig ko lang isa sa bisita noong isang pasyente. Iyong nagtangka magpakamatay dahil mukhang may ibang mahal na daw ang boyfriend niya. Tapos sinabi sa kanya noong friend niya na gayumahin niya para bumalik sa kanya ang pagmamahal nito. Narinig ko pa nga na mabisa rin daw na gayuma iyong hinubad na underwear noong guy ay ilalagay mo sa ilalim ng unan mo gabi-gabi. Masisira daw ulo noong guy sa kakaisip sayo." "Nako friend, ayaw ko nga. Saka hindi na tatablan ng kahit anong gayuma ang kuya mo. Aswang ang isang iyon at bato ang puso pagdating sa akin kaya kahit anong gayuma ang gamitin ko hindi tatalab doon. At ikaw ang may kasalanan ng lahat ng iyon!'' ''Relax! I'm sorry pero aminin mo hindi ko naman sadya ang iba sa mga iyon----'' Dahil nga palaging sinasalo ni Katrina ang matalik na kaibigan sa kuya nito sa mga ilang pagkakataon na nasa alanganing sitwasyon ang kaibigan kaya si Katrina ang sa tuwina ang napapasama sa mga mata ni Bryan. Sa pagitan ni Katrina at Tamara si Tamara ang ligawin. Baga man at pareho silang maganda mas pansinin si Tamara. Pala kaibigan kasi ito at laging naka ngiti samantalang takot ang mga lalaki kay Katrina. Masungit kasi siya tingnan at palaging seryuso. Kapag may nagtatangkang manligaw sa kanya ay sinusungitan niya na agad para tumigil. Studies at pamilya kasi talaga ang priority niya. Ngunit sa pagkaka alam ni Bryan ay kay Katrina ang mga manliligaw na iyon. Minsang palabas sila ng gate ng eskwelahan ay nakisabay sa kanila ang isang manliligaw ni Tamara na kung hindi siya nagkakamali ay Ken ang pangalan at isang accounting student sa kabilang building ng school nila.May bitbit itong boquet ng mga bulaklak at katamtamang laki na kahon ng mamahaling chocolate at inabot kay Tamara. Nang mapansin ni Katrina na nasa labas na ng gate si Bryan at sinusundo si Tamara ay bigla niyang inagaw ang bulaklak at kahon ng chocolate na noon ay hawak na ni Tamara, kumapit pa siya sa braso ni Ken na nabigla sa ginawa niya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Hindi nakita ni Bryan ang ginawa ni Katrina dahil nakatalikod ito sa kanila at mukhang busy ito sa babaeng kausap na halata ang pagpapacute. Nang humarap ito sa kanila ay tamang-tama namang nakakapit na si Katrina sa braso ni Ken at pabulong niyang ipinaliliwanag na kung paanong masasabon ang kaibigan kapag nalaman ng kuya nitong nagpapaligaw ang kapatid. Salubong ang mga kilay na pinagmamasdan naman ni Bryan kung paanong kapit na kapit si Katrina sa braso ng isang lalaki na kulang nalang ay magpakarga. Mukhang enjoy na enjoy ito habang ngiting-ngiti na nakikipagbulongan sa lalaki. Noong acquaintance party naman nila noong third year college sila ni Tamara. May nagpuslit sa mga kaibigan nila ng nakakalasing na alak at inilagay sa juice na inumin nila. Sinalo niya lahat ng baso na para sana kay Tamara kaya naman sa kanilang lahat ay siya ang pinaka nalasing. Hindi niya inakala na malalasing siya ng ganoon. Ilang baso lang iyon ng juice na may kaunting alak pero dahil sa hindi siya sanay uninom  kaya siya ang napuruhan. Fresh pa ang mga kaibigang nagsasayawan sa paligid samantalang siya ay hilong-hilo na talaga. Isang kaibigang lalaki ang tumulong kay Tamara para alalayan si Katrina na halos nakayakap na sa lalaki dahil hindi na makapaglakad ng deretso dahil sa kalasingan. Ihahatid pa sana siya sa bahay nila ng kaibigan nilang si Niel ngunit sinalubong sila ng galit na galit na si Bryan hindi paman sila nakakalabas ng gate ng eskwelahan at binuhat siya nito na parang sako ng palay at isinampa sa balikat nito hanggang sa bahay nila. Sa daan ay kung ano-anong masasamang salita ang sinabi nito sa kanya. "Kailan ka ba titino babae ka? Para kang pakawala kung kumilos. Wala ka bang respito sa sarili mo? Aba't hindi gawain ng matinong babae ang mga pinaggagawa mo ah." Habang galit si Bryan ay wala namang pakialam si Katrina na nakatulog na habang buhat-buhat nito. Si Tamara naman ay sinubukang magpaliwanag ngunit sa takot na ito ang pagbuntungan ng galit ng nakatatandang kapatid ay nanahimik na lang ito. Kinabukasan paggising ay inalmusal niya naman ang galit ng ina ngunit ng makapag paliwanag ay pinatawad naman siya nito at pinagsabihang huwag nang uulit. Nang minsan naman silang dumalo ni Tamara sa isang debut ng kaibigan nilang si Janice. May pinsan itong ubod ng yabang at kahit saan magpunta ang kaibigan niyang si Tamara ay sinusundan nito. Feeling ata nito dahil may hitsura at may kaya sa buhay ay madali nitong makukuha ang lahat ng babaeng magugustohan. Uuwi na sana sila para iwasan ang mayabang na lalaki ngunit nagpaalam muna si Katrina na makikigamit ng banyo at kanina pa niya pinipigil ang pantog niya at ihing ihi na siya. Sa kakaiwas naman ni Tamara sa lalaki ay nagtago ito sa kung saan. Paglabas ni Katrina sa banyo ay hinanap niya ang Kaibigang si Tamara sa mga kasamahan nila kanina sa mesa. May isang nagturo na nakita raw nitong nagpunta si Tamara sa may likod na bahagi ng garden. Sinundan niya ito roon ngunit ang mayabang na lalaki ang nabungaran niya doon. Siguro ay hinahanap rin nito si Tamara. Mukhang nakainom ito at gumigiwang pa sa paglalakad at dahil medyo madilim ang bahaging iyon ay napagkamalan siya nitong si Tamara. Bigla siya nitong hinatak at napasandig siya sa kung anong puno doon. Baga man at nabigla ay nagpumiglas si Katrina at noong sisigaw sana siya ay biglang tinakpan nito ang bibig niya ng isang kamay nito. ''Ngayon wala ka nang kawala babae ka at kanina mo pa ako pinahihirapan sa kakasunod sayo,'' mala demonyong sabi nito. Amoy na amoy ni Katrina ang mabahong hininga nito dahil sa alak. Sinubukan niyang makawala ngunit hawak pa rin nito ang braso niya at diniinan pa nito ang pagkakatakip sa bibig niya. Nang sa tingin niya ay dadapo na ang mga labi nito sa leeg niya ay may biglang humatak dito at sabay pakawala ng kanang kamao, sapol ang lalaki sa kaliwang pisngi natumba pa ito at bago pa ito naka tayo ay tinadyakan pa ito ng lalaking sumuntok dito sa tiyan. Natutulalang hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan niya si Katrina. Tumitili naman ang Kaibigan niyang si Tamara na umagaw ng pansin ng mga tao sa party. Naglapitan ang mga ito sa kanila at ang iba ay inawat ang lalaking bumubugbog sa bastos na lalaking gusto siyang gawan ng masama. Ikinagulat ni Katrina nang mapagsino ang lalaking tumulong sa kanya. Naniningkit ang mga mata ni Bryan sa galit at hinatak siya nito paalis sa parting iyon. Nakasunod naman si Tamara sa kanila na katulad niya ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Noong nasa sasakyan na sila ay nalaman niyang umikot pala ang kaibigan at pumasok sa likod na pinto ng malaking bahay ng kaibigan nila na siyang may debut para makaiwas sa manyakis na lalaki. Paglabas nito ay tamang naroon na pala ang kuya Bryan nito at sinusundo na sila. Hinanap siya ng mga ito sa mga kasamahan nila at itinurong nagpunta siya sa may bandang likod para sundan si Tamara. Nagprisinta si Bryan na siya nalang susundo kay Katrina at maghintay nalang si Tamara sa sasakyan ngunit sumunod si Tamara kaya nakita rin nito kung ano ang nangyari. ''Kung hindi ka sana nagpapakita ng motibo sa mga lalaki ay hindi mangyayari sayo yan,'' galit pa ring bulyaw ni Bryan sa kanya na siyang driver ng sasakyan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela na para bang doon ibinubuhos ang galit nito. Si Katrina ay nanginginig pa rin sa takot. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya. Kung nahuli siguro si Bryan ng dating baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Niyakap naman siya ni Tamara na nanginginig din sa takot. Batid nitong para sa kanya dapat ang dinanas ni Katrina dahil siya ang punterya ng manyakis na lalaking iyon. ''How dare you accuse me of being a flirt!!!'' Nanggigigil na sagot ni Katrina kay Bryan. Alam niyang malaki ang utang na loob niya dito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya pero hindi naman siguro tama na akusahan siyang nagpapakita ng motibo sa mga lalaki kaya niya dinanas iyon. "Oh e hindi ba? Bakit iba ang sinasabi ng mga nakikita ko?" "Wala kang alam. Kaya huwag kang umakto na kilala mo talaga ako. Hindi ako masamang babae katulad ng gusto mong palabasin," umiiyak niyang pagtatanggol sa sarili. "Then, prove me wrong?"   Mula ng gabing iyon ay naging parang aso at pusa na sila. Laging nagbabangayan at wala nang matinong usapan sa pagitan nila. Hindi narin nagsubok si Katrina na ilapit ang sarili dito. Lalo ang itama ang mga maling akala nito sa kanya. ''Akitin mo nalang si Kuya friend o di kaya magkunwari kang naligaw ng kwarto at pasukin mo siya ng naka hubad habang natutulog sa kwarto niya. Sa tingin mo sisigaw 'yon ng rape kapag pinasok mo siya sa kwarto? Sigurado akong hindi. Minsan kaya nahuhuli ko 'yon na nakatingin sayo.'' Pukaw ni Tamara sa naglalakbay na isip ni Katrina. 'Alam mo ikaw. Kaibigan ba tagala kita? Bakit para ikaw pa ang gustong magtulak sa akin sa kapahamakan? Saka itatapon ako niyon palabas ng bahay niyo kapag ginawa ko 'yon." "Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko parang crush ka ni kuya. Baka defense mechanism niya lang iyong pagsusungit niya sayo." "Ay nako. Tigilan mo ako. Ayaw ko. Ang ganda ko naman yata para mamikot ng masungit na intsik," wika ni Katrina sabay tawa na ikinatawa rin ni Tamara.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD