Aurora
Nang makabalik akong muli sa trabaho ko sa hotel, nalaman ko na nilipat ako ni Raphael para maging panandaliang sekretarya ni Sir Azul. Pero sa oras na matapos ang proyekto ko sa kanya, babalik ako sa pagiging sekretarya ni Raphael, kahit na sa hanggang matanggal lang ang init ng mgata ng tao sa aming dalawa. Personal kong ni-request ‘yon sa kanya dahil na rin ayaw ko na magkaroon ng komplikasyon sa trabaho dahil sa personal naming relasyon sa isa’t isa.
Hinayaan ko na ang sarili ko na buksan ang puso ko sa kanya. Sa totoo lang din naman ay huli na rin para isipin ko pa ang tungkol sa mga bagay na ‘yon gano’ng ilang beses niya na akong inangkin. Nakatira na rin kami sa ilalim ng iisang bubong.
Alam ko na rin ang pagkatao niya.
“Alam mo, Oryang, halos mabaliw pinsan ko kakahanap sa ‘yo. Antagal mo naman kasing um-absent!” mahinang kwento sa ‘kin ni Sharlene habang kumakain kami ng tanghalian. Saglit siyang luminga bago inilapit ang bibig niya sa tainga ko. “Alam mo, kung ‘di lang ako inutusan ni Sir Azul na ipagkalat na nasa business trip kayong tatlo kasama ang isa sa mga execs na mag-asawa, panigurado tampulan ka na ng chismis ngayon!”
Ngumiti ako at niyakap siya. “E ‘di thank you sa best friend kong pinaka-loyal sa buong balat ng lupa!”
Inirapan niya ako bago itinuloy ang pagkain. “Basta libre mo ‘tong lunch ko, ha.”
Mahina akong tumawa bago tumango. Dahil na rin sa nangyari, nalaman ko na nitong mga nakaraang araw ay madalas na nagkikita si Sir Azul at Sharlene. Pero kahit na anong pilit kong tanong sa kanya, hindi siya umaamin kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Pero ano nang mangyayari sa ancestral house ng tita mo, Oryang? Mukhang ‘di na rin maganda na bumalik do’n, kung gan’yan lang din na nalolooban ka.”
Hindi ko pa nakaklaro kay Sharlene ang totoong nangyari. Maski na rin ang nakita ko sa basement ng lumang bahay. Maliban sa alam kong hindi siya maniniwala, kakailanganin ko ring sabihin sa kanya ang katauhan ng mga amo namin.
At hindi ko alam kung saan at anong klaseng diksyonaryo ako hahanap ng tamang salita para lang mapaintindi sa kanya ‘yon.
“Hindi ko pa alam, e. Balak ko iwan muna na gano’n. Isa pa, sabi naman sa ‘kin ni Raphael na nagpadala na siya ng mga tao ro’n na magre-repair. Matatagalan nga lang kasi papalagyan niya raw ng modern electronic lock,” pagsisinungaling ko.
Napansin ko ang bahagyang pagngiti ng mga labi ni Sharlene. Humigop siya ng kape. “Taray, wala na ‘yong Sir. Parang dati lang, sinampal mo siya kasi gusto kang ibahay, ah.”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. “Siya ang may gusto no’n, ‘di ako. At saka marami na siyang naitulong sa ‘kin. Sa bahay niya na ako nakatira. May nangyayari na sa ‘min. Sa puntong ‘to, para namang awkward kung tatawagin ko pa rin siyang Sir, ‘di ba?”
“So, anong score n’yo? May label na ba?”
Natigilan ako. Hindi ako umimik. Sa halip ay inubos ko lang ang pagkain ko. Napasimangot si Sharlene.
“Oryang, alam mo may katangahan ka rin na taglay e, ‘no? Ayaw mong pumasok sa relasyon kasi baka magaya ka kay Tita Ada, pero payag ka sa no-label relationship? Sira ka ba—”
“Ako ang nag-request no’n, Shar. Hindi siya,” tahimik kong kontra sa kanya.
“At sa tingin mo mas maganda ‘yon? Naku, Aurora, ha. Sinasabihan na kita. Kapag ikaw, nasaktan ka…”
Nang matapos kaming kumain ay sabay kaming nagtungo ni Sharlene sa elevator. Sabi niya kasi sa ‘kin na may pinapagawa sa kanya si Sir Azul, at inabisuhan siya na magpunta sa opisina nito. Habang inaantay namin ang pagbaba ng elevator sa ground floor ay naramdaman ko ang pamilyar na presensiya na galing sa likuran ko. Bago pa man ako makapagsalita ay nakita ko na inabot ni Raphael ang button ng elevator para tawagin ito.
“Same floor, ladies?” tanong niya. Hindi ko siya nilingon, kahit na ramdam ko ang malagkit niyang titig sa ‘kin.
“Y-yes, Mr. Aguilar,” tahimik kong usal. Langhap na langhap ko ang pabango niyang nakalalasing. At kahit na hindi ko siya lingunin, ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan. Na para bang napakaliit ng distansya sa pagitan naming dalawa.
Nang lingunin ko si Sharlene para sana kausapin, napansin ko na magkatabi sila ni Sir Azul at may pinag-uusapang sa tingin ko ay sa trabaho. Pinagsalikop ko ang mga palad ko at tahimik na hinintay ang pagbaba ng elevator.
“Hindi ka ba nagtataka bakit umaaligid si Azul sa kaibigan mo?”
Napapitlag ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Napaubo ako bago bahagyang lumayo. “Hindi na po sakop ng concern ko ang professional duties ng kaibigan ko, Sir.”
Kahit na hindi ko siya lingunin ay alam kong nakangisi si Raphael. “Siya ang tinakda kay Azul, kagaya mo sa ‘kin. And once I sit on my throne…” Mahina siyang tumawa. “You’ll be my Queen… and Miss De Guia right here would be forever beside you. That is, kung hindi magpapaka-torpe ang kapatid ko. Does your friend like forward men?”
Napalunok ako nang bahagya kong maramdaman ang pagdaan ng daliri niya sa likod ko. “Raphael Aguilar, nasa trabaho tayo…”
Lalong lumapad ang pagkakangisi niya. “Then how much longer should I wait to be able to talk to you, my love?” Mahina siyang tumawa. “Kapag nakauwi tayo, ungol na lang ang maririnig ko sa mga labing ‘yan.”
Ramdam ko ang dami ng mga matang nakatingin sa amin. Ngunit tila walang pakialam si Raphael doon, dahil pagkababa na pagkababa ng elevator ay hinila niya ako papasok at pumuwesto kami sa pinakasulok na bahagi n’yon.
Napansin siguro ni Sir Azul ang kakaibang tensyon sa pagitan namin ng kapatid niya dahil pagkapasok nila ni Sharlene ay sinara niya na kaagad ang elevator, kahit na may nakita akong humahabol na housemaid.
Tahimik sa loob, maliban sa maingay na sigaw ng puso ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang matinding kaba, na baka may makahuli sa amin, at matinding kapanabikan na makauwi na at makasama siyang muli.
Pinaliwanag na ni Raphael sa ‘kin na kaya raw ako parang uhaw sa s*x ay dahil nakita na namin ang isa’t isa. Sabi niya, sa oras na nagkatagpo ang dalawang soulmates, mahirap mapigilan ang mga emosyong mamamagitan sa kanilang dalawa, at kasama na ro’n ang pagnanasa.
Isa pa, mating season daw ng lahi nila ngayon. Kaya naman kahit na gusto naming pigilan pa, malakas ang—
“Raphael,” mahina kong tawag sa pangalan niya nang maramdaman ko ang braso niyang pumupulupot sa beywang ko. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at tahimik na nagtanim ng mga mumunting halik doon habang binababa niya ang kuwelyo ng uniporme ko. “May ibang tao sa elevator. Behave.”
“If I behave, will I get a reward?”
Tumango ako. “Malapit nang mag-uwian. Just hold on for a bit—”
“I’m impatient,” pilyong sabi niya. “Baka hindi ako makahintay.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang bumaba ang kamay niya sa laylayan ng suot kong palda. Nakapako ang mga mata ko sa dalawang kasama namin sa elevator. Napansin siguro ‘yon ni Raphael, kaya naman tumigil siya sa ginagawa niya. Inayos niya ang damit ko.
“Don’t worry. Hindi ako gagawa ng bagay na hindi ka komportable, mi amor.”
Napatuwid kami ng pagkakatayo at bahagyang napalayo sa isa’t isa nang tumigil ang elevator sa isang palapag at may ilang intern na sumakay. Sumeryoso ang mukha ni Raphael. At…
Napatingin ako sa kamay niya nang maramdaman kong magtama ang mga daliri namin. Pinaglaruan niya ang mga daliri ko habang nakatitig pa rin sa unahan. Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon para hawakan ang kamay niya.
Napansin ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. At sa gitna ng siksikang elevator na ‘yon, bahagyang nakampante ang puso ko, na baka…
Baka nga hindi ako matutulad kay Mama.