18

1305 Words
Aurora Lalo akong kinabahan nang makabalik kami ni Sharlene sa mall ay hindi na namin nakita si Mang Jose. Kahit na ipagtanong pa namin siya ay wala ring makapagsabi kung nasaan ang matanda, dahil madalas daw talaga itong mag-ikot at ilang linggo ring nawawala sa puwesto nito sa mall. Bigo kaming umuwi ni Sharlene. Nang makapasok ay una kong napansin ang ibon na para bang gutom na gutom, kaya naman kumuha ako ng kaunting bigas at tubig para ipasok sa loob ng hawla. Nang makita ko na kumakain na ang ibon ay binalingan ko naman si Sharlene na para bang natatakot do’n. “Oh, e bakit gan’yan mukha mo? Akala ko ba hindi ka naniniwala sa engkanto?” asar ko sa kanya bago pagod na naupo sa sofa. “Seryoso ka talaga na aalagaan mo ‘yan?” tanong niya sa ‘kin. “E paano kung—” “Shar, ibon lang ‘yan,” saad ko. “Isa pa, baka ‘yan na ‘yong makapagsasabi sa ‘kin kung ano o sino ‘yong lalaki sa panaginip ko. Hindi ko lang alam kung paano, pero… malakas ang pakiramdam ko.” Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo, e.” Habang nakatingin sa ibon ay tahimik kong pinaglaruan ang kuwintas na suot ko. Dinama ko ang init no’n na para bang nagsasabi sa ‘kin na magiging ayos lang ang lahat. Bago pa ako makapagsalita, napatayo si Sharlene habang nakatitig sa smartphone niya. “Hala!” “Oh, bakit?” “Nakalimutan ko na may date nga pala kami ng manliligaw ko ngayon!” bulalas niya bago dali-daling kinuha ang gamit niya. “Late na ‘ko sa usapan namin. Bye, Oryang! Usap tayo bukas!” Bago pa man ako makapagtanong kung sino ang kikitain niya ay nakalabas na ng bahay si Sharlene. Isasara ko sana ang pinto nang maramdaman ko ang mabigat na presensya sa likuran ko. Napahigpit ang kapit ko sa seradura ng pinto. Ayokong lumingon dahil hindi ko alam kung ano ang makikita ko. Kung— “Finally, we’re alone,” basag ng tinig ni Sir Raphael sa katahimikan ng silid. Napalingon ako sa kanya at napansin ko na nakasuot siya ng tuxedo. “Na-miss mo ba ako? Grabe ang titig mo, ah…” Umirap ako bago sinubukang lampasan ang malaking bulto niya. “Anong ginagawa mo dito, Sir? At saka, paano ka nakapasok? Isa pa, akala ko umuwi ka na.” “Sira ang lock ng backdoor mo. Inayos ko na, ‘wag kang mag-alala.” Bahagyang sumikdo ang puso ko nang ipulupot niya sa ‘kin ang malalaking braso niya. “Wala lang. Na-miss kita.” “Magkasama lang tayo kaninang umaga. Bigla ka ngang nawala, e.” May pilyong ngisi ang naglaro sa labi niya. “Nagtatampo ka, ‘no?” Hinalikan ako ni Sir Raphael sa sentido. “Sorry na. May urgent meeting sa hotel.” Tiningala ko siya. “Bakit hindi mo ako sinabihan? Secretary mo ako, Sir—” “Day off mo ngayon. Isa pa, pagod ka. Ayoko namang maka-istorbo.” Nagpakawala ako ng buntonghininga bago kumawala sa yakap niya. “Hindi puwedeng bigla ka na lang papasok sa bahay ko ng walang pasabi, Mr. Aguilar. Isa pa, hindi kita boyfriend. Ay—” “Yeah, yeah, I know. But that doesn't mean na susundin ko lahat ng sinasabi mo. I know you want me too, Aurora. Your body tells me so.” “Manyak!” asar na sabi ko sabay hampas sa braso niya nang bigla niyang pisilin ang dibdib ko. Napalitan ang malakas kong protesta ng impit na ungol nang paglaruan sa pagitan ng kanyang mga daliri ang ut*ng ko. “Sir Raphael…” “See?” nanunudyong bulong niya bago ako siniil ng halik sa labi. “I'm right.” Bago pa man lumalim ang kung anong namamagitan sa amin ay itinulak ko na siya. “Sorry…” Humugot ng malalim na hininga si Sir Raphael. Ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko. “It's alright if you're not feeling it. Pahinga ka na lang ngayong araw, asikasuhin kita.” At walang kaabog-abog, nagpunta si Sir Raphael sa kusina at nag-umpisang tumingin ng puwede niyang lutuin. Habang ako naman, naiwang nakatanga sa salas. Kahit na marami akong manliligaw, ito ang unang beses na may katulad niya na… medyo makulit. Noong binasted ko si Gideon, medyo dumistansya siya. Pero kay Sir Raphael? Kahit na anong tulak ko, siyang kabig niya naman. At hindi ko alam kung tama ba na kabahan ako o hayaan lang siya. Matagal na nagtalo ang puso at isipan ko kung susundan ko ba siya sa kusina o mananatili na lang sa sala. Mayamaya ay tumayo ako. Nang silipin ko siya, naghihiwa siya ng gulay habang may nakasalang naman na maliit na kaldero sa kalan. “I hope kumakain ka ng sopas,” sabi niya habang naghihiwa. “My mother always cooks this for me, so I kind of know how to make her recipe. Hindi ako kasinggaling magluto ng pinakamamahal mong manliligaw, though.” Natawa ako. Hinila ko ang isang bar stool at naupo ro’n habang tahimik siyang pinapanood. Kung paano niya tiniklop ang manggas ng mamahalin niyang tuxedo, o kung paano gumalaw ang kanyang mga kamay… “Simula pa no’ng bata ako, palagi akong naniniwala na kung may gusto ka, hindi mo ‘yon pwedeng sukuan. Regardless if you're going to win or lose. At the end of the day, ikaw pa rin naman ang bubuo ng panalo mo,” basag niya sa katahimikan. “So, I'm sorry for being persistent. Pero ikaw talaga ang gusto ko, Aurora. And nobody can change my mind.” “Dalawang linggo pa lang tayong personal na magkakilala, Sir,” paalala ko sa kanya. “You can't love someone in that short period of time.” Lumamlam ang mga mata nito. Pero hindi siya nagsalita. Para bang may inililihim siya sa ‘kin na ayaw niyang malaman ko. “Basta. Whatever happens, paulit-ulit mo man akong ayawan, hindi ako titigil.” Nangalumbaba ako sa kitchen counter. At pinagpatuloy ang tahimik na panonood ko sa kanya. Mayamaya ay muling nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Lumaki ako na palagi kong nakikita si Mama na binubugbog ni Papa. Kung hindi naman niya binubugbog ang nanay ko, niloloko niya. Kung sino-sinong babae ang inuuwi niya at harap-harapan niyang niloloko ang nanay ko,” kuwento ko habang tahimik na pinaglalaruan ang mga prutas sa basket na dinala niya kagabi. “Kaya simula no’n, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako magmamahal. Dahil ayaw ko na maging katulad ng nanay ko.” “Mukha bang sasaktan kita, Aurora?” tanong niya sa akin bago niya inilapag ang kutsilyo. “Mukha ba akong mambababae? Nakita mo ba ako na nakipaglandian sa ibang babae sa hotel?” “Pero paano kung gawin mo ‘yon?” diretsang sagot ko. “People change, Mr. Aguilar. Ayaw kong sumugal kung may tyansa na masaktan lang din ako sa huli.” “Hindi kita sasaktan,” sabi niya bago lumapit sa akin at pinaharap ako sa kanya. “At kung dumating man ang araw na ‘yon, hindi kita pipigilan na gantihan ako. So please, Aurora… open your heart for me…” Nakita ko na naman ang sarili ko na nagpapaubaya nang siilin niya ako ulit ng halik. Napahawak ako sa braso ni Sir Raphael habang siya naman ay parang walang pakialam sa mundo. At sa isang iglap, para bang… hindi ko na kailangang mag-alala kung masasaktan ba ako sakaling suklian ko ang nararamdaman niya. Na para bang kailan man, hindi niya ako magagawang saktan. “Antagal-tagal kitang hinanap,” muling bulong niya sa pagitan ng kanyang mga halik. “Antagal-tagal…” Nabasag ang halik namin nang may malakas na lagabog ang pumailanlang sa yero ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD