"Anong klaseng tingin 'yan babe?" nakangiti pang tanong nito. Mabilis kong iniiwas ang tingin dito. Lihim akong napatiim-bagang. Kung nananakit lang ako physically ng isang babae baka kanina ko pa ito sinakal at pinilit na ihatid ako sa mismong pamilya ko. Ngunit katulad ng mga nalaman ko, alam kong masama ang halang nito. Hindi nito gagawin ang lahat ng ito kung malinis ang puso nito. At iyon ang kailangan kong pag-ingatan. Hindi nito maaaring malaman na may alam na ako. At baka kung ano na naman ang gawin nito. Lalo na ngayon na wala pa akong maalala. Hindi ko alam kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito kung bakit nagawa niya ang mga bagay na ito. Naalala ko pa na car accident ang nangyari sa akin. At sa Pilipinas iyon naganap. Nakakapagtaka kung paano ako nito nadala rito

