9

1424 Words
Aurora Iniwasan ko si Sir Raphael simula noong pagtatalo namin na ‘yon. Gano’n din siya. Kung hindi man niya iuutos kay Sir Azul ang kung ano mang kailangan niya sa ‘kin, e ilalapag niya lang ‘yon sa lamesa ko, sandaling magbibigay ng instructions, bago lalayas. Alam ko naman na amo ko siya, at dapat kong sundin ang bawat utos niya. Sabi nga nila, batas ang bawat salita ng isang Aguilar. Pero… tama pa ba na alukin niya akong ibahay, at diktahan ako sa kung sino ang pwede at hindi ko pwedeng kausapin? Nabalitaan ko na lang kay Sharlene na nilipat si Gideon sa night shift kahit na kakagaling niya lang sa coma. Kahit na hindi ko siya gustong maging nobyo, parang kalabisan naman ata ang reaksyon ng amo ko sa kanya. “Day off mo na pala bukas, ‘no? ‘Di ba pupunta ka ng doktor?” tanong ni Sharlene sa akin habang nagtatanghalian. Tumango ako. “Kailangan ko na mapatingnan sarili ko. Baka mamaya may sakit na pala ako, hindi ko pa alam.” “Sige, sasamahan na kita. Para makapasyal din tayo, antagal na kitang hindi nakakasama, e!” Tumawa ako. Totoo naman. Simula noong maging sekretarya ako ni Raphael Aguilar, halos tuwing tanghalian na lang kami nagkikita ni Sharlene. Minsan pa nga, sa sobrang pagkaabala, hindi na talaga kami nagkakasabay pa. “Anyway, pansin ko lang… Bakit hindi yata unaaligid sa’yo si Bossing ngayon? Parang palaging nasa lunch meeting silang dalawa ni Sir Azul pero hindi ka sinasama.” Nagkibit balikat ako. “Ewan ko. Kung ano lang inuutos niya ‘yon lang ang sinusunod ko.” Sumibol ang pagkairita sa dibdib ko nang makita ko ang makahulugang titig ni Sharlene sa ‘kin. “Sows, e parang no’ng kakabalik lang ng pinsan ko e kulang na lang pilipitin niya ‘yong leeg no’n sa selos.” “‘Wag mo na nang ipaalala ‘yon! Hanggang ngayon, naiirita pa rin ako,” asar na sabi ko habang kumakain. “Bilib din ako sa pagka-manhater mo e, ‘no? Isipin mo ‘yon, si Sir Raphael na ‘yon, Oryang. Kung ako ang ginano’n niya, baka hindi na ko nagdalawang isip pa. Bubukaka na lang ako,” humahagikhik na sabi niya. Sinabunutan ko siya. “Tarantada! Kaya ka palaging naloloko ng jowa mo, e.” Humugot ng buntonghininga si Sharlene bago ako tinapik sa balikat. “Pero bakit ka kaya nakursunada no’n, ‘no? Samantalang andami nating mga katrabahong kulang ba lang magladlad para mapansin lang no’ng magkapatid na ‘yon.” “Sus, alam mo naman ‘yang ibang mga lalaki d’yan, naghahanap ng trophy. The more na mahirap makuha, mas malaki ang premyo,” wala sa loob na sagot ko. Bakit gano’n? Kahit na posibleng kaya ako pinagdidiskitahan ni Sir Raphael ay dahil alam niya ang reputasyon ko, bakit may nararamdaman pa rin akong bigat sa dibdib ko? “Miss Dela Vega, tawag ka ni Raphael sa office. Ngayon na raw,” bungad ni Sir Azul sa akin na ikinaigtad namin pareho ni Sharlene sa mga kinauupuan namin. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin? Kaagad akong tumayo at sumunod. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla na lang huminto si Sir Azul dahil may kailangan daw siyang sabihin kay Sharlene, bago ako iniwan. Kahit na kakabog-kabog ang dibdib ay wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa opisina ni Sir Raphael nang mag-isa. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng kanyang lamesa, tahimik na kinakagat ang dulo ng ballpen na kanyang hawak. Binabasa niya ang mga report na pinasa ko kaninang umaga, habang natatakpan ng manipis na salamin ang mga mata niya. Tama naman si Sharlene. Guwapo si Sir Raphael, at siguro nga, kung iba-iba lang ang sekretarya niya, matagal na ‘yong nagladlad sa harapan ng lalaki at bumukaka. Napaangat siya ng tingin nang marinig ang mahinang pagsara ng pinto. Walang ngiti na dumiretso ng pagkakaupo si Sir Raphael. “Good, you're here. I need revisions on the reports. Lumapit ka para maituro ko sa ‘yo.” Naglakad ako patungo sa gilid ng lamesa at tahimik na pinanood kung paano niya ituro sa ‘kin ang mga dapat kong baguhin sa report. Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na diskusyon nang may pumasok na housekeeper ng hotel, may bitbit na tray na may dalawang baso ng kape at plato ng lady fingers. Pagkatapos mailapag ng babae ang tray ay mabilis din itong lumabas. Sakto namang nakatanggap ng tawag si Sir Raphael, dahilan para sandali niya akong talikuran. “Mag-break ka muna, Miss Dela Vega. I'll answer this call first,” sabi niya bago nilagok ang isang basong kape at inilapag ‘yon sa lamesa. Kahit na hindi naman nagugutom ay sinunod ko na lang din siya at tahimik na pumuwesto sa isang sulok, habang kinakain ang meryenda. Hindi ko pa man nauubos ang kape ay naramdaman ko na ang pagkalat ng init sa katawan ko, lalo na sa puson ko. Para bang may nagbuhos ng gasolina sa akin at bigla na lang akong sinilaban. Inayos ko ang uniporme ko at napatingin sa aircon. Mababa na ang temperatura no’n, pero bakit init na init pa rin ako? “Let's continue,” bahagyang garagal ang tinig na tawag ni Sir Raphael sa ‘kin bago siya bumalik sa kanyang upuan. Kahit na nararamdaman ko ang kakaibang sensasyon sa puson ko ay pinilit ko pa ring tumayo at lumapit sa kanya. Kaagad kong napansin ang pagluluwag niya ng necktie niya. Na para bang naiinitan din siya. Tumikhim ako. “Sir, baka kailangan na nating ipatingin ‘yong aircon mo sa technician natin.” Tumango si Sir Raphael. “Baka nga…” Ngunit bago pa man ako makasagot ay naramdaman kong muli ang kakaibang sensasyon sa puson ko. Bahagya akong namilipit at tahimik kong pinag-ekis ang mga binti ko para lang mapigilan ang kung ano mang nararamdaman ko noong mga oras na ‘yon. Ngunit kahit na anong pigil ko pa, hindi ko na nasikil pa ang mahinang ungol na kumawala sa bibig ko nang bahagyang tumama ang aking hita sa kanto ng lamesa ni Sir. “Miss dela Vega?” takang tanong niya. “What's wrong? I—” Napangiwi rin siya at bahagyang nasapo ang kanyang puson. Mabilis niyang tiningnan ang baso ng kape niya na ngayon ay said na ang laman. Nakita namin ang isang tila ugat ng halaman na nakahalo ro’n. Sinipat ‘yon ni Sir Raphael at mahinang nagmura. “Sinong naglagay ng aphrodisiac sa kape?” may halong galit na sabi niya. Napatayo si Sir Raphael at akmang lalabas sana ng silid ngunit kaagad siyang napatigil nang bumigay ang mga tuhod ko at natumba ako sa carpet na sahig. Nang masalo niya ako ay dinala niya ako kaagad sa upuan at pinahiga ro’n. “Sir…” impit na tawag ko sa kanya. “Anong…” “Alam mo naman siguro kung ano ang aphrodisiac, ‘di ba?” may halong taranta na sagot ni Sir Raphael. Napansin ko ang pamumula ng balat niya, pati na rin ang palalim niyang paghinga. “D’yan ka lang. Susubukan kong maghanap ng antidote, kaso…” “Kaso?” “Oras pa ang aabutin para madeliver ‘yon dito. At ‘yong epekto ng halaman na ‘yon, lumalala habang lumilipas ang oras…” Halos matanggal ko na ang dekorasyong butones ng uniporme ko sa tindi ng init na aking nararamdaman. “So ‘yon na ‘yon? Wala bang ibang lunas?” may halong inis na tanong ko. “Meron, pero…” Naipikit ni Sir Raphael ang mga mata niya nang mariin at umiwas ng tingin. Napahawak siyang muli sa puson niya at tahimik ‘yong hinilot. “No, we’ll get the antidote—” “Ano nga muna ‘yong isang lunas?” pamimilit ko. “Ayoko namang magdusa ng ganito sa loob ng ilang oras, ‘no! Isa pa, apektado ka rin, Sir—” “It's s*x, okay? s*x!” inis at naiilang na sigaw niya. “Seriously, hindi mo ba alam kung ano ang aphrodisiac? Kung hindi ka m************k e kailangan mo ng pangkontra, at alam natin pareho na ayaw mo no’ng unang option kaya—” Siguro ay dala na rin ng matinding pakiramdam na lumukob sa akin noong mga oras na ‘yon ay hindi ko na napigilan pa anh sarili ko na hilahin ang kuwelyo ng amo ko at mariin siyang hagkan sa labi. “Aurora—” “Andami mong satsat,” bulong ko bago siya hinila papalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD