25

1490 Words
Aurora Nang mapatahan ako ni Sir Raphael ay kaagad niyang sinipat ang katawan ko. Nakapagtatakang kahit na naramdaman ko ang paglagutok ng mga buto ko nang ihagis ako ng nilalang na ‘yon, wala akong nararamdamang kung ano mang sakit sa katawan ko ngayon. Kunsabagay, simula pagkabata ay gano’n na ang katawan ko. Mabilis gumaling ang mga sugat at bali ko. Sabi ni Mama, mana raw ako kay Papa. Pero ngayon, pinagdududahan ko na kung sinong Papa ang totoong tinutukoy niya. Nabaling ang atensyon ko kay Sir Raphael nang muli kong maramdaman ang mainit niyang palad sa pisngi ko. Bahagyang namumugto ang mga mata niya at halatang malapit na naman siyang umiyak. Pabiro kong pinitik ang ilong niya. “‘Wag kang iiyak, Sir, buhay pa naman ako…” Buong puso kong tinanggap ang halik niya. May kaunting dahas ‘yon. Para bang uhaw na uhaw. Na para bang kapag pinakawalan niya ako, bigla na lang akong maglalaho sa paningin niya. Sandali ko siyang tinulak. “Sir…” “Raphael… call me Raphael, please…” bulong niya habang hinahanap ng mga labi niya ang sa ‘kin. “Gusto kong marinig ang boses mo na tinatawag ang pangalan ko. Paramdam mo sa ‘kin na hindi kita nawala sa ‘kin, Aurora…” Nagtama ang aming mga mata. Marahan kong dinama ang bawat guhit sa mukha niya, hanggang sa bumaba ‘yon patungo sa kanyang mga labi. Sa isang iglap ay nawala lahat ng mga iniisip ko. Nakalimutan ko kung paanong kanina lang ay pinanood ko siyang gutay-gutayin ang nilalang na ‘yon sa harapan ko. Kung paanong ang nakakatakot niyang ang malalaki niyang pakpak ay halos sumakop na sa buong ikalawang palapag ng bahay ko. Hindi ko alam kung ano siya. O kung dapat bang pagkatiwalaan ko ang tulad ni Raphael Aguilar. Maaaring sa isang iglap, bigla na lang niyang baliin ang leeg ko. Pero siguro ay mas nanaig ang tawag ng laman at puso naming dalawa no’ng gabing ‘yon, dahil nakita ko na lang ang sarili ko na hinahagkan siya nang paulit-ulit. Dahan-dahan kaming napahiga sa sahig, hindi alintana ang lamig n’yon. Umibabaw ako sa kanya habang mataman niyang pinagmamasdan ang mukha ko. “Go ahead, Aurora…” masuyong sabi niya bago hinawakan ang balakang ko. “Show me you’re still here…Show me how you want me now…” Bumaba ang kamay ko mula sa balikat niya, patungo sa kanyang dibdib at tyan na parang nililok galing sa bato. Kahit na ilang beses ko na ‘yong nakita ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mamangha at makaramdam ng pagnanasa sa ganda ng pagkakahubog ng katawan niya. Siya na ang nagpunit ng suot niyang t-shirt. Bahagya kong ikiniskis sa umbok sa pagitan ng mga hita niya ang hiwa kong kanina pa namamasa. Kumawala ang isang malalim na ungol mula sa bibig ni Sir Raphael. Humigpit ang hawak niya sa balakang ko, dahilan para makaramdam ako ng kakaibang sensasyon. Minasahe niya ang balakang ko habang patuloy ang pagkiskis ko sa alaga niya. Para na naman akong naengkanto at kusang gumalaw ang kamay ko para ibaba ang suot niyang slacks. Habol ni Sir Raphael ang kanyang hininga. Siguro ay dala na rin ng panginginig ng kamay ko ay hindi ko maalis-alis ang pagkakasuot ng pantalon niya kaya naman tinulungan niya na ako. May halong kasabikan ang mga galaw namin. Lalo na nang ibaba ko ang natitirang saplot sa katawan niya at ipagpatuloy ang ginagawa kong pag-indak sa ibabaw ng kanyang katawan. Inaral niya ang ritmo ng katawan ko. Ilang sandali pa, pinapapasunod niya na nang kusa ang balakang ko, hanggang sa maramdaman ko ang pagpulandit ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita ko. Naupo si Sir Raphael. Hinagkan niya akong muli. “Let’s wash up first, then stay in my villa for the meantime. Hindi ligtas dito, Aurora…” Sinunod ko ang nais niya. Alam ko rin naman na mukhang hindi rin magiging maganda kung mananatili pa ako sa bahay ko gano’ng muntik na ‘kong kainin ng nilalang na ‘yon. Ang hindi ko lang gustong malaman e kung may susunod pa ro’n… At kung may malakas pang uri ng nilalang ang gagambala sa ‘kin. Bakit ako? Bakit sa dinami-rami ng mga tao sa mundo, ako pa ang— “Alam ko na maraming gumagabala sa isipan mo,” pukaw ni Sir Raphael sa atensyon ko habang nakaupo kami sa loob ng bathtub. Masuyo niyang sinasabon ang katawan ko. Malamig ang tubig, pero ‘di ko na ‘yon maramdaman sa init ng katawan niya. “Magtanong ka lang. Susubukan kong sagutin lahat.” Matagal bago ako nagsalita. “Ano… ano ‘yong nilalang na umatake sa ‘kin kanina? Hayop ba ‘yon? Pero nakakapagsalita at nakakapaglakad siya na parang tao—” “Aswang,” tipid na sagot niya. “Siguro naman ay pamilyar ka sa kanila. Iba-iba ang tawag sa kanila sa iba’t ibang kultura, pero iisa lang ang gusto nila. Laman ng tao. Do’n sila humuhugot ng kanilang lakas.” “Pero bakit… bakit ako? ‘Di ba, kapag Aswang, madalas na biktima nila e buntis, baby, o may sakit? Hindi naman ako buntis at mas lalong wala akong sakit…” Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa ‘kin. “Gusto ka nilang biktimahin dahil sa ‘kin, Aurora… Kaya patawad… Dapat pinag-isipan ko muna nang maigi bago kita nilapitan.” Sinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko. Marahan kong sinuklay ang buhok niya. “Ipaintindi mo lang sa ‘kin. Hindi naman ako galit, ayoko lang na wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko…” Kinuha niya ang palad ko at masuyo ‘yong hinalikan. “Hindi ako tao, Aurora… Isa akong Mandaragit. Kalahati ng pagkatao ko ay sa ibon, at kalahati ay sa tao. Pangunahing responsibilidad namin ang protektahan ang balanse ng mundo. Hinihigop namin ang enerhiya at kaluluwa ng kahit na sinong magtangka na baliin ang balanseng ‘yon. Ilang daang taon ko na ‘yong ginagawa at sa susunod na eklipse, ako na ang papalit sa aking ama sa trono ng Hari ng mga Mandaragit.” “Mandaragit?” ulit ko, habang pilit na pinoproseso sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya. “Hari? Kung gano’n, ikaw ang prinsipe? Ano namang kaugnayan ko—” “Bawat isang nilalang na nabubuhay sa mundong ‘to ay may kabiyak, kauri man nila o hindi. At sa ilang bilyong tao sa mundong ‘to, ikaw ang nakatakda sa ‘kin, Aurora… Ikaw ang kabiyak ko. Kaya naman gusto kang masaktan ng mga Aswang na ‘yon. Alam nila na ikaw ang kahinaan ko at susunugin ko ang buong mundo sa oras na may mangyaring masama sa ‘yo.” “Kabiyak… parang soulmate?” tanong ko uli. “Kung gano’n…” Napatingin ako sa kanya. Sa dami ng nalaman ko ay ‘yon lang ang tumatak sa kukote ko. Siya ang soulmate ko. Ang nakatakdang makakasama ko habang-buhay. Bakit kahit na sinabi niya ‘yon sa ‘kin, hindi pa rin makampante ang puso ko? Na para bang kahit anong oras, masasaktan niya ako? Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. “Ang lalaki sa panaginip mo at ang lalaking aangkin sa ‘yo, walang iba kundi ako, Aurora. At gusto ko na hanggang sa huling hininga ko, ikaw at ikaw pa rin ang makakasama ko.” Mas lalong gumulo ang isipan ko. Marami mang nasagot, lalo lang din dumami ang tanong. “Pero… kung ilang daang taon ka nang nabubuhay, paano kapag tumanda ako? Paano kung mamatay ako? Hindi naman ako katulad mo na makapangyarihan at—” “Aurora, wala akong pakialam kung mas maikli ang buhay mo kaysa sa ‘kin. Kung makakahanap lang ako ng paraan, bibitawan ko ang mahabang buhay ko para lang makasama ka. Ikaw ang mahal ko. Ang tagal kong hinintay na makilala ka, na mahawakan at mahagkan kita… At kung kapalit man no’n ay ilang daang taon ng kalungkutan, handa akong sumugal…” “Pero Raphael…” bulong ko habang sinusubukang kumawala sa pagkakayakap niya. “Tao lang din ako. May hangganan ang lahat ng meron ako. Paano kung hindi kita magawang mahalin nang pabalik? At paano kung masaktan mo ako?” Napalunok ako nang makita ang sinseridad sa kanyang mga mata. “May kakayahan kami ni Azul na… bumura ng mga alaala. ‘Yon ang ginawa niya sa ‘yo no’ng unang beses na makita mo ang totoo kong anyo. Kung sakali man na gusto mong maging malaya, o kung sakaling masaktan kita at mawala ang pagmamahal mo sa ‘kin, handa akong burahin lahat ng alaala mo tungkol sa ‘kin at sa pagkatao ko… at puputulin ko ang tadhanang nagkakabit sa ‘ting dalawa. Pangako.” Nabahiran ng paghihirap ang kanyang mga mata. “Mas gugustuhin kong magdusa mag-isa kaysa naman makita kang miserable kasama ako, mahal ko…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD